Company

1114 Words
Episode 3 ------------------------------------------ Maaga akong gumising ngayong araw dahil ngayon araw nato ako mag-aaply sa kompanyang pinapasukan ni roxi. Pero itong si roxi tulog parin kahit alas 6 na, 7:30 kasi ang oras ng trabaho niya. Habang alas 8 naman ang oras ng pag apply dun. "Roxi, gising na! ang sabi mo bawal ma late dun? oii roxi" niyugyug ko siya, bahagya namang dumilat yung mata niya "ayy sorry nakalimutan kung sabihin sayo, ngayong araw nato pala ang rest day ko at ng mga kasama ko sa presentation nung nakaraang linggo, medyo hectic kasi yung week na yun kaya binigyan kami ng rest day hehehe sorry" sabi niya at pumikit ulit "ha? eh wala akong makakasama dun?" inis na sabi ko, kasi naman paano kung maligaw ako dun? Tinuro naman ni roxi sakin yung adress at kung anong sasakyan ko pero kahit na! paano kung sa mismong kompanya ako maligaw? ayy naloko na "matalino ka tasia, alam kung kaya mo yan, goooo girl!!!" sabi niya nang nakapikit parin Hayys ano pa nga ba?.... tapos na akong maligo at kumain kaya mag aayos nalang ang kailangan kong gawin, kumuha lang ako sa bag ko ng white polo at black skirt, para disente naman akong tingnan "tasia girl hindi ka parin nag babago ganyan ka parin kahit nasa manila ka na, girl mag dress ka para maganda kang tingnan" na ngayon ay naka dilit na ng maayos ang mga mata pero nakahiga parin "eh hindi naman pag papaganda yung pinunta ko don no!, trabaho ang pinunta ko dito sa manila kaya ang kailangan ko lang ay ang maging presentable" dahilan ko habang kinukuha yung mga undergarments ko "aba girl presentable ka parin naman tingnan kahit mag dress ka ah? hiramin mo yung mga dress ko nandun sa aparador, bilis" pangungumbinsi niya, pero hindi ko nalang siya pinansin "ayoko nga" sabi ko, at pumunta na sa banyo para magbihis Lumabas nako ng banyo at nakitang nakabusangot na yung mukha ni roxi habang naka upo at nakatingin sakin "kaya ka sinasabihan ng manang ehhh" galit na sabi niya Ayy galit na galit? ustong manakit? HAHA rawr "sanay na ko girl, alam mo yan" sabi ko at humarap sa salamin para suklayan ang aking kulot na buhok, ang kulay ng buhok ko ay light brown namana ko kay nanay, tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. My skin is white as paper, i have a light brown freckles on the bridge of my nose pero hindi siya masyadong halata pag sa malayuan, pink lips, brown almond eyes na minsan ay nagiging kulay green kapag naarawan, kulay brown din yung kilay ko, maliit pero matangos na ilong at cute and beautiful shape of face. I got all my features from my mom, meron kasing lahing german si nanay. Okay lang naman yung itsura ko kaya hindi ko alam kung bakit maraming may ayaw sakin sa school, siguro dahil nerd ako parating nakasalamin at hindi palaayos, kaya binubully kasi nag mumukha akong dugyot. "hoy girl! ang ganda ganda mo kaya atsaka ang talino mo pa, insecure lang yung mga babae sa school noon" sabi niya "insecure? bakit naman sila ma iinsecure sakin eh halos lahat nung mga nambubully sakin eh ang gaganda ng buhay, parang walang iniisip na problema, atsaka kaya nilang bayaran yung tuition nila hindi kagaya ko" sabi ko dahil walang dapat ika insecure sakin kasi sila hindi na nila kailangang magkanda-kuba sa pag-aaral para lang mapanatili yung scholarship. "no! insecure sila kasi kahit anong gawin at sabihin nila sayo ay hindi parin maitatanggi ng lahat na ikaw ang pinakamaganda sa school at yun yung hindi nila matanggap kasi kahit anong gawin nilang make up sa mukha nila wala parin silang panama sayo Ms.Gozon hahahahha partida pang naka salamin ka at hindi pala ayos ah" speech niya Pero hindi ko nalang siya pinansin at naglagay nalang ako ng pulbo at lip balm para may shine yung lips ko. Pagkatapos ay sinuot ko na yung salamin ko. "Tanggalin mo yung salamin mo dahil binilhan kita nung isang araw ng contact lens na kakulay ng mata mo at meron din yung grado" pagalit na sabi niya, ayy grabe siya "salamat pero nag sasayang kalang ng pera dahil ayoko" sabi ko "mag lipstick ka man lang tasia" inis na talaga na sabi niya. HarHar "ayoko" i said firmly, nag suot nako ng itim na flat shoes, luma natung sapatos kung ito, kaylangan ng palitan kasi parang kahit ano mang oras ay nganga-nga na siya. "hoyy girl! huwag mong sasabihing hindi ka bibili ng sapatos? grabe ang kuripot mo naman!, naghihingalo nayang sapatos mo oh" naiistress na talaga siya sa buhay ko. Inayos ko na yung envelope at tiningnan ang oras, alas 6:30 palang naman, hindi naman ako mali-late dahil 11 min lang naman ang byahe papunta sa kompanyang iyon. Alas 8 pa naman ang start, kaya kahit mag chickahan pa kami ay hindi ako male late "huwag kang mag-alala bibili naman ako ng bagong sapatos kapag may extra pera na ako" paninigurado ko kasi parang aatakihan na siya ng stress umagang umaga "dapat bumili ka talaga kasi mahihirapan ka sa trabaho kung hindi ka komportable sa sapatos mo" sabi niya, na parang siguradong sigurado talaga na matatanggap ako sa trabaho ehh wala pa nga "hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ako" sabi ko "matatanggap ka for sure promise, trust me, kailangan kasi talaga nila ng empleyado ngayon" sabi niya "o sige na aalis na ako, para maaga ako" sabi ko at binitbit na yung bag ko at envelope "bye bye ingat ka dun, im sure you will ace the interview! ikaw pa!" sabi niya "sige bye bye, mag ingat ka din dito" sabi ko at lumabas na ng apartment, pumunta nako sa sakayan ng jeep katulad ng sinabi ni roxi sakin at kahit ano dawng jeep ay pwede. Sumakay nako ng jeep at sinabi ang pangalan ng kompanya Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nandito nako sa destinasyon ko at bumaba nako jeep at bumungad kaagad sakin ang.......napakalaking building. Napanganga ako sa sobrang laki at lawak, hindi ako ignorante sa mga company ha pero iba ang isang to, grabe napaka taas... WOW!!! Yun nalang ang masasabi ko sa kompanyang ito, grabe ilang floors kaya to? sigurado ba talagang nagkakaubusan ng empleyado dito? mukhang kahit na sino ay nanaising makapag trabaho dito ah?! Wala pa ako sa mismong bungad ng kompanya ha, sa labas pa lang talaga itong nakikita ko,sobrang namamangha nako, paano pa kaya pag nasa mismong loob nako? My Goshhh Window glass, i mean...everything is glass from the outside Tsk. hindi man lang ako sinabihan ni roxi na ganito pala kaganda ang Ford Hidalgo Corporation.. This is it whooo.. ------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD