"Isang pinaka gwapo sa balat ng lupa ang inyong lingkod na narito sa inyong harapan na bumabati sa inyo ng mas gwapo at mas maganda ang araw ko sa inyong lahat. Napag pasyahan kong bisitahin ang isang kaibigan at malaman ko ang saloobin nito sa iisang dalaga na iniwan niya nung isang gabi sa bar. At ngayon, nais ko din tukuyin sa kanya na may natitira pa bang pag-asa na mag kabalikan ang aking kaibigan sa babaing gusto ko. Nais kong alamin ang buong kwento, at malaman ko na wala na sila ng babaeng hinalikan ko sa bar.
Sorry guys!
Tao lang ako, na tempt sa labi ng babaeng gusto ko sa isang vip room. Kung saan ko dinala siya sa panahon iniwan siya ng aking kaibigan. At first time kong kabahan ng todo na para bang may martilyo na nagpapako sa loob ng dibdib ko. At ng panahon na sinubukan halikan ang babaing naging sanhi ng aking pag kahumaling sa labi nito, at sa angkin gandang taglay.
Base kasi sa nakaka kilala sa akin ng mga kaibigan ko. Madalas ako makuha ng mga babaeng maganda at seksi na kung minsan ay wala ng pa kilala basta magka titigan at ipinaramdam ng babae na gusto niya ako, walang pasin tabi ko ng kindatan ang babae, agad na lalapit ang palay para magpatuka sa manok.
Kaya para sa akin ang babae nuon ay parang damit lamang. Madaling magpalit kapag may amoy na pinag pawisan sa pakikipag ehersisyo sa babaeng may halimuyak na kalatsusi.
At ngayon para ako tinamaan ng kidlat na natakot sa iisang babae na mawala siya sa aking paningin at maagaw siya sa akin.
Iyan marahil ang ikina tatakot ko na mawala sa akin ang babaing minsan lamang nag patibok sa puso kong baliw sa mga babaeng may malaki ang hinaharap at may mala coke na diet ang katawan.
Iyan ang mga tipong babae ang hanap ko, alam niyo naman bilang isang anak ni Zeus na nagmula sa mga goddess na angkan, tanging masasabi ko lamang sa mga babaeng nag-aantabay sa labas ng aming tahanan.
Hinay-hinay lang mga girls, ang gwapong mukha ng inyong lingkod ay tanging naka laan na lamang sa iisang babae na aking nakita sa bar.
Sayang at hindi ko nakuha ang magandang pangalan nito. Pero wait guys, madali ko lamang na makilala ang babaing na aking gusto.
Sa iisang tao na alam ko na makakatulong sa akin ay si Aiden Carson na isa din na kababayan. Siya ang taong alam ko na makakatulong sa akin. At kailangan ko na malaman may pag-asa pa ba ako makapanigalang pugad sa babaeng gusto ko.
Yes, guys.
May alam din ako sa inyong kultura, kahit ako ay banyaga sa inyong paningin. Ako naman ay may puso na pagka pinoy.
Nais ko din, malaman ang saloobin ng aking kaibigan. At eto narito sa loob ng kanilang tahanan. Bumungad sa aking mga mata ang isang kahawig ni Koo Hye Sun. Isang simple na dalaga at alam ko na nakilala ko na ito, tamang sabihin ay ipinakilala na ito sa akin ni Aiden at hindi ko lamang maalala.
Alam ko na medyo mahaba na pala ang aking point of view marahil na naha hanginan kayo sa aking mga sinasabi mga kaibigan, sorry naman dito ko lamang na ibuhos ang aking saloobin sa taong gustong gusto ko.
Hindi ko ma ipakita sa mga taong kaibigan ko dahil siguro nahihiya ako sa mga dating ginawang asal pagdating sa mga babaing dumaan sa aking buhay. Ngayon parang nakakuha ako ng aking katapat sa babaing dating kasintahan ng aking kaibigan si Aiden, at ngayon ay mas madali masabi na Malaya ang babaing nakita ko na magkaroon ng bagong kasintahan sa katauhan ko.
Assuming ba!
Oo naman.
Kasi dun din naman pupunta yan at bakit pa magpapakipot alam naman na maiinlove sa akin ang babaeng gusto ko sa akin.
Malakas ba ang hangin?
Sorry tao lang, alam ko na mapapa sa akin ang babaeng mahal ko.
Itaga ninyo iyan sa mga pader ng bahày niyo, magiging akin din ang babaeng nahalikan ko sa bar, at kung kina-kailangan na mabakuran ko ang dalaga at hindi na makawala pa, ay gagawin ko, mapa sa akin lamang siya.
So guys, tulungan niyo akong mapa sa akin ang babaing mailap pa sa agila. At kung kina kailangan mailagay sa hawla ay gagawin ko, maging akin lamang siya.
Ganun ako kapag, umibig sa taong gusto ko. Walang pwedeng humarang sa aking harapan. Dahil iba ang tinagurian na Hudas ng aking mga kaibigan, dahil kakaiba ako kapag nagalit sa kaaway.
At Sana naman maging maayos ko ang problema sa pag-ibig sa dating kasintahan ng aking kaibigan si Aiden.
And speaking of the devil. Hindi man lang nakitaan ko na mang hinayang ang kaibigan kong iyon. Ang akala ko ay may something pa nung gabing iniwan niya ang dalaga. Ang akala ko ay nagtatampo lamang ang aking kaibigan si Aiden iyon pala ay wala ng natitirang pagmamahal sa babaing tinulungan ko. Isa na lamang alaala ang dating katipan, at mas pabor sa akin ang sinabi ni Aiden na sila ay tapos na at wala na ang pagmamahal niya dito. Simula ng na-ngibayan ang dalaga ay tinapos niya na pala ang pakikipag relasyon nito.
At alam ko na may something sa aking kaibigan at may naamoy akong pabango na nagmumula dito. Halimuyak ng isang inlababo sa taong gusto nito. At kung sino man ang taong ito, napaka suwerte naman niya, dahil ang katulad ng isang kilalang businessman sa mundo ng Asia at kilala bilang isang napaka husay sa larangan ng architectura at sinasabi ng iilan sa mga nakaka kilala dito ay huwaran sa kanyang mga magulang at tunay nga ang lahat ng nakikita sa aking kaibigan.
Saksi ako sa kanyang buhay at hanggang ngayon na pareho pa kami mga walang sabit sa buhay, ibig sabihin ko po mga tunay na mga Adan at nag-hihintay lamang sa taong mamahalin namin.
Katulad ko na binata pero sa mga darating na buwan. Malamang isa na akong ganap na may kasintahan at masasabing akin hanggang sa magkaroon ng bagong buhay sa piling ng aking mahal.
Kaya guys, support naman diyan sa aking babaing sini-sintang mala coca cola na inumin, dahil sa sarap ng labi nito. At parang ang sarap sipsipin na nakaka adik na lasa na nagmumula dito, parang ayoko nang bitawan pa at palaging nasa tabi ko na lamang.
At kapag nasa akin tabi ang babaing mahal ko, siguro marami kaming mabubuo na soda at maibenta sa merkado.
Hahaha ginawa ko ba inumin ang magiging mga anak ko, slight lang.
Baka maniwala kayo sa mga sinasabi ko na ibebenta ko ang mga anak sa market, hindi po. Ibig ko pong sabihin ay mabenta sila pagdating ng araw na sila ay lumaki at nasa tamang edad na maraming mag hahabol na mga babae o lalaki sa aking mga anak.
Dahil sa sobra akong advance sa mga maaring maganap sa aking future. Mas bibilisan ko na ang aking panliligaw sa babaing ninakawan ko ng halik.
Hihihi,
Dahil sa point of view ko dito. Na ilabas ko ang aking sarili sa inyo.
So, dito na muna tayo, at uuwi pa ako. Para mag-aral ng salitang pilipino. Dahil sa Punto ng aking pananalita, maaring ako ay hindi magustuhan ng kanyang mga magulang. Kailangan ko muna ang dalawin ang mga magulang nito.
Ang tawag dito mag pa impress sa parent ng taong Mahal ko.
Tama ba guys?
Kung tama ako, may 1point na ako at maaring kaibiganin ko ang ama nito at pasyalan sa mismong tahanan nito.
Dahil sa pursigido ako sa aking panini ngalang pugad sa babaing mahal ko, kailangan ko maka akyat ng ligaw sa katanghalian upang sa ganun ay marami-rami kaming mapag-usapan ng kanyang pamilya.
Another puntos ko ulit, iyon sakali na malaman ko ang address ng taong Mahal ko.
Kaya bye na muna sa inyo, at kailangan makapag handa ako ng aking susuotin, at mga dadalhin na mga bala sa pakiki-pag-usap sa magulang nito.
Dahil malakas ang s*x appeal ko, ito ang magiging daan para makuha ko ang loob ng kanyang butihing ina. At siyempre sa ama nito.
Dapat pala humingi ako ng advice kay Aiden at kung ano ang tipo ugali ng ama ng aking mahal.
Pero sa makapal din naman ang bulsa ko, dadaanin ko sa mga regalo at higit sa lahat mapalapit ng todo sa ama nito.
Kaya mga kaibigan bye na muna at busy na ako sa susunod na mga araw para mabantayan ko ang babaing mahal ko.
----------
Aiden Carson
Ang lakas ng hangin ni Henry talagang dumayo pa siya dito, at itanung sa akin. Kung sakali na mahal ko pa ang dating ex at may pag-asa ba na siya ay manigalang pugad dito.
Sa totoo lang ng magkita kami ng ex ko parang wala na talaga akong naramdaman dito. Kung baga eh, parang isang alaala na lang. Siyempre nasaktan din naman ako sa naging takbo ng buhay ko noon. At siya ang taong tumulong sa akin ng panahon na magkaroon ng problema ang aming pamilya, nariyan ang ex ko sa tabi palagi niya ako sinasamahan sa mga gala or sa school.
At iyon din naman na unti-unting nahuhulog ako, at nakalimutan ko ang aking pag-tingin sa iisang katulad ko na kapwa lalaki. At that time parang umikot lang ang mundo ko sa ex, pamilya at higit sa lahat dun sa negosyo na iniwan ng aking ama.
Hanggang isang araw na dapat ay lalabas kami na dalawa. Kaya lamang ng panahon na iyon, ang ama lamang niya ang na abutan ko at ang ex ko kasama ng kanyang ina, upang mag-asikaso ng mga papeles patungo sa ibang bansa para mag-aral. Kinausap ako ng kanyang ama na "nais kong magtapos muna ng pag-aaral ang aking anak. At gusto ko siya ang humawak ng iilang negosyo namin, kasama ang lalaking anak ng kumpadre ko. At tutol ako sa inyong relasyon bilang magka sintahan na dalawa, at hindi ka na babagay sa mga anak ko. Ayoko na mapariwara ang anak ko ng dahil sa pamilya mo." Sa puntong iyon, masakit na pag-salitaan ng hindi maganda ang Pamilya mo, buhat sa taong nagsalita tungkol sa'yo ang ama ng aking mahal, ang tumutol sa aming relasyon.
Sa pagkakataon iyon, nais kong umiyak sa harapan nito at sigawan siya sa mga sinabi niya tungkol sa aking pamilya. Kaya lamang mas inunawa ko na lamang ang lahat ng sinabi niya sa akin. At tanging na isagot lamang ko.
"Nauunawaan ko po ang nais ninyo, makakaasa po kayo sa akin. Tatapusin ko ang pakikipag relasyon sa inyong anak. At huwag po kayong mag-alala wala po akong sasabihin sa inyong anak na nagkausap tayo. Pasensiya po, sa hindi maganda ang imahe na mayroon ang aming pamilya, makakaasa po kayo. Na kung tayo po ay magkasalubong sa daan, sakali na mag tagpo tayo ay wala lamang ako sasabihin as in parang dumaan lamang ako sa inyong harapan."
At iyon ang tanging nasa isip at puso ko nang hindi pa ako ganap na nakaka ahon sa problema na idinulot ng aking ama sa aming pamilya na iwan kami. Sa panahon iyon dapat may mapag sabihan ako sa mga problema. Tila hindi nakisama ang panahon iyon. Subalit sa pagkakausap namin dalawa ng madatnan niya ako kausap ng kanyang ama, tila ipinakita ko na normal ang kilos at ilihim dito ang naganap na pag-uusap sa pagitan ng kanyang ama.
Sa mga sandaling iyon, nagkausap kami na dalawa lamang. Sinabi ko muna na magpahinga muna kami sa aming relasyon, kahit gusto ko siyang yakapin ng mga sandali habang nasa garden kami nag-uusap. Kaya lamang mas ginawa ko ang nararapat na sundin ang nais ng ama nito na Lumayo at huwag mag-pakita sa kanyang anak. Upang sa ganun hindi ako maging hadlang sa nais nito na makapag tapos ng pag-aaral sa ibang bansa.
Masakit na nalaman mong may mga taong sisira sa relasyon sa kanilang mga anak at ang mismong malapit pa sa buhay ang siyang magsasabi nito. Ang akala ko lamang ay sa mga pocket book ko lamang ito nababasa, ngunit may mga ganitong eksena sa totoong buhay.
Siguro ang pagkakamali ko lamang ay buong-buo na ibinigay ang pagmamahal sa taong nagbigay din ng pag malasakit at pagmamahal sayo, at sa taong nagbigay ng kulay at saya sa iyong buhay. Dapat pala ay nagtira ako ng kaunti para sa akin. At kung magmahal man ako, ay hindi ako masasaktan ng tulad sa sinapit ng mga lalaking sawi sa pag-ibig na kadalasan ay nilulunod ang sarili sa alak.
Kasi ang iba sa atin kapag wasak na, winawasak na din ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom, paglamon, at pagkitil sa buhay. Parang tingin kasi natin na wala ng kwenta ang buhay kapag hindi na kasama ang mga mahal natin.
Kasi sa akin nga nangyari ang mga sinapit na mga taong wasak. Hindi ko sasayangin ang buhay, at sa pagkakataon na sinabi ng ama ni Rian na hindi ako ang tamang lalaki para sa kanyang anak. Minarapat ko na ipakita sa ama nito. Ginawa ko ang lahat na makilala ako sa larangan ng business ng aming pamilya. Kahit mahirap ang pagsabayin at pag-aaral para ipakita sa mga taong kumukwestiyon sa aming pamilya na hindi kami nararapat sa mga tulad nila na kilala sa lipunan.
Nalaman ko din nito nalamang na unti-unting nawawala ang negosyo ng dating ex ko. Dahil sa maling pamamahala ng asawa nito, at nagkaroon ng hindi magandang pagkaka-unawaan ng mga ka business partner nito ang siyang unti-unting na bankrupt ang mga na itayong negosyo ng Pamilya nito.
Habang ang isa sa mga furniture na pinaka main ng company ng Pamilya Kim ay aking palihim na tinulungan pagdating sa pinansyal. May iilan na negosyante na ipinagbili ang share nito sa ibang mga ka member ng company nito sa mababang halaga. At isa ako ang nag-alok ng malaking halaga na maisalba ang naturang kompanya ng Pamilya Kim. Sa ibang pangalan lamang ang aking ginamit upang hindi ako makilala ng padre de pamilya ng dating kasintahan ko.
At hanggang ngayon ay naging stable na ulit ang kompanya nito at mangilan-ngilan na lamang ang kumukuha ng serbisyo nila, sa pagdedesinyo ng iilang mga appliances o mga muebles na nais ng kustomer na magpagawa dito.
Ngayon ako ay naka move on sa mga panahon na sawi ang aking puso. At naging masaya ako sa takbo ng buhay ko kahit single. Alam ko maraming mga artista o kilala sa lipunan ang nakilala ko mga anak ng mga pulitiko ang siyang unang ipinakilala ang kanilang sarili. At kung minsan gumagawa ng paraan na magkaroon ng ugnayan sa pagitan ko. Kadalasan ang iba ay iidinadaan sa kanilang posisyon sa lipunan. Upang makuha lamang ang kanilang gusto na makilala ko lamang sila.
At ang iba ay gumagawa ng paraan na ipitin ang mga ka business meeting ko at maudlot sa pakikipag business sa aming kompanya, lahat ng iyon ay aking naranasan sa kamay ng mga taong kilala sa lipunan.
Dahil sa panindigan ko sa aking sarili na bawal pagsabayin ang emosyon at negosyo. Dahil makaka apekto lamang ito sa negosyo ng aming pamilya. Nakita ko na ito sa aking ama, mas pinili nito na magkaroon ng kaluguyo sa dating kaibigan ng aking ina. At ayoko sa lahat ang mga babaing mababa ang lipad.
Ibinababa nila ang kanilang sarili, para saan? Sa kakarampot na pagmamahal o sa tawag ng laman na nais nito. Iyan ang aking nakikita ng mga panahon ako ay nag-iisa na patakbuhin ang negosyo ng aming pamilya.
At sa pagkakataon iyon, ibinuhos ko ang oras sa pag-aaral ng business administration at sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Ito ang naging dahilan na maging batayan ko sa aking sarili na huwag munang umibig at saka na muna. Kapag dumating ang taong ito na mamahalin ko, ang siyang ibibigay ko ang tiwala at pagka tao sa mahal ko.
Masaya na ako sa buhay ko, dahil dumating na ang taong hinihintay ko. At maganda din naman ang takbo ng aking love life. Siyempre dahil sa kanya nakita ko ang ugali na hinahanap ko sa aking mamahalin.
Alam ko na bitin kayo sa mga sinasabi ko sa inyo. Dahil sa taong ito naging masayahin ako at inspired ako sa mga ginagawa maging sa opisina.
Siya ang nakakapag bigay sa akin ng gamot sa pagka mainitin ng ulo. Sa kaunting bagay napag taasan ko ng boses ang aking mga empleyado. Sa ngayon na lessen ito sa iisang tao na matagal ko ng kinalimutan. Ngunit nagka-tagpo sa isang event na pagrampa ng mga fashion apparel na kina bibilangan din pala ng taong malapit sa puso ko.
Aruy!!!!
Kinikilig ako mga besh, mga dabarkads parang may kumikiliti sa aking ____.
a. behind the curtain
b. sa tummy ko
c. under arm ko
Bahala na kayo, guys na sumagot. Kung anuman ang nasa isip niyo. Igagalang ko mga kaibigan.
Hahaha
Ganito lang ako!
Sobrang saya lang, parang lahat ng problema ko kanina, ay mawala sa taong na tinutukoy ko.
So bye for the meantime guys.
-----------
time check : 6pm
gnsytn yah!!!!
stay safe guys....