The reality hit me in the head when I heard my alarm clock. It’s time to move and to go to work, Aurora. Marahan akong bumangon kasabay nang paghampas ko sa alarm clock na nasa gilid ng kama ko. Nag unat ako ng mga buto at marahan na tinali ang buhok ko dahil masyado na itong nalalagas dahil sa stress sa trabaho at idagdag pa ang problema dito sa bahay at sa pera.
Bumangon ako at humarap sa salamin, ilang minuto kong tinitigan ang sarili ko bago ako mapangiti. “Kaya pa ba?” Bulong ko sa aking sarili. Isa akong licensed nurse rito sa Baguio City, ako rin ang panganay sa aming magkakapatid. Five years ago, nag loko ang tatay ko sa nanay ko, bumuo ng sariling pamilya kasama ang kabit niya. Namroblema kami sa pera kaya sumabak sa abroad ang nanay ko para mabuhay kaming tatlo. Madalas naman siyang nagpapadala, ayos lang kahit maliit, at least hindi niya kami nakakalimutan. Hindi katulad ng tatay ko na nakalimutan na yatang may bayag siya.
Nagsimula na ‘kong kumilos para gawin ang mga dapat gawin. Inasikaso ko kaagad ang balutan ng mga kapatid ko at ang uumagahin nilang pagkain ngayong umaga. “Cy! Bea! Gising na, tanghali na.” Sigaw ko mula sa kusina. Mabilis lang magising ang mga kapatid ko dahil siguro takot silang masermonan ko. Hindi ko na kinakaon pa sa kwarto nila dahil alam nilang ayoko ng tamad sa umaga. Pero kahit ako, hindi ako morning person.
Ilang minuto lang din ay sabay na dumating ang dalawa sa kusina, “Kumain na kayo.” Alok ko sa kanila bago ko matapos ang pag hahayin ng ulam at kanin. “Pagkatapos niyo kumain, maligo na agad kayo. Maliligo muna ako,” dinampot ko ang aking tuwalya pero bago pa ‘ko makapasok ng banyo ay agad akong napigilan ni Bea.
“Ate, magbabayad po pala ako ng tuition fee ngayon.” Bumagsak ang mga balikat ko nang marinig ko ‘yun mula kay Bea. Pinambayad ko kasi sa kuryente at tubig ang pinadalang pera ni Mama, yung perang natitira sa wallet ko ay pambayad ko na sa utang ko kay Aling Milda.
Kinuha ko ang wallet ko sa ibabaw ng ref para kumuha ng pera, “Magkano ba ang tuition fee mo, neng?” tanong ko nang makita kong tatlong libo na lang ang nasa wallet ko.
“1,500 po, Ate. Kasama na po ron yung baon namin ni Cy ngayong araw.” agad akong nag abot ng pera kay Bea bago ako pumasok sa banyo. Tatakasan ko na lang siguro si Aling Milda dahil kulang na ang pambayad ko sa kanya. Akala ko makakabayad na ‘ko ng utang ngayon, hindi pa pala.
***
“How’s the patient?” tanong ni Xia nang lumabas ako sa room 107.
“Tumaas ang blood pressure dahil nalaman na buntis ang anak niya.” Sagot ko kay Kean bago ko simulan ang pag-rounds ko sa ward.
“Ha? Ilang taon na ‘yung anak?” Bahagya akong napatawa dahil sa tanong ni Kean. Kinuha ko ang stethoscope niya sa bulsa niya bago ko isabit ito sa kanyang batok.
“Back to work, Kean. Ang chismosa mo.” pabiro kong sabi, napakamot naman ‘to sa ulo niya dahil sa sinabi ko.
Sisimulan ko na sana ang trabaho ko nang bigla kong makita si Aling Milda na kinakausap si Doc. Miguel, mabilis akong lumapit sa kanya dahil baka kung anong sabihin nito kay Doc.
“Aling Milda?” sambit ko sa pangalan niya.
“Ito, itong babaeng ‘to ang may utang sa’kin. Sabi ko naman sa inyo, nagsasabi ako ng totoo.” sabi nito kay Doc Miguel. “Hoy, babae ka. Kung ayaw mong mapahiya rito, magbayad ka ng utang mo. Para tatlong libo hindi mo mabayaran?” malakas na boses ang bumalot sa buong hallway kaya marahan akong tumungo.
“Babayaran ko ho muna kayo ng kalahati sa ngayon. Nagbayad ho kasi si Bea ng tuition fee kaya nabawasan ho ang pambayad ko sainyo.” pagpapaliwanag ko bago ko kuhanin ang wallet ko sa aking bulsa. Bago pa ‘ko makapag abot ay nakita kong nauna na siyang abutan ni Doc. Miguel. “Nako, nako. Wag na po, Doc-” natigilan ako nang bigla siyang magsalita.
“Please talk to her privately if you have concern for her. It can affect her job kung tatawag at mang gugulo po kayo ng mang gugulo rito.” mahinahong sabi ni Doc dahilan para mapatungo ako.
“Aba! At kayo pa ang galit. Sa susunod, wag kang hihiram sa’kin ng pera kung hindi mo kayang magbayad agad!” inawat ko na si Aling Milda sa pamamagitan ng pag tango nalang sa kanyang sinabi. Masyado na ‘kong nilalamon ng kahihiyan dahil sa ginawa niya at ayokong madagdagan pa ‘yun. Tinabig nito ang kamay ko at galit na galit na umalis sa harap namin ni Doc Miguel.
Nang makaalis siya ay marahan akong humarap kay Doc, “Pasensya na kayo, Doc. Kapag naka luwag-luwag na, babayaran ko po kayo.” marahan niyang tinapik ang balikat ko bago niya ‘ko ngitian.
“Wala ‘yun. Ayoko lang mapatawag ka na naman sa taas dahil dyan. Sa susunod, kung kailangan mo ng tulong, sa’kin ka lumapit, Aurora.” sabi ni Doc bago bahagyang guluhin ang buhok ko. Para ko ng kapatid itong si Doc kaya ganun na lang ang turing niya sa’kin. Pero hindi ko naman gustong siya ang magbayad ng pera na hiniram ko. “Oh, andito na pala ang wife ko.” agad kong nilingon si Mrs. Reyes bago ako bumeso sa kanya.
“Oh, sakto. Sumabay ka na mag lunch sa’min, Aurora. Nagluto ako ng sinigang.” sabi ni Mrs. Reyes. Ang ganda niya, parang hindi siya tumatanda. Isang successful na CEO si Mrs. Reyes ng isang kilalang cosmetic brand dito sa pilipinas, ang Via cosmetics.
Gustuhin ko man sumabay sa kanila pero marami pa ‘kong gagawin.
“Nako, busog pa po ako, e. Pero salamat, salamat.” sabi ko sa kanila habang nginingitian sila. Marahan naman akong tumungo nang napansin ko si Liam, “Hi, Liam. How are you?” tanong ko sa bata. Englishero kasi itong batang ito kaya madalas na dumudugo ang ilong ko kapag nakakasama ko siya.
“I’m fine. It’s been a long time, Ate!” sabi ni Liam kaya agad naman nitong tinaas ang kamao niya upang magdikit ang aming mga kamao.
“Ang laki laki mo na ah. Wag mong pasasakitin ulo ni mommy at daddy ha?” sabi ko kay Liam na agaran niya rin naman sinagot ng pag tango.
“Yes po, I won’t.” sagot nito sa’kin bago humawak sa kamay ng mommy niya.
“Hon, mauna na kayo sa office ko. May pag uusapan lang kami ni Aurora.” sabi ni Doc kay Mrs. Reyes.
“Sige, hon.” humalik muna ito kay Doc bago ito bumeso sa’kin bago sila umalis. Nang makaalis naman sila ay agad akong kinausap ni Doc Miguel.
“I’m offering you something, I think you can handle this one.” sabi ni Dok bago ipakita sa’kin ang records ng isang pasyente. “He needs a private nurse at alam kong kaya mo naman ang mga ganitong trabaho that’s why I’m showing you this.” Inabot sa’kin ni Doc ang isang folder na naglalaman ng ilang mga detalye tungkol sa pasyente at mabilis ko itong binuksan para tingnan.
“Leukemia, stage 2.." Basa ko sa records ng pasyente.
"If you accept this offer, pwede kang ma-promote and if you get promoted, tataas ang sweldo mo. What do you think?"
"Baka naman sobrang tangkad niya, Doc."
"Not that tall. Kasing height ko lang siya. I'm sure you can take care of him." Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng offer para maging private nurse kaya hindi ko talaga alam ang mga dapat kong isagot sa kanya.
"Kilala niyo ba siya Doc? May picture kayo together?" he smirked at me before giving me a nod.
"He is a friend of mine," sabay abot sa'kin ng kanyang cell phone. Magka-akbay pa sila sa litrato at mukhang matagal na silang magkakilala. "Don't worry, mabait yan. Sa'kin siya lumapit kasi alam niyang may kilala akong magaling na nurse and that is you, Ms. Martinez."
"I'll do my best, Doc."
"You should. Hindi mo dapat ako ipahiya, okay?" I nodded at him before giving him a thumbs-up. "Okay. Dumaan ka ng office ko after lunch, may mga papers akong papipirmahan sa'yo. May mga bagay lang din tayong dapat idiscuss with the patient, okay?" tumango ako bilang sagot.
"Yes, Doc." tinapik ni Doc Miguel ang balikat ko bago niya 'ko iwanan.
-***
Bumaba na lang din muna ako para makapag lunch dahil hindi ako kumain ng agahan kanina. Nakaka walang gana kasi kapag bayarin agad yung hinayin sa'yo.
Binaba ko na ang aking kubyertos at pinag dikit ang mga ito. Nabusog ako dun ah. Agad kong dinampot ang tumbler ko at mabilis na ininom ang tubig na laman nito. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang biglang umupo si Isay sa tabi ko. Umiiyak habang takip ang kanyang mukha, "Hoy, anyare sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Grabe. Akala ata nila alipin tayo rito. Kung masigawan tayo akala mo sila ang–" muli itong humagulgol kaya agad ko siyang hinigit para yakapin.
"Sige lang, iiyak mo lang lahat 'yan. Lahat naman tayo paulit ulit na na-e-experience yan. Just show a genuine concern to them, trabaho natin 'to. Di tayo pwedeng sumuko." I gave her a tight hug before rubbing her back. "Kapag nakausap mo ulit siya, compliment her hair o yung kahit na anong sa tingin mo e makakagaan ng loob niya." dagdag ko pa sa mga sinabi ko kay Isay.
It is hard to be a nurse, it’s very stressful. Lalong lalo na kapag masungit at may ugali ang pasyente. Hindi namin sila pwedeng patulan dahil kapag napasama sila, kami pa ang lalong sisisihin. Instead of fighting back, show them that you care and you love them.
"Thank you, Aurora." sabi ni Isay bago ko siya ngitian. "Lumapit lang talaga ako sa'yo para umiyak, feeling ko kasi sasabog ako kanina sa galit."
Nang sabihin niya yun ay agad na gumilid ang mga luha ko, "I should get back to work. Thank you, sis." muli itong yumakap sa'kin bago tumayo.
Grabe ang pagod naming mga nurse, bukod pa ang pagod namin sa mga pasyenteng sa'min binubuhos ang galit nila. Sana itrato ng mga pasyente ang mga nurse sa paraan kung paano sila inaalagaan at minamahal ng mga nurse nila. Simpleng pasasalamat at matamis na ngiti ay ayos na.
Napabalikwas nalang ako bigla sa pagkakaupo ko nang maalala ko ang usapan namin ni Doc Miguel. Hay nako, Aurora!
I quickly grabbed my lunch box at agad na tumayo para pumunta sa office ni Doc. Mabilis akong nakarating dun dahil sa pagmamadali ko. Nakakahiya kung nandoon na ang pasyente, aish!
Inayos ko muna ang aking sarili, tumingin sa salamin at malalim na huminga. Marahan akong kumatok bago ko buksan ang pinto, "Good Afternoon po." sambit ko.
Bumungad sa'kin si Doc Miguel na nakaupo sa kanyang silya, napansin ko rin ang lalaking nakasuot ng mask and wearing a grey suit with a matching trousers. The top of his white polo is unbuttoned, that's why I can see the top of his chest– ano ba Aurora!
"She's late. Sana maiwasan mo yan when you work with me." sambit nito nang makapasok ako sa loob.
"Sorry po. It won't happen again." nang ialis niya ang tingin niya sa'kin ay agad akong umirap.
"Have a seat," sambit ni Doc kaya agad akong umupo, "Alvaro, this is Aurora. She's one of our best nurses and she will surely provide you the best health care you need." pagpapakilala sa'kin ni Doc Miguel. Agad akong ngumiti kay Alvaro.
"Wala bang mas sexy?" nang marinig ko yun ay agad ko siyang binato ng masamang tingin bago ako muling tumingin kay Doc.
"Come on, Alvaro. If you don't respect her, take your s**t away from my office and I will let you find your own nurse." sabi ni Doc Miguel.
"I'm just joking, bro."
"Not a good joke, Sir." sabat ko bago ko muling ipaling ang atensyon ko kay Doc.
When we clear everything up, ay agad akong nakipag kamay kay Alvaro. I quickly signed the papers before I left them..
He is a complete jerk. Hindi ko alam kung hanggang saan ko matatake ang ugali ng lalaking 'yon.