Faith's POV "SO, HOW IT FEELS to be Matt's girlfriend?" "Did he asked out for a romantic date before he asked you to be the lucky girl?" "Gaano na ba talaga kayo katagal? We barely see each other. Maliban pa do'n, masyadong malihim 'yang si Matthew so we couldn't ask him about his love life." "Kelang nga pala ang kasal?" Napalunok ako sa sunud-sunod na tanong ng mga babaeng nasa paligid ko. Nandito kami sa isang mamahaling Italian restaurant sa Bacoor, Cavite. Medyo nahihirapan nga akong makibagay eh. Ang yayaman ba naman ng mga bisita nila. Hindi na rin ako nagtataka kasi obvious naman kay Rupert kung anong antas niya sa lipunan eh. Royal blood siya. Ako naman, low blood. "Ah... Eh..." Wala akong maapuhap na sasabihin. Nakakainis! Hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyon n

