“So, my gut feeling is right. You love him,” mahinang usual ni Jace. Pinagmasdan ko siya habang nakamasid sa kalawakan ng gabi. Magkatabi kami sa mahabang upuan ng aming balcony. Katulad ng dati ay napakagwapo niyang tingnan. Mula sa hugis ng kaniyang mukha, ang matangos niyang ilong hanggang sa malantik na pilik mata. Ngunit hindi tulad ng dati ay wala ng epekto sa akin iyon. Hindi na bumibilis ang t***k ng aking puso sa presensya niya.
Matapos kong mamasyal kanina ay nagdesisyon akong sa bahay muna namin umuwi. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para magkausap kami ni Jace. Sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko para kay Theo.
“My gut feeling ka pa diyang nalalaman! Samantalang walong taon kitang minahal, ni hindi mo nga naramdaman eh!” biro ko sa kaniya.
Mahinang tumawa si Jace at tumungo. Nilaro-laro niya ang cellphone sa kamay ngunit ang mga mata niya ay puno ng lungkot. Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. Naiilang man ako pero hindi ako nagbawi ng tingin. Gusto kong malaman kung anong sasabihin niya ngayon. Ngayon na alam na niyang hindi naman ako masasaktan.
“I am full of regret, Trish. Pinagsisisihan kong nabulag ako noon. Ngayon na inlove ka na sa iba, nasasaktan ako. I guess it’s my turn to suffer.”
Gusto kong batukan ang sarili ko. Kung noon siguro, ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil sa wakas napansin na ako ni Jace. Ang lalaking pangarap ko at ng madaming kababaihan.
“I…I’m sorry, Jace.”
“No. You don’t have to say sorry. Hindi kasalanan na magmahal ka ng iba.” Naririnig ko ang lungkot habang binibigkas niya ang mga salita.
“H-Hindi ko din alam na mai-inlove ako kay Theo.”
“Alam ko nang nai-inlove ka na sa kaniya,” bahagyang natawa si Jace sa sinabi. Itinuon niya muli ang mga mata sa kalawakan ng gabi.
“B-Bakit naman?”
“The way you look at him. Even during our Boracay trip, I can see it. May paghanga ka na sa kaniya. Doon na rin ako nagsimulang..,”
Tumigil na siya sa pagsasalita kaya binalingan ko siya. “Nagsimulang ano?”
“..ma-realize na gusto kita.”
Natahimik ako bigla. Gusto na pala niya ako noon? Bakit hinayaan niya akong awayin ni Anne? Tila nabasa ni Jace ang mga tanong ko sa isipan nang muli siyang magsalita.
“Naiinis ako sa nararamdaman ko noon, Trish. Of course, I was with Anne. Masaya kami and it doesn’t make sense na may maramdaman ako sayo. Matagal na tayong magkaibigan. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Ano ang iisipin mo at ni Anne? So, I convinced my self that I don’t love you. Sinubukan ko. Ang sabi ko noon sa sarili ko, okay lang kung mapunta kay Theo. I thought okay na ako, kaya noong sinabi mo sakin ang tungkol kay Anne at sa lalaking nakita mong kasama niya sa bar, I was so confused. Is it a sign to end things with her? Pero hindi ko kayang aminin noon na gusto kita. I was determined to prove that Anne is the one for me. Na hindi ako nagkamali ng babaeng pinili.”
“Grabe ka ha! Ayaw na ayaw sakin? May mali ba sa akin at di mo matanggap na gusto mo na ako?”
Bahagyang natawa si Jace. “Nasanay lang siguro ako na kaibigan kita. I’m sorry Trish. Ma-pride ako and I took advantage of your love. Kaya siguro, karma ko ito. I hope na maging okay kayo ni Theo.”
“Okay naman kami ni Theo. Hindi naman kami magkaaway. Si Anne ang galit sa akin. Sinira ko daw ang relationship nyo kaya sinugod ako doon sa party ni Theo.”
“Ginawa niya ‘yon? I never thought na ganoon si Anne.”
“Ako din naman. Ang bait niya noong una ko siyang nakilala. Okay na naman talaga sa akin na kayo ang magkatuloyan. Hindi ko naman inaakala na magiging magulo din ang relasyon nyo. At alam kong may kasalanan din ako.”
“Trish, hindi mo kasalanan. May iba pang reason kung bakit kami naghiwalay. Ayoko na lang magsalita because I still respect her. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang mag-eskandalo at isisi sayo ang lahat.”
Gusto ko pa sanang magtanong kay Jace kaso baka isipin niya na ang tsismosa ko masyado kaya pinigil ko na lang ang bibig ko. Sa huli ay naging maayos naman ang aming pag-uusap. Nire-respeto niya ang desisyon ko. At least, naayos na ang gusot sa pagitan naming dalawa. Nalulungkot din ako dahil hindi kami nabigyan ng pagkakataon. Pero tulad niya noon, mahirap pilitin ang puso.
Nagtungo na ako sa room ko at namataan ko ang aking cellphone na nakapatong sa kama. Nahiga ako habang binabasa ang mga messages ni Theo. Kinukumusta niya ako at may mga missed calls pa. Alam kong nag-aalala siya sa akin dahil sa nangyari sa birthday party niya. Miss ko na siya pero parang hindi ko siya kayang makausap ngayon. Baka kapag narinig niya ang boses ko, mabuko niya na mahal ko siya. Lalo na kung magkakaharap kami. Pakiramdam ko, kapag tiningnan niya ako sa mga mata, mababasa niya doon ang nararamdaman ko para sa kaniya. Malalaman niya na nasasaktan ako sa pagdating ni Jen. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Baka kapag ilang araw ko siyang hindi nakita, mababawasan ang nararamdaman ko sa kaniya.
Kinabukasan ay napilitan na akong bumalik sa unit ko dahil naroon ang mga gamit ko para sa trabaho. Ilang araw na akong hindi nagtatrabaho dahil sa magulo kong utak. Kailangan ko ng kumilos kung hindi ay masisira ako sa clients ko. Inaayos ko ang mga gamit ko nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. Nagtungo ako sa pinto at binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Si Theo na matamang nakamasid sa akin. His eyes are dark at bakas ang tinitimpi niyang galit. For the first time ay nakita ko siyang galit.
“T-Theo,” nauutal na sambit ko. Pakiramdam ko ay tumalon ang aking puso at nagbara iyon sa aking lalamunan.
“Mabuti naman at nakauwi ka na. Can we talk now?”