Chapter IX

2031 Words
Chapter IX Ashton Clarence Point of View Iniwanan ko muna sila. Gusto ko muna mag-isip kaya nandito ako nga sa parke at naglalakad lakad. Mukhang may kaunting kasayahan dito kaya medyo may mga tao. Habang naglalakad-lakad ako bigla akong natigilan sa taong makakasalubong ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Mabilis ko siyang nilapitan at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa kanya. "Sinong kasama mo? Okay ka na ba? Wala ka na bang sakit?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nakatingin sa mga mata ko. "Ano? Ikaw kasi ee! Lagi mo nalang pinapagod ang sarili mo!" Dugtong ko pa sa sinabi ko. "Hey! Easy lang cheekbone" sabi nya habamg nakangisi sakin. "Sinong kasama mo? Kasama mo ba ang boyfriend mo" tanong niya at biglang nag-iba ang pustura ng mukha niya. "Mag-isa lang ako." Nakayuko kong sabi sa kanya.  Naupo kami sa bench. Naalala ko pa nga dito kami unang nagkita ni Leo. Nakahiga siya dito at ako naman muntikan ko na siyang maupuan. Natatawa pa nga ako sa tuwing maalala ko yun. "Pang-ilang date na natin to cheekbone?" Naramdaman kong nag-init ang mukha ko nung marinig ko sa kanya yun. "Tumigil ka nga diyan Leonardo!" Sabi ko sa kanya dahilan sa ikangiti niya. "Oh ba't pangiti-ngiti ka diyan!?" Nakasimangot kong tanong. "Wala. Namiss kita. Napakasaya ko ngayon" biglang sabi niya. Kahit ako rin napakasaya ko ngayon. Ang saya ko kasi kasama ko siya. Nawala bigla yung mga bagay na bumabagabag sa isipan ko ngayong mga oras na ito. "Nuod ka ng final concert namin ha..." Mahinang sabi niya sa tonong nakikiusap. "Oo naman! Ikaw pa! Malakas ka sakin!" Nakangiti kong sagot sa kanya. Kwentuhan at tawanan lang ang nangyari saming dalawa. Bumili kami ng cotton candy at ice cream sa mga dumadaang nagtitinda. Buo na ang araw ko ngayon. "Sana palagi tayong ganito - masaya" bigla akong napatigil nung sinabi niya iyon. Mali ba ang ginagawa ko? Naalala ko nanaman ang mga sinabi sakin nila Chris at Kuya Wendell. "Hindi naman siguro tama ang tumakas sa bahay para lang makipagkita ka kung kani-kanino?" Sarkastikong sabi nung parating sa gilid namin. Mabilis naming nilingon iyon. Si Vincent kasama si Marcus. "What are you doing here?" Sabi ni Leo. "Sa tingin ko ako dapat ang magtanong sayo niyan Leonard, what are you doing here? Diba napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na'to!?" Sagot naman ni Vincent na tumataas na ang tono ng boses. "Nagkakamali ka ng akala Vincent. Ako talaga ang nagpapunta sa kanya dito para makapag-usap kami" singit ko para hindi na nila sisihin si Leo. "Ey cheekbone ako ang nagpapunta sayo dito diba? Kaya walang problema" sagot naman ni Leo at ginulo ang buhok ko. "Iyan ba ang gawain ng taong may boyfriend na at malapit nang ikasal?" Bigla akong napapitlag nung narinig ko ang diretsong tono ng boses na iyon. Binalot ng katahimikan ang lugar na kinalalagyan namin. Nagkatitigan ang dalawang grupong magkaharap. Si Kuya Wendell at si Chris saka si Vincent at si Marcus. Ramdam ko ang iringan sa kanilang apat. "Nagkakamali kayo ng inii-" Paaaaaaaakkk! Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung may lumanding na palad sa kaliwa kong pisngi. "Cheekbone!" Narinig kong sigaw ni Leo pero pinigilan siya ni Marcus sa paglapit sakin. Hawak-hawak ko ang pisngi ko. Napatulala nalang ako at wala nang lumabas na salita pa sa bibig ko. "This will be the last Leonard" narinig kong sabi ni Kuya Wendell. "Promise ito na ang last basta huwag nyo ng sasaktan si Ashton..." Yun ang huling narinig kong salita bago kami tuluyang umalis sa lugar na iyon. Leonard S. Cruz Point of View Ayoko na sana matapos iyong araw na kasama ko si Ashton pero wala akong magagawa. Una, nandiyan na talaga si Ace at sinasabi ng mga kaibigan niya na ikakasal na sila. Pangalawa, si Vincent. Palagi niyang sinasabi na naaapektuhan na raw ang reputasyon ng group namin dahil sa ginagawa ko. Tangina naman! Mali ba na magmahal ako ng isang tao!? Palagi nalang reputasyon ang iniisip niya! Hindi niya ba ako magawang suportahan? Ang hirap tanggapin itong nangyayari sakin. Akala ko pa naman magiging masaya na talaga ako sa pagbalik ko dito sa pilipinas. Hindi pala. "Boys balik na tayo sa rehearsal" narinig kong sabi no Connie. Ilang araw nalang final concert na namin dito. Napagpasyan ko pagkatapos ng araw na iyon ay babalik na ako sa Japan. Para na rin mawala itong nararamdaman ko. Sigurado ako na sa gagawin kong paglayo dito ay mawawala yung sakit na nararamdaman ko. "Pahinga muna tayo Leo" sabi sakin ni Marcus sabay tapik sa kanang balikat ko. Pumunta ako sa dressing room at tinungo ko ang phonebooth na malapit doon. Nagdial ako ng number. Ang tagal bago sumagot. "Hello...hello..." Unti-unti namumuo ang mga luha ko nung narinig ko ang boses niya. Miss na miss na kita Ashton. Mahal na mahal kita. "Iloveyou so much Ashton..." Mahinang bulong ko sa telepono. "Babe sinong kausap mo?" Narinig ko sa kabilang linya. Alam ko na kung sino yun. Lalo ako nakaramdam ng sakit nung narinig ko yung nagsalitang iyon. "Leo..." Sabi ni Marcus mula sa likuran ko dahilan para maibaba ko agad ang hawak hawak kong telepono. "Gusto mo bang pag-usapan?" Seryosong sabi sakin ni Marcus mula sa likuran ko. "Ngayon ko lang naramdaman to Marcus. Yung pakiramdam na kaya kong ipagpalit ang lahat para sa kanya, yung pakiramdam na kaya kong isuko ang lahat para sa kanya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdaloy na ang mga luhang kanina pa namumuo sa mga mata ko. "Ang sakit sakit na Marcus! Ang sakit sakit na!" Sabi ko sa kanya habang naiyak ako. "Leonard, you need to understand the situation. You are only complicating the complicated. Engage na siya. Makakasira ka ng relasyon at the same time masisira rin yung pinaghirapan mo" pang-aamo ni Marcus sakin. Hindi ako makapagsalita. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Ashton na mahal na mahal ko. "Huwag ka mag-alala. Lilipas din yan. Mawawala rin yan." Huling sabi sakin ni Marcus tapos ay iniwanan na niya ako. ---- Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Marcus ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kinausap ko narin si Vincent tungkol sa nangyari at kapwa kami nagkahingian ng pasensya. May sinabi sakin si Vincent na ikinatuwa ko at hindi pa nangyayari ay pinagpapasalamat ko na agad sa kanya. Kahit pala ganito ang ugali ng kaibigan kong ito ay iniisip parin ang kalagayan ko. "Aylabyu bro!" Sabi ko sa kanya ng malawak na pagkakangiti ---- Concert starts 8pm 6pm Ilang oras nalang - concert na natin! Sana maging masaya ka kay Ace, Ashton. Mahal na mahal kita. Ashton Clarence Point of View "Babe sinong kausap mo?" biglang sabi ni Ace mula sa likuran ko. "May tumawag kasi at no number ang nakalagay, hindi naman nagsasalita" sagot ko sa kanya. Magkasama kami ngayon dito sa bahay nila. Nagdinner kasama ang papa at Kuya Wendell niya. Dinala ako ni Ace sa pasilyo nila kung saan kaming dalawa lang. Preskong presko dun at sariwa ang hangin dahil sa labas nun may mga malalaking puno. "Ilang months nalang ikakasal na tayo. Nakausap na ni Mama ang wedding organizer natin dun sa France. Wala nanaman problema sa mama mo kase nakausap ko na rin siya ay masaya siya para satin" masayang sabi ni Ace habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay mula sa likuran ko. "Inimbitahan ko na rin si Mark kaso hindi daw siya makakasabay sa flight natin, dun daw siya manggagaling sa Canada pero pupunta daw siya" dugtong niya. "Thank for loving me Ace..." Mahinang sabi ko sa kanya. "I can do anything for you Ashton. Iloveyou. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling magkahiwalay pa tayo.." Sabi niya sakin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib nung sinabi niya yun sakin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at bigla nalang kusang tumulo ang mga luha ko. "Oh bakit naiyak ang baby ko?" Tanong niya at iniharap niya ako sa kanya. Niyakap ko siya. Matagal. Matagal na matagal. "Iloveyou Ace" mahinang sabi ko sa kanya. Matapos yun ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil niya ako ng halik. ---- "Oh anak anong problema?" Tanong sakin ni mama nung makitang nasa labas pa ako. "Aba dapat eh hindi ka malungkot, dapat nga masaya ka na kasi ikakasala ka na! Bakit ba kasi hindi pa gawing legal dito satin ang same s*x marriage para naman maisama ko ang ibang mga kaibigan ko" dire-diretsong sabi ni mama. "Anak may problema ba?" "Wala Ma... Sige matulog ka na ma" sabi ko sa kanya at bago siya pumasok sa loob ng bahay ay may sinabi siya. "Anak kung ano ang pinoproblema mo ay yun din ang sagot sa problema mo. Nandito lang palagi kami ni Jairus para sa'yo, mahal ka namin" matapos kong marinig iyon ay narinig ko na ang pagtunog ng sumarang pintuan. . . . "Hinde pwede Ashton" sagot sakin ni Chris. "Last nanaman ito" sabi ko. Tinutukoy ko ang concert mamayang gabi. "Ano nga naman ang masama sa manuod ng concert!?" Pagkampi sakin ni Tin. Salamat Tin.  "Hi babe! I got two tickets. Nuod tayo?" Biglang pasok ni Ace na nakangiti habang iwinawagayway ang hawak hawak na ticket. Napatingin ako sa kanya at bigla ko siyang nayapos ng mahigpit. "Thank you Ace! Thank you!" Sabi ko na ramdam ko ang saya saya ko. "Oh anu ka ngayon? May papigil pigil ka pa! Daig mo pa mapapangasawa!" Narinig kong sabi ni Tin kay Chris. "Baket? May problema ba?" Takang tanong ni Ace. "Ay wala Ace. Ang saya saya nga eh... Lakad na Ashton! Go! Magbihis ka na!" Nakangiting sabi ni Tin. . . . 6pm "Mukhang napakaraming tao ah" sabi ni Ace habang naghahanap kami ng mapaparkan mg sasakyan. Ilang minuto rin ay nakahanap na kami ng space. Hawak ni Ace ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Malayo palang rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao. Laking pasasalamat ko talaga kay Ace dahil ang binili niyang ticket ay yung pwesto na halos nasa unahan na kami. Kitang-kita namin ang stage. Habang nakaupo kami ni Ace ay hinahawakan ko ang bear crystal na binigay sakin ni Leo dati nung gumala kaming dalawa. Hindi ko nga nakakalimutan ilagay ito sa necklace ko eh. Nahirapan kasi siyang kunin ito sa game machine para lang sakin. 7:30pm Kalahating oras nalang magsisimula na. Alam ko dito ko makikita at maririnig ang pinakamagaling na banda. Ang Shooting Star Band. Leonard S. Cruz Point of View 7:30pm Kalahating oras nalang. Ibubuhos ko ang best ko dito. Ayoko masayang yung mga pinaghirapan namin ng kaibigan ko kaya dapat maging successful ito katulad ng iba naming naging concert. 8:00pm Eto na! LADIES AND GENTLEMAN THE SHOOTING STAR BAND! Sabay sabay kaming tumakbo ni Marcus at Vincent sa gitna ng stage. Napakaraming tao. Rinig na rinig ko ang mga hiyawan at malalakas na palakpakan ng mga taong naroon. MARCUUUUUUUS!!!!!!!!!! VINCEEEEEEEENT!!!!!!!! LEONAAAAAAAARD!!!!!! Nag-vow kami sa gitna ng napakalaking stage at agad na namin tinungo ang aming mga hahawakang instrumento. Una naming kinanta ang pinakakaunaunahan naming nabuong kanta ang Unreachable feelings. ----------- Ashton Clarence Point of View Nagsimula na sila. Ang galing nila. Sumasabay ang halos lahat sa kanilang kinakanta. Kahit ako napapasabay natin. Kung hindi ako nagkakamali unreachable feelings ang kinakanta nila. Kitang-kita ko sa mukha ng tatlong magkakaibigan na masaya sila sa ginagawa nilang pagpe-perform sa napakalaking stage na nasa harapan namin. Bakas rin sa mukha ng mga tao ang sayang nararamdaman dahil sa pinapanuod silang tatlo. Matapos nilang kantahin iyon ay nagkaroon silang tatlo ng solo-solong pagkanta. Naunang kumanta si Marcus. Ngayon ko lang narinig ng ganoon ang boses ni Marcus. Ang gaaaaanda! Naghiyawan ang mga kababaihan ultimo mga lalake at sumisigaw na rin. Sinasabayan pa ng pagsayaw ni Marcus ng sexy dance ang kanyang pagkanta. hahaha! Ganyan pala talaga si Marcus! Sabi ng isipan ko. Ilang saglit pa ay bigla naman lumabas sa malaking pintuan na kurtina si Vincent. Nakasuot ng kulay black na leather na hapit na hapit sa katawan. Nagsimula nang kumanta si Vincent. Alone at midnight ang kinakanta ni Vincent dahilan na rin ng pagsabay ng mga babae. Lakas talaga ng appeal ng taong ito! Haha suplado lang talaga. Naghiyawan lalo ang mga tao nung unti-unting lumapit sa Vincent sa mga taong malapit sa kaliwang stage. Nasa kanan na kasi si Marcus. Patuloy parin siya sa pagkanta at halatang ibinibigay niya ang best niya. Habang nagpe-fade yung instrumental ng kinakanta ni Vincent at unti-unti ko naman naririnig ang instrumental ng One-sided Love. Lalong lumakas ang sigawan sa loob ng stadium na kilalagyan namin. Naririnig ko ang pagsigaw ng mga tao sa pangalan niya. Mas napuno ng hiyawan nung lumabas na siya sa pintuan kurtina. Nakasuot ng Red tuxedo at may nakaipit na pulang rosas sa kanyang suot suot. Si LEONARD CRUZ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD