Buong byahe siyang tahimik at bakas sa kanya na masama talaga ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon umuulit pa rin sa isip ko yung ginawa ko kanina. Alam ko sa sarili ko na maaaring ako ang dahilan kung bakit mas sumama ang pakiramdam niya. Hinampas ko siya sa braso, natapakan ko ang paa niya dahilan para mawalan kami ng balanse at bumagsak kami sa sahig. Nurse niya 'ko at ako dapat ang mag-aalaga sa kanya, ako dapat yung tumutulong para gumaling siya pero anong ginagawa ko? Pinalalala ko lang yung sitwasyon. Napapansin kong hindi siya mapakali at ang pa ulit ulit niyang paghimas sa kanyang hita ay ang dahilan kung bakit mas nag-aalala ako. Alam kong may nararamdaman na siya pero hindi lang siya nagsasabi sa'min. Marahan kong hinawakan ang mga kamay niya para matigil ang paulit ulit n

