Chapter 1
CHAPTER 1
Ako si tasy, isang simpleng HS student,
nagmahal,nasaktan,minahal ulit HAHA!
Nagmahal ako ng isang lalaking napaka special para sakin, si Macsimo James Santos.
He was my everything. I was about to spend my lifetime with him, but he left.
I was left hurt, angry. Then i left too,
But when i came back, why can't he remember me?
TASY's POV
Sumali ako sa isang Activity dito sa school, ang Drum & lyre. Sumali rin ang iba kong mga kaibigan dahil ito na ang huling year namin at kailangan namin ng extracurricular. Hindi naman pwedeng puro aral lang kailangan rin namin mag banat nang buto.
Habang nag prapractice kami dito sa gym, lumayo muna ako sa iba kong kasama para makapag practice ng maayos, habang nasa garage ako ng school malapit sa clinic. Hindi ko pa kasi masyadong gamay ang paghawak ng Flag dahil bago pa ako at natatakot ako baka mahulugan ako nito sa ulo.
may umagaw ng pansin ko, Dumaan siya sa gilid ko kaya napa-tingin rin siya sa akin. Hindi naman masyadong nag tagal ang mga mata namin dahil agad rin akong nag-iwas
Dito rin sila nagprapractice kaso nga lang ay malayo sa akin. Drummer's sila at medyo maingay dahil kung sino-sino ang pumapalo ng drums.
Nagfocus na lang ako sa pagpapaikot nang Flag, nang maalala ang itinuro sa amin na isang way ng pag hagis ng Flag ay ginawa ko.
Nang ihagis ko ang Flag ay bigla itong tumama sa isang tubo kaya bumalik ito sa baba at tumama sa akin.
"OUCH!" Humawak ako sa parte kung saan ako tinamaan.
pagkatingin ko sa drummers nagulat sila dahil bumagsak ako sa sahig, Ang iba naman ay nag-iwas agad ng tingin at hindi na ako pinansin.
Nagulat ako nang may biglang humawak nang aking braso at tinayo niya ako.
"ayos ka lang?" Nag-alala na tanong niya sa akin, Tumango naman ako sa kaniya.
"Ayos lang" tugon ko rito. Tuluyan na akong nakatayo at tumingin sa kaniya
"masakit ba ang ulo mo?" Tanong niya ulit. Umiling na lang ako
" hindi" Tumango siya sa akin at initsapwera ang upuan sa gilid
Inupo nya ko sa isang tabi "gusto mong yelo?" Tanong niya. Umiling na lang ako at ngumiti nang tipid. Pinapakitang ayos lang talaga ako kahit medyo masakit ang ulo ko.
tumango sya at umalis na.
Kinabukasan nag meeting muna kami bago magpractice.
2pm na natapos ang meeting, papalabas na ko kaso natalisod ako sa may pintuan.
Buti na lang may sumalo sakin! Napapansin kong lagi akong nadadapa!
Pagkatingin ko, Si kuya nanaman. Yung tumulong sa akin kahapon nang matamaan ako nang flag sa ulo.
Napatayo na lang ako at humarap sa kaniya. Hindi naman siya umimik, tumingala ako para tignan sya, nilapit
nya mukha nya
"mag ingat ka sa susunod" Ani niya. Ang lapit nang mukha niya kaya medyo nailang ako at nagiwas nang tingin sa kaniya.
Nilayo nya yung mukha nya at tinapik ang balikat ako, parang may nilagay syang papel doon sa balikat ko kaya kinapa ko ito at meron nga.
'Canteen - MJS' ang naka sulat sa papel.
MJS? Ano yun? Initial ata ng name niya.
pumunta agad ako sa canteen. nilibot ko ang mata ko at nakita ko sya sa isang sulok. napatingin naman sya sakin at nag senyas na pumunta ako don.
Naglakad ako papunta sa direksyon siya.
umupo ako sa harap nya at nakipagkilala "Antastasia Tasy Mendoza" panimula ko "Macsimo James Santos" sabi niya. Parang narinig ko na ata ang pangalan niya? Pero parang hindi ko na maalala. Bahala na nga! Tsk.
Haggard sya ngayon pero ang gwapo parin! Umiling ako at inalis ang mga bad thoughts!
