CHAPTER 13

1914 Words
SHEENA Magkahawak-kamay kami ni Shion na pumasok sa aming paaralan. Kami lang ang magkasabay pumasok ngayon dahil hindi na ulit pumunta si Karylle sa bahay namin. Med'yo nakakailang nga lang ng onti dahil pinagtitinginan din kami ng mga tao ngayon habang naglalakad kami. Ang weird ba sa dalawang magkamukha na magkahawak ang kamay habang naglalakad? Pero, kahit na nakakailang ang tinginan ng mga taong nakakasalubong namin sa amin ay mas nangingibabaw pa rin ang tuwang nararamdaman ko ngayon dahil nga ayos na kami ni Shion. Papasok na kami sa loob ng paaralan nang makasalubong namin sina Laila at Lyro. "Yow! Good morning," bati ni Lyro sa amin. Pagkatapos ay sumabay na sila sa amin na pumasok na sa loob ng paaralan. Habang naglalakad sa campus, mapapansin na agad sa pagitan namin ni Laila ang pagkailang sa isa't-isa. Halos lahat ng nasasalubong namin ay nagugulat at nagtataka dahil nga sa pagsasabay naming apat. Lalo na ang pagsasabay naming dalawa ni Laila. "Tsk. Why do I need to walk with this witch? Tsk. Naging pangit pa tuloy ang araw ko." Inirapan ako ni Laila at lumayo sa akin. Gano'n pa man, ngumiti ako sa kaniya kahit na parang naiinis na naman siya sa akin. "Good morning nga pala sa 'yo, Laila." Huminto si Laila sa paglalakad at nakataas ang kilay niya kong tinitigan. "What a bad morning, you say? Yeah. That's right. Bad morning nga dahil mukha mo agad ang bumungad sa akin hindi pa man ako nakakapasok ng paaralan." Ngumisi si Laila sa akin, pero ang sama pa rin ng titig niya. Kahit na ang sama talaga ng mood ni Laila ngayon ay hindi ko pa rin nakalimutan na ngumiti sa kaniya. "Hindi naman, Laila. Ah, Laila. Gusto mo mamaya-" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang umirap na naman sa akin si Laila at tila naiirita na talaga siya na makita ako. Pinaikot-ikot niya sa kaniyang daliri ang kaniyang buhok. "Tss. Mas'yado ka namang feeling close, bruha. Mas'yado kang feeling close sa akin. Hindi pa ba halata, ha? I hate you and I know that you feel the same way too. Duh?" naaasar pang pahayag ni Laila. Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng lungkot. "Hey, Laila. Sumusobra ka na." Tinitigan ng masama ni Lyro si Laila. Pagkatapos ay bumaling siya sa direksiyon ko. "I'm sorry, Sheena." Nahihiya pang tumingin sa akin si Lyro. "Okay lang, Lyro. Hindi 'yan totoo, Laila. Ang totoo nga niyan ay gusto ko talagang makipagkaibigan sa 'yo kaya sana, sana ay magkaayos na tayo." Ngumiti ako ulit sa direksiyon ni Laila. Kaya lang ay nanatili pa ring nakataas ang kilay niya sa direksiyon ko. "What? Naririnig mo ba ang sarili mo? O sadyang manhid ka lang talaga? Like, bakit ko naman nanaisin na maging kaibigan ka? Hindi mo pa ba nahahalata na ayaw ko nga sa 'yo? Tss. As far as I know, alam ko rin naman na ayaw mo rin talaga na maging kaibigan ako. Tss." Pagkatapos magsalita ni Laila ay pinagpatuloy na niya ang paglalakad. Gano'n din ang ginawa naming tatlo at sumunod sa kaniya. Mukhang mas asar na nga siya ngayon, pero natigilan ako sandali sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Kaya pati ang mga kasama ko ay napahinto rin. Hindi ko akalain na gano'n pala talaga ang iniisip ni Laila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Laila at saka iniling ang aking ulo. "No, Laila. I don't hate you. Maniwala ka sa 'kin. Ang totoo nga niyan ay gusto talaga kitang maging kaibigan kaya Lai-" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong itulak ni Laila. Napaupo ako sa sahig at gulat na napatingin kay Laila dahil sa kaniyang ginawa. Si Shion naman ay agad akong tinulungan para makatayo. Pagkatapos, lumapit si Lyro kay Laila at hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan itong saktan