Jeremy So and his Lover

2311 Words
Sa mga balita na inyong nalalaman mga kaibigan huwag na huwag kayong maniniwala sa mga tsismis na ipinapakalat ng aking mabait na kapatid at iilang mga kaibigan. Dahil alam kong may mga taong sumisira sa aming samahan na magpinsan. Alam niyo naman po na ang aking pinsan si Aga ay mas matikas pa sa aking kumilos keysa sa inyong abang lingkod niyo. Alam ko na medyo may pagka praning na ang lalaking nagkakagusto sa aking pinsan si Aga. Nais nitong mapalapit sa dalaga, ngunit natatakot siyang mabasted nito. At sa halip ay tinawagan niya ang kanyang kababata na nanggaling sa bansang america. Kung saan naruon lamang ito para magbakasyon sa bansang pinagmulan ng kanyang amang si Kanuto. At ang iyong lingkod ay nagagalak sa naging resulta sa pagpapabalik ng aking mahal na matagal kung inaantay. Marahil nagtataka kayo sa mga sinasabi ko, dahil sa isang tao matagal ng minahal. Ngunit nakalimot sa mga panahon na may kanya-kanyang pinag-uukulan ng panahon. Kung saan isa akong modelo ng aming pamilya. Maraming ipinagbabawal ang aking pinakaka mahal na babae sa buhay ko na bawal ang lumabas at magpuyat. Dahil makakasira sa imahe ko bilang modelo ng mga panglalaking kasuotan. Ibig sabihin pong, may mahalaga akong ginagampanan sa pamilya namin. Maliban na lamang kung kasama ko ang aking pinsan si Aga sa lakaran. Dahil batid ng aking Ina na may taong sasaway sa aking mga gagawin at sa gagawin pa. Batid nila ang ugali ng aking pinsan si Aga. Samaktuwid ang lahat ng lakad ko lamang ng mga panahon may ilalabas na brand, ang aming kompanya na mga damit. Ako at ang pinsan si Aga ang siyang pangunahin sa aming magpipinsan na modelo. Bukod sa iba pang modelo na aming mga kasama. Masaya ako dahil sa isang tao malapit ko na makita. Ang aking tinutukoy ang lalaking matagal ko ng pinapanstasya. At kung sino iyon? Madali lamang pong hulaan. Siya ang lalaking pangarap ng lahat na babae sa mundo, at isa na ako dun "wheeeeeeew, hahahaha pacencia na ganito ako pag masaya at parang naka laya lamang sa hawla. Hahaha sarap sa pakiramdam talaga, alam niyo na kapag ganito ang feeling parang naka lutang sa mga ulap at walang inaalala na problema. Naririnig ng mga katulong sa tahanan ng mga So ang isang magandang boses na umaawit sa mga sandaling iyon, habang ang iilan na naruon sa loob ng tahanan ay abala sa paglilinis ng buong ka- bahayan at maging ang kapamilya ng binata ay abala din. -Sa isip koy yakap Kita, Sa isip ko'y walang pinag-iba aaah mananatiling, ikaw ang kapiling. Kahit sa isip ko na lamang. Hindi maipag-kakaila ng isa sa mga nakaka kilalang lubusan sa binata na si Jeremy So na inlababo ang kanyang alaga. Batid niyang malapit na itong lumabas sa kanyang pugad. At panahon para magkalat ng kanyang magandang lahi para sa mga abangers na mga kalahi ni Eba. Batid ng iilan na kasama sa tahanan ng Pamilya So na kakaiba sa lahat ang panganay na anak, kumpara sa kanilang dalawang anak na lalaki. Dahil sa pagiging kakaiba ang pamilya So sa ibang tao at dahil sa mga nakaka kilala dito na may pagka weirdo lamang ang mga anak nito. Makikitaan sila na iba iba ang personality ng magkakapatid. Kumpara sa ibang kakilala nila, dahil ang mag-kakapatid na ito parang ang turingan nila ay hindi mag-kaka kilala. Walang pansinan sa loob ng tahanan. Yaya Sa mga nag-tatanong po sa iilang mga kaibigan ng aking alaga si Jeremy o mas bet kong tawagin na Taguro dahil sa angkin taglay na kapang-yarihan sa mga Eba. Bakit? Simple lamang dahil sa kanyang tindig at magandang katawan ang lahat ay napapa lingon kapag ang aking alaga si Taguro ay rumampa na walang suot pang-itaas. Maliban sa ka-karampot na saplot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Alam na, kapag ganun ang kasuotan ng kanyang alaga. Ang lahat ay nagka-kandarapa na makita ang naka display na hubog ng katawan nito. Bukod dito ang nagpu-putokan na mga masel nito sa tiyan aakalain mong may pandesal kang matitikman sa araw-araw na kasama ang aking alaga si Taguro. Chinito ang mga mata na nakakapang-halina sa mga babaing uhaw sa isang _____. a. Alak na nakakalunod b. Kapeng barako c. Juice ko day! d. Tubig sarap magtampisaw e. Wala sa na banggit Tunay na ang iilang mga kababaihan kapag lumalabas ang aking alaga ay tila parang may mga telepono sa utak. At nawawala sa kani-kanilang sarili. Maging ang mga katulong sa bahay ay mahigpit na ipinag-bilin ng aking among tunay na kapag lumabas ang aking alaga. Papasukin sa loob ng quarters ang iilan o kaya ay bawal pumasok sa loob mismo ng tahanan na mga So. Kapag binalewala ang nasabing utos ay tuluyan na mawawalan ng kani-kanilang trabaho. Ito ang kabilin-bilinan ng aking among tunay lalo na ang pinaka mahigpit na tao sa buhay ng mag-kakapatid na So. Samaktwid ang mga babaing mga nawawala sa sarili ay nagbabadya itong makalimot sa kani-kanilang ginagawa. Kaya't ang kanyang alaga si Taguro ay tila umiiwas sa mga babaing sakit sa ulo lalo na iyong aakalain mong makati pa sa hadhad. Tanging umiiwas na lamang ang binata sa mga babaing mahaharot pa kumpara sa kabayong si kangkarot. Kaya kong na papansin niyo ang aking alagang tunay ay hindi mo siya makikita sa loob ng tahanan. Dahil palagi lamang nagkukulong ang binata sa kanyang mala palasyong kaharian ang kanyang pinaka paborito na lugar ay ang kanyang kwarto. Mahaba ang aking pagpapakilala mga besh. Talagang totoo lamang ang aking sinasabi. Dahil iyan ang gusto ng binatang si Tags dahil maarteng backlash itong pinsan ni Aga. Malamang feeling ng lola mo na siya ay diyosa ng mga adonisa. Bakit? Nais ng backlash na ito maging kagaya niya ang pinsan si Aga maganda ang mukha, seksi at hinahabol ng mga adan na kagaya niya. Ngunit hindi matanggap ng binata na siya ay lalaki. Kundi isang diyosa ng mga adonisa. Ang gulo ano po! Dahil sa ang binata na ito, marami ang naghihinala na mga kasambahay nila na isa siyang Paniki sa gabi na lumilipad at naghahanap ng lalaki may malaki din kagaya niya. "Hahahhahaha harsh ba! Ayos lang iyon, sanay na ang aking alaga sa mga sinasabi ko sa inyo mga besh." ---------- Hindi makapaniwala ang mga kasama ni Aga na makikita nito ang pinsan na makakasama sa pagrampa ng kasuotan na dinesenyo ng Auntie nito si Aileen. Batid nitong maraming mga abangers ang nag-aabang sa labas pa lamang ng kanilang company. Maging ang iilan na mga kaibigan nito na miss na nila ang binata sa matagal na panahon na pagbuburyo nito sa loob ng kanilang tahanan, ngayon parang na excited sila na makita, at kung ano ang nabago sa binata si Jeremy. Batid nitong metikuloso sa mga damit na susuotin lalo na kung ito'y rarampa sa harap ng maraming tao at sa maraming photographer na kukuha ng mga larawan na nagmumula sa pinaka sikat na modelo sa panahon ngayon. Alam ng iilan na makakasama nito ang pinsan si Aga na nababalita na may something sa dalawa, hinala na may relasyon ang dalawa. Ito ang ibinabalita sa mga pahayagan maging sa social media. Maging ang kanilang mga magulang na dalawa ay hindi naniniwala sa mga balitang ibinabato sa dalawa, alam ng mga ito. Kung ano ang kasarian ng kanilang mga anak. Tina-tawanan na lamang ang mga balitang lumalabas sa dalawa, dahil alam nila ang ugali ng dalawa. Talagang malapit ang dalawa simula ng mga bata pa lamang. Di-naig pa nito ang kapatid na babae na si Jules na mas malapit. Hinayaan na lamang nila ang balitang kumakalat sa dalawa. At isa pa sa kanilang strategies na kanilang tinitingnan na iyong mga kalaban nila ang siyang nagbibigay ng maling balita. Upang hindi tangkilikin ang kanilang mga gawa na mga kasuotan na damit. Dahil alam nito, na kapag binalita ang tungkol sa dalawa at ibigay ang maling interpretation nito na malapit ang dalawa ang siyang kapalit na wala ng tatangkilik sa mga produkto nila. Iyon ang nakikita na dahilan ng mag-kapatid na Heleyna at Aileen. Ngunit hindi kakabakasan ng pag-alala ang dalawang mag-kapatid sa mga balitang ipinakalat ng mga kalaban. At sa halip hinahayaan nila ito pag-usapan ang dalawa at maging makilala pa ang kanilang produkto sa pamamagitan ng mga basher ng dalawa, alam nila dito sila makaka-ganti sa dalawa lalo na kay Aga. Batid kasi ng mag-kapatid na Aileen at Heleyna na mga babaeng taga hanga ni Jeremy ang siyang pasimuno na itoy gawan ng maling balita at siraan nito. ----------- Heleyna So Sa mga tao na sumisira sa pagkatao ng aking anak si Jeremy at sa pamangkin ko si Aga nagsasayang lamang kayo ng load at pera ninyo sa mga binibigay na balita sa dalawa. Batid kong ang aking anak si Jeremy ay isang dalagang Pilipina kung kumilos kumpara sa pinsan nitong babae si Agatha na mas lalaki pang kumilos ang dalaga sa kuya niya si Jeremy. Hindi ko lamang alam, kung talagang bulag ang kanilang paniniwala na tunay na lalaki ang aking anak. Nakikita naman sa kilos nito, hindi ba na papansin nito na mas astig tigasin ang pinsan babae nito keysa sa anak ko. Siguro ang iba, sa isip nito. Maari pang mabago ang kasarian. Kung may babaeng maglakas ng loob na mag-pakita ng motibo na gusto niya ang aking anak. Siguro kapag nangyari iyon, ay mag-papa handa ako ng bongga at iimbitahan ko ang mga basher na sumisira sa aking panganay na anak si Jeremy. At kapag nag tagumpay ang babae sa pagpapa-ibig nito. Kung mangyari iyon. Kung may babaeng maglakas ng loob ha! Hindi sa kinukonsinte ang pagiging bakla ng aking anak. Kundi bilang isang ina, para sa akin ay naroon ang aking pag-alala bilang magulang nito. Dahil alam naman natin na ang panahon ngayon maraming mga abogado maraming alam, nariyan ang hinu-husgahan ka na wala ka pang ginagawa. Mas doble ang sakit na raramdaman naming mga magulang kaysa sa mga anak namin na hinu-husgahan bilang sakit sa lipunan. Bilang magulang ni Jeremy ay igina-galang ko ang kanyang pagkatao. Kung iyan man ang kanyang napili, hindi ako against sa kanyang pagiging bakla. Alam ko at alam ng aking anak, kung hangang saan ang limitasyon niya, dahil pina pangaralan ko pa din ang aking anak. "Kung saan ka man, maligaya susuportahan ka namin, basta isaayos mo ang pagiging isang gay mo. Maraming mga kagaya mo ang naba- bastos ng mga tao. At ayaw namin makita namin sa iyo na ikay bina bastos ng mga tao. Dahil kami din ang napupulaan sa mga pinag gagawa mo." Ito ang aking paulit-ulit na binibigay sa kanya kapag nasa labas siya ng aming tahanan. At sa nakikita ko naman na naunawaan naman niya ang nais ipunto ko. Sa totoo lamang alam ko na may tao din sa kanya na palaging ipa-alala ang mga dapat gawin at hindi dapat, at ito ay ang kanyang pinsan si Aga. Laki ng pasasalamat ko sa aking pamangkin na dahil sa kanya maraming mama mali ng interpretation sa ginagawa nito. Batid kong na sasaktan din ang aking pamangkin si Aga sa mga naririnig na mga balitang kumakalat. Alam ko na hindi umi-imik sa mga negatibong balita. Dahil alam ng dalaga na walang mangyayari kapag pinatulan niya ang mga balita na kanyang nababasa sa mga social media. Nahihiya nga ako sa aking kapatid si Aileen na sinisiraan ang kanyang anak na mga balitang negatibo na ipinupukol dito. Alam ko bilang magulang na ayaw nilang nakakarinig na mga negative na balita sa kanilang anak lalo na babae ang sinisiraan sa social media. Ito ang masakit na parte sa aming magulang na wala naman ginagawa sa kanilang kapwa ang aming mga anak. Kundi ang gawin ang parte na trabaho na ginagawa. At dun sa nagpapakalap sa maling negatibo sa dalawa. Mayroon tayo na panginoon na nagbabantay sa ating lahat. Bahala na iyong nasa taas ang magbigay ng parusa sa mga taong walang nagawa sa buhay ng ibang kapwa nila. 3rd Person Point of view Sa tingin nila na magandang balita ang maririnig nila sa kanilang mga modelo. Hindi! Ayoko na sila ang bida sa spotlight na binibigay ng mga tao sa dalawa, nakaka imbyerna ang mga pangalan na aking nakikita sa social media at maging sa tv, radyo. Wala na bang maganda balita na hindi kasama, Lalo na iyang Aga na wala man lang nabago balita. Puro papuri ang tinatamasa nito. Puwes palitan natin ng balita kabaliktaran sa pag-uugali nito. Ang akala ang amo ng mukha nito, kabaliktaran ang ugali kung makikilala lamang ng lubusan ang babaing impakta sa buhay ko. Ang sarap talaga na pa-itapon sa disyerto at hindi na makabalik dito. Panira sa buhay ko, gusto ko naman, ako ang makita nila. Huwag naman palagi ang impaktang nagbabalat kayo bilang isang anghel sa likod nito ay isang demonyo sa paningin ko. "Bwahahahhahahhahahhaha" Tama lang yan, kainis ang babaeng na pinaka kontrabida sa buhay ko. Ang hindi nila, alam ako ang nasa likod ng mga balitang ipinapakalat na may relasyon ang dalawa at nagbigay ako ng malaking halaga na siraan ang dalawa sa mga reporter at humanap ako ng mga stalker ng lalaking kasama sa blind item na ngayon lantad ang pagkatao nito. Wala akong paki alam na malaman ng mga taong nakasama ko. Ang mahalaga na maka ganti sa babaing kontrabida ng buhay ko. Magka alaman kung sino ang mananalo sa laban na kanyang sinimulan. Dahil pang buena mano ko pa lang iyan sa babaing impakta sa buhay ko. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD