Aurora Marahan akong ngumiti nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Bahagya akong umikot para tingnan ang aking damit at marahan na hinila ang maikli kong palda bago ako lumapit sa salamin para tingnan ng malapitan ang mukha ko. We just came from the company and Alvaro asked Jessica to make him a cup of coffee. Maraming ginagawa si Jessica kaya nag kusang loob ako na iakyat ito kay Alvaro at pumayag naman siya. Hindi ko maiwasan mapangiti kapag naalala ko ang pagbabago ng ugali ni Jessica, maybe she already accepts it. Masaya akong hindi niya ako inaway pagkatapos ng nangyari. Akala ko ay pagkatapos niyang malaman ang nararamdaman sa’kin ni Alvaro ay mas lalo niya akong aawayin. Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat nang makita ko ang sarili kong maayos bago humarap kay Alvaro. Syempre,

