I’m just wearing a large shirt and short shorts. Ewan ko ba rito kay Alvaro, basta ako dinala rito sa factory tapos malalaman ko na palihim pala kaming papasok sa loob. Konti na lang talaga, iisipin kong nababaliw na s’ya dahil sa mga gamot na iniinom niya. Hindi ko naman talaga gustong sumama kanina, pero ewan ko ba, dahil sa mga tingin at ngiti na binigay niya sa’kin kanina, napa-oo ako. "Ano ka ba rin! Dami mong echos ha. Alam mo final na ang desisyon ko, hindi na 'ko babalik sa'yo." Nang masambit ko ang mga salitang ‘yun ay agad ko ring pinagsisihan nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko dapat sinabi ‘yun lalo na’t nandito s’ya ngayon para mapapayag ulit akong bumalik sa kanya. I took a deep breath as I shook my head. Kung hindi ako pinapahamak ng bibig na ‘to, ma

