Narito ako ngayon sa tahanan ng aking mga magulang, kasama nila ang aking bunsong kapatid na babae. Ang dalawa ko pang mga kapatid na babae ay wala dito ngayon nasa ibang bansa. Dun naka base sila sa kanilang trabaho at pamilya. May mga Pamilya na ang aking dalawang kapatid na babae na sumunod sa akin ang isa ay naka base sa korea at ang isa naman ay nakabase sa Japan.
Minsan lang sila magbakasyon dito sa Pilipinas. Kung minsan nangungulila ang aking ina sa aking mga kapatid. Pinatatawagan niya ito sa akin, upang pauwiin ito. Lalo na kung may okasyon sa aming pamilya. Ako naman ay pumisan na ng tirahan. Nakatira ako sa isang condo unit na bigay sa akin ni Mama nung 21 birthday ko. Itong regalo niya mula sa isang deal sa negosyo na pinamamahalaan ng aking ina. Habang ako noon ay nag-aaral sa I.S ng business administration. Itoy paghahanda ko sa mga negosyo ng aming pamilya. Dahil ako ay panganay sa magkakapatid at nag-iisang lalaki na magtataguyod ng aming negosyo na nagmula pa sa aming mga kanunu-nuan pa, na ngayon ay isa sa mga negosyo namin ngayon ang pinamahala sa akin ang Trading company na itinayo ng aking ama.
Habang narito sa aming tahanan kasama ang aking ina at bunsong kapatid na babae ang siyang kasa-kasama ng aking ina sa aming tahanan at ang aking ama ay nasa malayong lugar, kung saan kasama nito ang bagong pamilya.
College pa lamang ako nang nabalitaan ko na hiwalay na ang aking mga magulang. Ang aking ama ang siyang naging dahilan ng lahat nagkaroon ng ibang babae ang aking ama habang narito siya sa Pilipinas at kami ay nasa korea pa, nalaman na lang ng aking ina ang problema ng minsan pumunta ang aking lola sa aming tahanan at nakiusap na sundan ang aking ama dito sa bansa. At alamin ang kinahuhumalingan ng aking ama. Upang sa ganun ay malaman nila ang problema at sila ang gagawa ng solusyon.
Habang kami na kanilang mga anak ay wala kaming alam ng mga panahon iyon. Itinago sa amin ng aking ina ang totoong dahilan at problema ng aming pamilya. Ayaw ni mama na malaman namin ang gina-gawang pagtataksil nito sa aking ina. Sapagkat nais ng aking ina na maging maayos pa din ang aming pakikitungo sa aming ama. At nais ng aking ina na maging mabuti kami sa aming ama, sapagkat alam ni mama na tukso lamang ang aking ama sa ibang babae. Nauunawaan naman niya ang lahat, at walang balak ang aking ina na maghabol pa sa aking ama. Sapagkat malalaki na daw ang kanyang mga anak. Kung nuon pa na nalaman niya ang pag-babae nito, ay siya na mismo ang aaway sa kerida ng aking ama.
Sa kabila ng lahat na kabutihan na ipinakita ni mama sa aking ama, wala siyang narinig na anumang panunumbat dito. At sa halip nakiusap lamang na Lumayo sila ng kanyang kina-kasama na malayo sa kanyang pamilya. Buhat nuon ay hindi ko nakita pa ang aking ama at ang kanyang bagong asawa.
Nito lang na magkaroon ng hindi inaasahan balita nagmula sa kina-kasama ng aking ama. Dating kaibigan ni mama ang naging kerida ng aking ama, upang sabihin lamang dito sa amin ang balita na ikinagulat ko na, ang aking ama ay may malubhang kasakitan.
Iyon ang hindi namin matanggap na kanyang mga anak na balita nagmula sa kina-kasama nito. Maging ang aking ina ay nagulat sa sinabi nito sa amin, dahil batid naming mag-iina na malakas ang aking ama. At malayo sa sinasabi ng kanyang kina-kasama. Hindi kami naniniwala sa mga sinasabi sa amin. Naghihinala ang aking ina na may itinatago ang dating kaibigan nito si Felicity. Dahil batid ni mama na isa itong materialistic na babae at higit sa lahat ay nanghuthot ng pera sa mga tulad ng aking ama na may mga negosyo.
"Bes, sorry sa nagawa ko sa'yo at sa mga bata. Tao lang ako marupok at natukso sa asawa mo. Kung anuman ang nasa loob ng puso mo, ay maluwag kong tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto mo. Basta't kung ang kapalit naman ang buhay ng ating minahal na si Adam ay tatanggapin ko basta maipagamot lamang natin siya sa pinaka magaling na doktor."
Sa binitiwan salita ng kaibigan ng aking ina, Hindi ako nakapag salita sa babaing kaharap ng aking ina. Tanging bumagal ang pagtibok ng aking puso ng mga sandaling narinig ko ang sinabi ng babaeng kerida ng aking ama.
"Paano kami makaka sigurado na may sakit ang aking asawa?" Mama of Aiden.
"Bes, nagdududa ka ba sa akin, sa pagkakataon ito, dapat nga ay ipinapagamot natin siya sa hospital." Felicity
"Alam mo Fely, walang sakit na lumabas ang aking asawa nung panahon na sa poder ng aming pamilya. At ngayon Ikaw ang pinili nito, dahil sa may anak daw kayo. Kayo ang pinili at hindi ako naghabol sa kanya. Ipinaubaya ko siya sa'yo. Dahil alam ko na mas bata ka hamak keysa sa akin. Ngayon sasabihin mo sa akin na may sakit ang aking asawa. At hindi mo siya kayang ipagamot, ang alam ko ay wala na kaming responsabilidad sa kanya. Dahil Ikaw ang pinili niya maging kapamilya. At hindi kami na legal niyang pamilya. So, ano ang iniisip mo Fely, na magbibigay ako ng pera para maipagamot siya. Ang alam ko fely sa sitwasyon natin ngayon. Ikaw na ang bahala sa panga ngailangan niyo." Mother of Aiden
Tanging pag-iyak lamang ang aking nakikita habang nag-uusap ang aking ina at kaibigan nitong si Tita Fely. Nais ko man tumulong sa mga oras na iyon. Ngunit humarang ang aking ina at hwag mangi-alam sa pagitan nilang magka-ibigan batid kong nais lang ng aking ina na maging maayos silang dalawa na magkaibigan. At nauunawaan ko ang aking ina sa parteng iyon. Ngunit ako ay nanga-ngamba sa aking ama, sakaling may karamdaman ito at hindi na ipagamot ng asawa nito, at tanging solusyon nito ang humingi ng tulong sa dating pamilya. Kahit na labag sa kanyang damdamin nito, mas pinili ang isakripisyo ang natitirang dignidad upang maipagamot ang kanyang asawa.
Alam ko na masasaktan ako kapag nalaman kong wala akong magawa na tulong sa aking ama, upang maipagamot ko lamang siya. Sa kabila ng lahat na kanyang ginawa sa aming pamilya. Bahagi pa din siya ng aking pagkatao kahit mas pinili nitong ma-kasama ang kerida nito sa katauhan ng kaibigan ng kanyang ina.
Nais kong alamin ang buong kwento sa aking ina, ngunit nahihirapan akong buksan ang usapin na ito, kaharap ang aking mga kapatid na babae. Dahil alam ko na galit sila sa aming ama. Hindi ko din maitatanggi sa mga kapatid ko na babae na magalit sila sa aming ama, dahil sa mga panahon iyon, batid lang namin nasa malayo siya nagtratrabaho, iyon pala may iba na palang kapiling ang aking ama sa kaibigan ng aking ina.
Batid ko din na andun pa din ang sakit na idinulot nito sa amin lalo na sa aking mga kapatid na babae at sa aking ina. Hindi kailanman masasabing naghilom ang sugat na idinulot nito, patuloy lamang ito na lalaki ang sugat na idinulot sa aming pamilya, kung parati namin makakasama ang ikalawang pamilya ng aking ama.
Iyon ang pinaka masakit sa parte ng buhay ng tao na dalawa kayong pamilya na maghati-hati sa panahon na kasama mo ang importante tao sa buhay mo. Hindi siguro matatanggap ng aking ina at mga kapatid ang bahaging iyon, at piliin muli ng aking ama na hindi iiwan ang kanyang ikalawang pamilya.
Masakit!!!
Hindi ko alam na makakaya ko ba ang parteng bahagi ng aking pagkatao na may ganitong problema. Parang korean drama ba!
Marahil sadya nga lang sinusubok kami ng panahon, kung kaya ba namin bang harapin ang mga problema ng aming pamilya. Sa pagkakataon iyon tila nakiki ayon ang araw sa amin dahil sa dala nitong problema na nagmula sa kaibigan ni Mama.
Sa pagkakataon iyon, tanging naisip ko sa mga sandaling nag-uusap ang aking ina at kaibigan nito. Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko na imbestigador. Upang alamin nito ang totoong kalagayan ng aking ama. At ako na mismo ang aalam sa bagay na mahirap tanggapin ng aking pamilya.
At sa parteng iyon, dahil panganay ako. Ang siyang dapat tumayo bilang padre de familia sa aking mga kapatid at ina. Dahil ang aking ama ay may ibang pamilya na, kailangan ko na din tanggapin sa aking pagkatao na hindi lahat ng bagay o pamilya ay perpekto.
Hindi lahat ay aayon sa gusto mo. Minsan diyan tayo nagkaroon ng mga agam-agam sa mga bagay, usapin sa pamilya. Kung paano tatanggapin ang buhay na mayroon tayo.
Ipag paumanhin niyo mga kaibigan ang pag sesenti ko, ngayon lang ito. Dahil pamilya ang pinag-uusapan lahat ay iyan ang kahinaan ng isang tao at minsan diyan din tayo kumukuha ng lakas para sa ating mga mahal sa buhay.
Sa ngayon narito ako kausap sa telepono ang taong nagbibigay ng kulay sa aking buhay. At ang taong ito ang siyang nagiging inspirasyon ko sa araw-araw. Kung bakit parati masaya ang gising ko, dahil sa iisang tao na minahal ko nuon pa. At ang taong ito ang siyang magbibigay ng pagkakataon na maipadama ang tunay kong nararamdaman. Malapit na iyon, kaunting panahon na lang. Makakasama ko na din siya sa araw-araw. Dahil mag-uumpisa na ang aming itinayong negosyo at palagi na din kami magkasama kahit saan kami magpunta.
Ito ang matagal ko ng binabalak ang ipagtapat dito ang tunay kong nararamdaman. Alam ko din malakas ang aking loob na ipagtapat dito, dahil alam ko na ganun din ang kanyang nararamdaman. Kakaiba ang mga tingin at kilos nito kapag kaming dalawa lang, kahit sabihin na tila nahihiya. Hindi ako manhid na tao, ang hindi naramdaman na kilig na bumabalot sa aking puso kapag kausap ko siya.
Pusang gala nasabi ko lang ito, kapag nag eemo ako mag-isa. Sana lang sa panahon na magsimula ang ground breaking ng aming sisimulan na hotel and restaurant resort ay masabi ko ng walang mintis.
Yon, oh di ba!
Astig!!!
Hahaha
Sana, bukas na ang araw na itinakda na magsimula ang ground breaking. At hindi na ako makapaghintay.
Ayi!!!!
Tssss
Kilig to the bone ba?
Hahaha, slight lang.
Baka next time na lang kapag kaharap ko na siya.
Hay sana matuloy na ....
-------_-------
Pagkatapos na mag-usap ng dalawang magka-ibigan sina Felecity at Anastasia.
Hindi mapigilan na mag-init ng talukap ng mga mata ang ina ni Aiden. Habang natulala lamang sa loob ng library ng kanilang mansyon. Habang may mga mata tila nagmamasid lamang sa mga sandali, habang ang panganay nitong anak na lalaki ay umakyat na sa ikalawang palapag ng mansyon na mga carson. Pinagmamasdan lamang nito ang ilaw ng tahanan na mga carson. Tila nag ngi-ngitngit sa galit ang dalaga sa narinig na pag-uusap ng kanyang ina at sa kerida ng kanyang ama.
Hindi mawari ng dalaga na tila may hindi maganda sa pag-uusap ng kanyang ina at sa kerida ng kanyang ama. Batid nitong pumayag ang kanyang ina na ipagamot ang kanyang ama. Kapalit na malaking halaga nito na sila ang gagastos ng pam pagamot dito, kapalit na hindi magpapakitang muli sa kanilang pamilya. Ang kasunduan na nais tutulan ng dalaga, habang ang kanyang ina ay tila may malaking problema na bumabagabag dito, at iyon ang hindi niya gusto na mangyari na muling mapaikot ng babaing kina-kasama ng kanyang ama.
Dahil alam ng kerida ng kanyang ama, kung gaano kayaman ang kanilang pamilya. Kaya halos daigin nito ang holdaper na holdapin ang kanilang pamilya. Kapalit ng pagpapagamot sa kanyang ama at kapalit ang salapi na pinagpaguran ng kanyang ina at kapatid ang magiging kapalit ng kanyang ama.
Hangang sa nakita siya ng kanyang ina, "Asia, kanina ka pa dyan?" Tanong ng ina nito sa dalaga. "Hm, hindi naman po, Ma. May kukunin sana ako na book sana dito. Kaya lang nakita kita at mukhang may problema ata po kayo?" Asia
"Wala naman, 'nak at tsaka nakita mo ba ang kuya Aiden mo?" "Baka nasa kwarto po niya, tawagin ko ba?" "Baka nagpapahinga iyon, maya na lang. Sige 'nak taas muna ako, At paki sabi ke manang siya na muna ang bahala sa mga gawain sa kusina, masama ang pakiramdam ko eh." "Sige po ma, ako na lang po ang bahala, tsaka paturo na lang po ako kay manang at ate melba sa pagluluto, Tsup"
Habang papaakyat ang ilaw ng tahanan na mga Carson batid ni Asia na may mas mabigat pa na hindi sinasabi ng kanyang ina. At iyon ang gumugulo sa kanyang isipan, nais niyang tawagan ang kanyang mga ate na nasa ibang bansa at ipaalam dito ang mga nagaganap sa kanilang tahanan at maaring may mangyari pa na hindi nila inaasahan na mga rebelasyon na ikagugulat ng lahat. At iyon ay ayaw niyang may maulit na malaking pasabog na problema.
At may huminto sa kanilang gate na isang sasakyan, na hindi inaasahan bisita ng kanilang pamilya.
Biglang iniluwa dun sa pintuan ang isang lalaki na animoy isang modelo, nagulat ang dalaga na "magandang tanghali, nariyan ba si Aiden?" Hindi mawari ng dalaga si Asia na "sino sila?" Isang ngiti ang isinagot sa dalaga, animoy parang nakita na niya ito, at hindi lamang maalala."Henry Hudson friend niya."
Sa isip ng dalaga na kilala niya ang lalaking ito, minsan ng ipinakilala ito sa kanya ng kanyang kuya ng panahon na nasa college ito. Agad tinawag ang kapatid at ipinaalam dito ang bisita na nasa ibaba at naghihintay.
"Oh, bro! Anong hangin ang nagpadpad dito?" Aiden
"Ouch! sakit naman bro! Ikaw ang sadya ko talaga, pupunta ba ako dito. Kung alam ko naman na may kaibigan ako, na kasing gwapo ko." Henry
Sabay suntok nito sa sikmura ng binatang si Aiden sa kaibigan nitong f**k boy. Alam ng binata na feeling niya ang ipinunta dito ang taong kanya ng linimot at ngayon ay balak ligawan nitong si Hudas este Henry. Iyan ang hinala ni Aiden sa mga sandaling iyon, habang nag-uusap ang dalawa.
Panay ang silip ng dalagang kapatid nitong si Asia sa bisita ng kanyang kuya si Aiden. Batid ng dalaga na guwapo ang binata, hinuha niya na maraming babae na ang pinaluha nito. Alam din ni Asia na nahahalina siya sa angking katawan nito. At attracted siya sa mga ganitong itsura at porna na mga kalahi ni Adan.
Bago pa man siya mahumaling sa lalaki na bisita ng kanyang kuya si Aiden. Tumawag na siya sa kanyang mga kapatid at may ipinapagawa ito na isang pabor, na favor din sa kanya ang nais ipagawa ng mga nakakatandang kapatid nitong mga babae.
_____________
time check :12:30 pm
good night and god bless
until next three weeks update
sign out: gnsytn