C-12: Two Dragons?

1884 Words
Hindi alam ni Maria kung ano ang mararamdaman niya ngayong pupuntahan na siya ni Heidi. Pero naroon pa rin ang kagustuhan niyang ipalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan. Hindi siya mapalagay at mas lalong hindi siya makatulog. Last na update ni Heidi sa kanya ay nakasakay na ito ng bus papuntang Manila. At kailangan niya itong sunduin sa may terminal ng bus para sabay na silang bumalik ng kanyang apartment. Samut-sari ang nasa isipan ni Maria sa pagdating ni Heidi sa Manila upang damayan siya. Napabalikwas nang bangon si Maria nang tumunog ang kanyang selpon. Pagsipat niya sa orasan ay alas singko na nang umaga at si Heidi ang tumatawag. "Nandito na ako sa terminal nasaan ka? Bilisan mo pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin," halos pabulong na sabi ni Heidi. Naalarma naman si Maria at tuluyan na itong bumangon saka nagsuot ng hood jacket. "Diyan ka lang hintayin mo ako. Huwag kang papahalatang alam mo ng may nagmamatyag sa'yo. Nakasuot ako ng green na hoodie jacket tatawagan na lamang kita." Sagot ni Maria saka nito pinatay ang tawag ni Heidi. Kumakabog man ang kanyang dibdib ay tiinibayan niya ang kanyang loob na lumabas ng apartment. Pagkalabas niya ay may nakita siyang tricycle na nakaparada at nilapitan niya ang driver. "Manong diyan lang po sa terminal may susunduin lang ako." Wika ni Maria sa Mamang driver. Tumango naman ang Mama at inandar na nito ang tricycle. Katunayan nga ay puwede namang lakarin ni Maria hanggang sa may terminal. Kaya lang ay nagmamadali siya at hindi puwedeng babagal-bagal siya sa mga oras na iyon. Pinakiusapan din ni Maria ang driver ng tricycle na hintayin na sila ni Heidi. Agad na tinawagan ni Maria si Heidi nang makababa siya mula sa tricycle. "Saang banda ka? Anong sinakyan mong bus?" Paanas na sabi ni Maria. "Nandito ako sa galing San Sebastian na bus," paanas din ang boses ni Heidi. Tiningnan lahat ni Maria ang mga bus na kadarating pa lamang. Agad niyang nakita ang bus na galing sa San Sebastian at umaayos na ito sa parkingan. Kung kaya't tinalasan ni Maria ang kanyang mga mata upang makita niya si Heidi. Kahit medyo malayo siya at medyo madilim ay kita na niya agad ang bulto ni Heidi. Hindi siya maaring magkamali kahit nakapikit siya ay makikilala niya pa rin ang kanyang matalik na kaibigan. "Naka-suot ako ng yellow na jack-" "Nakita na kita, humarap ka sa iyong likuran. Kakawayan kita pagkatapos bilisan mong pumunta dito sa akin!" Agad na salo ni Maria sa sinasabi ni Heidi. Mabilis namang humarap sa Heidi sa may bandang likuran niya. At agad nitong ikinalat ang kanyang paningin sa direksyong sinabi ni Maria sa kanya. Nakita ni Heidi na kumaway sa kanya ang babaeng nakasuot ng green na hoodie jacket. Napangiti si Heidi at patakbo ang lakad nitong lumapit kay Maria. Nagpang-abot ang kanilang mga kamay saka masayang nagkatitigan. "Maria ikaw na nga ba 'yan?!" Bulalas ni Heidi. Tumango lamang si Maria at hindi nagsalubong dahil tila may bikig sa kanyang lalamunan. Mahigpit silang nagyakapan kasabay ng kanilang paghikbi. Hinaplos -haplos naman ni Heidi ang likod ni Maria upang kumalma ito. "Tayo na. Sa apartment mo na lang tayo mag-usap nang husto." Yaya ni Heidi kay Maria. Tumango naman si Maria sabay punas sa kanyang mga luha. Magkahawak-kamay sila ni Heidi na nagtungo sa tricycle na naghihintay sa kanilang dalawa. "Salamat naman at maayos pala ang tinitirhan mo dito sa Manila." Kalmadong wika ni Heidi nang makarating na sila sa apartment ni Maria. Ngumiti lang si Maria. "Alam mo bang ang naiisip ko ay sa kalsada ka lang natutulog? Pero ang alam ko noong una nagtatago ka lang sa kalapit- bayan natin. Hindi ko alam na nakarating ka na pala dito sa Manila," sabi pa ni Heidi. Napalunok si Maria saka napatikhim. "Mahabang kwento," malungkot niyang sabi. "Kahit gaano pa 'yan kahaba na kwento Maria, makikinig ako." Giit naman ni Heidi sa seryoso nitong mukha. Nagkatitigan silang magkaibigan. "Nandito na ako Maria, kaya puwede mo ng sabihin sa akin ang lahat-lahat." Udyok pa ni Heidi. Napainom si Maria sa hawak niyang tasa ng kape. "Bawal sa'yo ang kape kasi buntis ka." Wika ni Heidi. "Ngayon lang," kiming tugon ni Maria which is hindi totoo. Katunayan nga lahat ng bawal sa buntis ay kinakain niya at ginagawa. Nagbabakasali siyang kusang malalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Bumuntonghininga naman si Heidi saka nito hinawakan ang kamay ni Maria na nanlalamig. "Sige na, sabihin mo na sa akin ang lahat-lahat Maria. Huwag kang maglihim sa akin maski konti okay?" Madamdaming sabi ni Heidi. Tumango si Maria kasabay nang paghugot niya nang isang malalim na hininga. Sa pamamagitan ng pag-iyak ni Maria ay unti-unti nitong inilahad ang lahat-lahat kay Heidi. Lahat, wala siyang itinago dahil umaasa siyang maiibsan ang bigat na kanyang nararamdaman lalo na sa kanyang dibdib. Naiyak naman si Heidi sa mga sinabi ni Maria alam nito ang hirap ng kaibigan sa sitwasyon nitong hindi niya ginusto. "Siguro naiintindihan mo na ako kung bakit ayokong buhayin ang batang nasa sinapupunan ko." Wika ni Maria nang tapos na niyang sabihin kay Heidi ang lahat-lahat. "No, Maria! Sabi ko naman sa'yo, kung ayaw mo sa batang iyan ibigay mo siya sa akin. Balikan mo siya kapag kaya mo na siyang tanggapin," mariing tutol ni Heidi. "Subalit malalagay ka sa kahihiyan Heidi! Ano na lang ang sasabihin ng buong baryo Makilang kung makita ka nilang may bitbit na bata pero wala namang ama?" Giit din ni Maria. "Wala akong pakialam, Maria! Walang kasalanan ang bata tandaan mo 'yan. Malaking kasalanan sa Diyos ang ipalaglag siya! May karapatan siyang mamulat sa mundong ito, mabigyan ng pangalan at pagmamahal mula sa mga taong nagmamalasakit sa kanya." Paliwanag ni Heidi. Hindi nakapagsalita si Maria, bigla siyang nakadama nang panliliit sa harapan ni Heidi sa mga oras na iyon. Siya itong Ina subalit wala siyang lakas na ipaglaban ang buhay ng batang nasa kanyang sinapupunan. "Maria, ang pagkakaroon ng anak ay isang blessings mula sa itaas. Bakit ayaw mong tanggapin?" Sabi pa ni Heidi. Sukat doon ay mas pumait ang nararamdaman ni Maria sa mga oras na iyon. "Blessings? Matatawag bang blessings ang anak ng isang hayup na taong lumapastangan sa akin?" Biglang bangon ng matinding galit sa kanyang dibdib. "Walang kasalanan ang bata, Maria!" Pagdidiin ni Heidi. Hindi sumagot si Maria iniwasan nito ang tingin ni Heidi sa kanya. Tumalikod si Maria at tumanaw sa labas ng bintana, papaliwanag na. Mamaya lamang ay napaka-ingay na ang buong paligid lalo na sa labas. "Mas makakabuting huwag ko siyang isilang para wala na tayong problema. Para malaya pa rin tayo lalo na ako na gustong kalimutan ang mapait kong nakaraan," mahinang sabi ni Maria. Mabilis na pinaharap ni Heidi si Maria sa kanya at hinawakan ang mga balikat ni Maria sabay yugyog dito. "Gumising ka, Maria! Makinig ka sa akin, mas lalo mo lang dinadagdagan ang iyong kasalanan sa Diyos kapag ginawa mo 'yan. Mas lalong mawawasak ang buhay mo," malakas na ang boses ni Heidi baka sakaling matauhan si Maria. Mapait na ngumiti si Maria habang luhaan. "Mas lalong mawawasak? Ano pa bang ikakawasak ng buhay ko kung nagpira-piraso na? Hindi mo kasi ako naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko!" Aniya. "Anong hindi naiintindihan ha? Kaya nga ako narito hindi ba? Kaya ko iniwan ang maganda kong trabaho sa San Sebastian para madamayan kita at masamahan Maria! Hindi pa ba sapat iyon? Mahirap bang intindihin?" Mga sumbat ni Heidi na tumagos sa kaibuturan ng puso ni Maria. Natahimik si Maria at nagkatitigan sila ni Heidi. Hanggang sa unti-unti ng yumugyog ang mga balikat ni Maria at pumalahaw na ito nang iyak. Naiiyak na hinila ni Heidi si María at mahigpit nitong niyakap ang kanyang kaibigan. Hinayaan ni Heidi na umiyak nang umiyak si Maria sa kanyang mga balikat hanggang sa kusa na itong tumigil. Marahang bumitiw si Heidi mula sa yakapan nila ni Maria at kumuha ito ng isang basong tubig. "Uminom ka ng tubig para lumuwag ang iyong dibdib. Bawal sa buntis ang umiiyak pumapangit daw ang baby!" Maalumanay na ang boses ni Heidi sabay ngiti. Tahimik na kinuha ni Maria ang isang basong tubig na hawak ni Heidi at ininom naman niya iyon. Magsasalita na sana si Maria nang biglang tumunog ang busina ng truck na nangunguha ng mga basura. "Ano 'yon?" Maang na tanong ni Heidi. "Nangunguha ng mga basura! Hindi ko pa pala nailalabas ang mga basura ko." Sagot ni Maria at mabilis itong tumayo sabay kuha sa kanyang mga basura. "Sasamahan na kita," maagap na tugon ni Heidi at inagaw na nito ang isang plastic na may basura mula A isang kamay ni Maria. Hindi na nakatanggi pa si Maria dahil kailangan na nilang bilisang ilabas ang mga basura. Dahil iiwanan iyon ng truck kapag babagal-bagal kang maglabas ng mga iyon. "Ganito pala dito, grabe!" Wika ni Heidi nang wala na sa kanilang paningin ang truck ng basura. Ngumiti naman si Maria kahit papaano. "Sanayan lang kasi, ganyan din ako dati natataranta at hindi makapaniwala." Sagot ni Maria. "Uy, Mary may bisita ka pala!" Si Gia ang lumapit kina Heidi at Maria. Tumingin naman si Heidi kay Maria na waring nagtatanong ang tingin nito. "Si Gia, kapitbahay ko dito. Gia, si Heidi matalik kong kaibigan!" Pagpapakilala naman ni Maria sa dalawa. "Hi! Ngayon lang din kita nakita na bumisita kay Mary bukod sa tatlong nagtanong sa kanya noong nakaraang araw." Wika ni Gia na as usual ay ngumunguya na naman ng bubblegum. Pilit namang ngumiti si Heidi kahit hindi niya gusto ang awra ni Gia. "Ngayon lang kasi ako hindi busy," sagot nito. Ngumiti naman si Gia sabay tingin kay Heidi mula ulo hanggang paa. "Aba tingnan mo itong bruha na ito at parang nang-iinsulto!" Bulong ni Heidi kay Maria. Hinawakan naman ni Maria ang braso ni Heidi at tiningnan nito ang kaibigan. "Hayaan mo na makisama ka na lang!" Bulong din ni Maria. Kaya umayos naman si Heidi at ikinubli nito ang pagtataray niya sana kay Gia. "Alam niyo, feeling ko lang ito ha? Parang galing kayo ng probinsya ayon sa pananamit at mga kilos niyong dalawa!" Sabi ni Gia kinalaunan. Tumawa naman si Heidi. "O, eh ano naman ngayon?" Nakataas ang isang kilay ng dalaga. Tumawa din si Gia. "Aba at mataray si Ante!" Anito. "Talaga! Huwag mo kaming mamaliitin na galing sa probinsiya ha? Maganda ang buhay namin doon fyi lang!" Palabang tugon ni Heidi. Hinila naman ni Maria ang braso ni Heidi para tumigil na ito. "Kung maganda nga bakit kayo nandito ngayon sa Manila aber?" Pang-iinis naman ni Gia kay Heidi. "Nagbabakasyon lang kami anong pakialam mo?" sige pa rin sa laban si Heidi. Napahalukipkip naman si Gia saka tumingin kay Maria. "Ang taray ng bisita mo ah! Akala mo kung sino," paingos na sabi nito kay Maria. Ngumiti naman si Maria nang alanganin kay Gia. "Pasensya ka na pagod lang siya sa biyahe," sagot ni Maria sabay hila na kay Heidi para makapasok na sila sa loob ng apartment. Muli pang nagaka-irapan sina Heidi at Gia bago maghiwalay ang mga ito with matching ingos pa. Napapalatak na lamang si Maria na napapailing dahil sa unang pagtatagpo nina Heidi at Gia. Ngayon ay hindi na sigurado ni Maria kung magkakasundo pa ba ang dalawang dragon na nagkatagpo sa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD