Julienne So

2080 Words
Nakaka imbyerna ang pinsan kong si Kawayan, ayun napagalitan ako ng aking ina. Nakaka asar na talaga siya ang akala eh matinong babae, kung hindi lang alam ng butihing kong ina sa pamangkin niya si Kawayan ay may itinatagong na libag sa katawan (iyong lihim na ugali) ang kapal talaga na isumbong ako sa mga gagawin pa lang sa dating ex ko ngayon parang mapupurnada pa ang aking binabalak na pag-papaamo dito. Ang sarap talaga makahila ng buhok sa ibaba, kung hindi lang bawal eh. Kanina ko pa talaga siya kinalbo at ng malaman naman niya na ubos ang pacencia ko sa babaing si Kawayan o mas kilalang si Annoying girl. Kung sa tingin niya ay panalo na siya, dahil sa ginawa niya. Pwes ako pa din ang mananalo sa laban na sinimulan nito. Itaga niya yan sa maliit na utak niya. Ang akala ata niya ay uurong ako sa ginawa niya sa akin, Ibahin natin ang laro. Para may thrill, kung dati sige ng sige lang ang peg ko. Ngayon pag-isipan at pagplanuhan ang dapat gawin. Itong gandang ko ay maisantabi lang ng isang tao, dahil sa kanyang pagmamalasakit kuno sa akin. Hindi na oy! May binabalak din ako na matalo ang babaitang kinaiinisan ko, ang pinsan kong si Annoying girl. Sa dinami-dami ng kamag-anak siya ang taong kinamumuhian ko, dahil sa kanyang pag-uugali ang akala eh maganda eh kabaliktaran naman sa totoong pinapakita sa mga tao na hindi siya kilala. Ewan ko ba na mas malapit ang aking mga magulang sa babaing iyon, maging ang aking mga kapatid na lalaking barako ay mas masaya sila pagkasama ang pinsan kong si Annoying girl. Nakaka irita ang ugali nito, at hindi ko man lang matalo-talo sa larangan ng mga academics nung panahon nasa high school pa kami. Flashback Back on high school days, talagang nakaka inis ang pangalan ng pinsan kong ito, masyadong papansin sa mga boys. Opo, isa siya sa Flower na kinabibilangan ng mga kapatid kong heartthrob nung nag-aaral kami sa Royal Campus University. Tinawag ang grupo na IO5 ibig sabihin in or out of 5, minsan akong na pasama sa kanilang grupo, masasabi naman may mga ibubuga sila sa lahat. Minalas nga lang ako na hindi ko keri ang kanilang mga ginagawa. As in kakaiba ang kanilang trip sa buhay. Maging ang aking pinsan si Annoying girl. Mas malala ang kanyang mga ginagawa, kumpara sa kanyang mga kaibigan na kasama sa grupo. Dahil sa aking pinsan, paborito siya ng aking mga kapatid na makasama maging sa trip ng buhay. Siyempre alam ko na may ginagawa sila na ayaw nilang ipaalam sa akin at sa aming mga magulang. Parang may itinatago na lihim ang aking nakaka tandang kapatid at si Annoying girl. Iyon ang hinala ko sa mga sandaling minsan ko nahuli sila na dalawa lamang. Alam kong malalaman din ang lihim ng dalawa at sa oras na iyon, palaging mainit ang loob sa akin ng aking mga kapatid. Kahit na kadugo nila ako, iba ang kanilang tingin nila sa akin. Parang hindi nila kapamilya. Kaya nung tym na iyon. Ipinagkalat ko sa school na isa siyang babaing kaladkarin. Dahil kung sinu-sino ang kanyang mga kasama na mga lalaki, kaya ayun may iilan na naging mga kaibigan siyang babae ay linalayuan siya at kung hindi pinapansin. Hanggang sa kinausap ako ng palihim isa sa mga kaibigan nito na si Xeres "Julienne, walang ginagawa na masama ang iyong pinsan. Bakit mo siya sinisiraan sa mga malalapit sa kanya. 'Di ba pinsan mo siya, dapat nga ay maging magkakampi kayo sa mga sitwasyon na kinahaharap ng isa. Hindi iyong mismo na sisiraan ng walang dahilan at walang katotohanan. Ano ba ang ginawa sayo?" Ngunit hindi pinakinggan ng dalaga ang sinabi ng kaibigan ng kanyang kapatid. Binalewala lamang nito, at pahabol na sinabi nito na ikinatigil sa paglalakad ni Julienne. "Minsan ay maalala mo ang ginawang kabutihan ng iyong pinsan sayo. Kung gaano ka pahalagahan nito. Hindi mo makikita ang pagiging concern nito, dahil kaiba ang pinsan mo sa mga malalapit sa kanya. Sana man lang tingnan mo ito. At hindi bumalik ang mga ginagawa mo sa iyong kapwa." Ani ni Xeres ng mga sandaling iyon, na kinausap lamang upang ipaalala ang mga nangyari nung panahon na maraming nagagalit sa kanyang ugali na hindi maintindihan ng mga tao, at ang taong sumagip sa panahon na iyon ang pinsan niyang si Agatha. Hanggang sa tuluyan na naglakad ang dalaga patungo sa kanyang room. Batid ng iilang mga nakaka kilala sa magpinsan na kakaiba ang ugali ng dalawa. Kahit ganun ang ugali ay magkaiba ang pakiki tungo sa mga taong malapit sa kanila. ---------------------------------------- Henry Hudson Sa lahat ng aking nakilala na babae sa tanan ng buhay ko, tila nahipnotismo ako sa isang dalagang ngayon lamang nakita sa mga sandaling ako ay nakatambay sa isang Resto bar ng aking kaibigan si Xeres isa siyang half korean and half american. Paano napunta sa bar ng aking kaibigan. Dahil may nais siyang sabihin sa akin, hindi ko alam. Kung ano ang problema nito, Kung sa pag-ibig ba! O sa pera. Hindi ako maniniwala sa aking kaibigan kung naghihirap ito, Dahil isa itong heridero ng kanyang pamilya. Sa laki ng plantasyon ng green tea sa korea at maging sa ibang bansa ay mayroong ipinatayong plantasyon ng green tea, Upang mapalawak nito ang kanilang negosyo masasabi kong hindi ito ang problema niya. Kundi ang babaeng matagal ng sinusundan nito. Kaya lamang mukhang mapupurnada. Dahil sa pinsan nitong may pagtingin din sa dalaga. [sakeet namen, karibal sa puso nito ang bff niya si Jeremy.] So, andito ako para matulungan siya sa kanyang problema sa peg-ibig. Ano ang dapat gawin ay mas mabuting ipahayag niya ang kanyang saloobin, at hindi iyong sobrang torpido niya. Palagi na lang nakatago at stalker nito, mas maganda na umakyat siya ng ligaw para magka alaman ng hindi iyong sunod ng sunod sa babae na parang chiua-chiua lang. Hindi ko rin minsan maintindihan ang punto ng kaibigang iyon. Basta pagdating sa babae tiklop ang loko, parang damong makahiya lamang, kaunting kalabit sa kanya ng pusa agad na parang maiihi at hindi din namin alam ng mga kabarkada niya kung anong mayroon sa aming kaibigan si Xeres. Tuloy napag sasabihan na isang bakla ng mga iilang nakaka kilala sa kanya, Ako na kanyang kaibigan ang lubos na nakaka kilala kay Xeres dahil parehas na sabay lumaki sa bansang South Korea. Kung saan kami lumaki at nagkaisip na dalawa. Kahit sabihing kakaiba ang aming mga itsura at pangalan masasabi naming may puso kami pagdating sa bansa na aming ikalawang tahanan, na isang tunay na koreano sa puso't isip. Naku, naman. Bakit ko ba proproblemahin ang lalaking iyon. Dapat point of view ko kaya ito. Ang nais ko sana ay makilala ang babaing nakita ko sa bar ng aking kaibigan. Mukhang maganda siya at medyo balingkinitan ang pangangatawan. Saan kaya nakatira at makapag paalam na maniningalang pugad sa katanghalian. (nais ko sa tanghali umakyat ng ligaw. Para marami-rami kaming mapag-usapan, kaya ganun.) Alam ko iba ang trip ko sa panliligaw sa mga chika babe na natitipuhan ko, ayoko ng sa gabi umakyat ng ligaw. Boring kapag ganun tsaka baka pag-umakyat ako ng ligaw eh pagtabuyan ako ng kanyang mga magulang. Dahil nakakadistorbo ako sa kanilang pagtulog. Iyan ang iniiwasan ko mga kaibigan sa nagbabasa ng kwento ni Marko. Kaya ibahin natin ang style sa pangliligaw sa dalaga. At iyon ako si Henry Hudson na mahilig sa maganda at may balingkinitan na pangangatawan, At handa sumubok sa pakikipaglaban sa puso. Kung kinakailangan paghirapan ang nililiyag na dalaga, kailangan harapin ng buong-buong pagkalaki at handang sumabak sa larangan ng pagsubok na ibibigay ng minamahal mo. Kung iyon man ang makakapag-pasaya sa kaniya. Gawin mo ng buong pagmamahal at walang alinlangan sa iyong puso at isip. Xeres dela Frontera Pansin ko lamang na sa pagtira dito sa bansa na kasama ang iilang kaibigan na mamuhay kasama ng Pamilya ng aking kaibigan na So, masasabing okay naman dahil na kasama ko din ang pamilya ng aking ina. Kung saan ito naninirahan ng mga panahong iyon na abala ang aking ama sa pagpapalago ng aming negosyo na green tea. Bukod dito may iba pa naman na negosyo ang aming pamilya, ito ay ang alak na mismong ang pamilya ng aking ama ang siyang kilala sa ibang bansa. Samantala ako ay kasa-kasama ko na ang aking ina dito pa lang sa bansang sinilangan niya, alam ko sa inyo ay nagtataka. Sa akin kung bakit ang aking negosyo na itinayo sa bansa ng mga Pilipino ay isang bar. Dahil alam ko na mas patok ang alak sa mga pilipino. At maging kakaiba sa kinalakhan ko sa bansa ng aking ina. Mas na adapt ko ang kultura ng mga Pilipino kaysa sa sariling pinagmulan ko. Bias ba ako, sorry naman. Tao lang po ako na masyadong na attract ako sa mga pag-uugali ng pilipino, kahit saang bansa ka magpunta. Ang pilipino ay masasabing kakaiba ang pag-uugali at kultura na ipinamamalas sa ibang bansa. At hindi ako magtataka na ang iilang dayuhan na katulad ko ay napa mahal dito sa Pilipinas, dahil sa mga taong may magandang asal. Kabutihang loob na ipinapakita sa mga dayuhan. Alam ko na may mga pilipino din na abusado. Aware ako dun sa ibang tao, alam ko na iilan lamang ang makikita mong may pag-uugali na hindi maganda. Pero sa paninirahan kong ito na mahigit 5 taon na, tila masasabi kong maayos at maganda ang mga pinoy. Friendly sila at marunong sila na magsalita ng ingles. Kumpara sa ibang bansa na ang alam lamang ng iba ay yes, no, thank you at iba pa na alam na salita. Kahit carabao na english ang gamit ng mga tao dito sa pilipinas masasabi mong fluent sila sa pakikipag-usap, madali sila makaunawa sa sinasabi mo. Kaya nga eto ako. Feel at home na ako dito sa bansang Pilipinas. At the same time kahit mahirap ang buhay ng mga pinoy masasabing mong wala silang problema. Dahil sa kanilang ipinapakitang pagiging masayahin, kahit may mga malalaking problema ang pinag-dadaanan sa buhay. Ang mga pinoy ay tila tinatawanan lamang ang kanilang problema. Kaya ako... Eto nahahawa na ako sa ugali ng mga pinoy.... Tinatawanan ko na lamang ang problema sa pag-ibig ko, sa babaing ini istalk ko nuon pa. Sabihin niyo na lahat ng bad words na gamitin niyo sa akin. Wala na, pana ni Kupido ang puso ko. Kaya lamang, sa pagpana ni Kupido sa puso ko. Hindi man lang ang babaing sinisintang tampururot ko ang kanyang pinana. Ewan ko ba ke kupido. Dapat man lang dalawang pana ang kanyang ginamit, isa sa akin at isa dun sa babaing matagal ko ng sinusundan. Kaya nga andito ako sa bansang sinilangan niya para sundan ko lamang siya. Kung bakit ang hirap paamuin ng babaing sinisinta ko. Haist kapagod din sa pagsunod. Kaya nga nagpatulong na ako sa pinaka expert sa panliligaw sa katauhan ng aking kaibigan at kapitbahay sa korea ang kaibigan si Hudas ay mali Hudson. Naku pag malaman pa ni Mokong na mali ang pagtawag sa pangalan niya malamang kakatayin ako sa pang-aasar dun sa kaibigan namin si Ms. Agatha Morgan. Kaya lang mukha naman tinamaan ito sa babaing umagaw ng eksena sa pagitan ng bff ni Agatha at sa lalaking gusto nito. Medyo magulo ba. Mauunawaan niyo din ang buong kwento, kapag nagkahulihan ang mga ito. Basta gusto ko lamang mapormahan si Agatha sa mga sandaling ito, habang tinatanaw sa malayo. Kainis naman kasi iyong pinsan nito. Imbes sa akin dapat si Agatha. Ito naman ang bff ko ang umaasungot sa pinsan niya. Di ba may tawag dun mga kaibigan sa magkapamilya may lihim na relasyon. Tsaka bawal yon, iyan ang alam ko sa kultura ng pilipino. Basta gagawa ako ng plano na mapapa sa akin ang babaing matagal ko ng nililiyag. Mas mainam magtanung ako ke professor google, kung paano magpaamo ng babae at mapansin nito. Buti na isip ko ito. Dapat pala hindi ko na tinawagan ang kaibigan kong si Hudas ay mali si Hudson. Para makatipid din ako sa gastusin ng mokong kong kaibigan. Oh siya mga kaibigan kong nagbabasa ng kwento na aking kaibigan si Marko Chi, na nag-iiwan sa inyo ng kataga na "Kung may mahal ka, ipaglaban mo. Huwag mong hayaan na mawala ito." Fighting lang.... Sabi ng mga kapwa koreano ko, aja,aja. ---------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD