C-10: Buntis Si Maria?

1824 Words
Malapit ng mag-isang buwan si Maria sa Manila at proud siyang marami na itong alam na mga lugar doon. Hindi na din niya nakita pa ang magkapatid na Mercy at Mona sa labas ng Jollibee. Bagay na ikinalulungkot ng dalaga at napapaisip siya kung nasaan na ang dalawang batang babae. Ang tanging nakikita na lamang ni Maria ay ang matandang pulubi na paminsan-minsan ay nakakausap pa rin niya. Todo iwas din si Maria sa nagngangalang Gia at palagi siya nitong inaalok na magtrabaho sa club na pinapasukan nito. Subalit kagaya ng unang sagot ni Maria noon ay hinding-hindi siya papasok sa isang club ano man ang mangyari. Kaya naghahanap si Maria ng work online iyong hindi na siya lalabas pang magtrabaho. Mas gusto niyang naka-kulong lang siya sa loob ng kanyang apartment. Kailangan na niyang makahanap ng trabaho bago pa maubos ang pera na tinangay niya mula sa kanyang Tiyo. Nagluluto na din si Maria dahil kumpleto naman na sa Apartment niya. Inunti- unti lang niya ang bumili ng kanyang kagamitan iyong hindi mahahalata na marami siyang perang itinatago. Pritong manok ang ulam niya ngayon, ang iba ginawa niyang adobo at chicken curry. Hanggang kinaumagahan na niya iyon at tanghalian, tipid na tipid siya tutal ay mag-isa lang siyang kakain. Nakadalawang subo pa lamang si Maria ng pritong manon at kanin nang bigla siyang makaramdam ng pagduwal. Kaya mabilis niyang tinutop ang sariling bibig subalit wala namang lumabas. Kaya sumubo siya ulit hanggang sa nakain na niya lahat ang kanyang pagkain. Ngunit pagtayo pa lamang ni Maria ay naduduwal na naman siya kung kaya't tumakbo ito hanggang sa may lababo. At doon siya dumuwal nang dumuwal hanggang sa manghina siya at pawisan kasama na ang magkahalong luha at kanyang laway. Unti-unting napaupo sa sahig si Maria tulala ang kanyang mga tuhod ay nangangatog hanggang sa napatalungko ito sa kanyang mga tuhod. Kasunod niyon ay ang kanyang pag-iyak na nauwi na sa hagulhol. Nang mahimasmasan at kumalma si Maria ay bantulot itong kumilos palabas ng apartment. Nagpunta ito sa mercury drug store na nalalakad lang naman saka ito bumili ng pregnancy test. Agad din itong umuwi at kanyang ginamit ang binili niyang pregnancy test. Pumikit pa siya sabay hinga nang malalim at umusal ng panalangin na sana ay mali siya ng hinala. "Hindi! Hindi puwede," bulalas ni Maria nang makita nitong dalawang pulang linya ang nasa pregnancy test niya. Nabitawan pa niya ang pregnancy test sabay sapo sa kanyang mukha. Kapagkuwan ay natitigan niya ang kanyang mukha sa salamin na nasa kanyang harapan. "Maria, hindi ka puwedeng manganak ng walang Ama iyang dinadala mo." Anas niya sa kanyang sarili. Nanginginig na hinaplos ni Maria ang impis pa niyang tiyan. "Baby...hindi ka puwedeng mabuhay sa mundong magulo ng Mama. Patawarin mo ako pero hindi puwede," bulong pa niya sabay agos ng kanyang mga luha. Oo, gusto nitong magkaanak subalit hindi sa ganoong pagkakataon. At mas lalong hindi ang ama nito ay isang masamang tao, hindi puwede. "Puwede kang bumalik kay Mama kapag okay na ang lahat ha?" sabi pa ni Maria. Kapagkuwan ay ibinasura niya ang pregnancy test sa kanyang bin at tinungo niya ang kanyang selpon. Maghahanap si Maria sa social media ng mga abortionist na kagaya niyang hindi pa handang magbuntis. Iyon ang pinal na desisyon ni Maria ang ipalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan. Patawarin siya ng Diyos subalit hindi sa ganoong sitwasyon ng kanyang buhay darating ang munti niyang anghel. Hindi sa magulo niyang mundo aayusin muna niya ang kanyang buhay bago siya magkaanak. Ayaw niyang madamay ang walang puwang na sanggol sa paghihirap at hindi magandang nangyayari ngayon sa kanyang buhay. Muling napaiyak si Maria, na kinalaunan ay nauwi na naman sa hagulhol hanggang sa nakatulugan na nito ang kanyang paghihinagpis. "Diyos ko, gusto ko ng mabago nang tuluyan ang aking buhay alam po ninyo iyan. Bakit po niyo hinayaang mabuo ang malagim na nangyari sa akin sa kamay ng lalaking demonyo? Hindi ko gusto ang munting buhay na aking sinapupunan dahil wala siyang magandang kinabukasan sa akin. Patawarin niyo po ako kung...kung ipapalaglag ko po ito." Tahimik na lumuluha si Maria habang nakaluhod sa may Simbahan na nakita niya habang siya ay naglalakad. Panay ang agos nang kanyang luha at paulit-ulit na humihingi nang tawad sa Diyos dahil sa gagawin niyang pagpapalaglag sa batang nasa kanyang sinapupunan. Pinunasan ni Maria ang kanyang mga luha at tumayo na ito. Kailangan niya muling magpakatatag para sa tuluyang ikakabago ng kanyang buhay. "O, mga delayed diyan at kinakabahan bili na kayo mabisa ito." Narinig ni Maria na sabi ng Aleng nagtitinda malapit sa may simbahan. Natitigan ni Maria ang Aleng matanda at ang simbolo ng Simbahan. Napaisip si Maria kung hindi ba nangingilabot ang tindera sa ginagawa nito at sa malapit pa ng Simbahan ito nagtitinda ng ganoong gamot? " Bibili ka ba? Ilang months na 'yan?" Untag ng babae kay Maria. Napaigtad naman si Maria dahil sa kanyang pagkagulat. Hindi niya pala namalayang nakalapit na siya sa puwesto ng babae. "Ho?! H- Hindi ho ako buntis," gulat na sagot ni Maria. "Sigurado ka ba? Akin nga at pupulsuhan kita," mabilis na tugon ng Ale sabay hila sa kamay ni Maria at pinulsuhan nga nito ang dalaga. Nanlaki naman ang mga mata ng Ale na tumingin kay Maria. "Buntis ka! Kung hindi ako nagkakamali, isang buwan na ang tiyan mo. Manghihilot ako at komadrona kaya hindi ka makapaglilihim sa akin," sabi nito kay Maria. Napaawang ang labi ni Maria kapagkuwan ay mabilis niyang hinila ang kanyang kamay. "N- Nagkakamali ho kayo!" Utal na sagot ni María at mabilis na siyang lumayo sa Ale. "Aminin mo na. Balik ka lang sa akin kapag ready ka na!" Pahabol namang wika ng Ale. Ni hindi nilingon ni Maria ang babaeng tindera dire-diretso lang siyang naglakad. Lalo pa at may mga tumitingin na sa kanila na mga dumaraan. Balak naman talagang bumili ni Maria sa gamot na tinda ng babae subalit naunahan lang siya ng hiya at takot. Kung kaya't napagpasyahan niyang babalik na lamang siya sa ibang araw. Pagkarating niya sa kanyang apartment ay nakita niyang marami ng missed calls ang Bestfriend niyang si Heidi sa messenger. Laking tuwa ni Maria dahil sa wakas ay nabasa na ni Heidi ang kanyang mga messages. Ilang araw din niya iyong inaabangan lalo pa at ibang name ang gamit niya sa kanyang f*******: account. "Heidi," maluha-luhang wika ni Maria nang sagutin ni Heidi ang kanyang video call. "Diyos ko, Maria saan ka nagpunta? Alam mo ba kung gaano ako nag- alala sa'yo? Puwede mo naman akong puntahan dito sa bahay kung kailangan mo ng tulong hindi ba?" Punong- puno nang pag- aalalang sabi ni Heidi sabay iyak. Nag- iyakan silang magkaibigan kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Maria pagkakita niya kay Heidi. "Ano bang nangyari sa'yo ha? Ang last lang na sabi mo sa akin maghahanap ka ng ibang trabaho dahil ginigipit ka ng Tiyo mo!" Tanong pa ni Heidi. "Mahabang kwento Heidi. At may malaking problema ulit ako ngayon," naiiyak na namang sagot ni Maria. "Anong problema mo? Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako," buong pag- iintinding tugon ni Heidi. "Heidi...buntis ako! Nagbunga ang kahayupang ginawa sa akin ng lalaking nakautangan ni Tiyo. Ako ang naging kabayaran sa mga utang niya plus ibinenta din niya ako sa taong iyon!" Tuluyan nang napaiyak si Maria naalala na naman niya si Anghel bagaman hindi ito malupit sa kanya kinasusuklaman pa din niya ang lalaki. "Diyos ko, Maria! Ngayon ko lang alam ang mga nangyari sa'yo! Kaya pala bigla ka na lang nawala dito sa atin. Alam mo na ba ang balita tungkol sa Tiyo mo?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Heidi. Tumigil si Maria sa kanyang pag- iyak. "Nakita ko sa news noon hindi ko na alam kung ano na ang balita sa kanila ngayon." Aniya. "Matagal ng nailibing ang Tiyo mo pinaghahanap ka ng mga pulis dahil sa dalawang kaso mo." Turan nu Heidi. "Heidi, kilala mo ako hindi ko siya magagawang patayin sa kabila ng mga naging kasalanan nila sa akin." Depensa ni Maria. "Alam ko. Sobra-sobra pa nga ang pagtitiis mo sa kanila kaya nakahinga ako nang maluwag ng malaman kong umalis ka na sa kanila. Kaso, napalitan ng kaba nang mabalitaan ko na pinatay mo daw siya at ninakawan." Saad pa ni Heidi. "Mga walang hiya sila! Ako ang agrabiyado dito tapos ako ang may kaso?" Galit na turan ni Maria. "Kaya nga eh! Anong balak mo ngayon lalo na buntis ka kamo?" Worried pa rin ang mukha at boses ni Heidi para kay Maria. Nagbaba nang tingin si Maria mas pinatigas nito ang kanyang mukha. "Maria," tawag ni Heidi dahil alam nitong may binabalak si Maria na hindi maganda kilala na niya ang kanyang kaibigan. "Ayoko siyang madamay sa gulo ng buhay ko saka... hindi ko siya kayang tanggapin dahil masama ang Ama niya. Ipapalaglag ko siya Heidi, isang buwan pa lamang naman siya!" Buo na ang desisyon ni Maria. "Huwag! Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo Maria! Maawa ka sa bata wala siyang kasalanan dugo at laman mo pa rin ang nanalaytay sa kanya," tutol ni Heidi. "Pero paano ang gagawin ko? Paano kung makukulong ako sino ang mag- aalaga sa kanya? Magiging kawawa lamang siya Heidi, ayokong pagdaanan niya ang mga nangyari sa akin." Umiiyak ng sabi ni Maria. "Mag- isip-isip ka Maria! Marami pa rin kaming mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa'yo magsabi ka lang. Huwag na huwag mong ipapalaglag ang bata pupuntahan kita kahit nasaan ka man!" Matigas na wika ni Heidi. "Heidi," nasabi na lamang ni Maria. "Magagalit ako sa'yo Maria kapag ipinalaglag mo ang batang nasa sinapupunan mo. Kalimutan mo ng magkaibigan tayo, kung ayaw mo sa kanya ibigay mo siya sa akin!" Mariing wika ni Heidi. Hindi nakaimik si Maria natitigan na lamang niya ang magandang mukha ng kanyang matalik na kaibigan. "Ibigay mo sa akin ang address mo Maria para mo ng awa. Sasamahan kita hanggang sa makapanganak ka pagkatapos no'n ilalayo ko na ang bata sa'yo. Puwede mo siyang balikan kapag tanggap mo na siya," maalumanay na ang boses ni Heidi. Napapikit si Maria ayaw niyang may taong nadadamay sa malas ng kanyang buhay. Lalong- lalo na kay Heidi kaya nga hindi na niya ito sinabihan noon dahil ayaw niya itong madamay. Tahimik at maganda ang buhay ni Heidi at ayaw ni Maria na maging magulo ito ng dahil sa kanya. Napahagulhol tuloy si Maria at pinatay na niya ang tawag niya kay Heidi. Hindi niya alam kung papayag siya sa gusto ng kanyang kaibigan ayaw niyang ito ang sasalo sa ibang bigat ng kanyang buhay. Kung kaya't patawarin siya ni Heidi mahal niya ang kanyang kaibigan at hindi niya gugustuhing madamay ito sa napakalaki niyang problema. "I'm sorry Heidi," bulong ni Maria at in-off na niya ang kanyang selpon. Umiiyak siyang dumapa sa kanyang kama hanggang sa hilahin na naman siya nang antok dahil nasa first stage pa lamang siya ng kanyang pagbubuntis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD