C-18: Maria's New Job

1613 Words
Hindi pa rin makapaniwala si Maria na napapayag siya ni Geoff sa alok nito sa kanya. Unang gabi at unang araw niya sa Mansyon ng binata at masasabi naman niyang okay siya doon. Katunayan nga ay biglang nag-iba ang pakikitungo ni Geoff kay Maria bagay na ipinagtataka ng dalaga. Ngunit kailangan pa rin niya ng ibayong pag-iingat lalo na at bagong kilala pa lang niya ang lalaki. Napag-isip- isip ni Maria na walang masama kung magtatrabaho siya kagaya ng alok sa kanya ni Geoff. Para sa kanya mas matiwasay na iyong trabaho kahit pa may pagka-delikado kaysa bumalik siya sa mga panahong laging kinakabahan at hindi makatulog ng maayos. Dahil sa pag-aakalang ano mang oras ay may dudukot sa kanya at ibalik siya kay Anghel. Kailangan niya ng makakapitang matibay para sa muli nilang pagkikita ni Anghel ay kampante na niyang harapin ito. Kailangan niyang matutong makipag-gamitan para makamit niya ang paghihihanting kanyang hinahangad. "Did you sleep well?" tanong ni Geoff kay Maria habang sinusuotan ng dalaga ng coat ang binata. Tumango lang si Maria sabay ngiti. "Parang hindi ka masaya. You should be happy dahil ikaw lang ang personal Assistant kong itinira ko dito sa aking bahay!" Sabi pa ni Geoff. "Salamat sa pagtitiwala kahit hindi mo pa ako lubusang kilala." Kiming sagot ni Maria sabay ayos sa kurbata ni Geoff. Hinapit naman ni Geoff sa beywang si Maria palapit nang husto sa kanyang katawan. Hinaplos niya ang pisngi ni Maria sabay amoy sa leeg nito habang pigil hininga naman ang dalaga at naasiwa. Subalit wala siyang lakas na itulak si Geoffrey at kumawala sa mga bisig nito. "I trust no one but myself, Mary. But I consider your irresistible perfect beauty that occupied my whole system!" Anas ni Geoff sa punong tainga ng dalaga. Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ni Maria sa init ng hininga ng binata. Kaya marahan niya itong itinulak at inalis ang kamay ni Geoff sa kanyang beywang. "P- Personal Assistant mo lang ako hindi babae mo," utal na wika ni Maria. Napangisi naman si Geoff saka nito tinitigan si Maria nang nang-aarok. "Puwede kitang gawing babae ko, magbubuhay reyna ka Mary. What's mine is yours also just say yes to being my woman in...bed!" Anito. Napalunok naman si Maria at nagulat pero matino pa rin ang kanyang isipan. Hindi nasisilaw sa mga matatamis na sinasabi ni Geoff sa kanya. Dahil kapag pumayag siya sa alok nito ay wala na din siyang katulad sa mga pokp*k na mga babae. "Gusto kong magtrabaho sa malinis na paraan walang sino mang mag-mamay-ari sa akin." Matatag na sagot ni Maria. Natawa naman si Geoff. "I like you more Mary dahil sa mga ipinapakita at sinasabi mo. Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng nakita kong ganyan? Isang haplos ko lang bubukaka na silang lahat, but you? You're different that's why mas natsa-challenge ako sa'yo!" Sabi nito. Matapang na sinalubong ni Maria ang tingin ni Geoff sa kanya ni hindi siya kumurap. "Kaya nga iba ako ikaw na ang nagsabi. Pagkatapos ng mapait kong karanasan sa kamay ng mga taong gumamit sa akin, ipinangako kong walang sino mang puwedeng mag-mamay-ari sa akin lalo na sa aking katawan." Aniya. Hindi nakapagsalita agad si Geoff at titig na titig sa mukha ni Maria. "Aaminin ko hindi na ako birhen dahil sa kagagawan ng isang tao. Kaya ito ang dahilan kung bakit malayo ang loob ko sa isang lalaki! Kung wala ka ng iuutos sa akin maliligo na din ako." Hindi napigilan ni Maria na huwag umamin sa totoong nangyari sa kanya baka sakaling ma-turn off ang binata. Saka lang nakahinga si Maria nang marating niya ang sarili niyang kwarto. Agad niyang ni-lock iyon at napasandal siya sa pader hanggang sa unti-unti siyang pamausdos pababa sa sahig. Hindi maintindihan ni Maria kung bakit simula noong nag-dalaga siya ay pinagnanasaan na siya ng mga lalaki. Ganoon ba siya kaganda? Ganoon ba kalakas ang taglay niyang karisma? Parang gusto na lamang ni Maria na maging pangit iyong kasumpa-sumpang mukha para naman maging tahimik na ang kanyang buhay. "Si Geoff po?" tanong ni Maria kay Aling Precy ang mayordoma sa Mansyon ng binata. Napagkasunduan nina Geoff at Maria na magtawagan na lang sila sa kanilang mga pangalan. Paglabas kasi ni Maria mula sa kwarto nito ay hindi niya makita ang binata kahit maglibot- libot pa siya. Agad namang ngumiti si Aling Precy nang lumingon ito kay Maria. "Umalis na hindi naman pumipirmi ang batang iyon katulad din ng kapatid niya."sagot ng Ginang na kasalukuyang naghahanda ng almusal. "M- May kapatid po siya?" Nautal na tanong ni Maria at bigla siyang na-curios. "Meron. Apat silang magkakapatid, tatlo ang lalaki isang babae." Tugon ni Aling Precy. "Nasaan po sila ngayon?" muling tanong ni Maria. Biglang lumungkot ang mukha ng Ginang at tumingin kay Maria. "Nakakalungkot ang nangyari sa kanilang magkakapatid. Mahabang kwento pero ang panganay nasa malayo may negosyo din ito kasama ang kapatid na babae. Iyong pangalawa nasa abroad may asawa na at may sariling negosyo din doon." Kwento ni Aling Precy. Tumango-tango naman si Maria napaka-interesting pala ang buhay ng tigasing guwapo na si Geoff. "Eh...ang kanilang mga magulang po?" tanong na naman ni Maria. Bumuntonghininga naman si Aling Precy saka umiling-iling. "Patay na sila matagal na mga bata pa sila nang mawalan sila ng nga magulang. Iyong panganay tumira sa lugar ng mga hinihinalang pumatay sa kanilang mga magulang. Maghihiganti daw siya pero hanggang ngayon wala pang nangyayari pati nga 'yong kapatid nilang babae nakisali. Pero balita ko magkaiba sila ng status sa buhay doon sa lugar na iyon!" Paliwanag ng Ginang. Napakunot-noo naman si Maria. "Papaano pong magkaiba?" tanong niya. "Magkaiba din sila ng bayan na kinaroroonan. Iyong panganay parang ganoon din kay Geoff boss siya doon samantalang iyong babae namuhay na simple kasama ang mga foster parents nito." Saad ni Aling Precy. Hindi man masyadong maintindihan ni Maria ang lahat pero nakadama siya ng awa para sa magkakapatid. Naisip ni Maria na hindi literal na masama si Geoff ginawa lang siya ng mga pangyayari upang maging matatag ang binata. Parang siya lang din isang dalagang kuntento na sa lahat masaya sa kanyang buhay subalit binayo siya ng mga pangyayari. "Sorry po kung matanong ako tungkol kay Geoff. Ano po bang pangalan ng mga kapatid niya?" sagot ni Maria kinalaunan. "Iyong panganay ay Gabriel, tapos ang sumunod si Gideon, Geoffrey at Gabriella." Masiglang turan ng Ginang. Ngumiti din naman si Maria na napatango-tango. "Ang gagandang mga pangalan! Salamat po sa inyong pagsagot sa aking mga katanungan." Magalang na wika ni Maria. "Walang ano man! Alaga ko silang lahat saka hindi naman ipinagbabawal ni Geoff na mag-kwento ako basta kasama niya. Hala, kumain ka na muna at may gagawin pa ako. Sabi nga pala niya feel at home daw," wika ni Aling Precy na nakangiti kay Maria. "Salamat po ulit. Kayo po pala kumain na po kayo?" Tugon naman ni Maria sabay upo sa hapag-kainan. "Naku, tapos na ako Mary. Sige na kumain ka na diyan bahala ka na kung anong gusto mong kainin." Masayang kausap si Aling Precy at mukhang mabait saka maalalahanin. Bigla tuloy naalala ni Maria ang kanyang mga magulang. Na-miss tuloy ang mga ito at hindi niya alam kung patay na nga sila o buhay pa ba. "Sige po thank you na naman po. Ako na po ang bahala sa sarili ko," tuwang-tuwa namang sagot ni Maria. Tinapik naman ni Aling Precy ang balikat ni Maria saka niya ito tuluyang iniwan sa dining room. Humugot muna si Maria nang malalim na hininga saka siya timing sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Limang klaseng ulam ang naroon at hindi maiwasang isipin ni Maria kung kumain na ba si Geoff bago ito umalis. Tutal ay sanay naman na si Maria na kumain mag-isa kaya naglagay na sign siya ng kanin sa kanyang plato. Mas pinili niyang ulamin ang dilis na may kamatis saka pritong tinapang bangus. Napansin ni Maria na kahit sa pagkain ay mukhang hindi maselang tao si Geoff. Tanging ang pritong karne ng baka at tinolang manok ang hindi ginalaw ng dalaga. Hindi naman kasi mahilig si Maria ng karne dahil vegetarian siyang tao. Pagkatapos kumain ni Maria ay bigla namang pumasok ang iba pang mga tao sa Mansyon. Nagulat pa si Maria nang batiin siya ng mga ito saka dumiretso sa may dining room. Nagtataka nan man si Maria ay nagpatuloy na ito sa kanyang paglabas para makasagap siya nang sariwang hangin. "Ganito dito sa Mansyon Mary kaya huwag ka sanang magtaka. Ang gutom magpunta lang sa hapag-kainan basta tirhan nila ang iba pa." Mula sa left side ni Maria ay lumitaw si Aling Precy. Agad namang ngumiti si Maria at napatango-tango. Kaya mas nahihiwagaan siya sa tunay na katauhan ni Geoff. "Ganoon po ba? Mabait po talaga si Geoffrey kung ganoon Aling Precy!" Tugon ni Maria. "Mabait sa mabait pero kung tuso ka mas tuso din siya." Natatawang turan ng Ginang. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Maria pero ibinalik niya ang kanyang ngiti nang titigan siya ni Aling Precy. "Kaya sana ikaw na ang babaeng tuluyang makakapagpabago sa kanya." Seryoso na ang Ginang. "Ho?! Eh...Aling Precy!" Gulat at bantulot na sagot ni Maria. "Sige na mamasyal ka lang sa paligid may mga gagawin pa ako." Sabi ni Aling Precy at iniwan na naman niya si Maria. Napabuga na lamang si Maria dahil hindi niya nasabi kay Aling Precy na isa lamang siyang personal Assistant ng kanilang Amo. Kaya malabo ang sinabi ng Ginang na sana ay si Maria na ang babaeng makapagpapabago kay Geoffrey. Nakadama naman si Maria ng pagka-guilt kung kaya't nangako siyang sasabihin niya kay Aling Precy ang katotohanan para hindi ito umasa sa wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD