chapter 2:

1518 Words
Kung pwede lamang siyang lunukin ng lupa ngayon ay magpapalunok siya. nakakahiya talaga ang nangyari, mabilis siyang nagtungo sa banyo at nagkulong sa isang cubicle roon. Bakit kasi binalewala niya ang sakit ng kanyang puson? Sobrang nerbyos niya kasi ngayong araw dahil ito ang first day niya sa trabaho, tapos ganoon pa ang mangyayari? Sobrang nakakahiya. Kipkip niya sa kamay ang mamahalin na coat ng mabait na lalaking nagpahiram sa kanya. Of all people, lalake pa talaga ang makakakita ng tagos sa kanyang likuran? Hindi niya alam kung makakatingin pa siya ng diretso dito, mahiyain talaga siya, saka dapat pa nga pala niyang isauli ang coat na hawak. Napakagat pa siya ng labi ng makita ang brand ng coat na hawak. Sobrang mamahalin na brand. She dialed her phone. "Hello, Ludie, tulungan mo ako please?" hingi nya ng saklolo sa kaibigan. Ito rin ang nagpasok sa kanya sa kumpanyang ito. Panahon na para raw at least magamit niya ang kanyang pinag-aralan. "Anong nangyari? Nasaan ka ba?" Nag-aalalang sabi nito. Pinnaliwanag niya nang bahagya ang kanyang sitwasyon. Tinanong niya kung may extra itong damit pang-ibaba, buti na lamang at mayroon kaya makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na rin ito ng bathroom kung saan siya nagtatago. "Kakaiba ka talaga sister Gene, first day ng trabaho mo may nangyari agad sa'yo." Natatawa pa ito, medyo nakarecover na siya. Ang gagawin niya na lamang ay labhan ang coat pagdating sa bahay at isauli sa may-ari. "Huwag mo na akong pagtawanan please?" pagmamaka-awa niya. Hindi pa nga siya nasasanay sa labas, mahirap nga sigurong i-overcome ang pagiging mahiyain niya sa maraming tao, kung wala siyang kakilalasa trabaho baka malabo siyang mag-apply dito. "Patingin nga." Nanlaki ang mata nito ng makita ang coat," Wow, Armani? Mga bosses lamang ang afford mag-suot ng ganito kamahal na coat , kilala ko ba kung sino ang nagpahiram nito sa'yo?" umiling siya. "Anong histura niya?" Napatingala siya habang inaalala ang sandaling pagsulyap na nagawa niya sa lalake sa elevator, may kasama itong babae pero mas kapansin pansin ang lalaking iyon. Matangkad kasi, malaki ang pangangatawan, higit sa lahat gwapo, napansin niya rin ang pangahan nitong histura at ang seryoso nitong mga mata. Napailing siya bigla, sandali niya lamang ito natignan pero bakit parang saulado niya ang mukha nito agad agad? "Matangkad siya, malaki ang katawan saka, seryoso at strict ang datingan, tapos yung lips nya , parang heart shape." Larawan niya, sandaling pagsulyap ay tumatak na sa kanya ang gwapong mukha nito. "Oh my God!" hiyaw nito na ikinabigla niya." Gwapo ba? As in gwapong- gwapo?" excited pa na tanong nito. Tumango na lamang siya sa tanong nito, totoo naman talaga, nahihiya lamang siyang ilarawan ang katangian na iyon ng mabait na lalaki sa kaibigan. "Oh, you're so lucky, you just met our CEO." Hinampas pa siya nito sa braso habang nagpapasag sa kilig. Bakit mas lalo siyang kinabahan sa nalaman? Paano siyang haharap muli sa kanilang boss kung sakali? Kung pwede lamang sana nitong kalimutan ang pangyayari kanina. "Nakalimutan mo ba yung sinabi ko? Siya si Ravin Daryl Romualdez, panganay na anak ng may-ari ng kumpanyang ito. Actually triplets sila , yung pangalawa doctor, yung bunso  siya yung sikat na boxer, pero hindi naliligaw dito ang mga iyon, sabagay iba kasi ang linya nila. "  Tumango lamang siya sa sinabi ni Ludie. Hindi naman niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito, hindi naman kasi siya mahilig manood ng telebisyon. Sa katunayan, ngayon pa nga lamang siya na eexpose sa mga bagay bagay sa kanyang paligid. Ilang taon din siya sa kumbento, akala niya doon na ang buhay niya hanggang sa pagtanda, pero may mga bagay na biglaang nangyayari, hindi mo inaasahan na magpapabago sa'yo at sa iyong mga paniniwala. "Gene, saan na naman napunta ang isip mo, halika na at bumalik na tayo, orientation mo ngayon remember." Muntik niya ng malimutan. .... "You're here again?" si Caleb iyon. Ravin nodded at him. "Can I talk to him?" tukoy niya kay Robin na nasa loob ng VIP room, it was hard to get an appointment with him, kaya naman kahit dito sa club kung nasaan ito gumi-gimmick ay sinundan niya ito. "Alam mong hindi nagiging maganda ang nagiging resulta ng mga pag-uusap nyo." Paalala nito sa kanya." Nakiusap na rin ang isa nyo pang kapatid. Hindi pa rin siya pumayag." "It was Raven, ang may kasalanan naman sa kanya ay ako. " tumango na lamang ito sa sinabi niya, tinapik siya sa balikat bago siya sinenyasan na pumasok sa loob. "I'll be right here, sa unang kalabog papasok ako kaagad." "Thanks." Miss na miss ng kanilang mommy ang paborito nitong anak sa kanilang tatlo. Hindi iilang beses na nakikita niya itong malungkot, kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya kapag nakatingin sa kanya. Pero hindi siya nakaramdam ng panunumbat sa kanyang mommy and that pains him even more. Ang hindi ka sumbatan, ang hindi mo malaman kung gaano ka nakasakit, mahirap ang manghula, nakakabaliw. May dalawang kasamang lalaki si Robin sa loob, malalaki rin ang katawan katulad ng kanyang kapatid, mga mukhang sportsman din, may katabi ring babae ang mga ito. Tumigil sa pag-uusap nang makita siyang pumasok. Samantalang si Robin ay abala sa pakikipaghalikan sa babaeng naka-upo sa kandungan nito. "Robin, someone's here for you." Sabi ng lalaking nakaitim na t-shirt. Nagtama ang mata nila ng kanyang kapatid. That same dangerous and furious eyes. "Can we talk." Sabi niya dito. Hindi ito sumagot. Ang mga kasama nito sa kwarto ay tumayo kasama ang kanilang mga partner. Tatayo rin sana ang babae sa kandungan nito kaya lamang ay hinila pabalik ni Robin. "Wala kaming pag-uusapan. Huwag kayong magsialis." Pigil nito sa mga kasama, seryoso rin siyang nakatingin sa mga ito. Ang dalawang lalake ay hindi malaman ang gagawin, he can tell how they both fear his brother. Gone the playful Robin he once knew, siya nga pala ang dahilan noon. Ang tanging kapatid na nakikita niya ang puno ng galit. "We have to go Robin, we want an alone time with our partners." Hilaw na ngisi ng isang kaibigan ni Robin, "Let's go Kino." Yaya nang naka stripe na long sleve sa nakaitim. Kinuha ni Robin ang bote ng whisky at diretsong uminom doon. "Now talk, pinaalis mo ang mga kaibigan ko, magsalita ka na." he mocked. Napatingin siya sa babaeng nasa kandungan pa rin nito. He can tell how badly she wants to leave, marahil ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa. "Kausapin mo si mommy." Kahit hindi na para sa kanya, kahit sa ina na lamang nila. "Wala akong sasabihin sa kanya." Muling sabi nito matapos uminom muli ng alak. "But she missed you, hindi ka ba naawa sa pagbabalewala mo sa kanya?" napahiyaw ang babaeng katabi nito dahil sa bote na tumama sa pader sa kanyang likod. Napakalas noon dahilan para pumasok si Caleb sa loob, gaya ng sabi nito papasok ito sa unang kalabog. "Robin." Natatakot na sabi ng babae sa tabi nito, akma itong tatayo pero muling pinigil ni Ronbin. "Just stay here, aliwin mo ako, distract me before I kill that bastard in front of us." Tinuro pa siya nito. "Let's go Ravin." Hawak na siya sa balikat ni Caleb, hinihila siya palabas ng silid. Pero hindi siya nagpapatinag. "Hanggang kailan ka ganito? Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa nakaraan? Oo nagkamali ako dahil minahal ko rin ang babaeng gusto mo, pero matagal na panahon na iyon. Wala na si Heaven Marie, pero tayo nandito pa." sa isang iglap lamang ay nasa ibabaw na siya ng mesa, nakapatong sa kanya si Robin habang pinapaulanan siya ng suntok sa mukha. Ganito pa rin...punong -puno pa rin ng galit ang mga mata nito. Nakakulong pa rin ito sa nakaraan nila, kung pwede lamang ibalik ang lahat. Kahit gaano pa kasakit ang bawat suntok nito, wala nang sasakit pa sa puso niya. Hindi lang naman ito ang nasaktan, bakit hindi nito makita na pati siya ay nasaktan at nasasaktan din? Sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Heaven Marie, bawal itong magbuntis dahil sa kondisyon ng katawan nito pero ginawa niya iyon dahil gusto niyang mapasakanya ito. Huli na ng malaman niya na ikamamatay nito ang pagkakaroon ng anak, pero mas pinili nito ang anak nila kaysa sa sarili nitong buhay, kahit na,kahit na ang anak nito ay hindi galing sa lalaking mahal nito. "Mahal na mahal ko si Robin, but I can't afford to lose this child of ours...mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko...hanggang sa kabilang buhay, patawad Ravin kung wala akong maibibigay sa'yo maliban sa anak natin. Ang puso ko para kay Robin lang." "Hangang kailan ito Robin? Hanggang sa tumanda tayo?" pinilit niyang maupo sa kabila ng mga sugat na natamo. Si Robin naman ay hawak ng tatlong lalaki. "Until when? Until I get even! Kukunin ko ang taong mahalaga sa'yo. Kukunin ko para malaman mo kung gaano kasakit! Damn you! Nagsisi ako kung bakit naging magkapatid pa tayo!" And he left like that. "Let's go sir." Ang kanyang personal assistant iyon na umalalay sa kanya. Disappointed din ito katulad niya. Hindi raw kasi siya marunong madala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD