Abala akong nag-aayos ng mga gamit sa bag na dadalhin ko sa opisina. Masyado daw kasi akong halata kapag malaki ang bag kong dala. Hindi pwedeng malaman ng mga tao na nurse ako ni Alvaro, dahil pwede akong mawalan ng trabaho. Maayos na ang kalagayan ni Alvaro kaya nagpumilit siyang pumasok. Anong oras na, hindi ko inakala na papasok pa siya. Wala naman akong magagawa, kung pwede ko siyang itali sa kama niya, nagawa ko na. Kanina pa kaming hindi nagkikibuan ni Ms. Jessica. Hanggang ngayon yata nagseselos pa rin siya sa'kin. Di hamak na mas maganda naman siya kaysa sa'kin, anong pagseselosan niya sa isang patatas na tulad ko? Tumayo kaming lahat nang dumaan sa harap namin si Alvaro na parang hindi man lang nagkasakit. Sumunod kami sa kanya at mabilis na pumasok sa sasakyan. Ilang araw

