Episode 2
------------------------------------------
2 hours later...
Nandito na ako ngayon sa Manila, ang sabi ni Roxanne iyung kaibigan kung nag-suggest sakin na pumunta ako ng maynila ay susunduin niya raw ako dito sa mamihan, tinuro niya sakin ang lugar na ito na eksaktong eksato para hindi ako maligaw.
kaya ito nandito ako ngayon sa mamihan naka upo at kumukain ng mami, gutom narin kasi ako hindi kasi ako nakapag lunch kanina. Kinakabahan talaga ako ngayon first time ko kasing makapunta dito sa maynila eh...........Ilang minuto pa ng sawakas dumating na si Roxanne
"TASIAHHHHH" tili ni roxanne, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa mamihan dahil sa lakas ng tili niya
" oi ano ka ba chill lang, nakaka-bulabog ka ng mga tao o" saway ko
"iihhh namiss kasi kita girl" sabi niya sabay yakap sakin
niyakap ko rin siya "ako din namiss din kita, kamusta?" tanong ko
bumitaw na siya ng yakap "eto okay na okay, may stable work kaya gusto din kitang tulungan meron kasing mga bakante sa kompanya Hahahhaha matira matibay kasi dun eh hahahhahahahahahahhahahahahah"
"ha?"
"ahh basta malalaman mo din yan, ano tara na? sa apartment na tayo mag patuloy mag kwentuhan" sabi niya
"o sige, tara na" sabi ko sabay isa isang binuhat ang mga gamit ko
"tulungan na kita" sabi niya
"ayy nako huwag na no kaya ko na" pag tanggi ko
"hala siya ano ka ba, ako lang to ohh girl? bestfriend mo pero number 2 kasi baka magalit si tonton pag inagawan ko siya ng bestfriend hahahah kamusta yung cute na bata nayun? for sure iyak ng iyak yun no?" sabi ni roxanne at kinuha yung isa kong bagahe, hinayaan ko nalang at nag simula na kaming maglakad papunta sa sakayan
"oo iyak ng iyak yun kanina, pero alam ko namang naiintihan niya kung bakit ako umalis, matalinong bata kaya si tonton ako ba naman ang teacher?"
"ayy hala siya? iba nga naman pag yung Magna c*m Laude na yung nagyabang, walang makakabara"
tumawa nalang ako ng tumawa "mag taxi nalang tayo ha sagot ko para hindi hassle tung mga bagahe ko" sabi ko
"okey, gege" sabi niya
Si Roxanne Alberta ang naiisang kaibigan ko noong college, nag iisa as in nag iisa kahit hindi kami mag kaklase magkaibigan parin kami, walang kumakaibigan sakin nun, hindi naman ako nabubully nung college hindi kagaya nung sa highschool pero halatang inis sakin yung mga kaklase ko lalo nayung mga babae, merong mga nag papaturo sakin pero alam kong they talk behind my back, may nagsasabing ang panget ko, nerd, freak, sipsip sa teacher at maraming pang iba. I want to have peace so hindi ko nalang pinapansin yung mga pinagsa-sasabi nila kahit minsa medyo below the belt na yung mga words atsaka wala din naman akong magagawa, anong ba namang laban ng isang scholar sa kanila?
"nandito na tayo, welcome home! feel at home tasiah!!!!" sabi niya, nandito na kami sa rinerentahan niya sa quezon. Dito muna ako matutulog sa apartment niya pero lilipat ako sa katabi ng apartment niya, nililinisan pa kaya bukas pa ako makaka lipat, naka pag downpayment narin ako.
Pumasok na kami sa loob ng apartment. Maliit yung apartment pero pwede na for one person, basta may Kuryente, tubig, higaan at lutuan para sakin okay na okay nayun.Nilapag ko na sa sahig yung mga bagahe ko.
"magpahinga ka muna jan tasiah alam kung malayo yung byinahe mo, kung nagugutom ka merong ulam at kanin jan hinanda ko para sayo" sabi niya
"salamat talaga roxi ha, thank you so much, sobra sobra na tung mga tulong mo sakin, thank you" sabi ko, sobrang thank you ko na nga nung the fact na kinaibigan niya ako, pero ito siya tinutulungan pa rin ako kahit wala akong maibibigay sa kanya bilang kapalit.
" ano ka ba maliit na bagay lang to girl harharharhar" weird na tawa niya
"pero no joke, salamat talaga, i promise na kapag ako talaga umasenso babawi ako sayo roxi" sabi ko
"ano ka ba hindi naman ako nanghihingi na kapalit lol" sabi niya
"thank you padin"
"hahahahaha huwag kang masyadong mag pasalamat dahil baka kapag nag trabaho kana sa kompanyang pinagtratrabahoan ko baka ako sisihin mo hahaahahahha" mala demonyo niyang tawa
"anong ibig mong sabihin? roxanne ah baka dirty business tung kompanyang pinag tratrabahoan mo!" kinakabahang sabi ko, nako nako roxanne back out talaga ako agad dito
"gaga hindi, anung kala mo sakin, clean company to no!" sabin niya na with matching madramang hawak sa dibdib niya
"sorry, kung maka sabi at maka tawa ka kasi parang may papasukan akong gyera!" asik ko kanya
"gyera naman talaga, charottt hahaha basta ang secret para mag tagal sa company nayun?, dedma at pasensya hindi ka dapat pang hinaan ng loob dun oki? sure na sure naman ako na makakapasok ka sa kompanya like hello? magna ka atsaka meron ka naring experience, ohh ano pang hahanapin nila sayo? mahiya sila kung ire reject ka nila no" sabi niya
"salamat, atsaka easy lang pala yung kailangan ehh dedma at pasensya? what the? superr easyyy nun roxi, kilala moko alam mong sobrang galing ko sa pasensyahan" pagmamayabang ko, ha! ang easy easy lang pala, kung makapang takot to si roxi akala mo may halimaw sa kompanya hahahahah
"easy pala ahh tingnan natin" she said while smirking
tumango tango ako "tingnan natin" sabi ko ng buong confidence
bigla siyang lumapit siya sakin, hinawakan ako sa balikat at tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Napalunok ako kasi ang seryoso ng tingin niya
"brace yourself anastasia, dahil bukas na bukas ay mag-aaply ka na sa Ford Hidalgo Corporation" hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
------------------------------------------