First

1160 Words
Episode 1 ------------------------------------------ "Anak huwag ka nalang kayang umalis?" na iiyak na sabi ng nanay ko "Ma, alam niyo naman pong itong pag alis kung ito ay para sa inyo ni tatay at ni tonton" ngayong araw na ang alis ko papuntang manila, hayys kung may pag pipilian lang din ako ay mas gugustohin kung dito nalang sa tabi nila, kaso wala eh. "Sige na nga basta dumalaw dalaw ka rito ha! alagaan mo ang sarili mo doon" naiiyak na talagang sabi ni nanay. "ano ka ba naman ayla malulungkot na aalis niyan si andra kung patuloy kang iiyak" sabi ni tatay na kakalabas galing sa kusina na may dala dalang baonan " anak o baon mo" bigay ni tatay sa baonan " salamat pa, ma mimiss ko po kayong lahat" " o sige na sige na baka ma huli ka sa byahe mo" naiiyak na din na sabi ni tatay. " kita mo umiiyak ka rin pala prando " tukso ni nanay kay tatay, umismid lang si tatay at yumakap kay nanay. Napaka sweet talaga nila sa isa't isa.Kailangan kaya ako makakahanap ng lalaking kagaya ni tatay na kahit lumipas man ang ilang mga taon ay mahal na mahal parin si nanay. Hayy mukhang malabo yata tung pangarap kong ito. Alam ko namang walang lalaking papatul sa itsura ko. "o anak, puntahan mo na si tonton sa kwarto at umiiyak na naman"sabi ni nanay Hayyst mahihirapan akong umalis nito ehh Si Anthony o tonton kung tawagin ay ang kapatid ko he's 7 years old and he's a deaf. Alam kong siya ang pinaka nahihirapan sa pag alis kung ito dahil hindi lamang bilang kapatid kundi bilang ako na din ang tumayong bestfriend niya at teacher.Ako ang naging kalaro niya dahil palagi siya binubuyo ng mga bata dito sa amin, ako din ang naging teacher niya't tinturuan ko siya kung paano sumulat at gumamit ng sign language. Si tonton ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako pupunta ng manila, gusto ko kasi siyang pag-aralin dahil alam kung hindi sapat yung mga kaalamang tinuturo ko sa kanya, kailangan niyang maturuan ng maayos, hindi din naman kaya nila nanay at tatay ang paaralin si tonton dahil dito sa lugar namin mahal ang tuition fee sa mga eskwelahang merong special education para sa mga batang kagaya ni tonton, ako nga din eh akala ko hindi na ako makaka pag college buti nalang nabigyan ako ng scholarship. Dalawang taon na ang nakakalipas simula nung grumaduate ako bilang Magna c*m Laude sa kursong Business Ad, talagang nag-aral talaga akong mabuti para kahit papaano ay masuklian ko man lang ang lahat ng pag hihirap ng mga magulang ko para sa akin atsaka pinagsikapan ko talagang makakuha ng Latin honor dahil ang iniisip ko noon ay mas madali akong makaka kuha ng trabaho kapag maganda yung background ko, pero nagkakamali pala ako ng akala noon dahil nung nag simula na akong mag apply ng trabaho sa mga kompanya ay isa lang ang paulit-ulit nilang tinatanong at iyon ay kung " may experienced ka na ba" malamang wala ehh kaka graduate ko lang nun ehh, tsk walang naging silbi yung Magna c*m Laude ko dahil ang hinahanap nila ay yung mga bihasa na, meron namang tumanggap sakin na kompanya at akala ko iyon na talaga ang simula ko kung saan mapag-aaral ko na si tonton at mabibili ko na ang mga gusto nila nanay at tatay kaso sa kasamaang palad nag kasakit si tatay at doon napunta sa mga gamot niya ang lahat ng sweldo ko. Kaya laking pasasalamat ko talaga nung sinabi sa akin ng kaibigan ko na merong bakante sa kompanyang pinapasukan niya sa manila, gusto kung mag baka sakali dahil sabi nung kaibigan ko na malaki daw ang swelduhan dun sa kompanya nila, taga dito din sa Agusan Davao del sur yung kaibigan kung iyon classmate ko siya nung college. Hayyst pero kung may pag pipilian lang ako? mas gugustuhin kung dito nalang sa davao kasama yung pamilya ko, kaso wala ehh wala akong choice kasi gusto kung magamot si tatay at makapag-aral si tonton. Pumasok ako sa kwarto namin ni tonton at nakitang naka-upo siya sa kama at nakatalukbong ng kumot. Nilapitan ko siya at umupo ako sa gilid ng kama. Kinilabit ko siya at lumingon naman siya sa akin at nakitang punu ng luha ang mga mata niya. Hayss Niyakap ko siya "sorry na" sabi ko sakanya gamit ang sign language, pero hindi pa din siya kumikibo at patuloy lang sa pag-iyak " Bakit ka umiiyak? eh aalis lang naman ako hindi naman ako mawawala? dadalaw dalaw pa rin naman ako dito tonton, magkikita pa rin naman tayo" pag papaintindi ko sakanya kahit na umiiyak na din ako "Ayokong umalis ka ate" sabi niya "Ayoko din namang umalis ehh pero itong pag-alis kung ito ay para sa inyo tonton, diba gusto mong mag-aral sa eskwelahang merong mga batang katulad mo? kasi gusto mo ng kaibigan maliban sa akin?" sabi ko " ayoko nalang mag-aral " sabi niya Haynako ang kulit "tonton ano ka ba pag-aaralin kita atsaka diba gusto mong gumaling na si tatay?" tanong ko, tumango siya "oh iyon naman pala atsaka mabibilhan na din natin si Nanay ng washing machine diba pangarap natin yun" Nakitang lumiwanag yung mukha niya nung pag ka banggit ko ng washing machine iyon kasi ang pangarap naming dalawang bilhin para kay nanay para hindi na sumakit yung mga kamay at likod niya. " sige na nga pero basta tayo pa rin ang mag bestfriend ah" sabi niya, pinisil ko yung mataba niyang pisngi ang cute cute niya talaga " oo naman siyempre" sabi ko at pinunasan na yung luha sa mata niya "huwag ka ng iiyak ha" tumango siya, kaya tumayo na ako dahil baka mahuli na ako sa byahe pinunasan ko na rin yung luha ko " tara na, ihatid niyo ko nila nanay" lumabas na kaming dalawa ng kwarto "nay tay aalis na po ako, mag-ingat po layo dito ha" sabi ko at kinuha na yung mga bagahe kong sa sala " mag ingat ka din dun ha tumawag ka kung may problema"sabi ni nanay at inihatid na nila ako sa labas "tonton huwag kang pasaway ha bantayan mo sila nanay" bilin ko sa kapatid ko nung makalabas na lami ng bahay "opo ate babye" paalam niya " babye na anak sige na baka mahuli ka pa" paalam din ni tatay "bye nak" sabi ni nanay " byebye ma-mimiss ko po kayo" sabi ko kumaway ako sa kanila at nag simula na akong mag lakad palayo Tinanaw ko yung maliit naming bahay na gawa sa kahoy, kumakaway pa din sila nanay, tatay at ton ton. Hayy mamimiss ko sila Alas 8 na ng umaga at alas 10 ang byahe ko papuntang davao city at ang flight ko naman papuntang Manila ay alas 2. By the way, Ako nga pala si Anastasia Prellia Gozon, 22 years old and im going to Manila. ------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD