Family So.

2581 Words
Isang kilala sa lipunan ng industriyang paggawa ng mga clothing line. Ang mga magulang nila Agatha at Julienne. Ang nagtatag ng clothing line na ito ay ang mismong ina ni Agatha. Siya ang naka-isip na magkaroon ng sariling negosyo na hindi umaasa sa mga magulang nito, ngayon ay magkasosyo na ang dalawang magkapatid sa negosyo. Ang dalawag magkapatid na Aileen at Heleyna Tey. Mga dalaga pa lamang ang dalawa ay kinakitaan na sila sa kanilang talino pagdating sa negosyo. Namana nito ang angking talino sa pagnenegosyo sa mga magulang nito. At sa madaling salita, ang panganay na mga Tey ang siyang naka-isip na magtayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga kasuotan ng pambata, pang-tinedyer at sa mga matatanda. Ito ang unang ginawa ng ina ni Agatha. At siya mismo ang nag- disenyo ng mga ginagawang damit pambata o pang matanda. Ang ina ni Julienne ang nag-isip kung paano mailagay sa mga establisyemento ang kanilang produkto. Kayat naisip nitong gawing modelo ang anak na panganay na mag modelo ng kanilang mga damit. Siya ang nag-iisip na maaring makuha ang atensyon ng mamimili sa merkado. Kahit baby pa lamang ang anak ng mga So, tinangkilik ng iilang mga kaibigan at kakilala ng pamilya ang gawa ng magkapatid na Tey ang kanilang produkto na mga damit. Dahil sa mga telang ginagamit nito naging malago ang kanilang negosyo na clothing line. Dahil sa mga disenyo na gawa mismo ng ina ni Agatha, masasabing pang social economy ang ginagawang mga damit. May mga damit sila na ginagawa na kayang bilhin ng mga nasa average level na pamilya o mga tao.Ibinabagay sa edad at kulay, maging sa mga kasuotan para sa mga matatanda. At ang namamahala sa company na ito ay ang mismong ilaw ng tahanan na mga So. Ang ilaw ng tahanan na mga So ang siyang nagpalago ng mismong clothing lines na kinabibilangan nuon pa man ng dalawang magkapatid na Aileen at Heleyna Tey. Sila ang founder ng clothing line na ngayon ay sikat sa mga artista at modelo ang nasabing underwear apparel. Isa dito ang ina ni Agatha ang siyang taga desinyo ng mga underwear ng mga kalalakihan. Ibinabase sa mga trend ng taon at anong maganda na kulay ang babagay sa mga lalaki. Ang tela na gagamitin na maging komportable sa pagsusuot nito. Dito nag-umpisa ang bangayan ng dalawang magpinsan sa katauhan nina Agatha at Julienne. Simula pa na mga bata pa ang dalawang magpinsan ay tila hindi mo mapapasama sa isang lugar. Dahil sa kani-kanilang nais gawin. --------------------------------------- Mother of Marko Chi Sa pagbabalik tanaw ng buhay na pinaka iisang bahagi ng buhay ko ang aking anak na si Marko Chi, nung una may hinala ako na pagka malamyang kumilos ang aking anak, sa tuwing may mga activities yan sa school na pinapasukan ko bilang guro at dun din na pumapasok ang aking anak sa eskwelahan na yon. Daig pa ang ilang mga babae kung kumilos sa panahon na siya ay nasa elementarya pa lamang. Halos ay talagang kakikitaan mo siya na isa siyang babae sa pagpilantik ng kanyang mga kamay at habang ito'y nagkukuwento na may nakilala siya na isang kagaya bata o kasing edad lamang. "Ma, may nakilala akong batang kasing edad ko lamang, at alam mo ba ang galing niya. Hindi ako makapaniwala na siya ang aaway sa mga batang bully sa school as in ipinagtanggol ako nito." Ito ang tinuran ng kanyang anak ng panahon nasa loob kami ng faculty room ng grade 5 and 6. "Eh, ano ba ang pangalan ng iyong bagong kaibigan, nagpasalamat ka naman sa ginawa nito?" "Aba, opo naman Ma, sa katunayan po niyan. Eh BFF na po ang aming tawagan na dalawa." Ani ni Marko "Sa wakas may kaibigan ka na pala ngayon. Panatag ang aking kalooban na may mga kaibigan ka na din sa school." "Kailan mo naman ipapakilala sa akin ang kaibigan mo, laging bukambibig mo ang iyong bff." Habang iminumuwestra ng aking anak ang bagong kaibigan nito sa aking harapan, habang ako ay nagtsetsek ng mga papel na aking mga estudyante. Sa tingin ko sa aking anak ng panahon na iyon ay isang babaeng bakla. Dahil sa kanyang mga pananalita at gawi sa tuwing kami mag-uusap na mag-ina. Alam ko din nakaka amoy na ang ilang mga kaibigan ko sa paaralan na aming tinuturuan ng panahon na iyon. "Maam Maritess ang iyong anak ay guwapo at ma appeal sa mga babaing estudyante natin. Kaya lamang may napapansin kami, na tila kakaiba sa gawi ng mga totoong adan na ating nakikita. Sa iyong anak parang may paminta kaming na aamoy sa oras na ito'y kausap ang iilang estudyante ng paaralang ito. Hinuha namin na lahat ng kanyang barkada ay puro lalaki at isa lamang na babae. Batid namin na natural lamang ang kilos nito bilang nag-sisimulang umusbong bilang isang binata. Sa ngayon parang bubotbut pa lamang, marahil magbabago pa ito, pagdating sa pagbibinata." Tila napa isip ako sa sinabi ng aking kasamahan na guro ng mga sandaling naruon kami sa aming room. Alam ko na may pagka-malamya si Marko sa kanyang mga kilos at pananalita, Kung anuman ang nakikita nila sa aking anak. Hindi ako manghuhusga, bagkus ay tanggapin anuman ang nais ng kanyang anak sa buhay na kanyang tatahakin. Tanging nasa likod lamang ako para gabayan siya sa tamang gagawin at laging magpapa alalala sa kanya na hindi lahat ng bagay ay mapapa saiyo. Kundi ang paghirapan kunin o abutin, Hanggang sa makamtan mo na may ngiti sa iyong mga labi. Na maaring maipag malaki mo pagdating sa tamang panahon na ikay may kakayanan na ipakita sa lahat, na anuman ang iyong pagkatao na kinatatayuan sa buhay. Dahil sa taong ito naging matatag ang aking anak ng minsan nagmahal, ngunit hindi pinalad. Sa isang kagaya niya unang minahal niya. (magulo ang love life) High school nun ang aking anak na si Marko ay kilala o sabihin natin popular sa kanilang school na Royal Campus University o mas kilala na RCU. Nagsisimula pa lamang ang pagbibinata ang anak ko nun, alam ko na elementary pa lang ramdam ko ang kanyang pusong mamon o sabihin natin na nagmamahal na parang isang babae sa kapwa lalaki. Kahit may mga kaibigan ito na mga kasing edad niya at kapwa lalaki. Masasabi ko na maayos silang mag-aaral, Hindi sila katulad ng iba na estudyante ay nagagawang magbulakbol at magpasarap sa buhay. Ang mga kaibigan ng aking anak ay masasabing may patutunguhan ang kanilang buhay. Dahil masisipag mag-sipag aral ang mga ito, Kahit na marami akong nasasagap na balita sa kanilang kaibigan na mga babaeng adan na nagkatawang tao lamang. Ibig sabihin mga closest queen sa kanilang paaralan. Dahil alam ko sinisiraan lamang nito ang mga kaibigan at kaklase nito. Hanggang sa dumating ang isang tao na naging dahilan ng kanyang pagiging masaya at magiliw sa lahat. At alam ko din ng panahon iyon ay may linigawan siyang isang babae na pinsan ng kanyang bff. At that time eh nagpasalamat ako na maiba ang pagtingin ng tao sa anak ko. Hindi bakla sa paningin nila, Kundi isang maituturing na kalahi ni adan ang aking anak na si Marko. Sa panahon na iyon, wala akong nakita na hindi maganda sa pagsasama dito sa bahay ng kanyang girlfriend na nakilala ko si Julienne. Sa unang tingin ko maayos at marunong makihalubilo sa mga tao. May pagkamahiyain pa nga ang dalaga ng kaharap ko at kausap. Minsan ko lamang na itanung sa aking anak na "masaya ka ba sa buhay mo na may girlfriend ka?" Alam ko bilang isang ina na makaramdam ng abnormal sa ikinikilos ng iyong anak. Apektado ka na may nararamdaman ito, Kahit hindi sabihin ng aking anak na si marko ang kanyang problema. Alam kong may pag-aalinlangan siya, kung bakit nagawa niya ang isang bagay na makakapag pasaya sa kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi sa kanyang sarili. Batid ko na ginawa lamang niya iyon, upang hindi malaman ang totoong salòobin ng kanyang puso. Sa kabila ng kanyang pagpapanggap sa maraming tao at sa mga kaibigan nito, naruon ang sakit at hapdi na bumabalot sa kanyang puso. Na sasaktan siya sa tuwing nakikita niya ang totoong mahal niya na may iba pala. At ang tagpong iyon na nagpabago sa pag-uugali ng aking anak. Naging malamig ang kanyang pakikipag-usap sa mga taong malalapit sa kanya. Maging sa akin na ina niya ay naranasan kong hindi pansinin ng aking anak. Para akong ibang tao sa kanya, Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging malamig sa yelo. Nasa tabi lamang ako para akayin muli at ibangon sa kanyang pagkadapa ng panahon. At ang panahon ding iyon ay tinapos nito ang relasyon sa kanyang gf na si Julienne. Tila nasasakal na din ang aking anak sa mga pinagagawa nito. Sa mga pagkakataon na iyon, tila naging malamig ang pakikitungo sa mga nakaka kilala sa kanya. Ang panahon na iyon, kahit bagsak siya sa lupa may isang tao na naging malapit sa kanya. Sa katauhan ni Agatha na kanyang bff at sa panahon na iyon, hindi niya iniwan ang aking anak. Palagi siya ang nakaka alalay sa kanya at andun sa tuwing iiyak ang aking anak sa panahon na nalaman niya ang taong mahal niya ay may mahal ng iba. Sa isang babae na itinuring ding kaibigan ng panahon iyon ng aking anak, itinuring na nakakabatang kapatid ang dalaga, Ngunit naging isang pader para kay Marko ang dalagang ito na humarang sa tunay na mahal nito sa lalaking nagpagulo sa sistema niya. Hanggang sa muling nalipat ng school ang binata na minahal ng aking anak. At sa panahon ding iyon, unti-unting bumabangon ang aking anak na si Marko sa kanyang unang pagkabigo sa pag-ibig nito. Sa panahon iyon, naging tutok ang kanyang sarili sa pag-aaral, at sa pagblog niya at hanggang sa tawagan siya ng kanyang ama. Upang pamahalaan ang business na itatayo dito sa Pilipinas. Hanggang sa ngayon nakikita ko na tila masaya ang aking anak at bumalik ang dating anak na si Marko Chi. At ako ang ina ni Marko Chi na nagtetell ng story ng aking anak. Nagsasabi at nag-iiwan sa inyo ng kung may anak man kayo na kalahi ni Zaturnia, Huwag kayong mangingialam sa takbo ng buhay nila. Dahil sila ang gumagawa ng kanilang tadhana. Ang tanging magagawa lamang niyo ay alalalayan sila sa kanilang mga desisyon sa buhay. At kung magkamali man sila sa desisyon wala silang maaring sisihin sa buhay nila. Kaya, ako masaya dahil alam kong si Marko Chi ang magbibigay saya ng buhay ng ekonomiya. Itaga niyo sa billboard ng edsa. (Hahaha) ---------------------------------------- Sa pagitan ng dalawang magpinsan sina Jules at Aga. Mas naging komplikado ang kanilang mga sitwasyon kapag sila ay magkasama. At sa panahon na magkasama ang dalawa sa company na itinayo ng kanilang ina, tanging ang tumatayong referee na dalawa ay ang kani-kanilang mga ina sa tuwing nagkakaroon ng mainitang pagtatalo, lalo na kung ang pag-uusapan na dalawa. Kung sino ang pinaka mahusay sa larangan bilang modelo, na alam naman ni Julienne na talo siya pagdating sa mga kompetisyon. Batid ng Pamilya So na hindi maari magsama ang dalawang magpinsan sa oras na iisa lamang ang kompanya na kanilang itinayong clothing line. At napag-pasyahan mismo ng ina ni Agatha na ang mamahala sa company ng clothing line ay si Julienne. Alam ng ina ni Agatha na mas magagawa ng tama pamahalaan ang kompanya na itinayo nilang magkapatid na si Heleyna. At si Agatha tanging modelo lamang ng kanilang kompanya ang naging trabaho nito. Siya ang tumatayong modelo sa lahat ng clothing line na inilalabas sa market at ang mismo pumipili sa lahat ng disenyo na ilalabas sa market ay si Agatha. Kaya ang lahat ng kanilang disenyo na mga damit ay pinagkakaguluhan ng mga mamimili mayaman o middle class ang pamumuhay. Sa panahon iyon naging maayos ang pamamalakad ng kani-kanilang mga anak. Kahit minsan nagkikita ang dalawa sa isang gathering sa kompanya na itinayo ng kani-kanilang mga magulang. At hindi maiwasan magpatalbugan sa mga suot nito na gown. Kung si Jules ang suot nito ay parang see throw na labas ang kabuuan na katawan nito at tanging nakatakip na lamang sa mga parteng bahagi ng katawan nito ay ang mga sequence na idinesenyo ng ina ni Agatha. At sa gown na suot ng dalaga si Aga ay isang simpleng black dress na hubog dito ang malakurbadang ng inumin coca cola. Lahat ay napapa tingin sa dalaga ang mga bisita maging ang mga kalalakihan na modelo kasama nito sa pagrampa. Hindi makapaniwala na ang lahat naruon sa pagtitipon na walang tulak kabigin ang mga nakikita nila sa mga oras habang abala ang lahat sa kasayahan. Alam ng mga magulang ng dalawa na nagpapatalbugan sa kani-kanilang suot at mapansin ng kanilang mga bisita na mga oras na ipapakilala ang bagong clothing line na ilalabas sa merkado ay ang Fashion Show ng mga underwear. Mismong si Agatha ang siyang nag-isip ng concept para maiba naman ang kanilang business hindi lamang mga damit ang kaya nilang ilabas. Kundi ang mga kasuotang panloob. Sa pagkakataon iyon makikita ni Jules ang nasabing tao na dating malapit sa dalaga ang binatang minsan niyang minahal kasama dito sa pagrampa na naka half naked ang binata. Walang suot pang itaas kundi boxer short lamang ang nakatakip sa maselan ng bahagi ng binata sa mga oras na iyon. Tanging nakaka titig ang dalaga sa harap ng maraming tao, kung saan may bumabaha na laway na nagmumula sa taong iyon. Animoy parang gripo na kusang nagbukas, dahil sa taong rumarampa sa mga oras na iyon. Bigla na lamang tumabi ang kinaiinisan nitong tao sa katauhan ng kanyang pinsan si Annoying girl "ewww isarado mo ang mala gripong bibig, nakakadiri kang babaita ka. Huwag mong babuy*n ang magandang fashion show na pinaghirapan ng mga tao mo." At sabay walk out nito na tila walang nangyari dahil sa mala dyosang pagrampa sa harap ng mga bisita na mga oras na iyon. Iyon ang tanging naalala ng kani-kanilang mga magulang sa panahon na pinag-uusapan ang dalawang magpinsan sa katauhan na si Jules at Aga. Batid nuon pa ng Pamilya So na kaylanman ay hindi na makikita magkasama ang magpinsan sa isang kasiyahan na hindi nagkakaroon ng sagutan. Pasalamat na din sila sa anak ng kanyang kapatid na si Aileen na hindi gumagawa ng hakbang, upang magkasira silang magpinsan. At sa halip ito ang palagi na taga ayos sa lahat ng nasisira ng kanyang pinsan si Jules. Hindi namin kayang magalit sa aking pamangkin si Agatha natural na kasi ang ugali nito na ipinapakita sa mga tao. Siguro ang iba na mis interpret ang dalaga sa mga lumalabas sa bibig nito na ang akala eh may galit. Sa totoo niyan bata pa lang ito, ay ganun na siya. Kahit magulang nito ay nagagalit sa kanilang anak sa mga ipinapakita sa harap ng maraming tao. Kung minsan ay napapag-bubuhatan pa ng kamay. Upang itama at disiplinahin ito. Kaya lamang ganun pa din ang ugali na nakikita namin at hindi na mababago dahil natural na sa kanya iyon. Iyon din ang gusto ko sa aking pamangkin kahit maiinis ka sa ugali niya. Hindi mapigilan na makaramdam din ng katotohanan na siya ang nagpapa-alala sayo. Kahit may pagka lukresya minsan ang aking pamangkin aminado ako, isa lang paglalambing niya sa mga nakaka kilala niya ang ugaling ito, na hindi maunawaan ng ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD