When I arrived in the living room, I couldn't feel Alvaro's presence. Lumabas ako at tumingala para tingnan kung nasa balkonahe siya, pero wala siya ron. Dumaretso ako sa kusina, wala pa rin akong nakikitang Alvaro. Umakyat ako sa kwarto niya at sa closet niya but he's not here. Where's that guy? Narinig ko ang dalawang boses na naguusap sa storage room dito sa taas. Dahan-dahan akong sumilip don para usisain kung kaninong boses ang naririnig ko. It's Alvaro and Manang. "What are you two doing?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Manang smiled at me while scratching her head. "Nagpatulong po si Mr. Hernandez," Aniya. Nilingon ko si Alvaro at walang emosyon lang niya akong tiningnan. "Para saan?" Tanong ko. "Gusto niya raw po na ito ang maging kwarto niya. Lahat po ng gamit niya mula

