Chapter VIII

2313 Words
Chapter VIII Leonard S. Cruz Point of View "Balak mo nalang bang bulukin to dito" tukoy ni Marcus sa binili ko sa jewelry shop last two weeks. Flashback "Ilang araw ba tayo dito?" Reklamong tanong ko kay Connie. Isa sa mga nagrerehearse samin. "Anong araw Leonard? 2weeks tayo dito!" Sabi niya sakin. Ano ba yan! Ang tagal pala namin dito! Namimiss ko na si Ashton! Gusto ko na bumalik dun. "Oh after 10mins, simula na uli" sigaw ng isa naming kasama. SHOOTING.... PICTURE.... PICTURE.... SHOOTING... "Whaaaaaaaaa!" Biglang pagsigaw ko. "What happen Leonard?" Biglang lapit sakin ni Marcus. "I wanna go home!" Sigaw ko. Pinagpatuloy namin ang taping. Hindi ko na talaga kaya. Pinuntahan ko ang manager namin at pinakiusapan ko na kung pwede ay umuwe na muna ako. Nung una ayaw pumayag ng manager namin dahil malaki daw magiging epekto nun sa ginagawa namin. Pero sa bandang huli nakagawa narin sila ng paraan. "Salamat Marcus. Antayin ko nalang kayo sa bahay" paalam ko sa kanila bago ako tuluyang umalis. ---- "Pwede papicture tayo sir?" Sabi nung babaeng nag-aassist. Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Nakalimang selfie pa nga yata kami ee. "Salamat po" -saleslady "Ano yung sa tingin mong pinakamaganda dito?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa harapan ko. "Kung ako tatanungin sir, ito" sabay turo sa bagay na nasa dulo ng salamin. "Sigurado ka?" "Siguradong sigurado Sir! For sure magugustuhan yan ng babaeng pagbibigyan nyo" nakangiting sabi niya sakin. "Hindi siya babae" masayang sagot ko sa nag-aassist saken. Binayaran ko na yung napili ko at napagpasyahan kong puntahan si Ashton sa kanila. Sobrang namimiss ko na siya. Hindi ko dapat pairalin ang pagiging isip bata ko dahil lang sa pagbalik ng dati nyang boyfriend. Wala na sila, ang dapat ko lang gawin ay pagkatiwalaan siya. "You're here. Nasaan sila Marcus?" Lumingon agad ako kasi siya yung taong pupuntahan ko ngayon. "Hi cheekbone! Nauna na talaga ako dito. Excited na kasi akong makita ka" napakasaya kong sabi sa kanya. "Ikaw talaga! Sinong kasama mo?" Tanong niya sakin. "Bakit? May nakikita ka pa bang ibang kasama ko?" Pagbibiro ko sa kanya. Pagkatapos nun ay nagtawanan kami parehas. "Pwede ba kitang makausap? Ang tagal ko ng inantay ang pagkakataong ito eh" masayang sabi ko uli sa kanya. "Napakaswerte ko talaga at nagkataong nagki-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko sa kanya nung biglang dumating si Ace. Ewan ko. Bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba at parang gustong sumabog ng dibdib ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa malayo na dahil sa sobrang bilis ng paglalakad ko. Mabilis kong binuksan ang condo namin. Inilapag ko ang hawak hawak kong paperbag at mabilis kong tinungo ang ref at kumuha ako ng alak. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero ramdam ko sa sarili ko na gusto kong uminom ng alak. Bakit nasasaktan ako? Bakit pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko? Nandito ako ngayon nakaupo sa mini terrace ng condo naming magkakaibigan. Simula palang naman alam ko ng may nagmamay-ari sa kanya, simula palang sinabi na niyang may inaantay siya, at alam ko na simula palang ay anu man oras ay posibleng mawala siya saken. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? End of flashback Dalawang linggo ng nakakaraan pero hindi parin ako napasok sa school. Nagdahilan lang sila Marcus sa mga prof namin kaya sa tingin ko ay okay lang sa kanila. Napagdisisyunan ko ng pumasok. Siguro ay kailangan ko na rin harapin ang katotohanan na bumalik na ang totoong minamahal ni Ashton. "Musta ka na? Sabe ni Marcus may saket ka daw? Okay ka na? Baka mabinat ka?" Biglang paglapit sakin ni Ashton nung nakita niya ako mula sa pintuan. "I'm okay" tipid kong sagot at mabilis akong ibinaling ang mukha ko sa bintana. Hindi na rin siguro tama kung hahayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa kanya. Lalo lang ako mahihirapan. LESSON... LECTURE... LESSON... LECTURE... Hindi ko maiwasan na mapatitig ako sa mukha ni Ashton. Ano ba kasing meron ka kung bakit ikaw pa nakapagpatibok ng puso ko. "Uy! Leo! Tara na! Kanina pa umalis si Prof!" Biglang sabi nanaman ni Ashton. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot. Hindi ako nagsalita at mabilis akong lumabas ng room. Napansin ko ang pagtataka sa taong bigla ko nalang iniwan. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Cafeteria.  Nagiba rin kasi ang mood ko nung nakita ko sa f*******: ni Ashton yung naka-tag sa kanyang pictures nilang dalawa ni Ace. Sobrang sweet. Nakakadurog ng puso. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko. OA man sabihin pero parang paulit-ulit tinatahi ang puso ko. Lately nakakaramdam ako ng hilo. Natural lang siguro iyon dahil sa trabaho ko - at aminado ako sa napapadalas kong pag-iinom. Aktong kukunin ko ang bag ko na nakapatos sa katabi kong upuan nung biglang parang nagdidilim ang paningin ko. Parang nagpe-fade unti-unti. "Leonard?" Narinig kong pagtawag ni Vincent na nakaupo sa harapan ko. "Leonard! Leonard!" Sigaw ni Marcus. Hanggang sa nilukob na ako ng kadiliman at tuluyan na akong napapikit. . . . "Anong nangyari?" Takang tanong ko nung bumungad sa harapan ko si Vincent at Marcus na bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha "Nasaan ako?" Muling tanong sa kanila. "Nagcollapse ka kahapon sa school..." -Vincent "Obviously andito tayo sa ospital"-Marcus "Excuse me boys. Sino ang pwede ko makausap sanyo tungkol sa pasyente?" Biglang pagsingit nung Doktor na nasa bungad ng pintuan. Matapos nun ay lumabas si Vincent. Naiwan si Marcus na nakaupo at nanunuod ng tv. Maya-maya lang ay parang nilalamon na uli ako ng kadiliman. Parang antok na antok nanaman ako. Wala na akong nagawa at hindi ko na nalabanan ang antok na nararamdaman ko. Ashton Clarence Point of View Kauuwe ko lang galing sa ospital. Nakaconfine kasi si Leo. Nakita ko siya kanina sa cafeteria na biglang nawalan ng malay kaya mabilis akong lumapit sa magkakaibigan. Flashback "My God si Leo!" Narinig kong sabi ni Tin. Mabilis kaming napalingon ni Ace sa lugar na tinitingnan ni Tin. Nakita ko si Leo na biglang natumba at buti nalang mabilis na nasalo ni Marcus. "Leo! Leo!" Sigaw ko at akmang tatakbo na ako palapit sa kinaroroonan niya nung biglang humigpit ang pagkakapit sa kamay ko ni Ace. Tiningnan ko siya. Yung tingin na nakikiusap ako na payagan niya akong lapitan si Leo.  Lumuwag ako ang pagkakakapit saken ni Ace kaya mabilis ako tumakbo papunta sa kanila. "Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanila. Sabay tumingin saken si Marcus at Vincent ng alam kong makahulugang tingin. Agad na may tumigil na sasakyan sa di kalayuan samin at mabilis na binuhat nila si Leo pasakay don. Hindi na ako nagdalawang isip na sumama. Gusto kong malaman kung ano ang namgyari kay Leo. -------- "Doc, what happened?" Mabilis na tayo ni Marcus at tanong sa lumabas na doctor sa ER. "He's okay. Sobrang pagod lang at sa tingin ko ay sobrang stress. He need to rest." Nakangiting sabi ng doctor. Salamat naman at okay na siya. Nilipat ng private room si Leo para daw maiwasan ang pagpunta ng mga media don. "He's okay now. Makakauwe ka na" sabi ni Vincent saken nung aktong papasok ako sa loob ng room ni Leo. "Gusto ko siyang maki-" "Sabi ng doctor kailangan daw muna niya magpahinga. Kaya umuwe ka na muna at siguradong nag-aalala na sayo ang mga kaibigan mo" sabi naman ni Marcus. Hindi ko alam kung pag-aalala yun o pang-iinis. Parang hindi kasi maganda ang tono ng kanyang pananalita. Ayoko man umalis pero wala akong magawa. Ramdam ko naman na pinagtatabuyan nila ako. End of flashback "Uy! Ashton!" Tapik saken ni Tin dahilan para bumalik ako sa katinuan ko. Nakatingin lang kasi ako sa labas ng bintana. Hindi ko namanlayan na nagsisimula na pala magLesson si Maam Tacad. Industrial Psychology. Sa totoo lang kahit na anong gawin kong pakikinig sa klase simula kaninang umaga ay parang wala lang saken. Useless. Sa dami siguro ng mga iniisip ko. Flashback (nung araw na nagsushooting ang Shooting Star "out ot town") "Nandiyan na si Ace diba? Bumalik na! Ano pa bang pinoproblema mo?" Sigaw sakin ni Chris. (kung tatanungin nyo kung nasaan si Justine, umalis siya. Kasama ng mga magulang niya) Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit lahat sila pinagbabawalan ako na makipagkita kay Leo. "Ano bang mali? Ano bang mali kung magkita kami? Kung maging magkaibigan kami! Masama ba yun!" Ganting sigaw ko sa kanya. "Mas makakabuti para sayo Ashton kung hindi ka na makikipagkita pa sa kanya. Nandiyan na si Ace. Diba yun naman talaga ang gusto mong mangyari dati pa..." Mahinahong sabi ni Anabel. Hindi ko na magawang magsalita pa sa kanila. Hindi ko sila maintindihan kahit anong gawin kong intindi. Biglang nilukob kami ng katahimikan nung biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Ace. "Okay ka lang babe? Oh bakit parang nakakita kayo ng multo?" Takang tanong ni Ace. "Halika na babe. Kanina pa nag-aantay sila Mama satin sa bahay" nakangiting sabi ni Ace. Nilisan namin ang lugar na iyon na hindi ko kinakausap ang mga kaibigan ko. Siguro kailangan ko ng taong makakausap, taong makakaintindi sakin. Si Tin iyon. ---- "May problem ba babe?" Mahinang tanong ni Ace habang nagda-drive. Ayokong ipahalata sa kanya na maraming bagay ang bumabagabag sa isipan ko kaya binigyan ko siya ng ngiti. "Wala naman. Napagod lang ako sa school" "Promise babe. Hindi na kita iiwanan. Mahal na mahal kita. Ikaw din ha.. Wag mo ako iiwan ha?" Seryosong sabi niya saken. Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung biglang bumilis ang t***k ng puso ko, kaiba sa naramdaman kong pagtibok dati. End of flashback "Oh wala ka nanaman sa sarili mo" untag sakin ni Tin habang nasa cafeteria kami.  Tiningnan ko si Tin. "Tin posible bang magmahal ng dalawang tao?" Wala ko sa sariling tanong sa kanya. "Ha?" Tangang sabi ni Tin. Napansin kong umayos ng pagkakaupo si Tin. Tumingin sakin. "Ashton hindi ako manhid para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Pero dapat sundin mo ang makakapagpasaya sayo, walang masama don" seryosong sabi niya. "Kung tatanungin mo naman ako kung posible bang magmahal ng dalawang tao, ang sagot ko eh, dalawa, lima, sampu o kahit isang daang tao pa posible mong mahalin pero may isa talagang mas mangingibabaw o mas una sa mga minamahal mo" dugtong ni Tin sa kanyang sinasabi. "Disisyon mo pa rin ang makakapagsabi kung ano ang posibleng mangyari" matapos sabihin Tin yun ay niyapos ko siya at dumaloy na ang mga luha kong pinipigilan. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito sa cafeteria. "Tin gusto ko makita si Leo. Gusto ko siya makausap. Gusto ko ng linawin yung tungkol samin para maging maayos na ang lahat" sabi ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha. Napagkasunduan namin na pumunta sa ospital para makausap si Leo. Naisip ko kasi na mali na yung nangyayari samin. Gusto ko na rin sabihin sa kanya na hanggang magkaibigan na lang kaming dalawa. Ayoko na rin umasa pa siya sa sinabi kong may chance pa saming dalawa. "Where are you going?" Napatigil kami sa paglalakad nung biglang may tumigil na sasakyan sa tabi namin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tin. "Early dinner. Hindi kasi kami nakakain ng merienda kanina sa school" diretsong sagot ni Tin kay Chris na kasama si Wendell. Si Wendell nga pala ay isa sa mga kapatid ni Ace. Alam din niya ang tungkol samin ng kapatid niya at alam din niya ang mga sinakripisyo ni Ace para sakin. "Sakay na. Sa bahay na tayo kakain" diretsong sabi ni Wendell. Kahit papano ay takot ako kay Wendell. Iba kasi siya. Bukod sa nakatatandang kapatid siya ni Ace ay straightforward siya kung magsalita. Wala siyang pakialam kung nakakasakit na siya basta sa tingin niya ay tama siya. Wala kaming nagawa ni Tin kundi ang sumakay. Hindi kasi namin pwede ipaalam sa kanila ang plano kong pakikipag-usap kay Leo. "Hindi magandang kunsintihin ang maling ginagawa ng kaibigan Christine" prangkang sabi ni Wendell kay Tin nung nakababa na kami ng sasakyan. Christine "Tin" Point of View Ano bang masama kung magkalapit si Ashton at si Leonard? Alien ba si Leonard at mahahawa si Ashton? Kaiba rin utak ng mga abnormal kong kaibigan ah! Mga basag trip! Tatlong araw na simula nung mapagsalitaan ako nung kapatid ni Ace ma si Wendell. Kundi nga lang dahil kay Ashton eh sasagutin ko yung hayup na yun! "Hindi mo kasi naiintindihan Tin" sabi ni Chris na pinipilit na maging mahinahon. Hindi namin kasama ngayon si Ashton. Umalis siya kanina at nagpaalam na pupunta muna sa park para maglakad-lakad. Wala rin si Ace kasi tumawag ang papa niya. "Hindi ko naiintindihan? Edi kailangan pumalakpak ako kasi hindi ko naiintindihan? Kailangan magtatalon ako kasi wala akong alam?" Sarkastikong sabi ko sa kanila. Napatingin nalang sakin sila Anabel, Joan, Rosemarie pati narin si Chris. "Hindi magiging maganda ang epekto kay Ashton kung hahayaan natin siyang mapalapit kay Leonard" -Joan. "Baket? Alien ba si Leonard? Alien ba ang magkakaibigan na yon?" Pilosopong sagot ko na patanong. "Una, alam natin na engaged na si Ashton..." Paunang sabi ni Chris. "Oh anong masama kung makipagkaibigan ang engage na?" Muling sagot ko. Hindi parin nakibo ang ibang mga kasama ko bukod kay Chris "Pangalawa, alam naman natin na hindi babae si Ashton" sunod na sabi ni Chris. "Problema don? Porket bakla bawal? Eh baket yang si Buloy halos lumawit na bituka sa kasisigaw sa kanila, okay lang? Walang ganto, walang ganyan" sabi ko na halos ioveracting ko na. "Umayos ka Tin, baka hindi ako makapagtimpi sayo!" Seryosong sabi ni Buloy. "Pangatlo, ang dami na naming naririnig na hindi maganda tungkol kay Ashton. Haters. Negative comments at paninira sa social media sites. Gumagawa nalang kami ng paraan para hindi mapansin ni Ashton yung mga yon. Alam at ramdam natin ang nararamdaman ni Leonard para kay Ashton pero mali iyon." Mahabang sabi ni Chris na dahilan para ikanganga ko. "Tama ang sabi ni Vincent, hindi maganda ang epekto ng pakikipaglapit ni Ashton kay Leonard. Napapabayaan na daw ni Leonard ang kanyang trabaho. At isa pa, sobrang nasasaktan na si Ace sa nangyayari. Nagbubulagbulagan lang siya at ayaw niyang malaman ni Ashton na nasasaktan siya" mahabang dugtong ni Chris sa kanyang sinabi. Wala ako naisagot pa dahil sa mga sinabi niya. Kaya pala ganoon nalang ang mga tingin ng ibang nakakasalubong namin kay Ashton. "Napakakulit talaga ng taong yan! Sige pupuntahan namin" narinig kong sabi ni Chris bago itago ang kanyang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD