Kabanata 3

1136 Words
Pumasok si Sav sa loob ng mansyon at nakasalubong niya ang kaniyang tiyahin ang sama nito makatingin sa kaniya. Agad siya nitong hinila. “ A-anong ginagawa mo?” Kamot ulong nakatingin si Sav sa tiyahin niya. Wala naman siyang masamang ginawa. “ W-wala po akong ginawang masama tita.“ “ Kung talagang wala kang ginawa ano 'iyong sinumbong sa akin ni Madam Alicia?” pabulong na singhal nito sa kaniya. Hindi niya akalaing magsumbong ito sa kaniya. “ S-sorry po tita kung naging pasaway ulit ako.” nakayukong paghingi nito ng tawad. Hinawakan nito ang balikat niya. “ Sa susunod, Sav maging aware ka sa rules ni Madam dito sa loob ng mansyon niya lalo na't dalaga ka. Dapat alam mo ang bawat kilos mo,” “ Sorry po tita, o siya magbihis ka don ng uniporme ng mga kasambahay. Kasya naman ata sayo ang uniporme ko na nasa loob ng cabinet ko. O siya maiwan na kita may inutos pa si Madam sa akin. At agad siya nitong iniwan. Dali-dali siyang pumasok sa quarter nila at agad na nagbihis ng uniporme ng mga katulong. Binuksan niya ang cabinet ng tiyahin niya at kumuha ng isang pares ng uniporme. Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang nagtungo sa kusina upang tumulong sa mga kasambahay. Hinugasan niya ang pinagkainan ng kaniyang amo. “ Pagpasensyahan mo na si Madam Alicia, Sav ganun po talaga siya pero mabait iyon. Strikto kasi iyon sa rules at regulations ng mansyong ito. Lalo na't isang katulad mo.” sambit ng katulong na si Agnes habang nagpupunas ng lamesa. “ Okay lang po iyon, medyo naninibago lang po ako kay Madam. Magkakasundo din kami 'nun Aling Agnes.” siguradong sambit niya dito. Mga ilang sandali ay nahugasan na niya ang dapat hugasan. Agad siyang dumiretso sa garden. Isa-isa niyang kinuhanan ng insekto ang bawat halaman. Hindi niya alam na sekretong nakatanaw sa kaniya ang binata mula sa terrace ng kwarto nito. “ You'll gonna be mine!“ bulong ng binata sa hangin at sabay na nagsindi ng sigarilyo. Hithit buga ang ginawa nito. “ Kumusta kayo?” parang batang kinamusta ni Sav ang mga halamang nasa harap niya. As if namang sasagutin siya nito. “ Baliw naba ang babaeng iyan?”muling pabalong na sambit ng binata habang sekretong nakatanaw sa kaniya. Panay ang paghithit nito ng sigarilyo. “Wag kayong mag-alala dahil nandito na ako ay hinding-hindi ko kayo pababayaan,” nakangiting sambit ni Sav sa mga bulaklak. Lumipas ang ilang oras ay natapos narin si Sav sa paglilinis ng halaman at bulaklak. Nakuhanan na niya ito ng mga insekto. Nakaramdam ng pagod si Sav kaya umupo muna siya saglit. “ Savage!” bago paman siya makaupo ay tinawag siya ni Madam Alicia. Pagod man siya ay tiniis niya ito at dali-daling kumaripas ng takbo si Sav papunta sa gawi ni Madam Alicia. “ Tapos kana ba sa trabaho mo dito sa mansyong ito?”malamig na tanong nito sa kaniya. “ Y-yes po, Madam.” “ Sigurado kaba, Savage?“ Agad na naintindihan ni Sav ang nais sambitin nito sa kaniya. Kailangan pa niya kasing linisij ang bahay ng mga aso. Bawat oras itong nililinisan. Wala dapat maamoy ang kanilang amo. Mabilis na tumungo si Sav sa kinaroroonan ng mga aso. Nang makita siya ng mga ito ay sabay-sabay itong nagsitahulan tila'y natatakot ang mga ito sa kaniya. “ Wag kayong matakot sa akin. Hindi ko kayo sasaktan.“mahinanong sambit ni Sav sa mga aso. At pikit-matang winalisan ni Sav. Successful na nagawa ni Sav ang paglinis ng bawat kulungan ng mga aso. “ Linisin mo ang pool dapat matapos mo ito ng isang oras dahil marami kapang gagawin sa mansyong ito. “ muling utos ni Madam Alicia sa kaniya. Napilitang tumango si Sav dito upang hindi mapalayas. Kaya niyang tiisin ang lahat para sa pangarap niya para sa kaniyang sarili't pamilya. Hindi marunong lumangoy si Sav. Bago paman siya makapaglinis ng pool ay biglang may tumulak sa kaniya kaya agad siyang nahulog sa pool. “ T-tulong! Tulong!” pilit na umahon si Sav sa ibabaw ngunit tila hinahatak ang mga paa niya sa ilalim ng pool. “ Ayoko pang mamatay. Tulungan niyo ako!” muling paghingi ni Sav ng tulong ngunit walang ni-isa sa kasambahay ang nakakita sa kaniya sa pagkalunod niya. Patuloy lang nakipag-agawan si Sav sa kaniyang hininga. Hanggang sa marami siyang nainom na tubig mula sa pool ngunit isang lalaki ang tumalon sa pool at sinagip siya nito sa pagkakalunod. Nang makaahon na siya sa tubig ay agad siyang pinahiga sa sahig at pin-nump siya nito. Nagsagawa ng CPR ang binata sa dalaga. Ibinuka ng binata ang bibig nito at sabay na binugahan ng hangin. Kasabay ang pagpump nito sa dibdib ni Sav. Agad na umalerto ang mga kasambahay lalo na't ang mama nito. Sabay na kumaripas ng mga ito ng takbo papunta sa gawi. “ Sav!” umiiyak na tawag sa kaniya ng tiyahin niya. Agad siyang pinalibutan ng mga ito ngunit pinaalis sila nito habang patuloy na ginagawa ng binata ang pag-CPR. “ A-anong nangyari sa kaniya?” natatarantang tanong ni Madam Alice nang makarating ito sa gawi nila. Nanlaki ang mga mata sa gulat sa nangyari kay Sav at sa ginagawa ng kanyang unico-hijo. “ What the hèll are you doin,“nandidiring tanong nito sa kaniyang anak habang sinasagawa ang patuloy na pag-CPR sa kaniya. “ Tumawag kayo ng ambulansa, bilis kailangan natin siyang madala kaagad sa hospital.” mariing utos ni Madam sa mga kasambahay at isa sa mga ito ay ang tiyahin ni Sav. Alalang-alala ang tiyahin niya sa kaniya. . “Ano ba kasing nangyari” “ Nadatnan ko nalang po siya na nag-aagaw buhay sa swimming pool kaya agad akong tumalon sa tubig at sumagip siya. “ You don't need to do this, anak. Kaya na iyan ng mga doctor. “ Simula 'nung masilayan ng binata ang mukha ni Sava ay hindi na ito pinakawalan pa. Bawat minuto tanging siya lamang naiisip nito. Mga ilang sandali ay dumating ang ambulansyang tinawagan ng tiyahin ni Sav. At dali-dali siyang binuhat ng binata palabas ng mansyon at agad na isinakay sa loob ng ambulansya. Sinamahan si Sav ng kaniyang tiyahin papuntang hospital. Kailangang may sumama nito sa hospital. Agad na pinaharurot ng driver ang ambulansya, nilagyan ng oxgygen ang bibig ni Sav. Mga ilang minuto ay agad silang nakarating sa hospital. Sabay na inilabas si Sav mula sa ambulansya. Tulak tulak ng tiyahin niya kasama ang dalawang nurse ang stretcher na sinakyan nito. At agad itong deneretso sa emergency room. Inasikaso siya ng mga doctor. Samantalang ang kaniyang tiyahin ay panay ang lakad-upo nito dahil hindi ito mapakali. Nakalipas ang ilang mga oras ay agad na nakahinga ng maluwag nang sambitin ng doctor na stable na ang kalagayan ng pamangkin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD