Kabanata 5

1354 Words
“ Tita, may multo ata ang mansyon nila Madam,”biglaang sambit ni Sav sa tiyahin niya habang inaayos nito ang bedshet. Bahagya namang napalingon sa kaniya ito. Hindi nito alam kung bakit ito natanong ng pamangkin niya. O di kaya ay epekto ito ng pagkalunod niya sa swimming pool. “ Bakit mo naman iyan nasabi, Sav?” nagtatakang tanong nito. “ K-kasi po, palaisipan kasi sa akin kung sino ang tumulak sa'kin sa pool. Wala namang ibang tao 'nun ako lang namang mag-isa na nasa pool area.” seryosong sagot pa nito ngunit nginisian lamang siya ng tiyahin niya. “ Sure kabang walang ibang tao doon? Paano mo naman nasisiguro?” nakapameywang na tanong nito sa dalaga. Kamot-ulo naman itong nakatingin sa kaniya at sabay na kumuha ng grapes. Hindi alam ng dalaga kung sino ang sumagip sa kaniya 'nung nalunod siya sa pool. Tanging ang mga kasambahay at ang tiyahin niya ang may alam kung sino ang taong iyon. Nababahala lang ang tiyahin niya dahil baka umuwi ng wala sa oras si Sav sa probinsya nito kung sakaling malaman nito na ang taong tumulak at sumagip sa kaniya ay iisang tao lamang. Gusto ng tiyahin niyang makapagtapos ito ng pag-aaral upang mkatulong sa dalawang bunsong kapatid nito na nasa probinsiya ng Cavite. “ Pahinga lang ang kulang niyan, Sav. O siya maiwan na muna kita, punta lang ako ng canteen. Bibili ako ng lunch natin. Ano ba gusto mong kainin?” sambit nito sa dalaga. “ Kahit ano nalang po, tita.”maikling sagot nito sa tiyahin niya. Nilalaro nito ang grapes sa kaniyang dila sabayan pa ng pagpikit tila'y ninanamnam nito ang lasa ng grapes. “ Oh sige, babalik din ako kaagad,”agad na inayos ni Asun ang sarili niya at sabay na lumabas ng kwarto. Naiwang mag-isa si Sav sa loob ng kwarto. Upang libangin ang kaniyang sarili ay tumayo ito at marahang binuksan ang bintana. Lihim siyang napangiti nang makita niya ang grupo ng kabataan habang naglalaro ito sa plaza na di kalayuan sa hospital kung nasaan siya. Muli niyang naalala ang childhood memories niya. Flashback-- “Pangit! pangit!”kantyawan ng mga batang bullies at sabay siyang itinulak ng batang babae na si Alexa. Ang bestfriend niya ngunit bumaliktad ito nang magkaroon ng ibang kaibigan.Anak mayaman kasi ang bestfriend niyang si Alexa. Ipinagpalit siya nito sa iba at pinagtutulungan siya nitong binully kasama ang bago nitong mga kaibigan. Anak mahirap lang kasi siya. Walang nagawa si Sav, tanging ang pag-iyak lamang ang nagawa niya. At pinagbabato siya ng mga ito ngunit biglang may humarang sa kaniya kaya sa batang lalaki napunta ang mga batong ay dapat para sa kaniya. Prinotektahan siya nito. Agad na kumaripas ng takbo ang mga bata nang dumating ang bodyguards ng batang lalaki. “ Young Master!” natatarantang tawag sa kaniya ng mga ito. Nakatingin lamang si Sav sa duguang ulo ng batang lalaki. Napahawak ang batang lalaki sa duguan niyang ulo. “Are you okay? Nasaktan kaba?” nagawa pa siya nitong kamustahin kahit dumurugo na ang ulo nito. “ O-okay lang ako pero 'yung ulo mo dumudugo,”napapalunok na sagot ni Sav sa batang lalaki. Dali-daling nilapitan ng mga bodyguards ang batang lalaki at sabay itong binuhat papunta sa kotse ngunit bago paman makaalis ang kotse. “ We'll meet tomorrow, babalik ako. Hintayin mo ako ah?” sambit ng batang lalaki sa kaniya at sabay itong ngumiti. Natiis ng batang lalaki ang hapdi ng kaniyang sugat sa ulo. Kinabukasan ay muling bumalik si Sav ay nagkita sila ulit. Hinayaan lamang siya ng tatlong bodyguards na nakabantay sa kaniya. “ Nais kong magpakilala sayo, ako nga pala si Sava.Salamat sa pagligtas mo sa akin kahapon. Kumusta na pala ang sugat sa ulo mo?” nakangiting nagpakilala si Savage sa batang lalaki. May malaking benda ang ulo nito. “ Wala iyon, Sava. Pleasure to meet you!” inilahad ng batang lalaki ang kaniyang kaliwang kamay at agad na nakipagkamay. “ Ikaw? Sino ang pangalan mo?” Aakma na sana itong sumagot nang makarinig sila nang biglang