CHAPTER 63 Matatapos na ang maghapon ni Zeta sa unang araw niya sa bahay ng mga Delos Reyes bilang isang kasambahay. Sa buong araw niyang pagtatrabaho ay mas madami ang naging reklamo niya sa mga ginawa niya kaysa sa mismong ginawa niya. Sobrang sama ng loob niya dahil pakiramdam niya pinaparusahan siya ng mga kaibigan niya sa pagbibigay ng ideya na ituloy ang pag-iimbestiga sa Fallen Angel. Mabuti na lang din at sa tuwing may reklamo siya ay walang nakakarinig sa sinasabi niya, sa ilang beses niyang pagrereklamo ay iyon din ang beses ng pagsuway ni Zyx sa kanya bilang pag-iingat sa posibilidad na maaring may makarinig sa mga sinasabi niya at sa isang iglap ay masira agad ang plano nila. Pero sa dami ng paalala ni Zyx, hindi rin nakinig ang kapatid niya. Kaya sa huli ay siya na lang din

