Agad na inasikaso ang dalaga ng doctor at nurses. Ni-revive siya ng mga ito. Kung anu-ano ang ginawa ng mga ito upang marevive ang dalaga. Hindi mapakali ang tiyahin nito, panay ang pabalik-balik nito sa paglalakad habang nasa labas ng ER.
“ Diyos ko po, wag mong pababayaan ang pamangkin ko.” nakatingalang sambit nito habang panay sa pagtulo ang luha sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling may masamang mangyari sa pamangkin nito.
Maya't-maya ay lumabas ang doctor mula sa ER kaya't dali-daling lumapit si Asun sa doctor. “ K-kumusta ang pamangkin ko?” nag-alalang tanong niya dito.
“ Wag kang mag-alala misis ligtas na siya.”malumanay na sagot nito na ikinatuwa ni Asun. Halos lumuhang muli ang mga mata nito sa tuwa at sabay siyang napa-sign of the cruz.
“Salamat po doc! Utang ko po sa inyo ang buhay ng pamangkin ko.” hindi mapigilan ni Asun ang maluha habang sinasambit niya ito.
Sa kabilang banda, ang mag-asawang Villares ay hindi rin ito mapakali sapagkat alam nila kung sino ang may gawa nun kaya't nakokonsensya ang mga ito lalo na't si Madam Alicia. Panay ang pagcontact nito sa numero ng kaniyang kasambahay na siyang tiyahin ng dalaga na si Asun ngunit hindi niya ito makontak kaya't mas lalong nag-alala ang mga ito sa kalagayan ng dalaga. Wala silang ideya kung ano ang kalagayan nito kung narevive ba ito o hindi.
Samantalang ang kanilang unico-hijo ay nagkulong lamang ito sa kaniyang kwarto. Panay ang pagsuntok ng binata sa pader ng kwarto niya tila'y galit siya sa sarili niya. Simula 'nung una niya itong nakita ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa mga ugat niya. Kumbaga ay nainlove siya sa dalaga ngunit natatakot siyang umamin.
“ Is she okay?” tanging naibulalas nito habang nakaupo sa kama niya. Nakatingin lamang ito sa kisami. Minsan ay napatulala ito.
“ Cabel, anak? Nandiyan kaba? Gusto mo bang sumama sa amin ng papa mo sa hospital?” napalingon siya nang kumatok ang mama niya mula sa labas ng kwarto niya. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya bago niya pinagbuksan ang kaniyang mama.
“ Ayoko.”matipid nitong sagot ngunit sa kaloob-looban niya ay gusto niyang bisitahin ito sa hospital at upang malaman niya kung ano ang kalagayan nito. Pero ayaw niyang ipakita sa mga magulang niya na naapektuhan siya sa ginawa niya sa dalaga.
“ Anak bakit mo iyon ginawa sa kaniya? Paano kung hindi siya na-revive ng mga doctor? Paano kung isa na siyang malamig na bangkay?” pangungunsensya ng mama niya at parang sasabog ang puso nang marinig ito. Saglit lang siyang natahimik tila hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.
“ I'm sorry, mama kung napagtripan ko ang bagong saltang kasambahay natin. Wala lang po kasi akong magawa.” napapailing na lamang ang mama sa isinagot niya dito.
“ Oh sige, anak kailangan na naming umalis.” paalam nito sa kaniya at sabay siyang hinalikan sa pisngi. Pilit na ngumiti ang binata dito. At agad na lumabas ang mama niya at sabay na sinirado ang pinto. Napalundag siya sa kama niya habang nakahawak sa dibdib niya. “ Sh1t! Bakit ba ako nagkakaganito?” wala sa sariling tanong niya sa kaniyang sarili.
“ Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ako apektado sa ginawa ko.”
Kalahating oras ang lumipas ay agad na nakarating ang mag-asawa sa hospital kung saan dinala si Savage ng tiyahin nito. Dumiretso sila sa front desk at agad na nagtanong kung anong numero ang kwarto ng dalaga. “ Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo, maam sir?” seryosong bati sa kanila ng hospital staff. Isa-isa silang nginitian nito.
“ Savage Acebedo.”
“ Anong relasyon niyo sa pasyente?”
“ Working student po namin siya.”
“ Anong oras siya isinugod dito?“
“ Around 10:21 am,“
Kaagad na hinanap ng staff ang pangalan nito sa computer. “Room 4308, nasa ikalawang palapag po, maam Sir.” nakangiting sagot nito sa kanila. Agad na nagpasalamat ang mag-asawa at pumasok sa loob ng elevator papuntang second floor. Paglabas ng mga ito sa elevator ay kanilang nakita ang tiyahin nito na siyang katulong din nila na si Asuncion.
“ Manang!” sabay nilang tawag dito at agad naman itong lumingon sa kanila.
“ O, madam, sir?“bakit naparito kayo?”
“ Hindi kasi kita makontak kaya kami mismo ang nagpunta dito upang makibalita sa kalagayan niya. Kumusta na siya, Manang?”
“ Successful naman ang pagrevive sa kaniya, maam sir.”
Napangiti si Madam Alicia. “ Mabuti naman kung ganun, Manang.Oo nga pala pwede namin siyang makita?”
“ Oo naman po bakit hindi.”nagsimula itong naglakad pabalik sa kwarto ni Savage. Marahang pinihit ni Asun ang pinto ng kwarto ni Savage. Kanila itong nadatnan habang kumakain ng mansanas at nang makita sila nito ay agad itong umayos ng upo. Sabay niyang inilapag ang hawak niyang mansanas sa loob ng basket.
“ Madam ano't naparito kayo?”nanginginig na tanong ni Sav sa mga ito. Umupo muna ang mga ito bago sumagot at sabay na hinawakan ni Madam Alicia ang kanang kamay niya.
“ Kumusta kana, hija?” nag-alalang tanong nito sa kaniya. Hindi makapaniwala si Sav na nag-alala ang amo niya sa kanya.
“ Okay lang po ako, Madam.” dere-deretsong sagot nito at sabay na ngumiti.
“ Mabuti naman kung ganun,hija. Oo nga pala napadaan lang kami dito, kailangan na naming umalis dahil may a-attend-nan pa kaming event.” paalam nito at siyang pagtango ang ginawa ng mag-tiyahin.
Bago ihakbang ni Madam Alicia ang mga paa nito ay dumampot ng puting sobre ito at sabay na inabot sa tiyahin ni Sav. “ Ano po ito, Madam?“
“ Financial niyo habang nasa loob kayo ng hospital at kasama na rin ang pambayad ng hospital,“
“ Sige po salamat po dito. Mag-iingat po kayo sa inyong biyahi.” Nang makalabas ang mag-asawa ang mag-asawa.
“ Nakita mo na ngayon kung gaano kabait ang mag-asawang Villares lalo na't si Madam.”
“Yes po tita,”
“ Oo nga pala, Sav. Ano pala ang nangyari at nahulog ka sa pool? May foul play ba?” hindi mapigilan ng tiyahin niya ang tanungin siya sa nangyari bago siya nalunod. Kyuryos lamang ito sa nangyari.
“ May bigla pong tumulak sa akin sa pool.” nakayukong sambit ni Sav dito at hindi makapaniwala si Asun sa narinig niya. Kung ganun ay tama ang hinala niya na may kinalaman ang unico-hijo ng kanilang amo na si Young Master Cabel.
“ Bakit po tita?” nagtatakang tanong ni Sav kay Asun. Sasabihin na sana ni Asun ang taong pinaghihinalaan niya ngunit nasapo nito ang kanyang bibig dahil agad na sumagi sa isip niya ang kahihinatnan kung sakaling sabihin niya ito sa kaniyang pamangkin. Natatakot na bakas mas lalong mapagtripan ang kaniyang pamangkin ng binata kaya't minabuti niyang itikom ang kaniyang bibig.
“ W-wala, hija. May naalala lang ako.” mariing tanggi nito.