CHAPTER 14

1698 Words
SHEENA "Sheena, nasaan ka na? Bilisan mo at bumaba ka!" sigaw ni Shion mula sa labas ng kuwarto. Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng masilaw sa araw na tumatama sa aking mukha. Ha? Bakit? Ano bang mayroon? Wala namang pasok ngayon e. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata at saka humikab dahil antok na antok pa talaga ako. Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Shion na nakakunot pa ang noo. "Kakagising mo lang?" tanong niya sa 'kin. Tumango lang ako sa kaniya. "Teka. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo?" tanong na naman ni Shion. Tumitig lang ako sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Napakamot si Shion sa kaniyang batok dahil sa ginawa ko. "Oh. Did I not inform you yesterday?" tanong niya ulit. Sumimangot lang ako sa kaniya at iniling ang aking ulo. "Kanina ka pa tanong ng tanong d'yan. Ano ba kasing mayroon? Nasaan ba sina mom and dad?" Bumaba ako mula sa higaan namin na double deck. Napaisip si Shion sa sinabi ko kaya hindi niya ko agad nasagot. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "So, you really don't know? Okay. Tumayo ka at ayusin mo ang sarili mo. May pupuntahan tayo kaya bilisan mong kumilos. Hihintayin na lang kita sa baba ng bahay." Naglakad na si Shion palabas ng kuwarto namin. Nataranta tuloy ako at nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Shion. Hmp! "Sandali! Bakit? Ano bang mayroon ngayon?!" Sumigaw pa ko kay Shion, pero tuluyan na yata siyang nakababa at hindi na nakasagot pa sa tanong ko. Nakasimangot ko na lang inayos ang higaan ko. Oo nga pala. Si Karylle. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay dinala siya ng security guard sa guard house para sana ipatawag ang magulang niya, pero bigla siyang nagwala at sumisigaw. Pagkatapos ay tumawa pa siya ng malakas kaya naisip ng guard na baka may problema na siya sa pag-iisip. Tinawagan na nga lang ng security guard ang magulang ni Karylle para ipaalam ang nangyari at napagpasiyahan ng mga magulang niya na i-comfine na lang siya sa isang mental hospital. S'yempre, nakakalungkot din para sa amin ang nangyari kay Karylle dahil naging kaibigan ko na rin naman siya. Hindi ko lang matanggap na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya naging gano'n. Nakaka-guilty lang para sa side ko. Ang tungkol naman sa ginawa ni Laila, talagang nabigla ako sa ginawa niya at maging ang mga kapatid namin. Talagang masama kasi ang timpla ng mukha niya sa tuwing nakikita ako, pero kahit gano'n ay nagawa niya pa rin akong iligtas. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kaniya at sa tingin ko ay may pag-asa pa talaga para maging magkaibigan dalawa. May pag-asa pa para maayos ang relasyon na mayroon kami. 'Yon nga lang, hindi ko alam kung paano. Kahit nga sina Lyro at Shion ay parang nabuhayan din ng pag-asa para sa aming dalawa ni Laila. Back to reality. Kasalukuyan na kong nagbibihis ngayon ng damit. White T-shirt at maikling short lang suot ko. Pagkatapos ay pinusod ko ang aking buhok ng isang tali lang at saka nagpulbo. Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na ko ng kuwarto namin ni Shion at bumaba na sa first floor. Naabutan kong nakaupo si Shion sa may sala habang may binabasa na hindi ko alam kung anong klaseng libro. Kailan niya pa nahiligan ang pagbabasa ng libro? Napailing na lang tuloy ako ng aking ulo. "Shion." tawag ko sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa pagbabasa ng libro at mapalingon sa direksiyon ko. Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Ako naman ay napakunot-noo dahil sa ginawa niya. "What kind of outfit is that? Magbihis ka. Like I said before, may pupuntahan tayo ngayon." Tinitigan ako ng masama ni Shion kaya napasimangot ako sa kaniya. "Ha? Teka, sandali. Saan ba tayo pupunta at kailangan ko pa yatang magbihis ng bongga ngayon?" Nagpamewang ako at nakataas ang kilay ko siyang tinitigan. Muli na naman niya kong tinitigan. Pagkatapos ay bigla siyang tumawa ng malakas. Isang tawa na ngayon ko lang nakita. Hala! Ano na bang nangyayari kay Shion? Ang nakataas kong kilay ay nawala dahil nagsalubong na naman ang dalawang kilay ko habang nakatingin kay Shion. "Bakit ka tumatawa, Shion? May nakakatawa ba? Sabihin mo kung kailangan na ba kitang dalhin sa hospital. Nasaan ba sina mom at dad? Mom, si Shion po!" Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para hanapin ang aming magulang, pero mukha yatang wala sila ngayon. Pumasok na siguro sila sa trabaho. "I'm okay, Sheena. Don't worry. I'm just like, I mean, please, don't you ever try to do that again with my face. I look like a gay, you know?" Tawa nang tawa si Shion habang nakaturo pa siya sa akin. Sa totoo lang, hindi ko siya mas'yadong naintindihan kung bakit siya tumatawa, pero may med'yo naintindihan ko rin ang gusto niyang iparating. Mukha talaga siyang bakla kapag iniimahe ko na si Shion ang nakapamewang at nakataas pa ng kilay. Pfft! Umakyat na lang ako ulit sa kuwarto namin at muling nagbihis. Nagsuot ako ng floral dress at saka nagsuot ng sandals para siguradong wala talagang angal si Shion. Tss. Pagkatapos ay bumaba na ko at pumunta sa sala kung nasaan nakaupo si Shion kanina pa. Kung paano ko siya nakita kanina ay nasa gano'ng sitwasyon ko rin siya nakita ngayon. Nagbabasa pa rin siya ng libro katulad ng libro na binabasa niya kanina. Naisip ko tuloy na pinabihis niya lang ako ulit para makapagbasa pa siya ng matagal. Hmp! "So, magbabasa ka na lang ba d'yan o aalis na tayo?" nakasimangot kong tanong sa kaniya nang makalapit ako. Tumingin siya sa direksiyon ko at saka tumayo at pinatong ang binabasang libro sa lamesa. "Let's go," nakangiti niyang sagot sa akin. Ginulo ni Shion ang buhok ko at pinisil ang aking dalawang pisngi. Waah! Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko at magpulbo e. Shion, bumalik ka na sa dati! Nakakatakot ka na! Napanguso na lang tuloy ako dahil sa ginawa niya at muling inayos ang aking buhok na ginulo niya kanina. Pagkatapos ay sumunod na ko sa kaniya palabas ng bahay. "Shion, saan ba kasi talaga tayo pupunta? At saka, nasaan ba talaga sina mom at dad?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pinagpatuloy ang aking pananalita. "You didn't answer all of my question!" asar kong sigaw kay Shion at tinitigan ko siya ng masama. "Basta nga. Don't worry. I know and I'm sure na magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan na 'tin." Tss. Sabi ko na nga ba e. Bumuntong hininga na lamang ako ng malalim dahil sa naging sagot sa akin ni Shion. "Talaga? Pero, pagkadating na 'tin doon kain muna tayo ha? Hindi pa kasi ako nag-aalmusal e." Ngumiti ako kay Shion habang naglalakad na kami patungo sa sakayan. "Yeah. That's one of my plan," sagot naman niya. Tumawag na kami ng taxi at nagpunta sa hindi ko alam na lugar kung saan nga ba. Tsk. Si Shion kasi e. May pabulong-bulong pa sa taxi driver. Tss. Malalaman ko rin naman kung saan pagkadating namin sa aming pupuntahan. Nauna na nga akong pumasok sa loob ng taxi na nakasimangot pa rin ang mukha ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na rin si Shion sa loob at umupo sa tabi ko. Pinaandar na ng driver ang taxi at nagsimula na kaming bumiyahe. Habang nasa biyahe ay natigilan ako bigla nang makitang nagbabasa pa rin si Shion. Hala! Dinala niya pala 'yong libro? Ang nakakagulat pa ay nasa bandang kalagitnaan na siya nagbabasa. "Hey, ano ba 'yang binabasa mo? Maganda ba? Kanina ka pa nagbabasa ah." Tinuro ko ang libro na binabasa niya. Naghintay ako ng ilang minuto para sa sagot niya, pero hindi man lang siya lumingon sa 'kin para sagutin ang tanong ko. Tsk. Maganda siguro binabasa niya kaya hindi siya maistorbo? Teka. Nanlaki ang mata ko nang may maisip na isang bagay. Hala! Baka 'yong binabasa niya ay 'yong alam n'yo na. 'Yong R18 ba 'yon na mga libro? Basta! Wala pa kasi akong eighteen kaya hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Ssaka isa pa, hindi rin naman ako nagbabasa ng gano'n no! Tsk. Kailan pa kaya nahiligan ni Shion ang magbasa ng gano'n? Pasimple akong sumilip sa pamagat ng libro na binabasa niya para malaman kung anong klaseng libro nga ba 'yon. Kasi naman nakaharang itong dalawa niyang kamay e. Tsk. Habang ginagawa ko 'yon ay hindi man lang niya ko napapansin. Tss. Busy talaga siya e. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang makita kong tumawa siya ng mahina at namumula pa ang dalawa niyang pisngi. Hala! Baka ito ang dahilan kung bakit may kakaiba kay Shion ngayon? Tama kaya ang hinala ko? Dahil hindi ko makita 'yong pamagat ng binabasa niyang libro, sumilip na lang akong sa mismong nilalaman, pero nakalimutan kong nasa taxi pala kami kaya naman agad akong nauntog pagkatayo na pagkatayo ko. Napanguso ako dahil sa nangyari. Bakit ba kasi tumayo pa ko? Doon lang natigilan sa pagbabasa si Shion dahil sa lakas ng pagkakauntog ko. "What the-! What do you think you're doing? Gusto mo bang saktan ang sarili mo?" inis na tanong ni Shion sa 'kin. Pagkatapos ay tiningnan niya kung nagkasugat ba o nagkabukol ang ulo ko. "Ano ba kasing binabasa mo? Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko." Nakasimangot pa rin ako habang nakatingin ako sa direksiyon ni Shion. Natigilan siya sa sinabi ko at magsasalita na sana siya nang biglang huminto ang taxi na sinasakyan namin. Binayaran na ni Shion ang taxi driver at nauna na siyang lumabas ng taxi. Pagkatapos ay inilalayan naman niya akong lumabas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, pero parang familiar sa akin ang lugar. Lumingon ako kay Shion para sana itanong sa kaniya kung nasaan kami ngayon ngunit naunahan niya na kong magsalita. "Do you remember this place? Well, by the way. Happy birthday to us." Lumingon sa akin si Shion at ngumiti siya sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya at sa aking naalala. Marahil dahil sa damdamin na umaapaw sa akin ngayon, hindi na ko nakapagsalita at niyakap ko na lang siya bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD