SHEENA
"Hindi mo ba talaga nakilala kung sino ang dumukot at may gawa sa 'yo nito?"
Hindi ko alam kung ilang ulit ng naitanong sa akin ni Shion ang tungkol dito habang ginagamit ang sugat na natamo ko kanina dahil sa dumukot sa akin.
"Hindi talaga e. Sa tuwing dudukutin niya kasi ako, lagi niya kong pinapatulog at nagigising na lang ako kapag wala na siya. Hindi ko tuloy alam kung may balak ba talaga siyang masama sa akin o tinatakot niya lang ako. Isa pa, ngayon niya lang din ako sinaktan ng ganito bago niya ko iniwan." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong magpaliwanag kay Shion.
Paminsan-minsan ay napapadaing na lang ako sa sakit sa tuwing nililinis ni Shion ang sugat sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit parang nagagambala ako sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Siguro kasi ngayon na lang ulit nagkalapit ng husto ang mga mukha namin ni Shion?
"Sandali, Shion. Bakit hindi ka rin pala pumasok ngayong hapon? Kaya ko namang mag-isa rito sa bahay e," naalala kong itanong sa kaniya.
"Okay lang. Wala naman mas'yadong ginagawa sa school ngayon. Saka nandito ako kasi gusto kong makasiguro na okay ka lang. Gusto kong alagaan at bantayan ka. Baka kasi kapag nagkahiwalay na naman tayo ay may masamang tao na naman ang dumukot sa 'yo. Ayaw kong mawala ka na naman sa tabi ko. Isa pa, hindi ba ay nangako ka? Nangako ka na hindi mo na ulit ako iiwan. Kaya naman dito lang ako sa tabi mo at hindi din kita iiwan, Sheena."
Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Shion. Niyakap ko siya ng mahigpit bilang pasasalamat.
"Thank you, Shion."
Pagkatapos ay agad din akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Parang mas lalo kasing bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nang matapos gamutin ni Shion ang mga sugat ko, tumayo na kami mula sa pagkakaupo sa aking kama. Nandito kasi kami ngayon sa aming kuwarto at nakahiga naman ako ngayon sa kama ko.
"D'yan ka lang muna. Maghahanda muna ako ng pagkain na 'tin," aniya.
Tumango ako bilang tugon. "Salamat, Shion." Isang ngiti ang binigay ko kay Shion.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Napabuntong hininga ako ng malalim pagkaalis ni Shion. Hindi ko talaga pinangarap na magsinungaling kay Shion ngayon.
Nagsinungaling ako kay Shion nang sabihin kong hindi ko nakilala kung sino ang gumawa sa akin nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ayaw ko kasing sabihin sa kaniya dahil kapag nalaman niya ay baka magalit pa siya sa taong 'yon at kung ano pa ang magawa ni Shion. Alam ko rin naman kasi ang dahilan kung bakit nagawa ng taong 'yon ang bagay na ito sa akin.
Lumipas ang ilang minuto, bumalik si Shion na bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain naming dalawa. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang tray sa study table namin.
"Here. Sheena, kumain ka para magkalaman naman ang tiyan mo. Kaninang umaga ka pa kasi hindi kumain, hindi ba?" Inabot niya sa akin ang aking pagkain.
Tumango lang ako sa kaniya. Kinuha ko 'yon at nagsimula ng kumain.
"Salamat, Shion."
Lugaw lang naman 'yon na may kasama na nilagang itlog. Ngumiti lang sa akin si Shion at saka kinuha ang isa pang mangkok para naman sa kaniya.
"Shion, hindi ka na ba galit sa akin ngayon?" tanong ko sa kaniya habang kumakain pa rin ng lugaw.
Pagkatapos ay hinati ko sa gitna 'yong itlog para madali itong makuha at makain.
Napahinto sa pagkain si Shion at tumingin siya sa aking direksiyon.
"Sino ang nagsabi sa 'yo na galit ako? Kailan pa ko nagalit sa 'yo?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Shion dahil sa sinabi ko.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Hindi na naman kailangan sabihin e. Halata naman sa mga kilos niya. Tss.
"Hindi ka nga ba galit? Kung magsalita at kumilos ka nga sa akin noon ay parang sinasabi mo na rin na ayaw mo sa akin, na ayaw mo na kong maging kapatid at kambal."
Nakasimangot pa rin ako habang nakatingin ako sa kaniya.
Nagulat ako nang titigan niya ko sa aking mata. Pagkatapos ay bigla niya kong pinitik sa noo.
Waah! Bad ka, Shion!
"Sheena, Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano pa man dahil ako, hindi ko kailan man iisipin 'yang mga pinagsasabi mo ngayon. Naiintindihan mo ba ko, Sheena? Saka isa pa, kahit kailan ay hindi ako nagalit o nagtampo sa 'yo. Kumilos lang ako ng gano'n, kasi-" Huminto sandali si Shion sa pananalita.
"Kasi 'yon lang ang alam kong tamang paraan para maging mabuti mong kambal kaya sa ngayon, Sheena. Pasensiya ka na kung naparamdam ko sa 'yo noon na hindi ka kawalan sa akin. Naparamdam ko na ayaw na kitang maging kapatid. Pasensiya na rin sa lahat ng kinilos ko. Pangako ko na hindi na mauulit pa ang bagay na 'yon," malungkot ang boses na paliwanag pa niya sa akin.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano dahil sa sinabi niya, pero buti naman at hindi talaga galit si Shion sa akin.
"So, Sheena. Pasensiya na rin sa mga nasabi ko noon, ha? Lalo na ang tungkol sa sinabi kong mahal kita bilang lalake."
Ako naman ang napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Shion, May sasabihin ako sa 'yo."
Sumeryoso bigla ang tono ng boses ko habang nakatingin ako sa direksiyon ni Shion.
"Ano 'yon?" tanong niya.
Tumahimik ako sandali at sa sandaling 'yon ay hindi ko na napigilang mapaluha na naman. Ang baba talaga ng luha ko.
"Bakit, Sheena? May nagawa o nasabi na naman ba kong hindi maganda sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Shion, P'wede ba? P'wede mo bang bawiin ang sinabi mo ngayon lang?" humihikbing tanong ko sa kaniya.
Pinigilan kong huwag humagulgol sa harap niya dahil ayaw kong maging emosyonal ngayon. Hindi siya kumibo. Sa halip ay tumingin lamang siya sa ibang direksiyon.
"Shion, Makinig ka."
Med'yo nag-crack na rin ang boses ko habang nagsasalita ngayon.
"Sheena, It's okay-"
Agad ko siyang pinahinto sa pagsasalita. "No, Shion. Please, listen to me first. I will say this once only."
Hindi siya sumagot at tumahimik na nga lang. Nakinig siya ng seryoso sa sasabihin ko.
"Shion, I already accepted you as my man."
"No, Sheena. I'm okay. You don't need to force-"
"No, Shion. I'm not forcing myself. I said that I will say that once only, so I will not repeat myself anymore but, Shion. Can I ask you? Can you accept me too as your girl? Not as your twin or as your siblings, but as your partner in life."
Sa wakas ay nagawa ko ring sabihin sa kaniya. Med'yo magaan na Ang loob ko dahil nasabi ko na ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, pero sa halip na sumagot ay niyakap niya lang ako.
Isang mahigpit na yakap.