Chapter X

1687 Words
Chapter X Leonard S. Cruz Point of View Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa gitna ng stage habang kinakanta ko ang sarili kong kanta na One-sided love. Napakaraming tao. Hiyawan at sigawan ang tangi kong naririnig. Nasa magkabilang gilid ang dalawa kong kaibigan. Habang pinagpapatuloy ko ang kanta at inililibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng stadium, umaasa kasi ako na kahit sa huling sandali ay makita ko ang pinakamamahal ko. Si Ashton. Am I not good enough? Yan ang nasa isipan ko habang patuloy kong dinadama ang kinakanta ko. Hanggang sa mapansin ko ang isang bagay na kumikinang. Hindi ako pwedeng magkamali - iyon yung pinaghirapan kong kunin sa game machine nung magkasama kami ng taong mahal ko. Nakita ko ang ngiti niya. Yung ngiting araw araw kong gusto makita. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa taong kasama niya. Alam ko magiging masaya siya sa taong kasama niya - sa taong napakatagal niyang hinintay, ang taong sobra niyang minamahal. Si Ace. Mabilis natapos ang pagkanta ko at naririnig ko na ang instrumental ng pinakagusto kong kanta namin. Search for your love. Hawak ko ang gitara, si Marcus naman ang drums at si Vincent ang organ. Ipapadama ko sayo kung gaano kita katagal hinanap Ashton at kung gaano kita kamahal. ---------   Ace Point of View Napakasaya ko. Kasama ko ngayon ang taong sobra kong mahal. Ang taong pinili ko kesa sa oportunidad ko sa ibang bansa. Mas pinili ko si Ashton kesa sa yaman na kapalit. Hindi ko nanaman kailangan pa magpayaman - sapat na sakin ang meron ako at kasama si Ashton. Nagsimula ng kumanta ang tatlong miyembro ng Shooting Star Band. Yung kaninang ingay at hiyawan ay biglang nawala nung nagsimula na nilang tugtugin yung kanilang finale na kanta.  Search for your love. Search for your love  Search for your love You shine so brightly Just like a shooting star Your smile makes all my pain slowly melt away I will cherish it forever (Its everlasting starlight) Panimula ni Leo sa kanta. Hindi ko maintindihan pero parang kakaiba ang pakiramdam ko. Ang weird man sabihin pero parang may nabubuong mga imahe sa utak ko at may kakaiba akong nararamdaman. On that day long ago I tried my best to hide All I can do right now is hold back akl my tears All that's left in me is just pain (Never forget you sweetheart) Nararamdaman ko ang pagmamahal at sakit ng nararamdaman ng taong nakanta. Lahat ba kaming nandito ganito ang pakiramdam? O sadyang ako lang? Napatingin ako sa taong nakanta - nakatingin ito sa pwesto namin ng taong mahal ko. Nakatitig siya. Kitang kita sa malaking screen na nasa harapan namin na samin nakatuon ang kanyang malamlam na mata. Search for your love An angel sent from heaven Search for your love Your tears fall down like raindrops Search for your love Now all I need is to love and have you with me I've always been searching for you (Searching for you) Don't you know I live my life for you (iloveyou) Tell me if you're still here with me I love you  My princess Sana kaya ko rin kumanta ng ganyan para sayo Ashton. God knows how much I love you Ashton. Sana mapasaya kita. ---------- Ashton Clarence Point of View I've always been searching for you (Searching for you) Don't you know I live my life for you (iloveyou) Tell me if you're still here with me Iloveyou My princess Nakatingin ba siya sakin? Takte! Oo nga nakatingin siya sakin! Parang yung nasa ferriswheel ako, ganitong ganito yun. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang may kung ano akong nararamdaman sa mga oras na ito. Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Tumingin ako kay Ace. Nakatitig lang siya sa stage at sa taong nakanta - kay Leonard. Search for your love Search for your love.... ---- 11:30pm "Maraming maraming salamat po sa lahat! Hope you enjoy the night!" Napakalakas na sabi ni Marcus sa mikropono. "Naging masaya po kami sa pag-stay dito sa pilipinas!" Dugtong naman ni Vincent. "Hanggang sa muling pagkikita po natin! Mamimiss ko kayong lahat - lalo ka na cheekbone" huling sabi ni Leo at sabay sabay na silang pumasok sa pintuang kurtina. Unti-unti narin nagsilabasan ang mga tao sa loob ng stadium. . . . "Hope you enjoy this night babe" nakangiting sabi sakin ni Ace habang pauwe na kami. "Thank you so much Ace. Napakasaya ko." Sagot ko sa kanya. Hinatid na niya ako sa bahay at sinabi niyang susunduin nalang daw niya ako bukas. Sa sobrang pagod ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Ashton Clarence Point of View "Kuya Em! Kuya Em! Gising!" Yugyog sakin ni Jairus. "Jairus inaantok pa ako. Napuyat si Kuya kagabi" sabi ko at bumaling na ako sa kabilang side ng kama. "Kuya Em, dumaan dito si Kuya Leonard may pina-" "Ano sabe? Anong oras nagpunta? Bake-" bigla rin naputol ang sinasabi ko nung makita kong kasama ni Jairus si Ace. "Ano daw sabi ni Kuya Leo, Jairus?" Pormal kong ulit na tanong. Nakaramdam kasi ako ng hiya nung nakita ko si Ace na nakita ang reaksyon ko sa sinabi ni Jairus. May inabot sakin na papel si Jairus at isang paper bag. Matapos iabot yun ay niyakag na ni Jairua si Ace sa palabas ng kwarto ko. "Babe magayos ka na at maya maya aalis na tayo papunta kina papa. Nandun daw yung mag-aayos ng susuotin natin sa kasal" nakangiting sabi ni Ace bago lumabas ng kwarto ko. "Sige." Maikling sagot ko sa kanya. Pagkalabas nilang dalawa ay dahan-dahan kong binuksan ang papel na nakaipit sa paper bag. Hi cheekbone! Hahaha! Sa twing maalala ko ang una natin pagkikita sa parke, takte kinikilig parin ako. Hahaha! Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makilala kita, makasama kita. Kahit na isip bata ka at sobrang kulit gusto kong malaman mo na "Mahal na mahal kita". Kung pagbibigyan nga lang ako ng pagkakataon ay itatakas na kita at hindi na kita ibabalik pa rito para makasama kita, araw araw at hanggang sa pagtanda natin. Pero, ayoko naman makasira ng relasyon at ayoko ipagpilitan ang sarili ko. Sapat na sakin na mahal kita. Mahal na mahal kita. Siguro habang binabasa mo ito nasa airport na kami. Napagpasyahan kasi ni Vincent na bumalik na Japan. Bigla akong natigilan sa pagbabasa nung nabasa kong nasa airport na sila. Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang bigla akong nanlambot at nawalan ng lakas. Yung laman ng paper bag, yan dapat yung ibibigay ko sayo nung nagkita tayo sa SM. Balak na kasi kitang itanan nun. Hahaha! Uyy! Namumula na yan. Labyu ng marami Ashton Clarence. Ps. Salamat sa pagpunta nung concert. I love you cheekbone. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang binabasa ko ang sulat ni Leo. Binuksan ko yung paper bag at inilabas ko ang laman nito. May isang maliit na kahon. Nung binuksan ko iyon ay lalong nagdaloy ang mga luha ko sa nakita ko. Leonard.... Leonard S. Cruz Point of View Nandito na kami ngayon sa airport. Napagpasyahan kasi ni Vincent na bumalik na sa Japan para maayos yung susunod naming concert. Sana maging masaya siya. Doon lang magiging masaya narin ako para sa kanya. "3:20pm pa naman kaya kain muna tayo" sabi ni Marcus. Kaya kumain na muna kami sa isang fastfood dito sa loob ng NAIA. "Oh ba't parang balisa ka? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Puna sakin ni Vincent na may halong pang-aasar. "Excited lang yan kaya ganyan!" Dugtong naman ni Marcus kasunod nun ay ang kanyang malakas na pagtawa. "Umayos nga kayong dalawa diyan!" Asar na sagot ko sa kanilang dalawa. Namimiss na kita cheekbone... -------- Ace Point of View "Tara babe. Kanina pa tumawag si Mama" tawag ko kay Ashton. "Okay sige. Kunin ko lang yung bag ko" sagot naman niya sakin. Sumakay na kami ng sasakyan at pinaandar ko na agad iyon. Napapansin kong maya't maya ay tumitingin sa digital clock si Ashton. Napansin ko rin na parang hindi siya mapakali. "May problema ba babe?" Tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin at ipinilig ang ulo at mabilis na tumingin sa bintana. Nilukob kami ng katahimikan. Wala ni sinoman saming dalawa ang nagsasalita. Malapit narin naman kami sa bahay kaya alam ko mawawala na ang akwardness na ito. "I wan't to say sorry for all I have done Ashton..." Mahinang sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin at aktong magsasalita pero iniharang ko sa mga labi niya ang daliri ko. Pinigilan ko siyang magsalita dahil gusto ko marinig niya ang lahat ng sasabihin ko. "Sorry sa lahat ng pasakit na naranasan mo dahil sakin... Sobra kitang napahirapan dati... Nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal na pinaramdam mo sakin dati..." Pagpapatuloy ko. Nanatili parin siyang nakatingin sakin at nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinagpatuloy ko ang pagdadrive ko. ------ Ashton Clarence Point of View Magsasalita na sana ako nung pigilan ako ni Ace. Nahingi siya ng sorry sa lahat ng bagay na nagawa niya sakin dati. Sa totoo lang wala nanaman sakin yung mga ginawa niya. Napatawad ko na siya. Nawala na rin yung pain na nararamdaman ko sa mga nangyari dati. Napansin kong iba na ang ruta ng dinadaanan namin. Hindi ko na pinansin yon. Baka kasi sa isang restaurant kami kakausapin ng kasama ng Mama niya na nag-aayos ng susuotin namin. Nandito na kami ngayon malapit sa Airport. Dito kasi ni Ace idinaan para daw mabilis kami makarating sa sinabing place ng kanyang mama. Traffic... Traffic... Traffic... 2:50pm Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit hindi ako mapakali. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit naiiyak ako? Bigla ko nalang narinig ang tunog na senyales na nawala sa pagkakalock ang pintuan ng sasakyan ni Ace. Tumingin ako sa kanya. "Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita Ashton... Lakad na.. Baka hindi mo siya abutan...." Mahinahong sabi ni Ace. Bigla nalang tumulo ang luha ko at bigla ko siyang niyapos ng mahigpit. "Maraming salamat Ace. Maraming maraming salamat" tanging nasabi ko nalang sa kanya. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nung aktong tatakbo na ako ay biglang pinigilan ni Ace ang kamay ko. "Eto oh.." Sabay abot niya sakin ng paper bag na bigay sakin ni Leo. Tumakbo na ako. Hindi ko alintana kung may mababangga ba ako o masasagi sa pagtakbo ko. Ang nasa isipan ko lang ay sana maabutan ko pa si Leo. Ngayon pang sigurado na ako na siya talaga ang mahal ko... Leo takte ka! Subukan mo lang umalis ng hindi ako nakikita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD