Lahat tayo ay nag-asam na mayroon isang lalaki na mang-haharana sa atin. Lalo na sa mga probinsya kadalasan na makikita ang ganitong kaugalian ng mga pilipino na ating na inadapt sa mga kastila.
At ngayon nga may iilan na gumagawa nito, ang panghaharana na mabisa sa panliligaw sa isang taong nililiyag ng iyong puso.
At ito ang na isip ng isa sa mga kaibigan mismo ni Marko Chi na haranahin ang babaing nagpapatibok sa kanyang puso. At ang taong ito na tinutukoy ay si Xeres dela Frontera.
Nais ng binata na mai-padama sa taong kanyang nililiyag ang saloobin ng kanyang puso. Kaya't na isipan nitong haranahin ang dalaga.
Alam niya na ito ang chance na maipakita nito sa dalaga ang tunay na kanyang nararamdaman simula pa lamang ng mga bata pa sila at mag pasa hangang ngayon. Walang ipinag-bago ang nararamdaman nito sa dalaga.
Bagkus lalong tumindi pa ang kanyang nararamdaman nito sa tuwing nakikita nito sa malayo.
Xeres de Frontiera
Isang maganda ang na isip kong haranahin ang babaing kay tagal ko ng minahal. Simula ng kami ay mga bata pa lamang at magpa sa hangang ngayon, Hindi ko lubos na maisip ang babaing kay tagal ko ng kakilala at kaibigan ang siyang nagpabago sa aking pananaw tungkol sa pag-ibig.
Noon kasi ang pananaw ko sa pag-ibig ay isang kalokohan lamang. Maraming na sasaktan at umiiyak, lalo na ang mga kaibigan ko at mga mahal sa buhay.
Hindi ko akalain na isa pala ako na tamaan ng palaso ni kupido sa mga
araw ng mga puso nuon. Kasama ang iilang barkada na nagbabaka sakali ma-kahanap ng isang babae na aming maka date sa araw ng mga puso.
At nang araw din iyon, nakita ko ang aking kaibigan si Jeremy kasama nito ang kanyang pinsan si Aga sa loob ng bar na aking itinayo. Natulala ako sa taglay nitong ganda ng mga sandali na iyon alas otso ng gabi, tanging ang kanyang kasuotan nito ay isang rip jeans na kulay itim at simpleng T-shirt na suot nito na binagayan ng sketcher na suot na sapatos at hindi pansin na nakalugay lamang ang buhok. Habang pinagmamasdan ang itsura nito, tila isang manequin lamang ang kanyang kaharap. Hindi mo siya kakitaan na umarte sa harap ng mga kalalakihan na kaharap at kausap ang iilang mga kaibigan ko.
Lalo akong humanga sa dalaga na nasa harapan ko, walang pinag bago ang itsura nito ng una kong nakilala sa aming bansang sinilangan ang Boseong sa South Korea. Isinama siya ng kanyang auntie nuon na magbakasyon, at para makita nito ang magandang tanawin ng aming provincia.
Hindi ko akalain na ganun pa din ang taglay na ganda nito. Lahat ng aking nakikita sa babaing ito ay wala pa din, kupas sa kanyang tunay na ugali at pakiki-pag-usap sa mga kagaya kong adan.
Maliban sa kanyang pinsan na kasama niya. Alam ko nuon pa man ay may malaki din ang pagka gusto ng pinsan si Jeremy sa kanyang pinsan si Aga batid ko noon pa na madalas magkasama ang dalawa.
Oo. Na-iinggit kami na mga kaibigan niya sa pinsan nitong si Aga na palaging magkasama keysa sa amin na mga kaibigan niya. Siguro dala lamang ng selos sa pinsan nito at hindi makakasama sa mga lakaran ang kaibigan si Jeremy. Palagi kasi itong kasama ang pinsan si Aga sa tuwing may lakad ang mga kaibigan nito.
Napag halata namin na may something sa dalawa na hindi nila sinasabi sa amin na kanilang kaibigan.
Hangang isang araw nagkaka-yayaan ang mga kaibigan na mag outing at isa na dun ay naka sama muli ang pinsan si Aga sa aming outing na magkakaibigan hanggang sa ma lasing ang isa sa mga kaibigan namin.
At umamin ito sa amin mga kaibigan na may nagugustuhan ito, at hindi namin alam kung ano ang pumasok ng aking kaibigan si Jeremy na tanungin nito. Sino ang tinutukoy nito? Ngunit naging tahimik ang aming kapaligiran habang ang tanging maingay lamang nuon ang hampas ng alon na nagbubuhat sa dalampasigan na nagmumula sa dagat.
Kami na mga kaibigan ko ay tila nakatingin lamang sa aming kaibigan si Alexander na panay ang lagok ng alak na hawak nito. Hindi alintana na kami ay nag-aantay ng kanyang rebelasyon sa mga sandaling na mag-ika lima ng hapon.
"Alam niyo bang mahirap, umibig at magmahal sa taong malayo sa iyo. Masakit dito," sabay turo sa dibdib ng kaibigan si Alexander habang may mga patak ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata.
"Bakit mo naman nasabing mahirap magmahal at umibig?" Tanong ni Aga sa kaibigan namin si Alexander.
Uminom muli ng alak ang aking kaibigan si Alexander habang panay ang hikbi nito na hindi alintana na kami ay naka tingin dito. Hindi pansin ng iilan na may itinatagong problema sa pag-ibig ang kanilang kaibigan. Kilala kasi nila itong isang guru sa pag-ibig ang kanilang kaibigan. Iyon pala, ay hindi nalalaman na may mabigat din na dinaramdam nito sa isang tao.
"Dude babae lang iyan, tsaka alam ko eh expert ka sa larangan ng pag-ibig. Ikaw pa naman ang aming guru pagdating sa pag-ibig. Tapos ano itong problema mo ang hindi mo kayang solusyonan, Pre sino ba kasi itong tinutukoy mo para naman matulungan ka namin." Wika ng isa sa mga babero na kaibigan si Arthur.
"At isa pa, ang pangit mong umiiyak pare. Para kang bakla na umaatungal sa dapit hapon. Mamaya may lumapit na syokoy isa sa atin repin ng hindi namamalayan." Isa-isa nitong sinabuyan ng buhangin ang kanilang kaibigan si Henry.
Napansin ko sa aking katabi si Jeremy at Aga na mga sandaling iyon, habang nagtatapat ng problema ang aming kaibigan si Alexander. Tila parang kiti-kiti ang dalawa na hindi mapakali sa kanilang kina-uupuan habang katabi ko lamang ang dalawa, parang may something ang mag- pinsan na sila lamang ang nagkaka-intindihan sa kanilang mga ginagawa.
Habang ako ay naawa sa aking isa sa mga kaibigan si Alexander, na gusto kong matulungan ito sa problema sa puso. Literal na puso. Hindi sakit na nakakamatay. Dahil sa lintek na pag-ibig na iyan parang heroine lamang kapag na singhot muna, hinahanap na ng sistema mo ang halimuyak ng pag-ibig.
Napansin ko sa aking kaibigan na naka titig siya sa dalawang katabi ko, na animoy may mga langgam sa kanilang upuan na parang masayang- masaya lamang habang kami na mga kaibigan ay nanunod sa magpinsan na sweet sa kendi sa isat-isa lamang.
Ikinagulat namin lahat ng tumayo ang kaibigan namin si Alexander at walang sasabi na anuman sa aming lahat. Tumayo at bitbit ang alak ng brandy. Habang patuloy na umiiyak ito at hawak ang bote ng brandy na panay ang inom nito. Hindi alintana na kanyang mga kaibigan ay naiwan lamang sa harap ng bonfire na ginawa naming magkaka-ibigan.
Hangang sa nagka tinginan kaming tatlo na para bang kasalanan ng dalawang magpinsan ang ginawang pag-alis ng aming kaibigan si Alexander.
Yes walk out ang lolo mo, hindi nakayanan na makita ang dalawang mag-kapareha na langgamin sa ka sweetan.
Hindi nakayanan ang powers nitong jelling-jelling ang peg na parang bang lina-lamukos ang kanyang puso sa mga sandaling nakikita niya ang isang tao na kanyang iniibig.
Isa sa dalawa ang kanyang sinisintang tampurorot ang binatang si Alexander. At kung sino iyon, guess who na mga besh..
---------
Alexander Scott
Hindi ko na kayanan ang tingnan ang taong na makita, may iba na pala. Ang akala ko may pagkakataon na akong maipahayag ang aking damdamin sa taong ito. Batid kong kaya ko na mag sakripisyo sa pag-ibig na aking nadarama sa iisang tao nag papatibok ng aking puso.
Ngunit mali pala, hindi ko kaya na makita may mahal ang taong ito, masakit sa puso na parang nilalamukos ang aking dibdib sa mga sandaling kaharap ko sila. Parang gusto ko sugurin ang dalawa at pag-hiwalayin sa kanilang mga puwesto. Kaya lamang pina-ngunahan ako ng aking konsensiya na malaman nila ako ay isang taong nagmahal sa taong kapwa lalaki. At kapag nangyari iyon ay lalong mas lumaki ang problema ko sa aking mga kaibigan ang malaman nila na isa akong gay.
Alam ko na maraming bagay na ang tumatakbo sa mga isipan niyo, hindi ko nga hinangad na maging isang kauri ng mga bakla. Ngunit hindi ko maiwasan na magmahal sa iisang kagaya ko kapwa lalaki. Tao lamang ako na mahirap ang aking kalagayan bilang isang ako.
______
Hindi na malayan ng binatang si Xeres na nag si datingan ang kanyang mga kaibigan, kasama naroon ang dalawang balitang-balita sa social media.
Habang kaharap ang mga kaibigan nito tila kinaka-bahan ang binatang si Xeres na malaman ang kanyang plano na pang-haharana sa dalagang si Aga. Nais niya itong sorpresahin sa pag-akyat ng ligaw nito sa tahanan na mga Morgan.
Kaya lamang hindi siya makapag salita dahil sa naroon ang dalaga, kasama ang kaibigan si Jeremy na magka holding hands pa ang dalawa ng dumating, kaharap ang mga kaibigan ko sina Henry, Alexander at Arthur. Napansin nito na tila umiiwas ang kanilang kaibigan si Alexander sa pagkakataon iyon. Habang ang dalawa para lamang wala sa kanila ang mga balita na lumalabas sa social media.
Tila nababasa ng dalawang kaibigan nito na sina Arthur at Henry na humiwalay ang kanilang kaibigan sa puwesto na kanilang pinag-tatambayan lumipat ito sa kabilang lamesa at dun kasama ang iilang barkada nito ng sila'y mga nasa high school days pa.
Nakita din nito ang kaibigan si Marko Chi kasama ang bagong mukha na kasama nito. Habang abala ang lahat na papalapit na ang ika anim ng gabi, ibig sabihin ay unti-unting magsisi datingan ang iilang kustomer ng bar ni Xeres.
Dahil araw ng mga puso, maraming magka date ang mas piniling nag-enjoy at kasama ang iilang kaibigan upang magsaya. At ang ibang couples o may mga partner mas pinili ang kumain sa labas at manuod ng sine.
Sa pagkakataon iyon, parang ordinaryong araw lamang sa mag pinsan ang araw ng mga puso. Dahil palagi sila lamang ang magka date ang kasama ang iilang kaibigan wala pang girlfriend. At alam ng dalaga na may mga pamintang kasama sa mga kaibigan nito. Dahil hindi na bago sa dalaga ang araw ng mga puso. Napag-desisyunan niyang ayain ang pinsan na lumabas at magsaya na lamang sila sa bar ng kaibigan si Xeres.
Sa isip ng dalaga, "para makatipid sa gastusin." Hindi uso kay Aga na magsuot ng formal dress, mas minabuti niya lamang pumunta na siya ay kumportable sa kanyang kasuotan.
Kapag nakita siya naka suot ng pang formal malamang sa alamang kantyaw ang abot niya sa mga kaibigan nitong si Henry at Arthur. Batid kasi na dalawa, isa siyang adan sa katauhan ni Eba. Kaya't mas pinili nitong casual outfit na lamang. At least malaya siyang maka-galaw ng ayon sa gusto niya.
At habang kasama niya ang pinsan si Jeremy, panay ang kapit ng kanyang pinsan sa mga sandaling magkasama sila. Batid niyang umiiwas ito sa mga babaing pinag lihi sa linta o kaya naman ay higad. Kaya ganyan lamang ang pinsan nito na makakadikit sa pinsan nitong si Aga.
Iyan din marahil ang pagiging clingy nito sa kanya ng pinsan si Jeremy ay dahil sa mga higad na nagkalat sa bar ng kanilang kaibigan si Xeres. At ang balita na may kaugnayan bilang magkasintahan na ibinabato sa kanila ng ibang tao.
"Hindi ko din masisi ang iilang mga mapanuring tao o mas tawagin nating judgemental dahil ang akala nila ay may relasyon kami. At na dadamay ang aming mga magulang sa mga isipin ng mga taong avocado (abogado po).
Alam din ni Aga na ang isang kaibigan si A.S ay may something na gustong sabihin dito sa kanya, kung paano nalaman. Dahil obvious naman ang kilos nito na may something at hindi kayang ilabas. Alam ko na nagda-dalalawang isip kong bubuksan na ba ang kanyang kabinet or mas piliin na lamang nito na manatiling sarado. Pero sa kaloob-looban ng kanyang pagkatao nais na niyang sumigaw na ____.
A. Wonder woman
B. Batman
C. Aquaman
Dahil sa isang banyaga ang kanyang kaibigan. Alam na kung ano ang nais nito. Langhap na langhap ang amoy na Victoria Secret na pabango ng inyong kaibigan. Kaya alam ni Aga ang tunay na sa loobin nito.
At nais niya itong matulungan sa pinsan nitong si Jeremy. Dahil sa minsan nagbakasyun sila sa isang resort na pag-aari ng isa sa mga kaibigan namin. Dun ka lamang na pagtanto na nais niyang magtapat sa aking pinsan.
Sa pagkakataon iyon sinubukan kong alamin ang kanyang nararamdaman sa aking pinsan, kung tunay ba talaga niyang mahal ito o isa lamang huwad at pagpa panggap.
Habang nagkaka tuwaan at nag-iinuman ng panahon na iyon kasama ang mga kaibigan ko. May ibinulong ako sa aking pinsan na tila mas kinikilig ito nang sabihin ko sa kanya ng pabulong "kuya Jeremy mukhang tinamaan ng pana ni kupido si Crush mo si Alexander. At tingnan mo ng palihim, huwag kang obvious na may gusto ka din. Tingnan muna natin kung pag-selosin muna natin ng kaunti para malaman kung may feelings ba sa iyo." Dahil sa nakita kong reaction nito na biglang umalis na walang sabi-sabi sa aming mga kaibigan niya at tuluyan nag paka lasing ang kanyang crush. Habang kami ay nagkukulitan lamang. Batid kong si Xeres ay nakikita ko ang pagkainis sa mukha nito. Dahil sa galit na ginawa naming mag-pinsan ang ipakita na sweet kami sa isat-isa, para makita namin ang reaksyon nito na maging dahilan na totoo ang aming hinala na dalawang magpinsan na inlababo nga si Alexander sa pinsan ko.
Kung paano nalaman na isa pala siyang kalahi ni Darna, Saturnia at wonder woman. Dahil sa dugo nitong berde. At nalanghap ang pabango na Victoria Secret, at iyon magtuloy-tuloy at mag pa sa hanggang ngayon, umiiwas ang lolo mo sa aming magpinsan.
Habang ako ay nagpa palinga-linga kanina pa, para hanapin ang lalaking na aking tinutukoy na si Alexander.
At natagpuan sa mesa ng aking bff si Marko Chi kasama pa ang kanyang lovey-dovey si Aiden Carson magkatabi ang dalawang pinag pala na mga anak ni Zeus ngunit nagka mali pala sa katauhan ng mga fairy ni God mother ng mga kwento na tumatak sa ating mga buhay na mala fairy tale.
Nasa ikalawang mesa na upo ang lalaking pinapangarap ng aking pinsan si Kuya Jeremy. Ngayon ay balak kong puntahan ang lalaking ito, at ipagtapat na din ang totoong sitwasyon naming dalawa bilang magpinsan lamang at wala na iba pa.
Yes, period na period. Hangang dun lang.
------------
Xeres
Habang papalapit ang babaing iniibig ko sa mga oras na iyon patungo sa mesa ng aking mga kaibigan din sina Marko Chi at Aiden Carson. Ako namam ay linapitan ko ang tatlo kung kaibigan.
Kasama dun ang pinsan nito si Jeremy, batid kong alamin ang status ng pinsan niyang si Aga. Kung may pag-asa ba akong maka paningalang pugad sa tahanan na mga Morgan. At maipahayag ang aking damdamin nito simula ng kami ay mga bata pa lamang.
Upang maka-usad naman ako sa aking pan liligaw dito. Batid kong kay ilap nito ng lapitan lalo na kapag kasama ang pinsan nito. Kaya ngayon ay pagkakataon ko alamin sa pinsan si Jeremy kung may pag-asa pa ba ako o nga-nga na lamang.
"Hoy! Xeres ang akala ko eh may sasabihin ka sa amin!" Arthur
"Ah, eh. Maya na lang pare may itatanung lang ako kay Jeremy." Xeres
"Ano ba iyon, Xeres at bakit ang itsura mo parang maiihi o may kung ano dyan sa loob (sabay turo ng binatang si Jeremy sa pantalon nito.) Jeremy
Sabay huminga ng malalim ang binatang si Xeres kasama nito ang kaibigan si Arthur at Jeremy. Habang wala ang isa pinaka playboy sa magba barkada si Henry.
At laki ng pasasalamat ni Xeres ng mga sandali iyon wala ang kaibigan si Henry na maari siyang ilaglag sa mga kaibigan nito.
"Jeremy pansin ko lang, nitong mga nagdaan araw ay kayo ang palaging headline sa balita maging sa social media. Totoo ba ito?" Diretsahan na itinanung sa kaibigan nito ang tungkol sa dalawa.
Hindi inaasahan ang sagot ng binatang si Jeremy sa kaibigan nito at tila nababasa siya ng kaibigan na may gusto tumbukin ang binata. Ngunit ayaw lamang sabihin nito, tiyak kantyaw ang mapapala nito kung sakali na mabanggit ang crush nito.
"Hahahahahahaha"
Alam ng binatang si Jeremy na may lihim itong pag-ibig sa kanyang pinsan at alam din nitong na dakilang stalker ng dalaga nuon na mga bata pa sila at magpa sa hangang ngayon.
"Ang akala ko ba eh mga kaibigan namin kayo! Sa tono ng mga salita mo parang nagduda kayo na may something sa amin magpinsan. Wala kaming relasyon na magpinsan kundi magka dugo kami, magka mag-anak at higit sa lahat ang turing ko diyan ke Aga nakaka batang kapatid na babae. Alam niyo naman simula pa lamang kaming dalawa ang palaging magkasama sa lakaran kasama kayo, ano pa ba ang gusto mo malaman. Kung may nanliligaw ba dito? Wala dahil mas tigasin pang kumilos sa aming magkakapatid ang pinsan namin si Aga. Kaya huwag kang mag-alala sa gusto mong malaman. At kung sakali na ligawan mo ang pinsan ko. Ako na ata ang pinaka masaya na kamag-anak niya na may manligaw dyan. At higit sa lahat boto ako sa iyo. Dahil kilala na Kita simula pa ng mga bata pa tayo at dumating sa punto na isa kang dakilang stalker nito. Oo, alam ko ang lahat ng iyong pagsunod-sunod sa mga lakad namin at sa mga raket bilang modelo, naruon kami para suportahan at bantayan ang pinsan ko. Ngayon ang tanong ko naman ang sagutin mo, kailan ka manliligaw sa pinsan ko?" Jeremy
Hindi maka paniwala sa narinig na mga sinabi ng kanilang kaibigan si Jeremy na walang nama magitan sa dalawa kundi bilang magpinsan at magkadugo. At sa isa pang rebelasyon na hindi mapaniwalaan na marinig ang lahat na nalaman sa pagiging stalker sa dalaga ng mahabang panahon nito. At ang pag sang-ayon nito na maligawan ang dalaga. Iyan ang matagal na gusto marinig ng binata si Xeres. Hindi mapigilan ng kaibigan nitong si Arthur ang mga narinig na rebelasyon nito at nalaman nito na dakilang stalker ang kaibigan si Xeres.
Sa isip ng binatang si Arthur "Kaya pala ang loko panay ang nakaw tingin kay Aga habang magka kasama sila sa mga lakaran na magkakaibigan. Ang akala ko eh may pag-tingin ito kay Jeremy. Mali pala ang aking hula. Tama pala itong si Henry. Asan na kaya ang hudas este si Henry siguro nambobola na naman ng mga chicks sa tabi-tabi."
Hanggang sa napag pasyahan nitong sabihin sa pinsan nito na nais niyang haranahin ang dalaga.
At dun masinsinan ang tatlo na magkaka-ibigan na magplano ng pang-haharana sa dalaga, at ang aawitin nito para sa kanyang may loves na si Agatha "Aga" Morgan.
--------
Time check: 12:06 midnight
Nag-iiwan sa inyo. Kung gusto may paraan. At kung ayaw maraming dahilan.
Kung anong connect nun sa kwento.
Mayroon kagaya kay Xeres point of view.
Ingat guys may panibagong variant ng covid.
Stay safe and God bless...