“Good morning!”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa boses ng lalaki na narinig ko. Agad akong nasilaw sa liwanag buhat sa bintana na pumapasok sa silid kung saan ako naroroon.
“Huh? Nasaan ba ako?” tanong ko sa sarili. Ramdam ko ang pagpitik ng ulo ko pero hindi ko iyon alintana. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Namataan ko si Theo na nakamasid sa akin. Nakaupo ito sa couch sa loob ng kwarto kung saan ako naroon. Bigla ay naalala ko ang mga kalokohang pinaggagawa ko ng nagdaang gabi. Kung paano ako umakto at higit sa lahat---
Shit! Hinalikan ko si Theo! Nakakahiya!
Agad kong pinakiramdaman ang aking sarili. Iyon parin naman ang mga damit na suot ko. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Anong nangyari? Pero kahit anong isip ko ay wala na akong maalala bukod sa sabay kaming lumabas ng bar matapos ko siyang halikan.
“Don’t worry. Walang nangyari sating dalawa.” Nilingon ko si Theo at nakitang kong amused siyang nakamasid sakin. Tila nahulaan niya ang iniisip ko.
“Ha? B-Bakit?” Nagugulohang tanong ko. Napansin kong nanlaki ang mata niya sa tanong ko. “I mean…anong nangyari?”
“Next time, you don’t have to seduce me kung plano mo lang palang makitulog sa bahay ko,” sagot nito at tumayo na. Nakakaloko ang ngiti niya ng lumingon siya sa akin. “Sa sasakyan palang tulog ka na.”
“At talagang gusto mong may mangyari?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Excuse me? Ikaw ang naunang nanghalik. Ikaw panga ang nagpipilit—”
“Stop! Stop! Ayoko ng marinig ang sasabihin mo!” Sigaw ko sabay takip ng tainga. Nakakahiya! Alam ko naman ang kagagahan ko kagabi!
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Theo saka ito naglakad patungo sa pinto ng kwarto niya. Pagkalabas niya ay agad akong bumangon. Nagtungo ako sa banyo at inayos ang sarili. Sinubukan kong tawagan si Michelle pero hindi ito sumasagot. Nagtext nalang ako sa kaniya at nag-sorry dahil naiwan ko na siya sa bar.
Paglabas ko sa room ay inabutan ko si Theo na may kausap sa cellphone. Nilingon niya ako at nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang patuloy na nakikipag-usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya.
Bakit ganun? Apektado ako ng mga tingin niya. Nagbawi ako ng tingin at sa halip ay inilibot ko ang mata sa kabuuan ng unit niya. Black and white lang ang kulay ng mga gamit niya sa bahay. Napakalinis tingnan at mukhang organized na tao si Theo. Hindi katulad ng unit ko na napakagulong tingnan.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin pagkatapos ng ilang saglit.
Tipid akong ngumiti at pilit kong itinatago ang pagkailang. “Masakit sa ulo. Pero ayos lang naman.”
“Bakit ba kasi naglasing ka? Ganoon ba kalala ang nangyari sa inyo ni Jace?” Tanong niya at naglakad patungo sa kitchen. May binuklat itong cabinet at namataan kong may kinuha siyang tabletas. “Inumin mo ito after natin mag-breakfast.”
“S-Salamat. Sige Theo, mauna na akong umuwi.”
“Kumain muna tayo. May niluto ako dito. Baka mamaya ikwento mo pa sa mga clients ko na hindi manlang kita pinakain dito sa unit ko,” nakatawang alok niya. Mukhang wala lang naman kay Theo ang ginawa ko sa kaniyang paghalik kagabi. Nakakainis dahil parang sa aming dalawa ay ako lang apektado.
“Sige nanga. Pinipilit mo ako eh! Patikim nga kung masarap ka magluto,” sagot ko at pinilit maging normal lang ang kilos. Tinulongan ko narin siyang mag-ayos ng mga pinggan at kutsara.
Tiningnan ko ang mga niluto nya. Fried rice, egg at bacon. Bigla akong natakam pagkakita sa mga pagkain lalo na ng maamoy ko ang kape. Kaya isinantabi ko na ang hiya at nilantakan ko na ang mga nakahain.
“Wow ha! Napipilitan ka pang kumain ng lagay na ‘yan?” biro ni Theo sa akin.
“Babawi nalang ako sayo sa sunod. Libre kita,” natatawang sagot ko. “Syanga pala, ano na kayang nangyari kay Michelle? Naku maayos kaya ‘yong nakauwi kagabi.”
“Hindi ‘yon pababayaan ni Migs.”
Masaya na kaming nagku-kwentuhan ng biglang may kumatok sa pinto ni Theo. Nagkatinginan kaming dalawa. Napakunot din ang noo niya at nagtatakang tumayo.
“M-May inaasahan kang bisita?” nagpa-panic na tanong ko. Syempre ang aga-aga ay naroon ako sa unit niya. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng masama?
“Wala eh. Teka lang sisilipin ko,” nagtatakang sagot ni Theo. Tumayo na siya at naglakad na patungo sa main door habang nakasunod ako ng tingin sa kaniya.
Sana naman ay kung sino lang na empleyado ni Theo ang dumating! Nakakahiya kung kakilala o kaibigan niya ang makakita sa akin dito.
“Theo! How are you? I missed you na! I’m sorry kung hindi kami nakapagpasabi na dadaan kami dito.” Narinig ko ang malakas na boses ng isang ginang pagbukas si Theo ng pinto.
“Mom?! Dad?” nabiglang bulalas ni Theo.
Nagbara ang kinakain ko sa lalamunan at malakas akong naubo pagkarinig ko kung sino ang dumating na bisita ni Theo. Dahil sa pag-ubo ko ay nakuha ko ang atensyon nilang lahat.
“Oh? May kasama ka pala. Hello!” bati sa akin ng ginang at lumuwang ang pagkakangiti niya sa akin. Makahulogang tumingin ito sa anak. Halos mamula-mamutla naman ako sa pwesto ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Sa dinami-dami naman ng darating ngayong araw bakit ang magulang pa ni Theo?
“Why are you here?” tanong ni Theo sa mga magulang niya.
“Why? Masama bang bisitahin ang bunso ko! Miss na kita at madalang ka bumisita sa atin,” tumatawang sagot ng Mom ni Theo. Napasimangot naman si Theo sa sinabi ng ina. Sa tabi ng ginang ay ang asawa nito na tipid lang ang ngiti.
Pinagmasdan ko ang mommy ni Theo. Maganda ito, singkit ang mata, balingkinitang katawan at napakakinis ng kutis. Mukhang may lahi siyang Chinese. Hanggang balikat ang buhok nito na kulay brown at napaka-sosyal niyang tingnan dahil sa suot na dress at bitbit na designer bag. Ang daddy naman ni Theo ang sa tingin ko ay malaki ang pagkakahawig sa binata.
“So? Sino itong magandang babae na kasama mo? Ipakilala mo naman sa amin,” nakakalokong tanong ng mommy ni Theo. Napapahiyang lumapit ako sa kanila.
“Kaibigan ko siya mom. Siya si architect Sta. Maria. Siya ang nagdesign ng isa sa mga projects ko.”
“H-Hello po Maam. Ako po si Trisha Sta Maria. Ah…kasi po…kagabi po kasi…lumabas kami ni Theo…” Napansin kong nagtatakang napatingin sa akin si Theo. Ang mommy naman niya ay nakangiti parin na naghihintay sa susunod kong sasabihin.
Ano bang pinagsasabi ko? Sana ay lumubog nalang ako sa kinatatayuan ko!
“H-Hindi po kami tulad ng iniisip niyo. M-maniwala po kayo...na-nakitulog lang po ako kagabi.” Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko habang nagsasalita.
Narinig ko ang pagtawa ng daddy ni Theo at si Theo naman ay napakamot sa ulo.
“Trish, you don’t have to explain,” bulong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Hinawakan ako ng mommy niya sa kamay at nakangiting tiningnan ako sa mga mata. “Don’t worry hija, walang kaso samin ‘yon. In fact, masaya ako na may kasama pala ang anak ko dito sa gabi.”
“Mom!” angal ni Theo pero nagtawanan lang ang mga ito.
“Ako nga pala ang mommy Veronica ni Theo. Siya naman si Anton.” Pakilala ng mommy niya sa akin at hindi pinansin ang anak.
“H-Hello po m-maam, s-sir,” nagkandautal na sagot ko.
“Naku! You can call me tita Veronica. Pwede ding mama Veronica na,” tumawa pa ito sa sinabi. Ako naman ay lalong napahiya. Malinaw na iba ang iniisip nila sa amin ni Theo.
Malamang! Diyan ka natulog sa bahay niya! Sigaw ng utak ko. Gusto kong batukan ang sarili, hindi sa ganitong paraan ko inisip na makikilala ang mga magulang ni Theo. Nakakahiya talaga!
“Mom! Bakit ba kasi kayo nandito?” iritadong tanong ni Theo.
“May pinuntahan kami sa malapit kaya naisipan na naming dumaan,” paliwanag ng daddy ni Theo.
“Don’t worry, aalis narin kami agad anak para hindi ka na mainis diyan,” makahulogang turan ng mga ito.
“Oo nga, lalo pa at natulog lang pala kayo kagabi. What happened to you son? Mukhang humihina yata—”
“Shut up dad!” putol ni Theo sa sinasabi ng ama. “Kumain na ba kayo? Maghahanda ako ng breakfast—"
“Naku wag na anak!” halos sabay na sagot ng mga magulang ni Theo.
“Why?” nagtatakang tanong ni Theo. Ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanila habang nag-uusap. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.
“Aalis narin kami anak. Sumilip lang talaga kami,” sagot ng daddy ni Theo at siniko pa ang asawa.
“O-Oo nga Theo. Paalis narin kami,” sang-ayon naman ng mommy niya. Bigla ay bumaling siya sa akin. “Nice meeting you, Trisha. Mga minsan ay sumama ka kay Theo sa bahay ha? Maghahanda ako ng dinner.”
Hindi ko alam ang sasabihin. Dinner? Sa bahay nila? Napansin kong naghihintay ng sagot ko ang mommy ni Theo at halata ang excitement sa mga mata niya.
“S-Sure po Maam—tita Veronica,” sagot ko. Sumulyap ako kay Theo na nakatingin lang sa aming dalawa.
“Great! Aasahan ko kayo ha? Theo ha, narinig mo ang usapan namin!” baling nito sa anak.
“Yeah mom. Sure,” sagot ni Theo.
“Sige Trish. Paalis na kami. Bye!” paalam ng mga ito at magkahawak-kamay na lumabas ng unit ni Theo. Naiwan kaming dalawa na nakatingin sa pintuan na nilabasan ng mga ito.