tumunog ang kampana ng simbahan na malapit lamang sa kanilang kinaroroonan. “ Let's go?” nakangiting inaya siya nito at sabay na hinawakan ang kanyang kamay. Tumakbo sila papunta sa simbahan. May kasalanang nagaganap.Pumwesto sila sa gilid ng simbahan ngunit namitas muna ito ng bulaklak na Santan at ginawa itong bilog na kasing laki ng middle finger nila. Bali dalawa ang ginawa ng batang lalaki. Sabay na humarap sa kaniya ang batang lalaki at sabay na hinawakan ang kaliwang kamay nito. “ Take this ring, and this symbolize my eternal love to you. You and me forever,” nanlaki ang mga mata ni Sav sa isinambit nito. Kakilala lamang niya sa batang lalaki ngunit sinuotan na siya ng singsing nito na gawa sa santan na bulaklak. Inabot ng batang lalaki ang isa pang singsing na gawa sa santan. “Gayahin mo ang ginawa ko, Sav.” agad na hinawakan ni Sav ang kaliwang kamay nito. “ Take this ring, and this symbolize my eternal love to you,” agad na isinuot ni Sav ang singsing sa middle finger ng batang lalaki. Insakto naman ang pag-announce ng pari. “ You can now kiss your bride!” kaya hinalikan siya nito sa labi ngunit dumating ang tatlong bodyguards ng batang lalaki. “What are you doing, Son?” pareho silang nagulat nang sumulpot ang mama ng batang lalaki. At sabay siyang hinila nito palayo kay Sav. Nandidiri ang ginang sa kaniya. “ Let's go, anak. Baka maiwan tayo ng eroplano,” nabigla si Sav sa isinambit ng mama ng batang lalaki. “ Teka lang po mama.“ tumakbo ang batang lalaki pabalik kay Sav at sabay siya nitong niyakap. “ Babalikan kita, Sava pangako iyan.” Simula nun ay hindi na niya nakita pa ang batang lalaki. Ang singsing na suot niya na gawa sa Santan na bulaklak ay kaniya itong itinago. Ngunit nagdaan ang ilang taon ay hindi parin bumalik ang batang lalaki. Hanggang sa magdalaga siya.Unti-unting lumabas ang tunay nitong ganda kaya't maraming lalaki ang nahuhumaling sa kaniya at nanligaw ngunit ni-isa sa mga ito ay wala siyang sinagot dahil umaasa siyang babalikan ng Childhood Sweetheart niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili niya na, walang sinuman ang papalit nito sa puso niya. “ Pasensya kana kung natagalan, Sav. Nagugutom kana ba?” nabalik sa huwisyo si Sav nang biglang dumating ang tiyahin niya at may dala na itong tray ng pagkain. Agad niyang pinunasan ang luhang nangingilid sa mga mata niya gamit ang kaniyang kamay. “ Umiiyak kaba?” nag-alalang tanong ng tiyahin niya sa kaniya. “H-hindi po, tita. Napuwing lang po ako,” pagsisinungaling nito ngunit ramdam ng tiyahin niya na may mali sa kaniya. Sabay silang kumain ng lunch. Hanggang sumapit ang hapon ang tanging nasa isip nito ay ang saviour niya. Hanggang sa tuluyan na itong nakatulog. Kinabukasan ay nagising siya sa isang bangungot. May nakita siyang binata ngunit may kung ano ng tumabon sa mukha niya. Hinalikan siya nito sa panaginip ngunit bigla siyang napabalikwas ng bangon nang magring ang selpon ng tiyahin niya kaya't napagtanto niyang panaginip lamang ang lahat. Inikot ni Sav ang kanyang mga mata ngunit hindi niya nahagilap ang kaniyang tiyahin. “ Tita Asun? May tumatawag sayo!“ Maya't-maya ay dumating ang tiyahin niyang galing sa comfort room. “ Kanina ka paba gising?” tanong nito at sabay na dinampot ang selpon nito. Agad na sinagot nito ang tawag. “ O sige po, Madam. Uuwi narin kami mamaya.” “ Salamat po, bye!” Agad na ibinaba nito ang tawag at sabay na isinilid nito ang selpon sa bulsa ng pantalon niya. “Makakauwi na tayo, Sav “ Sa kabilang banda ang anak ng kanilang amo na si Cabel ay panay ang pakikinig nito sa mama nito na may kausap sa labas ng kwarto niya. May tuwang nanalaytay sa labi nito nang malamang makakauwi na si Savage sa mansyon nila. At muli niyang makikita ang dalaga. Agad siyang kumaripas ng takbo sa banyo upang magshower. Maging presentabli siya pagdating ng dalaga. Sabik na sabik siyang makita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD