CHAPTER 64 Matapos nakausap si Zeta ay nagdesisyon na rin si Zyx na umuwi sa bahay. Naabutan niya rito ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Wren at Cahil. "Nakausap ko si Burnek kanina, nagrereklamo kung bakit tayo sarado," bati ni Wren nang dumaan sa sala si Zyx papunta sa kanilang kusina. Ramdam ni Zyx ang pagkadismaya sa boses ng binata, at hindi niya itatanggi na gaya nito ay nadismaya rin siya na may nakarating sa kanilang reklamo mula sa mga regular customer nila. Agad niyang inaalala ang maaring mangyari kapag naulit pa ito. "Anong sinagot mo?" tanong ni Zyx, kumuha siya ng tubig mula sa ref. Hindi naman ganoon kalaking bagay ang epekto ng isang reklamo sa kanila, dahil kampante naman sila na kahit mawala sila ng isa o dalawang araw ay babalikan pa rin sila ng mga tao dahil ng

