"Good morning daddy!" his daughter greeted, nakaupo na ito sa pwesto nito sa hapag, katabi ng kanyang mommy na nasa kabisera ng mesa. Lumapit siya para halikan ang anak sa noo. Bumati rin siya sa kanyang mommy ng Good morning.
"Where's dad?"
"Niyaya ng tito Ron mo mag-golf, mabuti na rin iyon ng hindi mukha niya ang nakikita ko maghapon." His mother looked annoyed, sa kabila ng kaalaman niya na nagbibiro lamang naman ito. Napailing siya sa sinabi ng kanyang mommy Candice, sana'y na kasi siya na kahit wala ang daddy nila ay gustong- gusto pa rin itong asarin ng kanilang mommy. "While your sisters are still asleep." Naupo na rin siya para maglagay ng sariling pagkain sa kanyang plato. Lumapit naman ang isang kasambahay para bigyan siya ng black coffee.
"Daddy, next week na yung family day namin. Can you come?" Tumingala ang kanyang anak para tanungin siya. He pats her head.
"Oo naman, that's gonna be on Friday right?" he kept in mind that he needs to remind his secretary to clear his schedule.
"Yehey!" pumalakpak naman ito sa narinig at masayang nagpatuloy sa pagkain. Marami itong kwento na tinatawanan nilang mag-ina.
Paalis na siya ng bigla siyang tawagin ng kanyang mommy. Mukhang naghehesitate pa ito na magsalita pero pinilit niya ito. Their mother's getting older pero maganda pa rin. Alam niya ang mukhang iyon, hindi ito ang unang beses na binigyan siya nito ng ganitong klaseng tingin at sa tuwing nangyayari ito mas lalo lamang siyang nagagalit sa kanyang sarili. Siya ang dahilan ng kalungkutan ng kanilang pamilya, pero paano niya ba maibabalik ang mga bagay na nasira na? Lalo na ang tiwalang nawala na?
"Baka naman pwede mo na ulit subukan kausapin ang kapatid mo Ravin? It's been nine years, miss na miss ko na ang kakulitan niya?" niyakap niya ang kanyang ina. It was an honest wish coming from a mother who lost her son. Sino siya para tumanggi? Alam na alam niya na siya ang puno't dulo ng lahat, kaya kung may magpapabalik lamang kay Robin , nasa kanya ang responsibilidad na iyon.
"Sige mommy , susubukan ko ulit." He assured her. Kumalas ito sa kanyang yakap saka siya hinawakan sa pisngi.
"Pasensya na, hindi naman ibig sabihin noon na may mas matimbang sa inyo sa akin diba? Pantay pantay kayo, tandaan mo yan...sana rin alam iyon ng kapatid mo." Nagpaalam na siya muli bago pa kung saan mapunta ang kanilang usapan.
Pagkasakay niya sa sasakyan ay pinasibad na ito ng driver. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap kay Robin. Wala silang pagtatagpo na hindi nauuwi sa mabuting usapan. Robin hates him to death, yung dating kakampi niya sa bawat kalokohan... ni hindi siya kayang tignan ng limang segundo na may ngiti sa labi.
"Basta ako paglaki ko, ayokong magtrabaho dito." Sabi ni Robin, nasa opisina silang tatlo ng kanyang daddy. Sinama sila ng kanilang mommy. Naiwan iyon sa labas kausap ang ibang empleyado. Siya naman ay nakaupo sa swivel chair ng kanyang daddy. Kunwari'y pumipirma siya ng mga kontrata. Si Raven naman ay nakaupo sa sofa, abala sa mga magazine doon. Si Robin ang siyang kanina pa lakad ng lakad.
"Bakit naman? When we get older, tayo ang magmamanage dito." He insisted. Lumapit ito sa kanya.
"Ikaw lang, kasi ikaw ang panganay." Rason nito.
"Tss. Anong gagawin mo kung hindi ka magtatrabaho sa company?" si Raven naman ang sumabat, ano nga ba din ang aasahan niya kay Raven, bata pa lamang sila alam na niyang gusto nitong maging doctor.
"Mag-eenjoy sa buhay, saka di ko pa alam, malay mo gusto konng maging piloto, o di kaya artista kasi aminin nyo man o hindi na dalawa ako ang mas gwapo sa ating tatlo, dimples pa lamamg wala na kayo." Mayabang na sabi nito na tinutusok tusok pa ang dalawang dimple.
"Saka Ravin kung wala akong pera hindi mo naman ako matitiis eh.. . bibigyan mo ako ng pera." uto pa nito o sa kanya.
"Hindi kita bibigyan ng pera, magdusa ka...magjajanitor ka muna sa kumpanya bago kita bigyan ng pera, o kaya tagatimpla ka ng kape ko o taga masahe ko kaya." Sabi niya dito na may halong pang-aasar.
"Ganoon?" Lumapit ito sa kanya at naupo sa kanyang hita saka siya pinagkikiliti. Tawa naman siya ng tawa dahil malakas ang kiliti niya sa tagiliran, dahil sa pagkakasatan nilang dalawa ay nasira ang swivel chair at parehas silang nahulog. Kahit nasaktan ay parehas silang nagtawanan sa lapag.
"Hala, di pa kayo nag-uumpisa magtrabaho, may deductions na sa sahod mo Ravin." Si Raven iyon na nakadungaw sa kanilang dalawa. Bumukas naman ang pinto, pumasok doon ang kanilang daddy at ang sekretarya nito.
"Portugal, umorder ka na ng bagong chair ko, yung mas matibay kaysa sa huli." Utos ng kanilang ama na agad namang sinunod ng sekretarya nito.
"Sir?" napalingon siya sa kanyang sekretarya. Kanina pa pala siya nito kinakausap, napahinto siya sa gitna ng trabaho harapan, parang kahapon lamang. They were kids, fooling and playing around in this big office.
"What's my schedule on Friday next week? May family day ang anak ko, I need to be there." Sabi niya dito.
"But sir, Friday will be the arrival of Mr. Richardson and his team." He forgot that meeting. Hindi niya pwedeng ma- miss ang project na iyon. He has one person in mind to be in his place to attend his daughter's event.
"One more thing set me an appointment with Robin."
"Sir."Tinignan niya ito ng masama. Ayaw niyang makarinig ng negatibong opinyon nito." Sige po." Matapos noon ay pinabalik niya na ito sa pwesto nito. Siya naman ay bumalik sa tambak na trabaho na nasa kanyang mesa. Ito ang araw-araw na hinaharap niya, sa tulong nito nakakalimutan nya ang problemang hinaharap.
Tinawagan niya na rin si Raven, buti at nasagot nito kaagad. He asked him a favor to attend Sora's family day. Buti na lamang at libre ito, ngayon ang problema na lamang ay pagpapaliwanag niya sa kanyang anak na hindi siya makakapunta. Malulungkot ito pero babawi na lamang siya sa susunod na pagkakataon.
"Mom wants me to talk to Robin again." Natahimik ang nasa kabilang linya. "What do you think?"
"Handa ka ba sa galit niya?" tanong nito. Gaano nga ba siya kahanda? Noon ang sagot niya lamang bahala na...hindi niya sukat akalain na kamumuhian niya ang salitang iyon ngayon.
"Help me." Hingi niya ng tulong dito.
"Hindi rin siya nakikinig sa akin Ravin, wala siyang pinapakinggan, pero sige sasamahan kita... at least magkaroon man lamang kayo ng taga-awat." He can fell how Raven tried to lighten up the mood. ". And I'll bring a first aid kit." Pahabol pa nito bago patayin ang tawag dahil may emergency daw agad.
Napahawak siya sa kanyang pisngi. Sa daming beses na nakatikim siya ng suntok dito, hindi maipagkakaila kung bakit kilalang world boxing champ ang kanyang kakambal.
"Good afternoon sir!" pababa sila noon ng sekretarya niya para mag-lunch, pansin niya ang kakaibang ingay ng mga empleyadong babae sa kanyang pagdaan.
"Anong mayroon?" tanong niya sa kanyang secretary nang nasa loob na sila ng elevator.
"We have new hired female employees and they were praising you sir." Paliwanag nito.
Hindi naman bago sa kanya ang ganoon, napakamot na lamang siya sa kanyang batok. Ang magkaroon ng love affair sa loob ng trabaho ay talagang sakit sa ulo. Ang umalis na empleyado na niya ang siyang huli.
Nasa 5th floor sila ng huminto ang elevator. Pumasok doon ang isang babaeng nakasuot ng itim na blouse at putting pencil cut skirt. Ngumiti ito sa kanilang dalawa at bumati. Tumalikod ito sa kanila, pansin niya ang pagkairitable nito, hindi mapakali.
Napatingin siya sa bandang puwetan nito, may pulang marka doon, puti ang pang-ibaba nito kaya kitang kita nila ang mansta. Tumingin siya sa kanyang sekretarya, nahuli niyang nakatingin din pala ito sa puwetan ng babae. Tumikhim siya bago hinubad ang coat na suot saka inabot dito.
"Miss."
"Po, naku hindi mo ako nilalamig." Nahihiyang sabi nito. Tinuro niya ang puwetan nito.
"Mayroon kang kulay pula sa likod mo." Nanlaki ang mata nito sa kanyang sinabi, hiyang -hiya saka kinuha ang coat na inaabot niya dito. Bumukas naman ang elevator papunta sa first floor.
"Naku salamat po, kukunin ko na po ito, nakakahiya po." Mabilis na sagot nito saka nagtatakbong umalis, habang tinatakip sa likod ang kanyang coat. Siguro'y patungo sa comfort room.
"Who's that?" Tanong niya sa nakaalis na babae.
"Isa po sa mga bago, sa sales department po siya."
"Ah. Let's go."