Hatinggabi na nang marinig ni Maria na dumating sina Geoff at mga kasamahan nito. At dahil trabaho niyang pagsilbihan si Geoff ay bumangon na siya at babain na ang binata. Hindi bale at nakatulog naman siya kahit papaano kanina dahil maaga siyang humiga.
"Ipaghahain na ba kita?" agad na tanong ni Maria kay Geoff nang makita nito ang binata na nakasandal sa sofa at nakapikit.
"Can you massage my forehead?" Bagkus ay sagot ni Geoff na hindi nagmulat.
Napalunok si Maria at marahan itong lumapit kay Geoff saka umupo sa tabi nito.
"You can grab that ointment on your back," sabi pa ni Geoff.
Lumingon naman si Maria sa kanyang likuran at nakita nga niya ang ointment na sinasabi ng binata. Nakalagay ito sa ibabaw ng maliit na mesa katabi ang indoor plants. Binuksan iyon ni Maria at sinimulan na niyang hilutin ang noo at sentido ni Geoff.
"How's your day?" tanong ni Geoff habang hinihilot ito ni Maria.
"Okay naman ikaw?" simpleng sagot ni Maria.
"Very good na nang marinig ko ang boses at nang makita ko ang mukha mo." Malambing na tugon ni Geoff sabay haplos sa kamay ni Maria na nasa kanyang noo.
Nanayo naman ang mga balahibo ni Maria at mabilis niyang inalis ang kanyang mga kamay. Alam niyang namula siya hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa nararamdaman niyang awkward sa oras na iyon.
Noon lang nagmulat si Geoff tinitigan niya si Maria sa pamamagitan ng mapupungay niyang mga mata.
"Why Maria are you afraid to me?" Tanong ni Geoff kay Maria in a husky voice.
Agad na umiling si Maria. "Hindi ako kumportableng hinahawakan ng isang lalaki."
Geoff chuckled sabay senyas kay Maria na muli itong umupo sa tabi niya. Bantulot na kumilos si Maria at dahan-dahang siyang umupo malapit kay Geoff.
"Don't be afraid Maria I just can't help myself touching you. It can soothe my emotions," wika ni Geoff sabay kagat sa labi nito.
Agad na nag-iwas si Maria. " Personal maid mo ako ipinapalala ko lang hindi lover!"
Nagseryoso naman na si Geoff. " You're so too elusive Maria but I will remove that one day. Maybe not today but...one day trust me."
Napakurap-kurap naman si Maria at tumayo na siya.
"Ipaghahain na kita kung hindi ka pa kumakain." Aniya na lamang.
"Maria,"mabilis na tawag ni Geoff.
Huminto naman si Maria pero hindi siya lumingon kay Geoff.
"Trabaho na 'yan ni Yaya you can prepare my clothes. I want to take a bath afterwards," sabi ng binata.
Nakahinga naman nang maluwag si Maria at tumango ito saka mabilis na tinungo ang hagdan. Nagpapasalamat si Maria at pinapahintulutan siya ni Geoff na pumasok sa kwarto nito. Sabagay ay may cctv naman sa loob saka medyo dim light ang gamit nito lalo na kapag matutulog na. Tanging walk in closet lamang ni Geoff ang namumukod tanging hindi naka- lock kabilang na ang bathroom. Lahat ay naka- lock na at hindi iyon basta-bastang lock dahil finger print ni Geoff ang siyang nakapag-bubukas sa mga naroon. Isa lang ang hindi puwedeng pasukin ni Maria ang ipinagbabawal na silid na naroon sa pinaka- dulong pasilyo na silid.
"Are you done?" Biglang nagsalita si Geoff sa likuran ni Maria.
Napaigtad pa ang dalaga dahil nagulat ito sa biglang pagpasok ni Geoff sa loob ng silid. Binuksan ni Maria ang chandelier para mas maliwanag sa loob ng silid ng binata.
"Oo! Puwede ka ng mag- shower. Kung may kailangan ka pa sa akin tawagin mo lang ako," kalmadong sagot ni Maria kahit pa ang lakas naman ng kabog sa kanyang dibdib.
Ewan ba niya at parang ayaw na ayaw niyang manatili sa loob ng isang silid kasama ang isang lalaki. May bumabalik kasing eksena na kahit isang segundo lang ay ayaw na niyang maalala pa.
"Bakit ba iwas na iwas ka sa tuwing nilalapitan kita lalo na dito sa aking kwarto?" Tanong ni Geoff kay Maria sabay hila dito.
"Hindi kasi ako sanay. Sinabi ko naman sa'yo may karanasan akong hindi maganda sa isang lalaki." Sagot naman ni Maria habang pinipilit niyang makawala kay Geoff.
"Ibahin mo ako Maria I will treat you like a Queen honey!" Giit naman ni Geoff.
Mas lalong tila nanrimarim ang narararamdaman ni Maria at buong lakas niyang itinulak si Geoff.
"Personal Maid mo ako hindi lover uulit- ulitin ko sa'yo." Turan ni Maria.
Napabuntong-hininga naman si Geoff dahan-dahan niyang pinakawalan ang dalaga.
"Kung hindi personal maid ang turing mo sa akin pakawalan mo na lang ako." Sabi pa ni Maria.
Napangisi naman si Geoff sabay hawak sa baba ng dalaga.
"No one can escape from me, Maria. Lahat ng nasa akin, akin lang." Anas nito.
Napalunok si Maria nang sunod-sunod dahil tila hindi na talaga siya makakawala pa sa sumpa ng kanyang magandang mukha.
"You can go now and sleep well," anas pang muli ni Geoff sabay halik sa noo ni Maria.
Nahigit naman ni Maria ang kanyang hininga at mariing napapikit. Pagkamulat niya ay wala na sa kanyang harapan si Geoff kung kaya't patakbo na siyang lumabas. Saka pa lamang nakahinga nang maluwag si Maria nang nasa loob na siya ng kanyang kwarto. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib habang pabagsak ba nahiga sa kama. Napatitig siya sa kisame naiisip niya kung ano ang kanyang magiging kapalaran sa mga kamay ni Geoff.
Kinabukasan.
Maaga pa ding gumising si Maria tawag iyon ng kanyang katungkulan bilang personal maid ni Geoff. Pagkababa ni Maria ay nasa hapag-kainan na si Geoff. Naisip si Maria kung ilang oras lang ang naging tulog ng binata gayong midnight na ito nakauwi kagabi. Binati naman agad ni Maria si Aling Precy na masayang bumati din sa kanya. Binati din naman ni Maria si Geoff na nakamasid lang sa kanila ni Aling Precy.
"Mukhang nagkapalagayang loob kayo agad Yaya," puna ni Geoff sa dalawa.
Natawa naman si Aling Precy." Mabait kasi siya at magalang kaya agad niyang nakuha ang kiliti ko."
Tumaas naman ang isang kilay ni Geoff saka ito tumingin kay Maria.
"Ganoon? Kung naging babae siguro ako malamang magka-dikit na din kami." Turan ni Geoff sa makahulugang tingin kay Maria.
Napatikhim naman si Maria sabay sandok ng pagkain niya na kunwari ay hindi siya apektado sa parinig ni Geoff.
"Ikaw naman anak, iba pa rin kasi ang vibes ng mga babae kaya ganoon. Siyempre lalaki ka malamang maiilang pa rin si Maria sa'yo," paliwanag naman ni Aling Precy.
Natawa naman si Geoff. "Okay, I got it Yaya thanks!"
Ngumiti naman si Aling Precy saka nito tiningnan si Maria na nakangiti din sa Ginang.
"Maghanda ka at may lakad tayo kailangan kita ngayon." Pag- iiba naman ni Geoff sa kanilang usapan.
"Sige," mahinang sagot ni Maria at nag- pokus na ito sa kanyang pagkain.
Lihim namang nagpapasalamat si Maria at naging tahimik naman ang almusal nilang dalawa ni Geoff. Pagkatapos nilang kumain at sumunod naman ang mga tauhan ng binata maging si Aling Precy. Iyon ang lihim na pinupuri ni Maria kay Geoff kahit mukhang dangerous person ito ay maayos ang trato nito sa kanyang mga tauhan.