Prologue
Tila ba isa akong isang prinsesa dahil sa mga ilaw at kamerang sumalubong sa amin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang bago n’ya ako nilingon para ngitian. Marahan itong tumungo para halikan ang aking noo. “You really look stunning. I can’t remove my eyes on you,” He said. Bahagya akong tumawa bago ko siya marahan na hampasin sa kanyang balikat.
Nang matapos kaming lumakad sa mahaba at pulang karpet na ito ay agad nila kaming i-nassist para ihatid sa lamesa namin. Nang makarating kami ron ay marahan na hinila ni Alvaro ang aking upuan para makaupo ako.
Feeling ko talaga ang ganda ganda ko kapag kasama ko si Alvaro. Palagi niyang pinaparamdam sa'kin na ka-respe-respeto ako, na hindi ako basta babae lang sa buhay niya at syempre hindi basta isang kaibigan lang, "Hey. Let's take a picture together." he said na agaran ko ring sinagot ng ngiti at pagtango. "1..2..3..Smile!"
Tonight, I'm wearing a fitted red dress, tinaas ko lang din ang buhok ko para makita ang backless kong suot. Gusto akong paayusan ni Alvaro sa isang sikat na make up artist but I refused. Kaya ko naman ayusan ang sarili ko, hindi nga lang kasing galing at ganda ng iba. "You know what, hindi halatang may maganda kang katawan when you're wearing your uniform. Kahit ako, nagulat." bulong nito sa'kin.
"Alam mo, konting bola pa, ta-tadyakan na kita." Bulong ko sa kanya habang nakangiti at hindi pinapahalata sa kasama namin sa table na binabantaan ko na si Alvaro.
"I love you,” Aniya.
Parang kanina lang nag iinit ang ulo ko dahil sa pambobola niya, pero pisngi ko na ang nag iinit ngayon. Marahan itong ngumiti sa'kin bago hawakan ang aking kamay, "I told you. Seryoso ako sa'yo, Aurora. Kahit hayaan mo na lang akong mahalin ka." Marahan akong tumungo.
Alam ko namang seryoso siya sa nararamdaman niya sa'kin. Alam ko namang wala siyang intensyon na saktan ako pero dahil sa mga past relationships ko, hindi ko na magawang magtiwala pa ulit. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko ulit d'ba? Wala naman sigurong masama kung magmamahal ulit ako.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya bago ko ito ikulong gamit ang dalawa kong kamay, "Kapag sinaktan mo 'ko, babalatan kita ng buhay at gagamitin kong pantalop sa'yo ang nail cutter na nasa bag ko." Matapang kong sabi sa kanya. Bahagya itong napatawa bago niya ako titigan sa aking mata. Bakit ba walang talab sa kanya ang pagtataray na ginagawa ko? Kung sa ibang lalaki ay tiklop na, siya naman ay tuwang tuwa pa.
"Sana alam mong ang cute-cute mo kapag galit. Para kang batang inagawan ng candy." pabiro ko na lamang siyang inirapan at pinagtuunan ng pansin ang MC na nagsasalita sa unahan. Actually, I never thought na isasama ako ni Alvaro sa ganitong party. Imagine, nandito ako sa party kung saan puro mga businessman at mga milyonaryo ang naririto o baka bilyonaryo pa ang ilan sa kanila.
Habang nakikinig kami sa sinasabi ng nasa unahan ay napansin kong napaka-ganda pala ng mga disenyo sa event na 'to. Masyado kasi akong na-starstruck sa mga itsura ng mga tao dito kaya hindi ko napansin ang mga disenyo, everyone looks expensive. Di ko masyadong napansin na napaka ganda pala ng ayos ng event na ito.
Hanggang sa mapansin ko ang napakaraming wine sa lamesa sa likuran, "Alvaro, hindi ba't wine mo ang mga 'yon?" Tanong ko kay Alvaro nang mabasa ko ang pangalan ng kumpanya niya sa mga bote.
Wine ang isa sa mga negosyo ni Alvaro, marami siyang wine factories dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.
"Yes–" Naputol ang sasabihin ni Alvaro nang muntik na 'kong mahila dahil sa pagsabit ng buhok ko sa hindi ko malaman na bagay. Agad na tumayo si Alvaro para tanggalin ang pagkakasabit ng buhok ko. Hanggang sa makarinig nalang ako ng isang boses na humihingi ng pasensya.
"Pasensya na po, Sir. Sumabit po yung relo ko sa buhok ni Ma'am–" Dinig kong sabi nito pero mukhang hindi ito pinansin ni Alvaro at agad na tumungo para kamustahin ako.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Tanong niya sa'kin.
"Okay lang ako, okay lang ako." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. Alam kong hindi siya masasatisfy sa sagot ko kung nakasimangot ko siyang sasagutin. Nang matanggal ito sa buhok ko ay bahagya akong napahawak sa ulo ko. Marahan kong nilingon ang lalaki at agad naman itong humingi ng pasensya.
"See, nakasakit ka–" I quickly held Alvaro's hand to stop him.
"I'm fine.” Sagot ko kay Alvaro para na rin pigilan s’ya. “Just be careful next time, okay?" Sabi ko habang paulit ulit niya 'kong sinasagot ng pasensya. "It's okay, don't worry." Sagot ko bago ko siya tapikin sa braso.
"Okay ba 'yun e nasaktan ka?" Imik ni Alvaro bago siya umupo sa tabi ko.
"Kumalma ka nga. Everyone encounters that, even me, nakakagawa din ako ng mga hindi sinasadyang bagay sa mga pasyente ko and he is just like me. Para lang din silang nurse and you are the patient." Sabi ko sa kanya habang hawak pa rin ang ulo ko. Aaminin ko, nasaktan naman talaga ako dahil masyadong mabilis maglakad ang lalaki kaya masyadong nahila ang buhok ko. But I am completely fine, di kailangan mag sungit.
"Sorry. Gusto mo bang magpalipat tayo ng seat?" Tanong niya pero umiling lang ako.
"Hindi na kailangan. I'll just go to the powder room, aayusin ko lang yung buhok ko." Sabi ko sa kanya bago ko siya marahan na tapikin sa hita at bigyan ng pilit na ngiti.
That is one of the trait na ayaw ko kay Alvaro. Minsan padalos dalos siya. Hindi naman siya yung taong dumadating sa point na mumurahin ka when you did something wrong, he will just tell you that you've done something wrong. Gusto niya perfect lahat, ayaw niya ng tatanga tanga sa trabaho. Sa tagal na naming magkasama ni Alvaro, basang basa ko na ang ugaling meron siya. In short, he's a perfectionist.
Naglalakad ako papasok sa powder room nang may biglang bumangga sa balikat ko. Agad ko siyang nilingon pero tinawanan lang niya 'ko at hindi na binigyang pansin. Hindi ko siya kilala at lalong hindi siya pamilyar sa'kin. Mariin ko na lang siyang tiningnan bago ako muling naglakad palayo sa kanya.
Pagpasok ko sa powder room ay agad kong inalis ang mga abubot sa aking buhok. Nilugay ko ito at dahan dahang inayos para naman hindi ako magmukhang bruha. Kinuha ko ang lipstick ko sa bag at nag retouch na rin dahil masyado akong naloka sa nangyari kanina, "You're kind." natigilan ako nang bumungad sa'kin ang babaeng nakabangga sa'kin kanina.
Tumapat ito sa salamin na katabi ng salamin na kinatatapatan ko. "So you're Alvaro's date." Nang marinig ko yun sa kanya ay agad akong nagkaroon ng ideya kung bakit niya 'ko binangga kanina. Hindi ko siya binigyang pansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "The nurse who's using her job to find a rich guy that she can flirt with." Natigilan ako nang marinig ko yun sa kanya. Hinagis nito ang ilang mga pictures sa lababo, mga litrato na ako at si Alvaro ang laman. Kasama rin sa mga litrato ang mga kapatid ko. Mukhang kumuha pa siya ng investigator para lang makilala ako.
Marahan kong nilagay ang gamit ko sa bag ko bago ko siya marahang lingunin, "You know what, you should change your investigator puro kasi mali ang mga impormasyon na ibinigay niya sa'yo. For your information, this is the first time I accept someone's offer to be his private nurse. Hindi mo yun alam, 'no? Maybe you can't afford an expert investigator that made you a cheap and judgmental one." Sabi ko sa kanya bago ko siya ngitian. Muli akong humarap sa salamin bago ko ayusin ang buhok ko.
I grabbed my bag para makaalis pero agaran niya rin akong pinigilan gamit ang pag hawak niya sa braso ko. Mabilis ko ‘yung tinabig at masama siyang tiningnan. "Hindi kayo bagay." Sambit niya.
"Wow naman. So, sinong bagay? Kayo? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo.” Marahan akong lumapit sa kanya bago ko ilagay ang kamay ko sa aking bibig para ibulong sa kanya ang sasabihin ko, “ Wag lang pala paghahanap ng bagong investigator ang hanapin mo, humanap ka na rin ng plastic surgeon na makakapag panipis ng mukha mo. Malay mo may pag-asa ka pa." Masama ko siyang tiningnan bago ko siya iwan.
Nang makalabas ako ay agad akong napahawak sa dibdib ko. I can handle criticism and judgement, marami na 'kong naging pasyente na may ugaling katulad ng sa kanya. Hindi ako para maapektuhan pero aaminin ko, nabigla ako sa lahat ng sinabi niya.
I never thought that someone would waste their money just to pay an investigator to know and stalked me. Hindi ko akalain na mangyayari yun dahil lang sa ako ang nagustuhan ni Alvaro.
When I heard someone's footsteps, agad akong naglakad palayo ron at bumalik sa tabi ni Alvaro, "Why did you took so long?" tanong niya.
"Nothing. Can we just go to another place?" I held his hand at nagmamakaawa akong tumingin sa mga mata niya. He quickly understood what I mean kaya agad niyang kinuha ang bag ko at hinila ang kamay ko paalis sa lugar na 'yun.
Habang naglalakad kami ni Alvaro papunta sa kotse niya, wala akong iniisip kundi yung sinabi nung babae. I never thought that she would say those things about me without knowing if it's really true. Pinagbuksan ako ni Alvaro ng pintuan para makasakay ako sa sasakyan niya.
"Are you okay?" He asked nang makasakay kami.
Hinubad ko ang mga sapatos ko, tinaas ko ang mga paa ko, niyakap ang aking mga tuhod bago ko sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko para umiyak. Wala akong narinig mula kay Alvaro, naramdaman ko lang ang paghalik niya sa noo ko at ang pagyakap niya sa'kin, "Go ahead, just cry." imik niya dahilan para mas bumuhos ang luha ko.
"How can people judge someone so easily?" Umiiyak kong sabi. Hinimas ni Alvaro ang braso ko bago ako muling halikan sa aking ulo. "How.." Dagdag ko.
***
"I want to ask you if you're okay but I know you're not kaya hindi ko na lang itutuloy. I want to hug you but you said my hug earlier is enough. I want to ask you kung kaya mo pa ba kaso naalala ko na ayaw mo ng sumusuko d'ba? Can I just ask kung ano yung lugar o bagay na makakapag pakalma sa'yo? So I can drive you there and see your smile again." sabi ni Alvaro nang makita niyang kumakalma na 'ko.
Dahil sa mga sinabi ni Alvaro, muli na namang nagpakitang gilas ang mga mata ko. Nag paunahan na namang tumulo ang mga luha galing sa mata ko. I quickly opened my arms and welcomed his hug. "Kung papipiliin man ako, kung makakatanggap man ako ng yakap mula sa'yo, ayokong makuntento sa isa, ayokong makuntento kung pagdating lang din sa yakap mo." Umiiyak kong sabi. "Salamat, Alvaro. Maraming salamat." dagdag ko.
Marahan akong kumalas, hanggang sa bumungad sa'kin ang umiiyak niyang mga mata. Mabilis niya itong pinawi bago niya 'ko ngitian, "Ma'am, saan po tayo?" nang itanong niya yun ay agad na sumilip ang aking mga ngiti.
"Hala sige! Magmaneho ka at sasabihin ko sa'yo kung kailan ka hihinto." Biro kong sagot sa kanya.
"Kung magmamaneho ako at ikaw ang kasama ko, ayoko ng huminto." Banat niya na agaran ding naging sanhi ng aking pagtawa. Marahan ko siyang hinampas sa braso bago ko siya ngitian. Inabot niya ang kamay ko at marahan itong hinalikan.
Wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa, magkwento ng mga storyang hindi namin alam kung totoo pa ba o imbento na namin para lang mapasaya ang isa't isa. Kumanta nang kumanta kahit hindi na namin alam kung tama pa ba ang mga salitang binibigkas namin.
"Wait lang," Itinabi ni Alvaro ang sasakyan.
"Saan ka pupunta?" tanong ko pero sinagot niya lang ako ng nakakatunaw niyang ngiti.
Bumaba ito at isang saglit lang ay may dala-dala na itong street foods. "Huy!" sabi ko bago abutin ang binibigay niyang isang plastik na street food. "Hala, thank you!" sabi ko habang tinitingnan kung ano ang mga binili niya.
"Paborito mo yan, d'ba?" tanong niya na agad ko ring sinagot ng pagtango. Agad kong hinugot ang isang isaw para simulan na itong kainin. "Ang lakas mo kumain n’yan, nurse ka pa man din. D’ba priority niyo dapat health niyo." Pang iinis nito. Tinawanan niya ako at pinisil ang pisngi ko nang tawanan ko lang s’ya.
"Wag ka magulo dyan." Sambit ko bago ko enjoyin ang mga nabili niyang street food. Sinusubuan ko rin siya habang nag da-drive siya dahil hindi ko naman kayang ubusin ang lahat ng 'to.
Makaraan ang ilang minuto, dumating kami sa lugar na sinabi ko sa kanya. Kung saan sa sobrang taas ng lugar na ito, matatanaw mo ang mga building at mga bahay dito. Mga ilaw ng mga bahay at gusali na nagsisilbing liwanag para sa ibaba at mga bituin naman na nagsisilbing liwanag sa itaas. "Wala na 'kong mahihiling pa." sabi ni Alvaro bago niya ako lingunin. Nginitian ko siya at bahagyang sumandal sa kanyang mga balikat.
Napaka ganda rito. Parang ayoko ng umuwi dahil sa ganda ng view na pinapakita nito sa'min ngayon. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang magandang view na 'to. Pero masaya akong sa pagbalik ko, si Alvaro ang kasama ko.
“Kanina, nakita kong lumabas si Jam galing sa powder room nung lumabas ka. Kinausap ka ba niya?” Marahan akong tumingin sa kanya bago ko s’ya sagutin.
“Hindi ako makapaniwala na nagbayad pa s’ya ng private investigator para lang makilala ako. Hindi ko alam na matagal na palang may nagbabantay sa mga kilos natin.”
“She did that?” Marahan akong tumango bilang tugon. “Alam kong nagtataka ka kung bakit n’ya yun nagawa. Jam is my ex-girlfriend when I’m still in college. Sabi n’ya sa’kin, hindi niya titigilan ang negosyo ko kapag hindi ako bumalik sa kanya. Hindi niya rin titigilan ang magiging nobya ko kapag hindi ako bumalik sa kanya. She hates seeing me happy with other girls.”
“Kung magpapakasal tayo, titigilan na ba n’ya ang pamilya ko? At ang negosyo mo? Titigilan ka na ba n’ya kapag nalaman n’yang wala ng pag-asang magkaayos kayo?”
“Do you want to be my wife?” Tanong niya.
Marahan kong inangat ang ulo ko. Bahagya akong napatungo bago ko ibato ang tingin ko sa mga bituin sa itaas. Handa na ba 'ko ulit? Handa na ba 'kong magmahal at magtiwala ulit? Marriage is not a joke. Paano na ang mga kapatid ko? Paano na sila kung bubuo na 'ko ng sarili kong pamilya?
Marahan ko siyang nilingon, "Alvaro.."