Prologue
Rinig na rinig ang mga busina ng mga sasakyan. Napakarami rin ng mga tao sa paligid. Heto ako, na sa gitna, naghihintay ng panahon na tumakas sa ingay ng mundo. Nais ko lang naman na marinig ang katahimikan, ngunit bakit ayaw ng buhay na akin itong matamasa? Is life being unfair or is life just following what's written?
"Beep..." Busina ng bus. It feels so nostalgic seeing this bus once again. Ang bus na aking sinakyan para maibsan ang kalungkutan na aking naramdaman nang mawala si mama noong walong taong gulang pa lamang ako. Kasama ko si papa paalis noon, ngunit hindi na ngayon. Bawat hakbang ay tila ba mga yapak ng ala-ala na 'di man lang naglalaho kahit ilang ulan pa man ang dumaan.
Bumukas ang pintuan ng bus. "Simbalan!" Hiyaw ng kondoktor. Tuwing sumasakay ako rito ay para bang kalong-kalong parin ako ni mama, dala-dala niya ako papunta sa isang lugar kung saan mapayapa. Habang nakaupo ay dumungaw ako sa bintana. Parehong bintana kung saan ako dumungaw, nagbabasakali na sumunod si mama sa amin-kahit kaluluwa man lang ni mama. Parehong upuan kung saan ako nakatulog kakaiyak habang yakap ni papa.
Naaalala at nararamdaman ko palagi kung ano ang sinapit ko noon. Para bang bumabalik ako sa walang taong gulang ko na sarili. Mosmos at nangungulila. Kasabay ng pag-andar ng bus ang aking buhay. "Hugh." Isang buntong hininga ang kumawala. Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinahayaang mabuhay ang mga ala-ala sa nakaraan. Tumulo bigla ang aking luha habang nakikita ang sarili sa sampong taon ang nakalipas.
10 years ago...
Nakawala ang aking mga luha na pilit kong tinatago sa aking mga mata. Nakatayo sa harap ng kabaong kung saan nakahiga ang aking ina, aking pinakamamahal na ina na aking kakampi sa lahat ng bagay. Sa paglalaro, sa pagkakanta, sa pagluluto, at sa lahat. Ngayon wala na siya. Wala na ang kaniyang mainit na yakap sa aking maliit na katawan. Wala na ang kanyang mga kanta kapag ako'y pinapatulog. Wala na ang kaniyang mga ngiti sa bawat umaga na nagpapagaan sa aking pakiramdam. Wala na ang mga haplos sa tuwing ako'y natatakot. Wala na ang ilaw sa madilim kong buhay. Hindi ko na siya makikita pang muli. Wala man lang siyang naiwan, kundi isang batang nangungulila ng isang ina-ako ito at isang laruan na Lemon na kulay dilaw, bigay niya sa akin, isang buwan pa lamang ang nakalipas. "Mama!"
Humagulhol ako sa iyak, gaya ng isang bata na nagdadabog kapa'g naagawan ng laruan. Ang kaso ko lang ay buhay ni mama ang kinuha ni Lord. "Mama!" 'Yan ang palagi kong sigaw kahit napakaraming tao sa paligid. Hindi ko sila pinapansin. Tanging sakit at puot lamang sa aking puso ang aking nararamdaman. Para ba akong napapaligiran ng kadiliman, walang makikita at wala ring maririnig kundi ang mga iyak ko na humihiling na sana hindi totoo ang lahat ng 'to. Bakit ba kasi si mama pa 'yung nawala?
I clenched the white rose I'm holding, still crying. Nakaramdam ako ng yakap sa aking likuran. Si papa ito. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata at kitang-kita ko ang kaniyang mga luha na pumapatak mula sa kaniyang namumulang mga mata. Nararamdaman ko rin ang sakit na nadarama ni papa. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung mawala sa iyong tabi ang taong labis mong minamahal at nakasama sa kalahati ng iyong buhay. "Wag ka na iyak nak, andito naman si papa," yakap niya sa aking ng mahigpit sabay tapik sa aking likod, sinusubukang patahanin ako. "Magsisilbing mama mo ako nak, 'di ko hahayaang maramdaman mo na wala na si mama sa tabi natin," pilit niyang pinipigilan na umiyak kahit halatang-halata na na umiyak siya ng ulan. "Promise nak, 'di kita iiwan." Aniya.
Tiningnan ko muli si mama. Ramdam ko ang bigat ng mundo na pinapasan ng aking puso. Hindi ko parin matanggap ang paghiga ni mama sa kaniyang huling higaan pamhabangbubay. Kahit andito si papa at ang kaniyang matatamis na salita, hindi parin tulad ng dati dahil wala na si mama. Ang masayang tahanan noon ay naging madilim na sapagkat nawalan na ito ng ilaw. Ano pang saysay kung magpapatuloy pa, wala namang ilaw na gagabay?
"Hmmmm..." I croaked. Tears still streaming, escaping. Then I remembered, it is only a memory.
Ngayon...
Matagal-tagal narin, pero ang sakit ay nananatili parin. Ngunit sa tagal ng panahon ang lumipas ay dahan-dahan ring naghilom ang sugatan kong puso, pero 'di ikaiila na mayroon pa ring peklat, nagsisilbing ala-ala sa masakit na sinapit. Ang importante na lamang ngayon ay kung ano ang ngayon and how should I deal with all the Lemons that are piling up, making it a burden-difficult to carry.
Ibinuka ko ang aking mga mata. Ibinaling ko ang aking pananaw sa bintana. "Hmmm..." Isang ngisi ang lumabas habang pinagmamasdan ang mga punong naiiwan bawat segundo na sumusulong paharap. Sana ganito rin ang mga kay sakit na ala-ala, na sa bawat hakbang na aking tatahakin papuntang unahan ay siya ring maiiwan at hindi na muling magpaparamdam.
Ilang minuto ang lumipas ay huminto na ang bus. Hanggang dito na lamang ako. Sa pagtayo ko ay naalala ko kung paano ako binuhat ni papa pababa ng bus. Naaalala ko pa noon na nakatulog ako at dahan-dahan niya akong binuhat sabay bulong, "Andito na tayo nak, malayo sa mga malungkot na ala-ala." Mahigpit pa ang yakap niya noon, pero ngayon?-'di ko man lang muli nasilayan at narinig ang kaniyang mainit na yakap at matatamis na salita.
Sinungaling si papa. Umaapoy ang galit ko sa tuwing naaalala ko siya. Napakasinungaling niya. Nangako siya na gagabayan niya ako at pupuno sa presensiya ni mama, pero siya mismo ang nawala at hindi na nagparamdam-sa bagay hinangad ko rin naman na ang mga ala-ala ay manatili na lamang ala-ala.
Bumaba ako sa bus, hindi parin humihinto ang pagtulo sa mga luha. Ang mga luha sa lungkot noon ay biglang napalitan ng luha sa galit na puso. Yumuko ako at tiningnan ang daan. Sa mismong daan na ito ako inihatid ni papa kina lola. Masaya naman kami noong una, mapayapa ang buhay sa bukid. Para talagang super hero si papa-kinaya niga lahat. Dahan-dahan ko ring natanggap ang pagkawala ni mama dahil nandiyan naman si papa. Ngunit ilang buwan lang ang lumipas ay nakahanap siya ng iba at lumuwas para bumuo ng bagong pamilya at ako, naiwan kay lola habang inaalala ang kaniyang mga pangako na nagiba. Mas malala pa siya sa aso na kinain muli ang mga salitang sinuka. Sinungaling talaga siya. Sampong taon na rin ang nakalipas hindi ko na siya nakita pa. Bahala na siya, matagal ko na siyang binura sa aking puso't isipan.
Sariwa ang hangin sa bukid, kay sariwa tulad ng mga ala-ala sa lugar na ito. Bawat yapak na aking tinatahak ay siya ring nagpapaalala sa batang ako na pumupunta sa bahay ni lola kung saan ako lumaki.
Nakarating ako sa isang medyo luma na na bahay, ngunit sariwa parin sa ala-ala. Parang kahapon lang ay walong taong gulang ako na niyayakap si lola. "Ugo!" Isang boses ang umalingawngaw sa aking tenga. Lumingon ako pakaliwa at nakita ko muli ang mga ngiti ni lola. Dahan-dahan siyang tumakbo sa aking deriksiyon habang nakabitbit ng isang walis.
"La," ngiti ko sa kanita. "Mano po." Ani ko.
"Ba't ka napadalaw?" Tanong sa'kin ni lola.
"Wala po kasing klase, tapos miss ko na po kayo." Yakap ko kay lola.
"Ada, napaka OA," tawa niya. "Parang tatlong buwan ka pa nga lang umalis."
That's right. I transferred school because of the unavailability of the strand that I would like to take for my Senior years. I was a General Academic Strand student here, but then I transferred because I am more fond with mysteries and philosophies. I really love and enjoy literature. Plus, I am intrigued with the mystery of the words. They say it can change life...
"Halika ka na, may juice doon sa kusina, baka nauuhaw ka." Ani lola.
Pumasok ako sa pintoan na may mga ngiti sa labi. Naaalala ko ang mga araw noong bata pa ako. Itong bahay na ito ay ang bahay kung saan ako naglalaro kasama si lola na siyang pumalit at nagsilbing mama at papa ko. Dito na ako lumaki, dito ako nag-aral hanggang Grade 11, at dito ko unti-unting kinakalimutan ang mga mapait na ala-ala noon.
Pumunta ako sa kusina. Maaliwalas ito dahil nakabukas ang naglalakihang bintana. Sa bintana, madudungaw lamang ang bakuran. Lumapit ako sa bintana at lumanghap ng sariwang hangin. Sa bakuran ay makikita ang isang Lemon Tree na tinanim ni mama noong bata pa raw siya. Sabi ni lola nang ipagbubuntis raw ako ni mama ay inilihi ako sa Lemon. Halos araw-araw daw gumagawa at umiinom si mama ng Lemon Juice. Kaya siguro ngayon, Lemon Juice ang ginawa ni lola.
"Kumusta pag-aaral mo?" Tanong sa akin ni lola habang kumukuha ng kung ano sa ref.
"Okay naman po, medyo mahirap, pero okay naman." Sagot ko habang natingin parin sa kawalan, inaalala ang mga gustong ibaon na ala-ala.
"Mabuti naman," wika siya sabay lapag sa lamesa ng isang platong Lemon Cheese Cake. "Ugo, apo, may cake dito oh, 'yung paborito mo. Sabayan mo ng Lemon Juice, paborito mo rin 'to." Ngiti ni lola sa akin. 'Di talaga pwedeng magkamali si lola. Basang-basa niya lahat kahit 'di ko man sabihin sa kaniya.
"Opo la, salamat." Lumapit ako sa lamesa at umupo sa upuan. Kumuha ako ng isang hiwa ng cake at naramdaman ang lambot nito. Naalala ko tuloy ang mga nakaraan kong kaarawan na kami lang ni lola palagi ang nag-ce-celebrate. Palagi siyang gumagawa ng Lemon Cheese Cake dahil alam niya na ito ang comfort food ko.
Bawat kagat ay mapanglaw sa puso't isipan. Bumabalik ang mga panahon kung saan akoy masaya kasama si lola kahit kami nalang dalawa-wala na si lolo, wala si mama, wala narin si papa.
"Sarap La." Wika ko habang puno ang bibig sa cake.
"Aba syempre, gawa 'yan ng pagmamahal." Sagot naman ni lola habang nakaupo at nakatingin sa akin na nakangiti.
Kumuha ako ng baso at pinuno ito ng Lemon Juice. Malamig pa ito saktong-sakto sa panahon na ganito-maaliwalas at mainit. "Ahh." Napaka-refreshing. Kay lamig. Nababawasan ang init na aking nararamdaman. Sana ganito rin sa buhay, kapag may mga problema na nagbabakas ng masasakit na ala-ala ay may kung anong bagay o tao ang kayang magpalimot sa mga ito.
"Oh siya, iwan na muna kita dito, may meeting pa mga senior citizens sa gym." Ani lola at lumabas ng dahan-dahan sa kusina.
Bumalik sa katahimikan ang kusina. Dumungaw ako muli sa bintana at napagpasyahang pumunta sa bakuran. Pumunta ako sa sala para lumabas nang makita ko ang dati kong laruan na bigay ni mama sa aking kaarawan na nakalapag sa lamesa. Isang Lemon na laruan. Nilapitan ko ito at biglang tumulo ang aking mga luha. Nang mahawakan ko ito ay ramdam ko ang lambot at init nito, tulad ng mga yakap ni mama noong nabubuhay pa siya.
Bit-bit ang laruan ay lumabas ako at pumunta sa bakuran. Medyo malaki ang bakuran ni lola. Napakaraming bulaklak na ani mo'y kulay ng bahaghari. Sa gilid makikita ang matayog na Lemon Tree. Lumapit ako rito para magsilong. "Ahh..." Isang buntong hininga ang kumawala. Napakasariwa dito. Kung maaari lang ay dito nalang ako maninirahan hanggang sa ako'y susunod narin may mama.
Umupo ako sa ilalim ng anino ng puno habang yakap parin ang laruan kong Lemon. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas maramdaman ang kapayapaang dala ng lugar na ito. Sa ilalim ng puno nahanap ko ang tahimik at payapa kong puso. Napahiga ako bigla. Binuksan ko ang aking mga mata at agad bumungad ang pamanakit na araw. Kahit masakit sa mata ay magaan ito sa pakiramdam. "Sana ganito palagi ang buhay, may ilaw."
Ipinikit ko muli ang aking mga mata kasabay sa ihip ng sariwang hangin. Nagsayawan rin ang mga dahon nang marinig ang sibol ng mga ibon. Payapa-salitang maglalarawan sa pakiramdam ko ngayon.
"Ayos ka lang Ugo?" Isang boses ang umalingawngaw sa aking mga tenga dahilan upang mapaupo ako bigla sa aking kinahihigaan. Boses ito ni lola.
"Po," gulat kong sabi. "Ayos lang naman po." Ngiti ko kay lola.
"Nako Ugo, alam kita," lumapit siya sa akin. "Kahit utot mo alam ko." Biro niya at umupo malapit sa akin.
"Ayos lang po talaga ako la." Ngiti ko habang niyayakap ng mahigpit ang laruan.
"Ugo, miss mo na mama mo?" Tanong ni lola.
Tumulo bigla ang aking luha. "La?"
"Pagdating mo dito kanina, namumula mga mata mo. Ngayon yakap-yakap mo laruan mo noong bata ka pa. Masasabi kong na mi-miss mo na mama dahil tuwing gabi, niyayakap mo 'yang laruan nayan at umiiyak habang bulong-bulong ang mga salitang 'mama'." Wika ni lola.
Hindi makakaila na nangungulila ako sa isang ina pero matagal ko ng natanggap ang kaniyang pagkawala.
"Okay lang po ako la, promise." I tried to assure her I was okay.
"Basta apo, ani nga nila, 'When life gives you lemon, make lemonade'," ngiti niya sa akin. "Kahit ano pamang problema ang darating sa atin ay dapat hindi natin kalimutang ngumiti at magpatuloy sa buhay. Kahit maasim pa man ang juice, kapa'mg lalagyan natin ito ng asukal ay tatamis at tatamis talaga ito. Kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa." Dagdag pa ni lola.
Napangiti ako sa mga salita ni lola. Talagang alam niya paano pagaanin ang loob ko.
"Kala ko ba may-meeting po kayo?" Tanong ko.
"Oo, nagbihis lang ako ta's nakita kita dito kaya nagtanong nalang ako." Sagot naman ni lola. "Oh siya sige, aalis na ako para makapaghinuha ka d'yan." Tumayo na si lola at akmang papaalis na.
"La? Paano po la kung sasabihin ko na umiiyak ako hindi lang dahil miss ko si mama, kundi dahil may nakilala akong Lemon na nagpatibok po ng aking puso?" Wika ko na nagpahinto kay lola. Nakakahiya ngunit oara maibsan ang aking nararamdaman ay kailangan kong sabihan si lola.
"Lemon?" Napahinto siya at lumingon muli sa akin.
"Opo, literal na Lemon." Sagot ko naman habang pinipisil ng mahigpit ang laruan.
"Aba, in love na pala 'tong Ugo ko." Ngiti niya na para bang kinikilig muli.
Pinapawisan na ako. Kinakabahan kung ano ang magiging reaksiyon ni lola kapag ipagpapatuloy ko pa ang aking sasabihin. Mga salitang bago sa kaniyang mga tenga na kayang sirain ang aming pagsasama. Mga salitang kasuklam-suklam sa pananaw ng iba na ipagtatabuyan ka ng mga tao. Bawat pintig ng puso ay siya ring pagpatak ng mga pawis.
"Ayos lang 'yan apo. Mas maganda nga dahil napunan na ang butas mong puso." Ngiti niya.
Pumatak ang aking luha sa aking mga kamay. Kinakabahan. Nasasabi lang ba ito ni lola dahil hindi niya alam ang katotohanan? Paano kapag nalaman na niya? Only one way to find out. Huminga ako ng malalim at hinayaang puso ang magsalita para sa akin. "Paano kung sabihin ko po na lalaki po ang Lemon na dumating sa aking buhay, lalaki po ang lemon na nagpatibok ng aking puso, lalaki po ang lemon na pumuna sa kulang kong puso, lalaki po ang lemon na nagpatamis sa aking buhay? Paano po? Paano po kung sa lalaki po ako nagmahal?"
"When LIFE GIVES you LEMON, make Lemonade."