Pagkabihis ni Maria at konting briefing ni Lilith ay agad na siyang sumabak sa kanyang trabaho bilang waitress sa may VIP room. Pagkatulak ni Maria sa pinto ng room ay agad niyang nakita doon ang kanilang boss, si Geoff. Saglit na napatigil si Geoff sa pagsasalita nito at nalaglag ang pangang tumingin kay Maria. Lahat nang naroon ay kay Maria nakatingin, at kitang-kita sa kanilang mga mata ang paghanga sa dalaga.
"Where has this angel come from Geoff?" Nakangising tanong ni Mr. Golfman kasososyo ni Geoff sa isa niyang negosyo.
Napakurap-kurap naman si Geoff at napatikhim sabay ngiti kay Mr. Golfman.
"She's mine Mr. Golfman, my secret woman!" Matatag nitong sagot.
Nadismaya naman ang mukha ni Mr. Golfman habang si Maria ay ilang na ilang sa mga taong naroon. Lalong-lalo na ang way ng kanilang pagtingin sa kanya alam niyang pagnanasa iyon. Kaya muli niyang naalala ang karanasan niya sa kamay ni Anghel. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili dahil bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay.
"Ten million Geoff, just one night to be with her!" Hirit naman ni Mr. Takoyashi isang japanese na partner din ni Geoff.
Napapalatak naman si Geoff sabay iling-iling kapagkuwan ay nanlisik ang kanyang mga mata.
"I hate to repeat what I've said, she's my secret woman. Back off or I will kick your ass?!" Mariing bigkas ni Geoff.
Nanahimik nga ang iba pang susubok sanang makuha si Maria kahit isang gabi lang. Kilala nila si Geoff kinakatatakutan katulad ng kanyang kapatid na siyang big boss nilang lahat.
"Now, your eyes will also be off to her. Once I capture any of you looking at her, I will dig your eyes out. Am I clear?" Dagdag pa ni Geoff.
Lahat ay tumango at humingi nang pasensya sa kay Geoff. Tanging buga lamang ng tobacco ni Geoff ang siyang sumagot sa mga kasamahan nito sa VIP room. Sinenyasan naman ni Geoff ang kanyang kanang kamay na palapitin si Maria sa kanya.
"Bigyan mo ng alak ang kopita ni boss,"utos naman ni Yuri kay Maria.
Panay naman ang kabog ng dibdib ni Maria at napapalunok siya na nagbababa ng kanyang tingin sa tuwing lumilingon sa kanya si Geoff. Halos hindi makahinga si Maria parang gusto na lamang niyang tumakbo at lumayo mula sa club na iyon.
"Ano pang hinihintay mo?" Untag naman ni Yuri kay Maria na natitigilan at tila natatakot ang mukha nito.
Muli pang napalunok si Maria bago ito lumapit kay Geoff. Yumuko siya upang kunin ang kopita ng binata na napatong sa may mesa nito.
"Pagkatapos mong lagyan ng alak ang baso ko bumalik ka sa opisina ko at mag-uusap tayo!" Sabi ni Geoff kay Maria.
"Po?!" Gulat na bulalas ni Maria.
"Hindi ka naman bingi hindi ba?" Tanong pa ni Geoff.
"S-Sige po boss," nautal na lamang na sumagot si Maria at mabilis na lumayo kay Geoff.
Sinenyasan naman ni Geoffrey si Yuri na lumapit sa kanya. Binilinan niya ang binata na samahan nito si Maria pabalik sa kanyang opisina. Agad namang kumilos si Yuri at inakay na niya si Maria pabalik sa loob ng opisina ng kanyang boss.
"Anong lalaruin natin ngayong gabi?" tanong ni Mr. Del Prado pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Past ako ngayon I have something to do," sagot ni Geoff at tumayo na ito.
Hindi naman na kumontra pa ang lahat dahil kilala nila si Geoff. Hinayaan na lamang nila itong umalis dahil alam nilang galit ito sa mga sandaling iyon. Kailangan nitong hayaan muna para magpalamig ang kanyang ulo at damdamin. Sinimulan na lamang nilang maglaro tutal ay iyon din naman ang ipinunta nilang lahat na mga mayayaman doon sa club.
Ganoon sila gabi-gabi sa club dahil hindi basta-bastang club iyon. Sa front floor nito ay bar, sayawan, tugtugan at kung ano-ano pang mga pag-aaliw mayroon. Sa second floor nito ay ang entertainer room mga may ka-date at naghahanap ng aliw sa kama. Sa Third floor naman ay ang VIP room style casino at tanging mga bigating tao ang puwede doon. Nag-o- operate ang club ng legal, may permit at nagbabayad ng buwis buwan-buwan. Ngunit hindi sila basta-bastang tumatanggap ng mga babaeng magta-trabaho doon. Lahat ng mga naroong mga babae malilinis may buwanan silang libreng check up. Ang matuklasan na may sakit kick out agad pero may matatanggap namang compensation. Kaya walang lugi doon malaki pa ang parte at sahod mo kung mabenta ka lalo na kung masunurin at masipag ka.
"Ano raw ang gagawin ko dito? At ano ba ang pag-uusapan namin ni... boss?" Hindi natiis ni María na hindi magtanong kay Yuri.
"Hindi ko alam basta hintayin mo na lang si boss!" Tugon ni Yuri at iniwan na niya si Maria.
Napasimangot naman si Maria at inis na bumulong sa kanyang sarili. Unang gabi niyang magtrabaho pero pakiramdam niya ay isang taon na dahil sa nararamdaman niyang tensyon. Waitress nga siya doon subalit para na rin siyang isa sa mga pokp*k na naroon. Bigla tuloy nandiri si Maria sa kanyang sarili subalit kailangan niyang magtrabaho at hindi siya magiging choosy. Kailangan niyang tibayan ang kanyang sikmura need niyang magpakatatag at higit sa lahat dapat maging matapang siya.
Napaigtad pa si Maria nang biglang bumukas ang pinto. Pagtingin niya ay si Geoffrey ang pumasok at hawak pa rin nito ang kanyang kopita. Medyo napaatras naman si Maria at agad na nagbaba nang kanyang tingin.
"Alam mo bang kamuntikan ng magkagulo kanina dahil sa taglay mong kakaibang karisma?" tanong agad ni Geoff kay Maria habang mataman niya itong tinitigan.
"Sorry po boss hindi ko po alam!" Mabilis na hinging paumanhin ni Maria na hindi pa rin tumitingin kay Geoff.
Napangisi naman si Geoffrey sabay patong sa mesa ang hawak niyang kopita. Marahan itong lumapit kay Maria na panay naman ang atras.
"Someone want you for ten million, the others offer for five million each. What do you think?" Sabi pa ni Geoff.
Sukat doon ay nanginig ang buong katawan ni Maria at nag- angat siya nang kanyang mukha.
"Magre- resign na lamang po ako kaysa mabili ng kung sino." Matigas na sagot ni Maria pero nangingilid na ang kanyang luha.
Mas lalo tuloy bumalik ang nakaraan niya sa kamay ni Anghel. Narinig ni Maria na tumawa si Geoff saka ito napapalatak.
"Do you know that once you step on my world there's no turning back?" Wika ni Geoff.
Nangatal naman si Maria sabay iling una gusto niyang magalit subalit naisip niya dehado siya kapag ginawa niya iyon.
"Mary...you can serve only one person if you like." Anas ni Geoff.
Agad na napatitig si Maria sa guwapong mukha ni Geoff. Nasayang ang dalaga sa kaguwapuhang taglay ni Geoff dahil mukhang wala itong ipinagkaiba kay Anghel.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nautal na tanong ni Maria.
"You can only serve me, private and publicly understand?" tahasang tugon ni Geoff sabaya haplos sa pisngi ni Maria na agad umiwas.
Naiwan sa ere ang kamay ni Geoff katunayan si Maria pa lamang ang umiwas sa kanyang haplos. All girls are dying for his touch and charm bakit kay Maria ay tila hindi effective?
"Utang na loob huwag mo akong hawakan, gusto kong magtrabaho pero sa malinis na paraan." Sabi ni Maria.
Napaawang naman ang labi ni Geoff kapagkuwan ay natawa ito.
"Are you trying to play hard to get?" Tanong nito.
"Hindi. Actually ayoko sa ganitong trabaho pero kailangan kaya nga waitress ang pinili ko hindi entertainer. Kailanman hindi ko pinangarap na magtrabaho sa ganitong lugar pero mapagbiro ang tadhana!" Hindi alam ni Maria kung saan niya nakuha ang kanyang tapang at lakas upang sabihin lahat kay Geoff ang kanyang mga nasabi.
Napakurap-kurap naman si Geoff pero tinangka pa rin niyang lapitan si Maria. Hinaplos niyang muli ang pisngi ni Maria subalit mabilis na umatras ang dalaga. Kita ni Geoff ang takot at pagkamuhi sa mga mata ng dalaga. Kung kaya't napaisip ito kung anong buhay mayroon si Maria bago ito napunta sa kanyang club.
"Nagmamakaawa ako pakawalan mo na ako ngayon at pangako hinding-hindi na ako pupunta dito." Garalgal na ang boses ni Maria.
Napatalikod naman si Geoff pinaka-ayaw niyang tingnan ay ang babaeng umiiyak. May parte sa kanyang pagkatao ang lumalambot bagay na ayaw niyang makita ng kahit na sino.
"Hindi kita pagsasamantalahan Mary! I'm not like that, hindi kita pipilitin pero gaya ng sabi ko hindi ka na makakaatras pa. Serve me every night sa VIP room at dito sa aking opisina. At higit sa lahat, live in my house starting tonight!" Saad ni Geoff habang nakatalikod siya kay Maria sabay inom sa kanyang alak.
"Ano?! Bakit ako titira sa bahay mo boss?" Shocked si Maria.
Matatanggap niya ang unang offer ni Geoff sa kanya pero ang tumira sa bahay nito no way!
"Because hindi ka waitress lang Mary. Starting today you are my personal assistant, waitress at maid. I will triple your salary hindi dahil attracted ako sa ganda mo ito ay dahil para na rin sa kaligtasan mo." Paliwanag ni Geoff.
"Pero bakit? Para ano?" Naguguluhang tanong ni Maria.
Muling humarap si Geoff kay Maria.
"Dahil delikado na ang buhay mo mula ngayon. Alam kong sa labas hahanapin ka ng mga may gusto sa'yo kanina doon sa VIP room. And worst baka ipa-kidnap ka pa nila just to taste your beauty and fullfill they passion or obsession with desire to you." Anito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Maria nakadama ito nang takot at pangamba. Kung maaari ayaw na niyang mangyari ang kanyang nakaraan. Baka hindi na siya makatakas at mamatay na siya sa susunod. Subalit magtitiwala ba siya sa kanyang bagong Amo?
"I will give you two hours to think about my offer," sabi pa ni Geoff.
"Ano?! Dalawang oras lang?" Reklamo ni Maria.
"Ayokong naghihintay ng matagal. Babalikan kita mamaya dito ka lang," sagot naman ni Geoff sabay kuha sa kanyang kopita at iniwan na niya si Maria.
Naiwan naman si Maria na naiinis at naaasar sa napaka- demanding at arogante niyang boss. Napaisip tuloy si Maria kung bakit mas pinili ni Geoff ang magpatakbo ng ganoong trabaho gayong mukha naman itong mayaman? Bakit hindi na lang negosyo na maganda at legal? Sayang lang ang guwapo nito dahil ganoon ang pinili nitong maging negosyo. Napaisip din si Maria kung ano ang hitsura ni Anghel na lumapastangan sa kanya? Guwapo din kaya ito katulad ni Geoff? Kapagkuwan ay ipinilig- pilig ni Maria ang kanyang ulo dahil sa mga naiisip niyang walang kwenta. Ang iisipin niya ngayon ay kung anong pasya niya tungkol sa offer ng pala-utos niyang amo. At mukha ding maliit lang ang pasensya nito dalawang oras lang ang ibinigay nitong palugit sa kanya. Napadabog tuloy si Maria inis na inis talaga siya sa demanding niyang boss.