ulit ako. "Laila! What do you think you're doing?! Sumusobra ka na talaga. Gusto mo bang isumbong na kita kay mom and dad?" Galit na ang himig ng boses ni Lyro kay Laila. Tumayo ako habang nakaalalay si Shion sa akin. Pagkatapos ay muli akong tumingin kay Laila. "Hey, Laila. Hindi ako kumibo kanina kasi nand'yan naman ang kapatid mo pero sumusobra ka na." Nagbabanta na ang boses ni Shion ang nakatingin siya sa direksiyon ni Laila. "Tss. Siya naman ang may kasalanan e. Mas'yado siyang mapilit kaya 'yan tuloy. Tss. Siya pa ang kinakampihan ninyo." Sumimangot si Laila at inirapan kaming lahat. Lumapit si Shion kay Laila na amin namang ikinabahala ni Lyro. Hinila ni Shion ang braso ni Laila at matalim ang matang nagwika rito. "Matanda ka na at alam kong alam mo na rin kung ano ba ang nagawa mo. Sabihin mo nga. Ikaw ba ang taong dumukot at nanakit sa kambal ko?" Natigilan ako sa huling sinabi ni Shion. Gano'n din sina Laila at Lyro. "Ano? Hindi kayo makapagsalita, Lyro? So, totoo nga na kayo ang may pakana ng mga nangyayari kay Sheena ngayon?" dugtong niya pa. "Shion, makinig ka sa-" "Shut up, Sheena. I'm not talking you. Lyro, totoo ba? Kayo ba ang dumukot at nanakit sa kapatid ko?" muling tanong ni Shion dito. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Lyro dahil sa naging tanong ni Shion dito. "Teka lang, bro. Mukhang hindi na yata tayo nagkakaintindihan dito. Kaibigan ang turing ko sa 'yo at alam mo 'yon kaya kahit na ganito ang ugali ng kapatid ko sa kapatid mo, bakit ko naman tutulungan ang kapatid ko na alam kong maaari niyang ikapahamak?" sagot ni Lyro kay Shion. Napahawak si Shion sa kaniyang ulo, huminga ng malalim at tumingin ng masama sa dalawang magkapatid. "Kung gano'n, bakit nasa labas kayo ng classroom nang mawala si Sheena?" muling tanong ni Shion dito. "Ha? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo ang dahilan? Shion, huwag mong sabihin na hindi mo pinaniniwalaan 'yon? Oh, come on." Napalingon ako sa paligid at nabahala ako nang makitang dumadami na ang mga estudyanteng nakikiisyoso. Hindi pa ba oras ng klase? Maya-maya ay dumating na rin sina Karylle at Smith. "Shion-" "I said shut up!" Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang sigaw ni Shion. Nakakatakot ang tono ng boses niya ngayon. Samantala, pumagitan naman si Smith kay Shion at Exconde dahil ano mang oras ay p'wede silang magkasakitan. Sa mga titig pa lang nila ay parang pinapatay na nila ang isa't isa. "Tsk. Hey! Sheena, Bruha. Kasalanan mo 'to e. Kung hindi ka mas'yadong pabida, sana ay hindi mangyayari ang bagay na 'yon sa 'yo. Problema mo kasi ay napaka lampa mo rin." Binalingan ako ng tingin ni Laila. "Hey, dude. Ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ni Smith sa dalawang lalake na kasama namin. "Huwag kang mangialam dito, Neiz." Tinitigan ng masama ni Lyro si Smith. Huminga ako ng malalim at sumigaw. Hindi ko na yata alam ang nangyayari. "Tama na! Hintayin mo muna akong makatapos sa pagsasalita bago mo putulin ang sasabihin ko, Shion. Hindi si Laila at Lyro ang dumukot sa 'kin. 'Yon ay walang iba kung hindi si Karylle. Siya." Nanginginig pa ko sa takot ng tumingin ako sa direksiyon ni Karylle at tinuro siya. Natigilan si Karylle sa sinabi ko. Natatakot pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya ngayon, pero kailangan ko nang magsalita. "What?" hindi makapaniwalang tanong ni Shion habang magkasalubong na ang dalawang kilay niya dahil sa pagtataka. Kahit sina Exconde at Smith ay napalingon na rin sa direksyon ni Karylle. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Teka, Sheena. Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo? At saka, hindi ba? Sinabi mo na hindi mo nakilala ang taong dumukot sa 'yo?" naguguluhan at hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Shion sa akin. Tumango ako sa kaniya at saka malungkot na nagsalita. "Patawad, Shion. Hindi ko sinabi ang totoo kasi baka kung ano ang magawa mo sa kaniya. Alam ko na talaga kung sino at mas pinili ko na manahimik na lang." Hindi nagsalita si Shion. Tila iniintindi niya pa ang mga sinabi ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumingon siya sa direksiyon ni Karylle na kasalukuyang umiiling ngayon dahil sa sinabi ko. "Karylle, totoo ba ang sinabi ng kapatid ko?" "What? Shion, listen to me. I, I'm sorry. I just did it because I love you so much. I know you feel the same way too, right?" May mga luha nang lumalabas sa mga mata ni Karylle at nauutal na rin siya sa pananalita. Pakiramdam ko ay ibang Karylle ang nasa harapan ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi siya ang Karylle na nakilala ko nang una kaming nagkita. "Wait, Karylle. Are you out of your mind? I'm sorry, but I thought that you already know my real feelings towards you. Am I right? Isa pa, kung totoong mahal mo ko ay hindi mo sasaktan ang kapatid ko. Hindi mo sasaktan ang taong mahal ko." Tinitigan ni Shion si Karylle ng masama. Natigilan si Karylle sa sinabi ni Shion. Napaatras siya ng ilang hakbang habang nakatingin pa rin kay Shion. Pagkatapos ay lumingon siya sa paligid at nakitang napaka dami na pa lang tao na nanonood sa amin ngayon. "S-Shion, tama na. Hayaan mo na lang ang nangyari. Ayaw ko na ng gulo." Bumulong ako sa kambal ko subalit tila yata wala siyang narinig. Maya-maya ay biglang tumawa ng malakas si Karylle at muling lumapit kay Shion. Tila nag-iba bigla ang timpla ng mukha ni Karylle. "Well, Is that true? Nang wala si Sheena sa tabi mo, hindi ba ako ang kasama mo? You, You even kiss me on my lips." Sumigaw si Karylle. Ako naman ngayon ang natigilan sa sinabi niya at napatingin kay Shion. "No. I didn't kiss you, Karylle. What are you talking about?" Hindi ko na tuloy alam kung sino ang paniniwalaan ko kaya yumuko na lang ako habang hinahayaang tumulo ang luha sa aking pisngi. "What?! Then, you denied it now? You, jerk!" rinig kong sigaw pa ni Karylle. Napataas ako ng tingin ng bigla na lang may humablot ng buhok ko. Nalaman kong si Karylle pala 'yon. "Then, the one you love is this woman? Oh, come on. She's your twins! Your twins! At kung hindi mo lang naman ako magugustuhan, then I will kill this b***h instead!" Sa tingin ko ay wala na sa katinuan si Karylle ngayon. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nangyayari. Naghalo-halo na ang emosyon ko napapagod na rin ako. "Karylle, nasasaktan ako. Bitiwan mo na ko, please..." Hindi ko na napigilan mapaiyak dahil sa nangyayari. Maya-maya ay biglang dumating 'yong security guard. Sinubukan niya kaming lapitan ni Karylle, pero pinigilan lang siya nito. "Sige! Lumapit kayo at patay sa 'kin ang babaeng 'to!" sigaw niya. Nakita kong balak pa ring lumapit ni Shion kaya umiling ako sa kaniya para sabihin sundin na lang niya si Karylle. Maya-maya ay biglang napasigaw ang lahat ng tao sa hindi ko malaman na kadahilanan. Biglang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Karylle at bigla siyang bumagsak sa sahig. Ang mas ikinagulat ko ay ang taong nakatayo sa likod ni Karylle. Si Laila. "How?" "Tss. You are so weak so I just help you a little with my own strength. I study some martial arts. Sa susunod talaga hindi na kita tutulungan para matuluyan kana." Tumawa sa akin si Laila pagkatapos magsalita, pero muli niya kong inirapan. Kahit gano'n ang sinabi niya ay napangiti pa rin ako. Lumapit ako sa kaniya at walang sabi-sabi siyang niyakap. "Thank you." "Hey, you witch!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD