Faith's POV Dahil... 'Di mo na pinapakain ng para sa pusa 'Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa At 'pag sinabi mo sa 'king gupit ko'y maganda 'Di na masyadong malakas ang iyong tawa 'Di mo na pinasisinghot ng paminta 'Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga Hindi na kulay dugo ang aking paningin Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon Hindi ko na ramdam pagka't mas mahal na kita ngayon "What's that weird song?" Napahinto ako sa pagkanta at paghuhugas nang mga sandaling iyon. Wala sa sariling napatingin ako kay Rupert na noo'y kapapasok pa lang sa kusina. Abala ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin kaninang umaga at tanghali. Natawa ako nang makitang nakakunot ang noo niya at para bang may nilabag na naman akong karapatang pantao. Na

