Faith's POV
"GOOD MORNING, Sir—ay, Ruru!" nakangisi kong bungad kay Sir, ay mali, kay Rupert nang umagang iyon. Kabababa niya pa lang mula sa second floor. Medyo kukurap-kurap pa siya kaya alam kong bagong-gising lang talaga siya.
He flashed a simple smile. Medyo nagulat naman ako. Bukod kasi sa hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon, nakaramdam din ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. I hate that tickling sensation his smile gave. Oh 'di ba ang taray? Umi-English na 'ko.
Ito ang unang umaga na hindi niya 'ko sinungitan. Ito rin ang unang umagang nginitian niya 'ko. Grabe. Ang bait-bait pala ni Sir—err, ni Ruru kapag hindi siya tinotopak. At in fairness ah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya.
Medyo naninibago ako. No. I mean, sobrang naninibago pala. Eh sino ba namang hindi maninibago? Nu'ng isang araw lang ay halos isumpa niya ang pagdating ko sa buhay niya. In fairness, nanuno yata siya at nasapian. Mas pabor na sa 'kin 'yung ganito.
Naglakad siya hanggang sa dining area kaya naman mabilis ko siyang sinundan. "Kain ka na po."
Medyo natawa siya. "H'wag mo nga 'kong i-'po' at tumatanda ako ng five years sa kaka-'po' mo." Tuluyan siyang lumapit sa dining table. Naupo siya sa harap ng hapag habang nanatili naman akong nakatayo sa right side niya. Tinitigan niya ang mga pagkaing iniluto ko kani-kanina lang.
"You cooked all of these?" takang tanong niya.
Napakagat-labi ako. Napasobra ba 'ko sa luto? Palpak na naman ako? "O-Opo—este, oo."
Hindi siya kumibo. Kumuha na lang siya ng pagkain at tinikman iyon. Pagkatapos ang ilang pagnguya ay tumingin siya sa 'kin.
"P-Pangit ba 'yung lasa?" nag-aalala kong tanong. Oh Diyos ko. Kung hindi ko magagawang ipagluto siya nang matinong pagkain, malamang pa sa alamang ay hindi ako makatatagal sa trabaho ko. Bad trip. Na-good shot nga 'ko sa amo ko, bad shot naman yata sa pagluluto. "Magluluto na lang ako ulit. Sorry."
"Masarap," tugon niya bago sumilay ang isang simple pero para sa 'kin eh award-winning na ngiti sa mga labi niya. "Umupo ka na nga d'yan. Sabayan mo 'kong kumain. Hindi por que maid ka ni mommy, wala nang pakialam sa 'yo ang ibang tao."
Hindi ko alam pero parang natuwa ako nang sobra sa concern na ipinakita ni Rupert. Mabilis akong naupo sa right side ng mesa. Cold pa rin siya at bossy gaya nu'ng una ko siyang masilayan dito. Pero ngayon, kahit papaano ay nakakausap na siya nang maayos. Mukhang hindi na rin siya bad trip sa 'kin.
Ayos. Mukhang hindi naman ako matsu-tsugi agad sa trabaho ko.
Tahimik kaming kumain hanggang sa bigla siyang magsalita. "May gagawin ka ba?"
Mula sa kinakain ko ay napatingin ako kay Rupert kasabay ng pagtigil ng pagnguya. Bakit niya naman tinatanong? Kelan pa siya nagkaroon ng pake sa 'kin?
"Samahan mo 'ko mamaya. May importante akong pupuntahan," pagbibigay niya sa 'kin ng rason na gusto kong marinig.
Napatango na lang ako. "Ay, sige po. Sure!" pagpayag ko sa mataas na tono. Kailangan kong sumipsip dito. Kailangan kong magtagal sa trabaho ko.
"Nag-aral ka bang magluto? Bakit parang professional chef na ang nagluto ng mga 'to?" tanong ni Rupert. Maririnig mo sa mga words niya na nag-enjoy siya sa mga niluto. "When I was on Spain, ganito kasasarap ang natitikman ko sa mga fine-dining restaurants nila. You make me think that you're a professional chef."