Tumayo sya at pumunta sa bilihan dun sa canteen. Bumili siguro siya nang pagkain. Pero bakit kasama niya pa ako?! Lonely ba siya?!
pagkabalik nya may dala syang siomai rice "kumain ka para may lakas ka" inilapag niya ang siomai rice sa harap ko. Bakit ba niya ko pinapakain? Close ba kami? Ok na yon! Atleast naka libre ka ng pagkain. Tsk
oo nga pala may practice pa kami mamaya kaya niya siguro ako pinapakain dahil siguro nakita niya akong natalisod. Kala niya baka mahihimatay ako o kaya mahina ako.
Habang kumakain ako ng tahimik nagulat ako ng may sumigaw ng pangalan ko.
pagkatingin ko mga kaibigan ko yun! Hala baka kung ano isipin ng mga ito! Mga mai-issue pa naman sila!
"Tasy! Infi tayo!" Ani ni Kim.
"Tara naaa" sabi naman ni Janica habang hinihimas pa ang kaniyang tiyan.
"Uy sino yang kasama mo?" Ani ni Mikayla habang nakangising aso pa sa akin. Mang-aasar nanaman yan!
"Malamang KA-IBIGAN NYA" pang a-asar ni Alexia sa akin.
"Sus kailan pa yan magkakaron ng ganon?
HAHAH!" Naki-sali naman si Clara sa asar nung dalawa. Tsk sabi na eh!
"Mga baliw toh! Kasama natin yan sa DnL, Drummer ka diba?" Tanong ko kay Macsimo habang nakangiti pa. Tumango naman siya sa akin.
"Ah, alis na ako! May gagawin pa kami nila William sa Drums!" Paalam ni Macsimo sa amin at umalis na.
"Sige! Bye!" Sigaw ni Kim habang kumakaway pa sa kaniya.
Habang nagprapractice kami sinisilayan ko si Macsimo sa kaniyang pwesto. Ang galing nyang mag drum
biglang syang tumingin, Agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya. Nang ilang saglit ay tumingin ulit ako, napa ngiti sya ng kaunti. Bakit kaya siya ngumingiti?
Nag water break ang lahat ng sections except sa drummers. Habang umiinom ako ng tubig. Nakita ko namang siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik.
Nakita naman kami nung isang kasama ko, Si Bea. Inasar nya ako at kinaliti sa tyan, "ikaw ha!" Sabi nya.
Malakas pa namang ang bunganga nito ni Bea! Tsk!
"Luh?! Ano ba bea!" Sigaw ko sa kaniya habang pinipigil ang mga kamay niya sa pagkaliti sa akin.
"HOYY GUYSSS MAY GUSTO DAW SI TASY KAY MAC!" Sigaw nya
napatingin naman sila sakin, nanlaki ang mata ko, napatingin din sa mac at nanlaki din ang mata niya. nagulat sya sa sinabi ni bea, gusto ko sanang batukan si Bea kaso ay ang dami na agad nakiasar sa akin.
Sa buong practice namin inasar ako ng mga kasama ko.
TASY's POV
Lumipas ang ilang araw, todo practice na kami para sa competition. Natutunan ko naman na ang pagiging colorguard kaya, pero hindi pa rin mai-iwasan ang hirap sa ibang steps at mga sugat o pasa.
Habang nag dridrill kami, Tumingin ako kay Macsimo. Bigla nalang kasing lumingon ang ulo ko doon at hinanap siya ng mga mata ko.
Nagulat naman ako dahil tumingin din sya sakin, nginitian ko na lang sya at nagiwas agad ng tingin. Umiling ako at tumingin na lang sa iba.
Pinagpatuloy na namin ang practice, pagkatapos ng ilang oras nagwater break muna kami. Habang nag water break namin, may kwekwento daw sakin si Kim tungkol kay Macsimo. Dahil nakiasar rin siya sa akin nung sinigaw ni Bea na may gusto ako kay Macsimo kahit nag ngitian lang naman kami. Interesado naman akong makilala pa lalo si Macsimo, nagiging malapit na rin naman kami sa isa't isa. kaya nakinig ako sa kwento ni Kim.
Ang alam ko ay nagiging tropa na siya nila Will at Ian. Matagal ko na siyang nakikita dati at naririnig ang pangalan niya sa iba. Siguro ay gwapo kaya sikat.
"Alam mo ba may past si Macsimo." Panimula ni Kim. Tumingin ako sa kaniya saglit at tumingin ulit sa harapan.
"Hmm? Sino?" Tanong ko sa kaniya.
"Si Issabella Fernandez! Kapatid ni Vincente!"
"Issabella? Ah! Okay kilala ko na! Haha"
" alam mo bang naging sila, kaso nagbreak din sila pagkatapos ng ilang years, simula grade 10 daw naging sila kaso nagbreak lang last year" Tumango naman ako sa kaniya.
"Ahh okay!" Nagkibit balikat naman siya at pumunta sa bag niya. Sumunod ako sa kaniya at kumuha ng bagong pantali.
"Tara Cr tayo." Aya ko kay Kim. Tumango naman siya sa akin at may kinuha bago kami naglakad patungong Comfort Room.
Habang papunta kami sa Comfort room, naka salubong namin si Issa at Macsimo. Magkasama sila ngayon.
Nagkatinginan kami ni Kim dahil kanina lang ay pinag-uusapan namin silang dalawa. Tinignan ko naman si mac na nakatingin samin ngayon, umiwas na lang ako ng tingin, nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
Lumipas ang ilang oras nagpagpapactrice
sumakit yung balikat ko. Hindi ako makapag flag ng maayos, buti na lang pinagpahinga muna kami ng instructor namin.
umupo ako sa gilid para ipagpahinga ang balikat, kung igagalaw ko pa ito ay baka lalong lumala ang sakit. Sobrang sakit napaiyak na lang ako, pinuntahan naman ako ni sophia para tanungin kung bakit ako umiiyak, di na lang ako sumagot at sumandal na ako sa balikat nya.
Ayoko naman lumala lalo ang sakit nito kung gagalaw ako ng gagalaw, ayoko rin naman magskip ng practice ngayon araw dahil baka may ma-miss akong steps na ituturo ngayon.
Lunch time na namin at bibili kami sa labas nila alexia. habang naglalakad kami patungong restaurant na bibilan namin.
biglang may tumawag ng pangalan ko, napalingon naman ako para tignan kung sino yon, Si Macsimo.
Lumapit sya samin at tinanong ako "bakit ka umiiyak kanina?"
"Ah wala masakit kasi toh" sabay turo sa puso ko
"ah masakit puso mo" tumango naman siya at tumawa nang bahagya. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Tinawag naman ako ni Alexia dahil nagugutom na daw sya at bilisan ko na daw at mamaya na daw ako makipagkwentuhan kay Macsimo.
Inaya ko na siyang sumabay sa amin pag bili nang pagkain. Pumayag naman siya kaya sabay kaming tatlo nila Alexia bumili.
Habang pabalik na kami sa school, nagpaalam si alexia na may nakalimutan syang ibili kaya pinauna nya na kami pabalik. habang naglalakad na kami papunta sa Gymnasium nakita kami ni Issa na magkasama, kaya nilapitan nya kami at tinanong ako "bakit kayo magkasama?"
Anong problema dun? Hindi naman ako nakasagot agad at tinignan na lang si Macismo.
"Sumabay lang ako sakanila bumili ng pagkain" sagot nya, napayuko na lang ako dahil di ko alam ang sasabihin, alam kong tinitigan ako ng masama ngayon ni Issa.
Ang sarap dukutin ng mata nya dahil sa kakatitig sakin, wala naman akong masamang ginawa sakanya pero parang ang init ng dugo nya sakin.
Kinabukasan, habang break namin pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain kasama ko si Kim, Mikayla, Janica at Alexia. Wala si clara dahil may gagawin daw siyang importante kaya nagpaiwan siya sa amin.
Habang kumakakain kami sa isang table pumunta samin sila Will at Ian, umupo sila sa tabi namin.
"Si Macsimo? Kilala niyo yun?! Malamang sikat yun eh! Tsk."
Pagmamayabang ni Will, maputing matangkad drummer din siya katulad ni Ian at Macsimo. Magkaibigan siguro silang tatlo dati pa dahil alam kong mag kaklase silang tatlo nang dalawang taon. Simula last year.
Tumango na lang kami sa kanila at nagiba na ang topic.
pagkatapos naman non ay hindi na sila nagsalita at kumain na lang. Habang kumakain kami may tumawag sa dalawang toh, si mac. pumunta sya samin at tumabi sakanila.
Nagkatinginan naman kami ni mac, umiwas na lang ako ng tingin at umalis na, hindi ko alam dahil kusa nalang akong dinala nang mga paa ko at tumayo.
Gusto kong umiwas sa kaniya dahil tuwing malapit siya ay para akong kinakabahan! Potek!
nakita ko sa mukha nila ang pagkagulat sa pagalis ko. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil tumunog ang speaker "GOODMORNING! Westians! I would like to announce that this morning SENIORS student officers will have a meeting at 11:00 at the University hall. thank you"
Hay nako may meeting nanaman! Isa kasi ako sa mga president dahil pinagtripan ako nang mga kaibigan ko. Marami rin naman ang bumoto kaya ayan.
Pagpatak ng 10:50 nag lalabasan na ang mga officers sa bawat classroom kaya tinawag ko na ang iba kong co-officers para pumila na, lagi akong nasa harapan.
Pagkadating namin sa University hall, sumalubong samin ang President ng buong Seniors. Si france, gwapong lalaki na matangkad. He's been president since Junior high kami. Mag kaklase kami dati pero nagkalayo dahil napunta sya sa pilot section at ako... well, ganon padin! Kasama ko pa rin naman ang limang marupok.
"Uy tasy! Dun kayo." Sabay turo sa magiging pwesto namin, umupo na kami kung saan kami naka assign.
TASY's POV
"Uy tasy! Dun kayo." Sabay turo sa magiging pwesto namin, umupo na kami kung saan kami naka assign.
"Sino ba yang tinitignan mo?!" Pangugulat saakin ni alexia "puta alexia wag ka ngang manggulat!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Tinawanan naman niya lang naman ako. "Tara don tayo!" Bungad naman sa akin ni Janica sabay hila saamin ni alexia
Nandito na kaming anim sa canteen at hinihintay nalang namin ang mga boys na bumaba dito sa canteen. "Uy! Tasy si Macsimo yun ah!" Sigaw ni Kim sabay turo kay Macsimo na masayang may katawanan.
Pinagmasdan ko lang siyang tumawa. Hindi malinaw saamin kung sino kasama niya, kung babae ba o lalaki.
"Sino yung kasama niya?" tanong ni Mikayla "Oo nga mukhang masaya sila ah" singit naman ni clara. "Oo nga mukhang masaya sila..." walang buhay kong sagot
"Oh? Bat parang nalungkot ka diyan?" Sabi ni jam "wala wala." Sagot ko naman.
Ano ba yan? Lahat na lang ba bibigyan nilang malisya.
Tumahimik na kami at kumain na. Bigla naman dumating ang mga boys at kasama si Macsimo.
"Oy ang tagal nyo! San ba kayo nagpunta?" Tanong ni kim.
"Sinamahan lang namin si Macsimo."
"Ahh okie" sagot ni Kim.
umupo na sila sa kabilang table dahil hindi na kami kasya sa inuupuan namin. Tinignan ko si Macsimo at yung ngiti naman nya abot tenga, nag tatawanan sila kaya nagtaka ako kung anong meron.
Napatingin naman saken si Macsimo kaya umiwas na lang ako ng tingin. Siguro nagbalikan na sila ni Issa kaya siya masaya.
Well, wala naman akong paki. Pati wala akong gusto sakaniya! Bat naman ako magseselos?
Inalis ko sa isip iyon, nako. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak ko! Nababaliw na ata ako?
Break na namin ngayon sa hapon, Nagulat ako dahil may tumawag sa akin Pagkalingon ko si france pala yon, "baket?"
"Ah wala may kasabay ka ba ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Ah wala hehe" yayain siguro ako nito. Wala ata siyang kasama ngayon ah.
"tara? Sabay tayo?" Aya niya sa akin. Sabi na eh!
"Sige" pumunta na kami sa canteen, wala din akong gana kumain eh. Short breaktime lang naman ito at uwian na. Bumili nalang ako nang tubig. Umupo ako sa tambayan namin.
"Kamusta?" Pambabasag nya ng katahimikan. Nilingon ko naman sya at parang anlalim ng iniisip nya.
"Ok lang naman, ikaw? How are you?" Bumuntong hininga naman siya at tsaka lumingon sakin.
Tumitig muna siya sakin at halata sa mata niya ang lungkot, " eto, ok lang naman"
Pagsisinungaling niya.
"Alam mo france? Matagal na kitang kilala, bakit? Anong problema?" Pagtatanong ko sakanya ng may bakas ng pag-aalala.
Inalis niya ang tingin sakin at tumingin nalang kung saan. "Kim...wala daw akong pag-asa sa kaniya"
"What?! Why? I thought may gusto siya sayo?" Matagal nang nililigawan ni france si kim. Almost 1 year na ata. Seryoso siya masyado sa isang babae pag nagustuhan niya talaga ito.
"I don't know. Kinausap niya ako kahapon sa field while i'm playing volleyball, bigla bigla niya lang akong sinabihan ng 'hey france, I'm sorry...pero hindi kita kayang bigyan ng chance.' She said." Nangingilid na ang mga luha nya.
Eto talagang si Kim! Nag overthink nanaman siguro yon. Nako kawawa naman si France.
"France, alam mo naman bigla bigla ang desisyon niyan ni Kim, nag overthink siguro yon." Sagot ko sakaniya.
"Yeah, papatunayan ko ulit sa kaniyang seryoso ako sa kaniya!" Sabi niya sakin ng nakangiti.
"Dapat lang." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil yon habang nakatingin sakanya.
Tumambad nanaman ulit saamin ang katahimikan, ayaw ko muna siyang daldalin ngayon dahil baka nagiisip na yan ng gagawin niya para kay Kim.
Bubuksan ko na sana ang water bottle kaso hindi ko kaya, uhaw na uhaw na ko eh!
"Hey, let me help you" pang-aalok sakin ni france. Binigay ko sakanya ang water bottle at walang kahirap hirap na binuksan naman yon.
"Thanks." Ginantihan niya lang ako ng tipid na ngiti tsaka tumingin ulit sa kawalan.
Uminom nalang ako ng tubig at inalis ang paningin sakanya. Pinanood ko nalang ang mga naglalaro ng basketball sa bandang harap namin.
"Nice!" Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, Si Macsimo.
Magaling si Macsimo mag basketball, lagi siyang nakaka three points. Tas magaling pang mag drums!
Nagulat ako ng biglang may tumama sa ulo ko!
Tangina! Ang sakit! Parang inalog utak ko!
Hinawakan ko ang ulo ko tsaka tumingin sa direksyon na pinang galingan ng bola.
"Hey! Ok ka lang tasy?!" Narinig kong sabi ni france.
"Oo, ok lang ako." Tinignan ko ulit kung sino ang nakatama sakin at nagulat ako ng patakbong lumapit saakin si Macsimo
"Hey! Are you alright? Gusto mong pumuntang clinic? Nahihilo ka ba? Asan ang masakit?" Tanong nya ng sunod sunod.
"Ok lang ako! Ouch! Wag mo naman hawakan pa! Masakit eh!" Hinampas ko ang kamay nya dahil hinawakan niya ang parte ng ulo ko na natamaan.
Nagulat ako dahil bigla syang tumalikod at umupo sa harap ko. "Sakay" narinig kong sabi nya.
"Ayoko! Kaya kong maglakad."
"Dalian mo na, sakay"
"Brad, ako na ang bahala sakanya." Nakalimutan kong andito pala si france!
Lumingon naman si mac at tumayo.
"No. Ako na, ako ang nakatama eh" sabi ni mac.
"Hindi na, its fine." Sabat naman ni france. Nagkatitigan naman sila ng matagal na para bang hindi ako natamaan.
TASY's POV
Nagkatitigan naman sila ng matagal na para bang hindi ako natamaan.
"Im fine, mac. Really" pambabasag ko sa katahimikan na namamagitan saamin tatlo.
Ilang sandali muna sila nag titigan at bumaling saakin ang paningin ni mac "ah yeah ok, sorry again." Sabi niya sakin at tsaka ako tinalikuran.
Sinundan ko siya ng tingin, hanggang mawala na siya sa aking paningin.
MAC's POV
I know nakita ko yung lalaking kasama ni tasy. I just can't remember.
Familiar lang siya.
Naglakad na lang ako pabalik sa classroom at naisipan na doon nalang magpalipas ng oras.
Habang naglalakad ako sa hallway, naririnig ko rin ang ilang mga bulong ng estudyante. Bulong ba tawag don dahil rinig ko pa rin?
'Ang gwapo ni Macsimo noh?!'
'True, sis!'
I know gwapo ako, alright? No need to remind me everyday!
Nilingon ko nalang sila at nginitian nalang sila. Their faces turned red.
Tumatawa ako ng pumasok ng room namin. Nawala ang ngiti sa labi ko ng madatnan ko siya. Si issabelle.
She looks very happy, with her new boyfriend. Hindi ko maiwasan ang masaktan, makikita mo sakanyang mga mata na masaya siya rito.
Nasasaktan ako dahil hindi na ako ang dahilan ng kanyang magagandang ngiti.
Sinaktan niya ako oo, pero hindi iyon dahilan para hindi ko na siya mahalin.
I loved her very much.
"Par! Andyan ka naman pala!" Natauhan ako ng marinig ko ang sigaw ni ian.
Hinarap ko siya ng nakangiti "oh par? Bakit?" Tanong ko sakaniya ng salubungin niya ako.
"Uhmm wala naman! Nakita mo ba si jan?" Nahihiyang sabi niya saakin.
"Ah hindi eh, nag basketball kasi ako" at bigla naman pumasok sa isip ko si tasy.
Nakakainis ang isip ko dahil tuwing maiisip ko siya napapangiti ako. I know i dont like her! Si issa lang ang gusto ko.
"Sige par hanapin ko!alam mo naman nyayy!" Sabay kindat sakin. Kadiri tong lalaking to.
Hinambaan ko lang siya ng suntok at isnenyas sakaniya na umalis na.
Umalis siya ng tatawa tawa sakin, at bago lumabas ng pinto ay sumigaw ito "par! Alam kong gusto mo na! Torpe kalang!" What?! Ano ba pinagsasabi neto?!
"Ano?!" Sigaw ko sakaniya at aakma ko siyang hahabulin ngunit namataan ng aking mata ang tumatawang issa.
Ang ganda niya, masarap titigan at hinding hindi ka magsasawa.
Nagtama ang paningin namin, huminto siya sa pagtatawa at ngumiti ng pagkay tamis saakin.
I miss those smile. Ginantihan ko siya ng natural na ngiti.
Siya ang unang nag iwas ng tingin, umupo na lang ulit ako at nagsalpak ng earphones at nagpatugtog nalang.
Bakit pa kailangan magbihis
Sayang din naman ang porma
Naalala ko tuloy yung panahon na nililigawan ko pa si issa, nakakatuwang isipin lang na may mga kinang pa sa kaniyang mata noong kinakantahan ko siya.
Lagi na namang may sisingit, sa tuwing tayo'y magkasama.
Lagi din kaming lumalabas tuwing weekends.
Bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami namang mag- aalay sayo.
Uupo na lang at aawit, mag hihintay ng pagkakataon.
Tinanaw ko ang school field sa aking tabi at nagflashback saakin ang masasayang ala-ala namin.
Hahayaan nalang sila magkadarapa na manligaw sayo... idadaan nalang kita sa awitin ito, sabay ang tugtug ng.. gitara.. idadaan nalang, sa gitara.
Tumingin ako sa aking katabi ng may kumalabit saakin, Si issa.
"Hey" tawag niya saakin.
"Hey"
"Uhm, how are you?" Tanong niya saakin.
Hindi ko agad siya sinagot at tinitigan muna. Nakita ko naman siyang nailang kaya nag iwas siya ng tingin sa akin.
"Im fine. Ikaw?" I answered her
"Hehe im fine too. Im just checking you kasi nakita kitang naka tulala. Did i bother you?"
"No" sagot ko ng diretsuhan. Gusto kong siyang yakapin ng matagal. Gusto ko siyang makasama ng matagal. Gusto kong mahalin niya ulit ako. Gaya ng dati.
"Okay! Hehe I ruined your moment" ngiting sabi niya saakin tsaka ako tinalikuran.
Pinagmasdan ko ang kaniyang likod. I miss you, paano mo nagagawang kausapin ako ng walang pagmamahal?
Napapikit na lang ako sa sariling naisip. Hindi niya na ako mahal, kaya niya nagawa sa akin iyon.
FRANCE's POV
"Okay ka lang?" Tanong ko kay tasy habang nakaalalay sakaniya.
"Oo naman! Anokaba! Ako pa hehe" sabay hampas sa braso ko.
Bestfriend ko si tasy since grade 6 kami, niligawan ko naman ang kaniyang kaibigan na si kim.
Tinutulungan ako ni tasy kay kim. tuwing bibigyan ko siya ng regalo o kaya isusurprise.
"Tasy? Can i ask you a favor?" Tanong ko sakaniya.
Natigilan naman siya at humarap saakin "sige ano?" Tanong niya.
"Pwede mo bang dalin si kim mamayang gabi sa cloud 9? I just want to surprise her. Ayokong tumigil sa panliligaw sakaniya." Sabi ko ng magkahawak ang palad, Tila nag dadasal.
"OMG! Sige yiee! Anong oras?"
"6:00 pm" sabi ko sakaniya at ngumiti.
Nag thumbs up nalang siya at tumuloy sa paglalakad.
Hinatid ko si tasy sa room nila, at nung pabalik na ako sa room namin ay nakasalubong ko si kim.
"Hey" sabi ko ng magtapat kami.
"Hey!" Napaka lakas talaga ng boses netong mahal ko. "France? Yung kanina? Im sorry" ngumuso siya.
"Its okay"
"Sa totoo lang. ano kasi uhm nag over think ako na baka hindi talaga pwede" ngumuso siya ulit. Nagpapaka cute naman.
"what? No, kim! We can try okay?"
Namula naman siya kaya natawa ako.
"Hehe ganon? Hehe" sabi niya sabay yuko.
"I'm really sorry yung sa kanina, i know nasaktan ka sa padalos dalos ko na salita"
Hinawakan ko siya sa chin. I stared at her.
Memorizing every corner of her beautiful face.
Nakita ko naman na naiilang siya dahil sa pamumula niya kaya binitawan ko siya.
"I forgive you, kim mahal kita hindi ko naisip na sukuan ka."
"s**t! Sorry talaga!"
Sinulyapan naman niya ang relos.
"Mauna na ko baka malate ako sa klase eh" pagpapaalam niya.
"Sige." Sabay kindat sakaniya. Namula naman siya tsiaka mabilis na umalis.
Cute talaga ng mahal ko tsk.
TASY's POV
Uwian na at kailangan ko pang ayain si kim para sumama saakin.
"Kim!" Tawag ko sakaniya
"Hmm?" Sagot niya saakin habang abala sa pag aayos ng gamit niya.
"Hehe pwede mo ba ako samahan?" Baka hindi sumama to! Paktay na!
"Huh? Saan? Anong oras? Bakit?" Andameng tanong nitong babaitang toh jusko?!
"May bibilhin lang ako sa mall! Pls?!" Pagpapacute ko sakaniya. Mahirap kasing pasamahin si kim sa mga gala, for sure sasabihin niyang tinatamad siya o kaya pagod siya!
"Ok hihi" wait? Omg? Is this for real? Totoo ba to?!
"Magpapamisa ako!" Sigaw ko sakaniya, nagulat naman siya at natawa nalang
"Baliw ka! Tara naaa! Gusto ko din mag-gala eh! Nakakabagot sa bahay!" Sagot niya saakin at isinakbit na ang bag niya.
Sabay kaming lumakad papuntang parking lot.
Sa kotse ko kami sumakay, wala daw dalang sasakyan si kim at nag tataxi lang siya tuwing tinatamad mag drive. Dakilang tamad!
"Hoy! saan tayo pupunta?!" Sabi ni kim na palipat lipat ng tingin saakin at sa daan.
Kasalukuyan kasi kami papuntang cloud 9 katulad ng napagusapan namin ni france.