Faith's POV
"ANO'NG GINAGAWA MO?"
Napalingon ako kay Rupert na kapapasok pa lamang sa study room nang mga oras na 'yon. Tanghali na. Pero ngayon pa lang yata siya bumangon. Samantalang ako, naka-bonding ko na yata ang halos lahat ng kasangkapan nila sa bahay. Gising-mayaman talaga.
Na-realize kong hindi ko pa pala nalilinis ang ibang bahagi ng mansiyon nila. Palaging 'yung living room, kusina at garden lang ang pinupuntahan ko.
Aba'y siyempre. Sino ba namang normal na tao ang kayang maglinis ng isang buong mansiyon araw-araw? Nakakaloka nga eh. Hindi ko alam kung ilang araw ang aabutin ko bago ko malinis ang bawat sulok ng mansiyon. At kahit maintainance man lang, wala ba sila?
Konting push na lang talaga, magiging haunted house na 'tong mansiyon. Halos wala man lang kasing decorations. Ang dull ng kulay ng mga kurtina at sheets. Parang may lamay.
"Naglalaba ho," pauyam kong sabi habang nagpupunas ng mga libro na nasa unang shelf.May apat na shelf kasi sa study room. At lahat iyon ay punung-puno ng mga libro.
"Mukha nga," sarcastic ding tugon ni Rupert.
Napairap na lang ako at nag-focus sa mga pinupunasan ko. Kahit ganito ako, medyo book lover din ako. Kaya naman gustong-gusto kong nag-a-arrange ng mga libro.
"Nagluto ka na?" he asked again.
Nilingon ko ulit siya. Naka-cross arms ulit siya. Noon ko lang napansin na hindi pa siya nagsusuklay. Naka-basketball shorts lang siya at sando.Napalunok ako nang mapansin kong ang hot niya talaga kahit bagong gising siya.
"Huy."
"H-Ha? Ano... Breakfast pa lang 'yon. Tatapusin ko lang 'to then magluluto ka'gad ako," natatarantang paliwanag ko. Ibinalik ko sa mukha niya ang paningin ko dahil ayokong mag-fiesta nang husto ang makasalanan kong mga mata sa katawan ng amo ko.
Binigyan niya 'ko nang isang mapanuring tingin. "Are you alright? Pulang-pula ka."
Tumangu-tango ako. "Y-Yeah. Ayos lang ako."
"'Di ka sanay sa trabaho 'no?" nang-aasar niyang tanong. "Kung ako sa 'yo, magku-quit na 'ko."
Biglang kumunot ang noo ko. Akala ko pa naman, kapag kinausap na 'ko nang matino ng lalaking 'to ay hindi na 'ko makakaranas ng kahit anong pagka-badtrip sa kanya. Kaya nga tinigilan ko na rin ang pang-aasar sa damuhong 'to.
Mali pala ako. Nakakainisssss! Sa pagkakatanda ko, isang anghel na Rupert ang kausap ko nang una niya 'kong ngitian. Pagkatapos no'n, hindi ko na ulit matandaan kung kailan 'yung araw na naging "anghel" siya sa mga mata 'ko.
"Quit mo 'yang mukha mo," gigil na sabi ko. Sorry Lord, hindi na po 'ko nakapagtimpi.
Wala akong pake kung magalit siya. Hindi naman siya ang magpapasahod sa 'kin. 'Yung nanay niya. Isa pa, hindi niya rin ako mapapaalis. May lahi ata 'kong linta.'Kala nitong pamintang 'to!
Naiinis akong umakyat sa ladder na nakasandal sa shelf na eight feet yata ang taas para ibalik 'yung mga librong napunasan ko. Malinis naman ang mga iyon at halos wala akong makitang alikabok. Pero importante pa ring linisin ang mga libro. Alam ko dahil nagbabasa rin ako.
Hindi ko na narinig na kumibo si Rupert. Dahil nasa bandang likuran ko siya, hindi ko siya nakikita pero feeling ko ay umalis na siya. Nagsawa na sigurong asarin ako. Iyon na lang yata ang purpose niya sa buhay.
Aha! Noong una, ako ang namba-badtrip sa kanya. Pero magmula nang kausapin at ngitian niya 'ko, siya na ang madalas na nang-aasar sa 'kin. Siguro ginawa niya lang 'yung kaplastikan na pagbabait-baitan niya para kumagat ako sa pain niya.
Myghad. Kalalaking tao, napaka-plastic.
Naiiling na lang talaga'ko sa naiisip ko. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng trabaho, nunca akong magtitiis na kasama ang lalaking tulad niya.
Kahit gwapo siya.
Kahit para siyang Korean model.
Kahit ang linis-linis niyang tingnan.
Kahit amoy-baby siya.
Kahit ang fit at well-built ang katawan niya.
Kahit ang yummy-yummy niya.
Kahit na... Argggghh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Napakamanyak ko talaga kung minsan. Nakakainis. Ano na lang ang iisipin ng mapapangasawa ko balang-araw kung ganito ako mag-isip?
Naibalik ko na 'yung mga naunang librong napunasan ko kaya kinuha ko ulit 'yung ibang hindi pa nagagalaw. Pagkatapos ay nag-ready na 'ko sa pagbaba sa hagdan. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang bigla kong maramdaman na parang umuuga 'yung hagdan.
Oh no. Ma-a-out of balance yata ako ah. Nagalaw 'yung hagdan. My gosh!
Malalaglag ako!
Naramdaman ko na ang unti-unting pagkabuwal ng hagdang kinalalagyan ko. Eto na, malalaglag na ko.
One...
Oh no, oh no. Ilang pasa at pilay kaya 'to? 'Wag po sanang grabe, Lord. Maawa kayo sa mala-Sandara Park kong mukha.
Two...
Napapikit na 'ko. Ready na 'ko. Ganito rin naman 'yung nararamdaman ng mga nafo-fall tapos hindi nasasalo ng mahal nila 'di ba? At least mararamdaman ko rin. Bayani effect to the level 9999.
Three...
Eto na. Nakapikit ako habang nararamdaman ko ang mala-slow motion kong pagka-fall. In just a snap ay bumagsak na ako at lumagapak sa—teka, teka. Bakit hindi ako masyadong nakaramdam ng sakit?
Hinaplos-haplos ko ang binagsakan ko. Bakit parang may tela akong nakakapa? 'Tsaka... 'Tsaka hindi yata pantay 'yung tiles?
Kahit shocked na shocked pa 'ko ay pinilit kong idilat ang kanan kong mata. Halos wala akong makita dahil malabo pa ang paningin ko dahil sa hilo. Pagkatapos ay ang kaliwa naman. Medyo malabo talaga.
Hanggang sa unti-unti ko nang makita ko na ang lahat.
Nakita ko ang lahat ng ayoko na sanang makita.
"O-Okay ka lang?"
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Parang tinatambol ang puso ko nang mga oras na 'yon.
Tango na lang ang naisagot ko nang marinig ko ang tanong ni Ruru.
Sa kanya ako bumagsak. Natagpuan ko ang sarili kong nakasubsob sa dibdib niya, habang ramdam ko namang nakayakap sa likod at bewan ko ang mga kamay niya. Nasa ibabaw niya ako. At wala nang isang dangkal ang distansya sa pagitan ng mga mukha namin.
But wait! There's more. Dahil ang hinaplos-haplos ko? Hindi tiles kundi ang matipunong katawan ng gwapo kong amo.
Titig na titig siya sa 'kin. Gano'n din ako. Sino ba namang hindi tititig sa gano'n kagandang mga mata? Grabe. Para akong natitig sa mata ng isang prinsipe.
At ang hininga niya, parang bagong-mumog ng Listerine. Ang bango-bango. Ang fresh!
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may nakikita akong bahid ng lungkot sa mga mata niya? 'Yun bang sa mga titig niya pa lang, parang may masasakit siyang pinagdaanan sa buhay? Bakit kaya? May problema nga kaya siya o 'yung mata ko na ang nakakakita ng mga bagay na hindi naman nakikita ng mga normal na tao?
Ah, ewan.
Nang mga sandaling iyon, feeling ko ay sumigaw ang tiyan ko ng "Let's get ready to ramboooooooooooool!" Grabe. Totoo pala 'yung mga nababasa ko sa w*****d noon? 'Yung flying butterflies in your stomach chuchu? Teka. Hindi eh. Hindi na nga yata butterflies ang nasa tiyan ko. Mga dragon na yata ang nagwawala sa loob.
Namalayan ko na lang na ginigitian na pala ako ng pawis. Ang tindi. Parang slow motion ang lahat. Parang nagliwanag ang buong paligid. Parang ano... Parang ang init.
"H-Hey..." pabulong niya ring usal. I knew he felt uneasy, too. I knew he was feeling the same at the moment.
Noon lang ako natauhan. Bigla akong napamulagat at mabilis na lumayo kay Ruru. Pasalampak na lang akong naupo sa isang sulok. Naupo na rin siya mula sa pagkakahiga. Mukhang medyo nasaktan siya.
"Thank you," sabi ko sa kanya habang kung saan-saan ibinabaling ang mga mata. Golay. Nahiya ako do'n ah.
Umiiwas din ang mga mata ni Ruru nang mga oras na 'yon. "Next time, make sure na hindi ka na mapapahamak. Ang clumsy mo." Iyon lang at tumayo na siya para iwan ako.
Palabas na sana siya nang maisipan ko siyang tawagin ulit. Oo nga pala. Hindi ko forte ang drama. At mas lalong hindi pang-romance ang ganda at karisma ko. Pero pang-comedy yata 'to!
"Ruru!"
Mabilis pa sa alas-quatro ang naging paglingon niya. He gave me a "what-now?" look.
Isang malaking ngiti ang ipinaskil ko sa mga labi ko. "May muta ka pa sa kaliwang mata."
Rupert Matthew's POV
Entry No. 12
I'm not feeling well tonight. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil... Ah ewan. Basta masakit din ang likod ko. Siguro dahil sa pagkakabagsak sa 'kin ni Faith kanina.
That maid. She's very clumsy. Paano na lang pala kung wala ako roon? Baka naabutan ko na lang siyang nakahandusay at bagok na ang ulo.
But I... I will be honest, since this is my own journal and no one would see it. Pero kasi, para akong nakaramdam ng kakaiba nang makita ko siyang nakadantay sa 'kin. And I hate to admit hat it feels so good to embrace her slender hips.
Ewan. Siguro dahil lalaki ako. Well, normal 'to. Lalo na't babae siya. Bakit ba kasi siya 'yung kinuha ni mommy? Kailangan talaga, 'yung gano'n pa kabata?
I have to sleep now. I'm f*****g tired.
Matt.