"Ay bongga. English," panimula ko. "Sa bahay lang. Hindi kami mayaman para mag-aral ako ng gano'n," kaswal na sagot ko naman kahit na ang totoo ay gusto nang pumalakpak ng tenga ko.
Totoo ang sinabi ko. Hindi naman talaga kami gano'n kapera para piliin ko pa ang pag-aaral ng gano'n kesa sa panggamot ng nanay ko. Hindi ko na nga alam kung paano ko mapagkakasya ang budget, mag-aaral pa 'kong magluto?
Kusa ko na lang iyong natutunan. Puro babae ang kasama ko araw-araw. Naging bonding na namin tuwing free time na nagluluto sa kusina at masayang magkakasama. Maliban na lang nang lumala ang sakit ni mama. Parang napundi ang ilaw ng buong tahanan. Nawalan na kami ng sigla at naubos ang oras sa pag-aalaga at paghahanap ng pambili ng gamot. Wala kasi kaming pwedeng asahan. Magmula ng sumakabilang-bahay ang talipandas kong ama ay hindi na rin namin inabala pa ang sarili namin na magmakaawa pa sa kanya.
"I think magugustuhan ng kahit sino 'yung luto mo. You can even manage a resto. Why don't you try? I'm pretty sure na swerte ang mapapangasawa mo," ani Rupert na nagpabalik sa isip ko sa kasalukuyan.
"Hah?" parang tangang tanong ko.
Parang nagulat din siya sa binitawan niyang mga salita kaya bigla siyang nag-iwas ng tingin. "Nevermind."
Ibinalik ko na lang ang paningin ko sa kinakain ko. Ang weird talaga ng pamintang 'to. Ay, nag-promise na pala 'ko kagabi sa sarili ko na hindi ko na siya tatawaging paminta dahil hindi na siya nagsusungit sa 'kin.
Nagulat ako at napabitaw sa hawak kong kutsara nang marinig kong mag-ring ang phone ko. Nagmamadali kong inilapag ang kubyertos at dinukot sa bulsa ang cellphone ko. Tatlong tao lang naman ang naiisip kong pwedeng tumawag sa 'kin: Si Felicity, si Fionna o si Madam Clarisse. Puro importante ang tawag na natatanggap ko kaya lagi akong nagmamadaling sagutin iyon.
Sa sobrang pagmamadali kong kunin ang phone ko ay bumagsak iyon sa sahig at humalik sa tiles. Potah! Mumurahin na nga lang, nabagsak pa. Wala pa 'kong pambili ng mamahaling cellphone. Baka next millenium ko pa 'to mapalitan.
Dadamputin ko na sana iyon nang bigla akong may nakasabay sa pagdampot. Si Rupert. Mukhang nagulat din siya sa pagkalaglag ng phone ko kaya mabilis din siyang yumuko para sana damputin ang awditibo.
Pero mas nagulat ako. Namataan ko na lang kasi na nakahawak na sa kamay kong naunang makahawak sa phone ang kamay ni Rupert. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin siya sa 'kin. Marahil ay nagulat din siya.
Bigla niyang binawi ang kamay. Bigla naman akong natauhan. Bakit ganito 'yung naramdaman ko sa saglit na dampi ng kamay niya? Uso pa pala sa ganitong age ang sparks? Ang akala ko kasi, para lang sa mga high school at college students ang term na iyon.
Arrrrgh. Erase, erase! Ano ba namang pumapasok sa isip ko. Malandi ka talaga, Faith!
Pumormal na ka'gad ako ng upo at ch-in-eck kung buhay pa ba o 50-50 na ang phone ko. Good thing, buhay pa iyon. Nagkaroon lang ng gasgas sa gilid. Jusko. Mumurahin na nga lang ang phone ko, nagasgas pa? Hindi ko rin tuloy nasagot ang tawag.
Agad kong tiningnan ang missed call mula sa notification window. Na-badtrip lang ako nang makita ko ang pangalan ng college barkada ko. Kasunod niyon ay ang pagpasok ng text na: "Beks, I miss you."
"Urgh, akala ko naman importante," nasabi ko na lang dahil sa inis.
Nakakainis. Na-risk pa ang phone ko at ang puso ko sa para lang sa gano'ng call at text?
"Is that my mom?" tanong naman ni Rupert.
Umiling ako. "College barkada ko. Nanggulo lang."
Tumango na lang siya. Maya-maya pa ay tumayo na siya. Tapos na pala siyang kumain. Hindi ko na namalayan dahil sa pagiging sabog ko.
"'Alis tayo ng 2pm,"he declared before he left me alone at the dining area.
Faith's POV
"SAAN TAYO pupunta?" Pang-ilang tanong ko na yata 'yon kay Rupert. And by the way, nandito nga pala kami sa kotse ni Rupert. Nagmamaneho na siya habang nakaupo naman ako sa passenger's seat at naghihintay na kausapin niya man lang ako para hindi masyadong mapanis ang laway ko. 'Langya. Hindi pa naman maganda ang pagkaka-toothbrush ko kanina dahil sa sobrang pagmamadali ko.
Grabe talaga 'tong lalaking 'to. May times talaga na nagsasalita siya at may times naman na sobrang tahimik niya. Introvert nga yata talaga. Nakakahiya naman kung kukulitin ko siya nang paulit-ulit dahil alam kong baka ma-trigger na naman 'yung bad trip niya sa 'kin. Baka isipin niya na naman na ako ang bruhang ipinadala ng nanay niya sa palasyong siya ang prinsipe.
"Why did you accept my mom's offer?" he asked instead.
"H-Ha?" patangang tanong ko kahit alam ko naman talaga kung ano 'yung itinatanong niya. Favorite ko 'yon eh. Ha. Ha. Ha? Haaaaa.
He sighed. "Ang sabi ko, ba't mo tinanggap 'yung offer ng mom ko."
Napatitig ako sa kanya habang nakatitig naman siya sa dinaraanan namin. Bakit parang may halong inis pa rin 'yung tanong na 'yon? Ayaw niya ba talaga ng may kasama sa buhay? Gustung-gusto niya bang maging loner? Aba, dapat nag-mental 'tong mokong na 'to eh.
"Eh kasi kailangan ko ng trabaho," kampante kong tugon. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Uulit-ulitin ko pa ba? Ano 'ko, unli?
"Well said."
Hindi na 'ko nagsalita. Baka mabadtrip ko na naman 'yung katabi ko. Naka-good shot na nga 'ko sa kanya eh. Ayoko nang mainis na naman siya sa 'kin. Ayoko lang din namang ikuwento pa 'yung personal kong buhay. Baka sabihin niya, nagpapaawa effect lang ako or what. Isa pa, nagpunta lang naman ako sa Baguio para magtrabaho. Hindi naman maganda kung ilalabas ko pa 'yung mga hinanakit ko sa buhay. Baka dumami lang ang wrinkles ko.
Anyway, nagtataka ako sa reaction ni Rupert nang tawagin ko siyang Ruru. Sa pagkakatanda ko, iyon yata ang naging keyword para hindi niya na 'ko kainisan. Parang may magic 'yung word na 'yon na naging rason para mapangiti ko siya nang gabing 'yon.
Ruru? Feeling niya ba siya si Ruru Madrid?
Hay, whatever. Hindi ko na iyon dapat inaalam pa. Wala dapat pakialamanan. Amo ko siya at maid nila ako. That's it. Ay meron pa pala. Maganda ako.
Pero kung pagtatangkaan niya 'ko sa kwarto ko anytime from now, why not 'di ba?
Hahaha. Chos. Patawarin nawa ako ng mahabaging langit sa mga kalandiang naiisip ko.
Abala pa ako sa pagdi-daydream nang maramdaman kong gumigewang-gewang na kami. Paliko-liko na kasi ang daan at pataas pa! My gulay. Feeling ko nadi-dislocate ang pelvic girdle ko!
Good thing, magaling magmaniobra ng sasakyan si Rupert. May pagkakaskasero nga lang. Well, hindi na rin naman ako nagtataka dahil sa nakita ko nga do'n sa picture, isa siyang racer. Pak! Masyadong high profile ang lolo mo, 'di ba?
Ilang beses pa yata akong napa-"Waaah!" at "Aray!" bago natapos ang pasikut-sikot na daan. Sa wakas. Kung hindi iyon matatapos ay baka sa ospital na kami dumiretso at hindi sa pupuntahan niya.
Naramdaman ko na lang na nagpa-park na pala kami. Hindi ako familiar sa lugar. Hindi naman kasi ako gumala sa Baguio pagtuntong ko rito. Diretso na agad ako sa paghahanap sa mansiyon ng mga Manalili. Nakakainis nga eh. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapamasyal. Wala rin naman kasi akong pera. Baka ihulog ako sa bangin ng taxi driver na sasakyan ko kapag ni hindi man lang umabot ang pera ko sa metro ng taxi.
"Baba na," utos ni Rupert.
Wow, ang gentleman ha!
Inis akong bumaba sa kotse niya. Sa movie ko lang talaga nakikita 'yung eksena na ipinagbubukas ng lalaki ng pinto ng kotse 'yung babae.
Oo na, asuumera ako. Eh kasi naman! Kahit naman chimay lang ako, deserve ko pa rin naman siguro 'yung gano'ng treatment. Susme. Babae pa rin naman ako.
Nawala ang lahat ng asar ko sa katawan nang makita ko ang pangalan ng establishment kung saan kami nag-park.
BenCab Museum.
Anong ginagawa namin dito? Meron bang pupuntahan dito si Rupert? May meeting ba siya dito? Kakilala? O siya ba 'yung may-ari ng museum na 'to? Pinsan niya ba si Juan Luna? Charot. Patawarin nawa ako ng mga Luna.
Nagitla ako nang mapalingon ako sa gawi ni Rupert. Sobrang lapit niya
na pala sa 'kin. Nakatingin din siya sa pangalan ng museum at walang kamalay-malay na minamanyak ko na siya. Ang bango-bango ni Rupert. Mygas. Amoy baby! At... at...
At ang guwapo niya sobraaaaaaaaa!
Grabe 'tong lalaking 'to. Lahat ba ng babae ganito ang nararamdaman kapag natititigan nang sobrang malapitan ang guwapong nilalang na 'to?
"What?"
Napamulagat ako nang mamalayan kong nakatingin na sa 'kin si Rupert. Nahuli niya 'kong nagnanasa sa mukha niya!
"M-m-ma... may... ma... may ano..." nauutal-utal kong sabi.
"May?" tumaas ang dalawang kilay ni Rupert para i-confirm kung anong nakikita ko sa mga oras na 'yon.
May replica ni Adonis sa harap ko.
"May... May dumi po kayo sa mukha," palusot level 9999 ko. Sana effective.
Hinaplos-haplos niya ang sariling pisngi. Halatang napaniwala ko sa palusot ko. "Saan?" Pinagpagan niya ang mukha para masigurong wala ang duming hindi naman talaga makikita sa mukha niya.
'Yung isip ko kasi 'yung madumi.
Hays.
Kaloka!
"Okay na po," kaswal ko namang saad kahit pa gusto kong matawa dahil medyo uto-uto siya. Hahahaha!
"Tara na nga," yakad ni Ruru. Naks. Tinatawag ko na siya sa nickname niya. Ang kapal talaga ng kalyo ko.
"Anong gagawin natin dito?"
Sa halip na sagutin ako ay tumungo na siya sa receiving desk. "Miss, ticket for two."
Halatang amazed na amazed sa mukha ni Ruru 'yung babaeng receptionist dahil ilang seconds niya pang tinitigan si Ruru. Napairap naman ako. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga Koi na lumalangoy-langoy sa maliit na pond sa entrance ng museum. Kung hindi lang talaga ako mabait na nilalang, tatarayan ko talaga 'tong receptionist na 'to. 'Kala mo naman kagandahan. Makapal lang naman ang make-up! 'Tse! Kapag ako naasar talaga, isusungalngal ko sa bunganga niya 'yung Koi na pinapanood ko.
Nang iabot kay Rupert ang ticket ay ibinigay niya naman sa 'kin ang isa pagkatapos ay umakyat na kami patungo sa second floor.
"Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko ulit for the nth time. Di yata kasi uso ang pagsagot dito sa kasama ko.
"Ano bang ginagawa sa museum?" he asked back with the tone of great sarcasm in it.
Abaaaaaaaaa. Sipain ko kaya 'to sa harap niya?
Faith's POV
My jaw literally dropped as I saw Benedicto Cabrera's wonderful artworks. Grabe! As in, grabe talaga! Mapapa-English ba 'ko kung hindi ako affected?
Hindi ko akalain na halos gugustuhin ko nang tumira sa Bencab Museum dahil sa sobrang ganda ng paintings, artifacts at sculptures na makikita roon. Napakagaling ng mga artist na gumawa ng mga 'yon.
"Hey, that's enough," natatawang saway sa 'kin ni Ruru nang mapansin niyang fifteen minutes na yata akong nakatitig sa isang artwork ng babaeng nakahiga sa puting kama at may takip ang mga mata. Halos idikit ko na ang mukha ko sa painting.
Tangina. Ano kayang klaseng kamay ang meron ang mga artist para kayanin nilang mag-paint ng ganoon kagagandang artworks? Ang espesyal na kayang gawin ng kamay ko ay ang magluto. Bukod do'n, wala na. Ni mag-pantay nga ng kulay ng poster paint sa project namin noong college ay hirap na hirap pa 'ko.
"Ang galing nila. Grabe. Astig 'no?" wala sa sariling naitanong ko sa kasama ko habang titig na titig pa rin sa artwork.
After ng ilang seconds, nang mapansin kong walang sumagot sa sinabi ko, ay na-realize ko na ang FC (Feeling Close) ko kay Rupert. Oo nga pala. Amo ko siya at katulong niya 'ko. Dahan-dahan kong inialis ang mga mata ko sa painting para tingnan siya at mag-sorry. Pero nagulat ako nang makita ko siyang nakatitig sa 'kin.
"P-po?"
Para naman siyang natauhan nang mga sandaling iyon. Halatang nagulat siya dahil nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi niya. Bigla niyang ibinaba ang mga kamay na naka-crossed arms kani-kanina lang.
"Tara na. Gagabihin na tayo," paalala niya matapos makabawi.
Luh. Baliw na yata 'to.
Ako naman ang natilihan. "Hala, hindi pa 'ko nakakapagluto para sa dinner. Sorry po!"
Sabay kaming bumaba sa hagdan. Nakarating na kami sa third floor ng museum nang hindi ko halos namamalayan. Tuwang-tuwa kasi ako sa mga nakikita ko. Bihira kasi akong makapunta sa museum dahil para sa 'kin noon ay pagsasayang lang 'yon ng oras. Mabuti na lang at naisipan akong isama ni Rupert.
At bakit niya nga kaya ako isinama?
Tuluyan na kaming nakalabas sa museum. Pagkatapos ay naglakad na kami hanggang sa harap ng kotse niya. Pagkasakay na pagkasakay ay binalingan ko siya kaagad.
"Salamat ah."
Napatingin siya sa 'kin. "Para saan?"
"Sa pagsama mo sa 'kin dito. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa museum," sagot ko naman.
"I-consider mo na lang 'to na treat ko sa 'yo. Kasi matyaga kang maid. Imagine? Mahigit isang linggo yata kitang inaway, pero hindi ka umalis sa mansiyon," matawa-tawa naman niyang saad.
I arched my lip. "Eh kasi naman. Kailangan ko talaga ng trabaho."
"Alam ko." He smirked. Pagkatapos ay t-in-urn on niya na ang engine ng sasakyan at sinimulang imaniobra iyon paalis sa harap ng museum. "Isinama na rin kita kasi ang pangit namang mamasyal dito sa Baguio nang mag-isa. Mag-isa na nga ako sa Korea for so many years eh."
"Oh? Galing kang Korea?" gilalas kong tanong.
"Hindi, galing akong Cubao," sarcastic niya namang tugon sabay sulyap sa 'kin. "Kasasabi ko lang eh."
Itinirik ko ang mga mata ko sa ere. "So-ri po, Ser."
Hindi na siya nagsalita. Hindi naman ako mapakali. Gusto ko siyang interbyuhin pero natatakot naman ako na baka hindi niya iyon magustuhan at bugahan niya na naman ako ng apoy. Masungit pa rin kasi siya. Nabawasan nga lang talaga ng 0.00005 percent.
Nanahimik na lang ako. Busy naman siya sa pagmamaneho. At tulad kanina ay dumaan na naman kami sa mala-rollercoaster na daan. Kahit medyo hilo na 'ko at masakit na ang pwet ko ay hindi ko pa rin naiwasang ma-amaze kay Rupert. Hindi yata iyon ang unang beses na pumunta siya sa lugar na iyon. Parang kabisadong-kabisado niya na ang lugar. Ang mga lilikuan. Ang mga intersection. Etc.
Hindi ko na alam kung nasaan kami. Pero ang malinaw lang sa 'kin, hindi iyon ang dinaanan namin kanina. Nagtaka ako. Ang sabi niya ay umuwi na kami. Pero bakit parang may iba pa siyang lakad?
Pasimple kong sinipat ang mumurahin kong wristwatch. Tig-2 for 150 lang 'to. Hehehe. Almost six pm na. Baka anong oras na kami makakain kung hindi pa kami uuwi.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" alalang tanong ko. Nako. Yari ako sa nanay ng lalaking 'to kapag nalamang napapabayaan niya ang pagkain niya.
Ay, teka lang ha? Maid lang pala ako. Hindi babysitter. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
"Hindi pa," he simply answered without throwing a glance on me. Grabe. Ang seryoso niya talaga. Hindi ko makita 'yung Rupert na ngumiti sa 'kin noong isang gabi. Kakaiba talaga 'tong lalaking 'to.
Namalayan ko na lang na nasa SM City Baguio na kami at ipina-park niya na sa parking lot ang kotse niya.
"Baba," utos niya matapos niyang mai-park nang maayos ang sasakyan at mapatay ang makina niyon.
At dahil katulong lang naman ako, sumunod ako.
"Opo, kamahalan," sabi ko na lang bago ako bumaba sa kotse niya.
Bumaba na rin siya at dire-diretsong naglakad patungo sa entrance ng mall. Mabilis ko naman siyang sinundan. Grabe, parang wala namang kasama 'tong lalaking 'to. Nakakainis.
"Saan pa ba tayo pupunta?" pangungulit ko kahit pa alam kong may 99% chance na hindi niya na naman iyon sagutin.
"Nasa parking lot tayo ng SM. So where do you think we're going?" sarcastic niya na namang tanong.
Woah, ang talino ah! Kabwisit. Sarap iuntog sa maskels ko.
Umirap na lang ako. Wala eh. Anong magagawa ko? Hiyang-hiya naman ako sa amo ko.
"Paminta," wala sa sariling naibulong ko habang nasunod sa kanya at nakatingin sa right side ko. Tamad na tamad akong sumunod pero wala akong nagawa kasi nga, katulong niya ako.
"What did you say?"
"Ay paminta!" gulat kong sigaw nang mauntog ako sa dibdib ni Rupert. Huminto na pala siya sa harap ko at nakapamulsa habang nakatitig sa 'kin.
Dahil sa ibang side ako nakatingin, hindi ko namalayan na tumigil na siya sa pagalakad. Hindi ko sinasadyang sumubsob ah! Although para akong kiniliti nang maamoy ko ang katawan niyang super bango. At in-fairness, ang tigas ng abs niya.
"You called me 'Paminta'?"
"Ay, hindi ah!" defensive kong tugon. Napaatras ako.
Dahil 'di hamak na mas matangkad sa 'kin si Rupert, bahagya siyang yumuko at lumapit sa 'kin. "Mukha ba 'kong bakla?"
Marahas akong umiling. "Hindi po ah. Hindi po."
He moved closer to me. "Bakla ba ako?"
"Hindi!" halos patili ko nang sagot. Napapikit na 'ko. Oh diyos ko. Kung pagtatangkaan man po ako ng amo ko, sana sa bahay niya na lang.
Chos. Biro lang po. Hindi naman po ako gano'n kaharot. Pwede na po ako kahit d'yan sa madidilim na sulok lang.
Wahh! Joke lang po ulit. Seryoso na po ako, Lord. 'Wag poooo!
Kinakabahan ako. Eto na ba? Moment of truth na ba?
"Tara na nga. Mukha kang baliw d'yan."
Dahan-dahan akong napamulat. Wala na si Rupert sa harap ko. Nakatalikod na siya sa 'kin at naglalakad na siya ulit patungo sa entance ng mall.
Ang walanghiyang 'to! Hindi man lang itinuloy para magmukhang kagaya ng mga nababasa ko noon sa w*****d! Rgggggggh!
Paminta! Paminta! Pamintaaaaaaaaaaa! naghuhumiyaw na sabi ng utak ko. Kung hindi ko lang talaga 'to amo, natuhod ko na talaga 'tong lalaking 'to!
Nagulat ako nang biglang lumingon ulit si Rupert.
"Tatayo ka na lang ba d'yan?" he asked with his hands on his pocket.
"And'yan na po!" nakanguso kong hiyaw bago nagmartsa palapit sa napakabait kong amo.
Rupert Matthew's POV
Entry No. 12
Urgh. This is a tiring day afterall. Galing kami ng maid na si Faith sa Bencab Museum. And to tell you honestly, nakakatawa siya. Para siyang amazed na amazed sa mga nababasa niya. She never failed to amuse me. Three hours yata ang itinagal namin sa museum. Hindi niya kasi maiwan-iwanan 'yung paintings. After that, dinala ko siya sa SM City Baguio. Alam kong iniisip niya na kailangan niya pang magluto ng dinner para sa 'ming dalawa kaya naman 'di ko na siya pinahirapan. Trineat ko na lang siya. Afterall, ako naman talaga ang nagsama sa kanya sa labas.
Boring kasing lumabas nang mag-isa. Nakakalungkot. Hindi ko rin nae-enjoy ang mga pupuntahan ko. Mas lalo lang akong nalulungkot. Naaalala ko si Veny. At least kapag kasama ko siya, may laughingstock and clown ako. Bukod kasi sa hindi siya nauubusan ng energy, masyado rin siyang positive na tao. And wala naman sigurong masama kung magpasama ako sa kanya since maid naman namin siya sa bahay at alam ko na kaya siya kinuha ni mommy ay para may makasama man lang ako.
By the way, siguro after three months ay babalik na 'ko sa pagtatrabaho. Baka tulungan ko na lang si mommy sa mga business namin at hindi na ako bumalik sa pagtuturo. Ayoko na ring bumalik sa car racing. Wala nang dahilan para ituloy ko pa ang hilig kong iyon. Almost thirty na 'ko. Hindi na 'ko teenager.
Makatulog na nga. Bye.
Matt.