Faith's POV "WILL YOU PLEASE STOP?" inis na saway ni Rupert sa 'kin. Abala siya sa pagmamaneho at abala naman ako sa pagsi-selfie. Isang malamig na tingin pa ang ipinukol niya sa 'kin nang makita niya 'kong nanguso sa harap ng bago kong phone. Yiz na matamis. Bago kong phone. Binigyan ako ni Rupert ng bagong phone Spare phone niya lang daw 'yon kaya ibinigay niya na lang sa 'kin. Ang galing 'no? Wala ba siyang spare house para ibigay niya na lang din sa 'kin? Hihi. Joke. Pero seriously, iba talaga ang mayayaman 'no? Meron silang spare phone, spare car, spare clothes at kung anu-ano pang spare spare na 'yan. Kaya hindi na rin ako nagtataka na marami sa mga katulad ni Rupert ang meron ding spare girlfriend. Hindi ko naiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso nang maisip ko ang napaka

