C-11: Bad Maria!

1603 Words
Hindi alam ni Maria kung ilang oras na siyang nakatayo malapit sa Aleng nagtitinda ng gamot pampalaglag. Iniipon nito ang buong lakas niya upang bumili ng gamot na iyon at magpahilot na din. "Sabi na nga ba babalik ka eh," wika ng isang boses sa likuran ni Maria. Napakunot-noo si Maria at humarap siya sa may-ari ng boses. Hindi niya kilala ang babae pero parang nakita na niyang kasama nito ang Ale na nagtitinda. "Tina, may kostumer ka baguhan!" Tawag ng babae sa nagtitindang Ale. Natawag naman ang pansin ng babae at lumingon ito kina Maria at sa babae. "Dalhin mo siya dito at nang makausap ko siya!" Sagot naman ng Ale. Tumingin muli ang babae kay Maria na hindi makapagsalita sapagkat nalilito pa rin ang isipan nito. "Halika sa likod," yaya ng babae kay Maria. Tila robot namang sumunod si Maria na wala pa ito sa tamang kaisipan niya. "Anong pangalan mo? Saka, ilang buwan na 'yan!" Agad na tanong ni Aling Tina kay Maria. Napakurap-kurap naman si Maria at bantulot itong sumagot. "Isang...buwan na ho," mahina ang boses ni Maria sabay yuko ng kanyang ulo. "Pangalan?" tanong pa ni Aling Tina. "Mary," maikling tugon ni Maria. Napangiti naman si Aling Tina at pinaupo si Maria sa isahang bangko. Pagkatapos ay umupo din ang Ginang sa harapan ni Maria para mas makakapag-usap silang dalawa. "Madali lang iyang laglagin, dugo pa lang siya hindi pa buong bata. Hihilutin kita pagkatapos iinom ka ng gamot na ibibigay ko. Marami akong ipagbabawal na gagawin mo at kakainin mo para sure na malalaglag ang nasa iyong sinapupunan." Saad ni Aling Tina. Napalunok naman si Maria na tumingin sa mukha ni Aling Tina. "Unang hilot plus 'yong gamot 2500 ang presyo, paulit-ulit natin iyong gagawin hanggang sa duguin ka." Paliwanag pa ng Ginang. Mas lalong hindi nakaimik si Maria tumututol ang kanyang puso pero itinutulak siya ng kanyang isipan. "Siguro tinakbuhan ka ng Ama niyan ano? Napakarami ng ganyan na lumapit sa akin ang iba, buo na ang bata pero tagumpay pa din silang maalis iyon sa kanilang mga sinapupunan. Oo, masama pero kung sa ikakabuti mo kalimutan mo ang iyong konsensiya!" Dagdag pang sabi ni Aling Tina. Muling napalunok si Maria para siyang masusuka sa mga sinasabi ni Aling Tina sa kanya. Subalit may isang tumatak sa kanyang isipan, ang kalimutan niya ang kanyang konsensiya. "Kailan mo ba balak umpisahan?" Tanong ni Aling Tina. "H-Ho?" Tanging nasabi ni Maria. "Tulala ka pa ineng! Baka hindi pa buo ang desisyon mo niyan," napapailing na wika ni Aling Tina. Muling hindi nakasagot si Maria nilalaro-laro niya ang kanyang mga daliri. "Nasabi ko na ang mga gagawin natin, kung ayaw mo ngayon bumalik ka sa ibang araw!" Turan ni Aling Tina at tumayo na ito saka iniwan si Maria. Nakagat ni Maria ang sarili nitong labi at dahan-dahang tumayo. Marahan lang din itong naglakad palayo sa puwesto nina Aling Tina. "Bakit paalis na siya?" Narinig ni Maria na tanong ng kasama ni Aling Tina. "Wala pa sa kanyang sarili eh! Nagdadalawang isip pa yata ayoko namang mamilit ng tao bahala siya!" Walang pakundangang tugon ni Aling Tina. Napakurap-kurap naman si Maria at binilisan na nito ang kanyang lakad palayo kina Aling Tina. Kapagkuwan ay napahinto si Maria sa tapat ng simbahan unti-unti siyang tumingin sa b****a nito. "Medyo okay na ako bakit binigyan mo ulit ako ng pagsubok? Wala na ba akong karapatang sumaya?" Bulong ni Maria na naluluha. Kapagkuwan ay nahaplos niya ang kanyang impis pang tiyan. "Hindi ka puwedeng magdusa kagaya ko kaya patawad kung hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maisilang dito sa mundo." Bulong pa rin ni Maria at humakbang na ito palayo doon sa lugar na iyon. Nagmamadaling umalis si Maria sa lugar na iyon at nagpasya na siyang umuwi na muna sa kanyang Apartment. Ihahanda na muna niya ang pera para sa kanyang gagawin at ang pinakamahalagang ihahanda niya ay ang kanyang sarili. "Hoy! Kumusta ka na? Napag-isipan mo na ba ang offer ko?" si Gia ang nakasalubong ni Maria pagdating nito sa kanyang apartment. Bantulot namang ngumiti si Maria kay Gia na mukhang mamalengke. "Sorry talaga hindi pa rin ang sagot ko." Sagot ni Maria. "Sayang naman! Anyway, namumutla ka ba may sakit ka?" nakalabing tugon ni Gia. Napakurap-kurap naman si Maria at nas ginalingan pa niyang ngumiti. "Wala naman! Pagod lang siguro ako," pagkakaila niya sa dalaga. "Ganoon ba? Naku, kung magtatrabaho ka sa club kahit pagod ka blooming ka pa rin alam mo kung bakit?" Turan ni Gia na napakapilya nang ngiti nito. Kumunot- noo naman si Maria. "Bakit?" "Kasi may pera ka na nadiligan ka, nag-enjoy at nasarapan ka pa! Oh, 'di ba bongga?!" Tumatawang wika ni Gia. Para namang tumayo ang mga balahibo ni Maria sa pandidiri nito sa sinabi ni Gia subalit hindi na lamang ito nagsalita. Tumawa na lang din siya bilang pakikibagay nito sa dalagang kapitbahay niya. "Siyanga pala, may nagtatanong sa'yo kanina." Kapagkuwan ay sabi ni Gia. Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Maria at napalitan iyon ng pagkabog ng kanyang dibdib. "S-Sino daw?" Kinakabahang tanong ni Maria. "Hindi ko na natanong pero isang pogi at dalawang babae. Tinatanong kung dito ka nakatira, hindi ba ikaw si Magdalene? Mary Magdalene tama ba?" Paniniyak pa ni Gia. Napalunok ng sunod-sunod si Maria naisip niya kung sino ang mga iyon. Dahil wala naman siyang kakilala sa Manila at kaibigan o kaya ay ka-close san. "May kakaiba sa kanilang mga kilos?" Tanong pa ni Maria. "Wala naman! Mukha nga silang kagalang-galang at mayaman. Bakit mo natanong? Tinataguan mo ba sila?" Kibit-balikat na sagot ni Gia. Nakahinga naman nang maluwag si Maria sabay ngiti kay Gia. "Hindi naman. Natanong ko lang," aniya. "Ganoon ba? Paano maiwan na kita at mamalengke pa ako, see you around na lang!" Sabi naman ni Gia at umalis na ito. Naiwan naman si Maria na napapaisip sa sinabi ni Gia sa kanya na mga taong naghahanda sa kanya. Bigla tuloy niyang naalala ang mga tauhan ni Anghel. Biglang sumikdo ang dibdib ni Maria at nakaramdam siya ng hirap sa paghinga. Kung kaya't nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng kanyang apartment at nag-lock ng pinto. Saka pa lamang nakahinga nang maayos si Maria pasalampak siyang napaupo sa gilid ng kanyang kama. Nasulyapan niya ang kanyang selpon na nasa ibabaw ng bedside table niya. Inabot niya ito at kanyang binuhay iyon. Pagka-on ng kanyang selpon ay tadtad na siya nang mga messages ni Heidi. Hindi iyon binasa ni Maria muli niyang binitawan ang kanyang selpon at nahiga. Napatitig siya sa kisame, naisip niya bigla si Raphael naikuyom niya ang kanyang kamao. Nasabi niya balang araw ay makakaganti din siya sa demonyo niyang boyfriend. Kung hindi dahil sa boyfriend niyang demonyo ay hindi siya makikita ni Anghel. Hindi siya ipapambayad utang ng kanyang Tiyo kay Anghel saka ibinenta nang tuluyan. Dahil kung wala ang kanyang picture sa auction na naganap ay hindi magkakaroon ng ideya ng kanyang Tiyo na siya ang pambayad utang nito sa mayaman at hayok sa laman na si Anghel. Napapikit si Maria pinunasan niya ang kanyang mga luha at napasinghot. Kaya ayaw niyang iluwal ang Batang nasa kanyang sinapupunan dagdag pa iyon sa kanyang isipin at problema sa magulo na niyang buhay. Napabalikwas nang bangon si Maria sa pagtunog ng kanyang selpon. Nakatulog pala siya nang hindi niya namamalayan at bigla siyang nakadama ng gutom. Nakita niyang si Heidi ang tumatawag marami na din pala itong mga missed calls sa messenger at number niya. Napabuntong-hininga naman si Maria nakadama siya ng awa at pagka-konsensiya kay Heidi. Ito na nga lang ang tanging kakampi at karamay niya iniiwasan pa niya at ini-ignore. Kaya napagpasyahan ni Maria na sagutin na ang tawag ni Heidi alam niyang sobra na itong nag-aalala sa kanya. "Heidi," halos hindi lumabas ang boses ni Maria. "Bakit ayaw mong sagutin ang mga tawag ko at messages sa'yo Maria? Kakalimutan mo na din akong Bestfriend mo? Talaga bang ayaw mo na akong maging parte ng iyong buhay ha?" Agad na sermon ni Heidi sa kanya. Nalaglag naman ang mga luha ni Maria at impit napahikbi. "Nangako tayo sa isa't-isa na magdadamayan sa hirap at ginhawa. Na kahit ano man ang mangyari sa atin, magtutulungan tayong dalawa. Ganoon na ba kalamig ang puso mo sa akin Maria? Habang ako umiiyak na dito, sobrang nag-aalala na sa'yo kung kumusta ka na diyan sa kinaroroonan mo ngayon!" Sumbat pa ni Heidi. Tuluyan nang naiyak si Maria. "I'm sorry Heidi! Ayoko lang na madamay ka sa kamalasang nangyayari sa buhay ko!" Umiiyak na sabi ni Maria. "Ano ba ako sa buhay mo? Mas lalo mo nga akong kailangan ngayon Maria kasi nasa madilim ka ng iyong buhay. Ako ang iyong magsisilbing ilaw mo, ako ang magsisilbing tungkod mo. Gagabayan kita, ako ang magiging lakas mo para makabangon ka ulit." Madamdaming paliwanag ni Heidi. Mas napahagulhol pa si Maria dahil sa mga sinabi sa kanya ni Heidi. Tunay nga niyang kaibigan ang dalaga sobra siyang nakokonsensya talaga sa kanyang ginawa. "Sorry!" Tanging nasabi ni Maria habang umiiyak pa rin. "Tahan na. Sabihin mo na sa akin ang iyong address pupuntahan kita. Nakahanda na ako Maria, pinal na ang aking desisyon. Sasamahan kita hanggang sa huling hininga ko," mariing wika ni Heidi. Natigil naman sa pag-iyak si María at kagyat na nag-isip. "Huwag ka ng mag-isip diyan Maria. Sabihin mo na please?" Pagmamakaawa pa ni Heidi. Napalunok naman si Maria at mariing napapikit. Humugot nang malalim na hininga si Maria at saka nito sinabi kay Heidi ang full address niya sa Manila. Susubukan niya, susubukan niyang isama si Heidi sa bago niyang mundong ginagalawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD