“Oh! Come on Migs! Stop being an ass!” saway ni Theo sa lalaki.
“Nah! Why would I help her? Ano namang mapapala ko kung tutulongan ko siya?” tanong ng lalaki sabay tingin kay Michelle ulit. Nagsalubong lalo ang kilay nito.
Napailing si Theo at akmang magsasalita pero naunahan siya ni Michelle. “Alam mo Theo huwag mo na siyang pilitin! Expert ba kamo sa sasakyan ang isang ‘yan? Eh mukha ngang ni hindi siya maalam humawak ng tools! Baka mas macho pa ako diyan! Let’s go!” gigil na litanya ni Michelle.
Nanlaki ang mata ni Theo ng lingunin si Michelle. Kinalabit ko naman si Michelle dahil narinig ito ng ilang kasamahan ni Theo at natahimik ang mga ito. Ang ilan ay pinipigil ang pagtawa, ang ilan naman ay literal na nakanganga sa pagkagulat.
Nauna ng humakbang si Michelle papalabas ng magsalita si Migs. “What do you mean?” Halata ang inis sa tono nito.
“Wag mo ako kausapin! Bakla!” sigaw ni Michelle paglingon sa lalaki.
Nagulat ako sa naging sagot ni Michelle sa lalaki pero hindi ko siya masisisi dahil talaga namang nakakainis ang Miguel na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Theo sa tabi ko. Nagmartsa na si Michelle palabas ng bar habang nakasunod kami sa kaniya.
“I’m sorry about Migs. Let me check your car,” baling ni Theo kay Michelle na halata parin ang pagkainis. Sinimulan niyang tingnan ang sasakyan. Ilang beses siyang nag-attempt na i-start iyon ngunit bigo siya.
“I think we really need an auto-mechanic.” Lumapit sa amin si Theo. “Let’s go, ihahatid ko nalang kayo—"
“I think you have a problem with your car alarm system.”
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Miguel na nakatayo na malapit sa amin. Totoo nga ang hula ko na matangkad ito. Nakatingin ito kay Michelle na napasimangot pagkakita sa lalaki.
“I’ll fix your car. On one condition,” baling nito kay Michelle na humalukipkip sa harapan ng lalaki.
“What condition?” nakataas ang kilay na tanong ni Michelle.
“You’ll buy me a drink,” seryosong sagot ni Miguel. Maging si Theo ay nagtatakang napatingin sa kaibigan. Kinuha ni Miguel ang susi ng sasakyan buhat kay Theo. Binuksan nito ang hood ng sasakyan ni Michelle at nakita kong na-disconnect nito ang battery. Matapos ang nasa dalawang minuto ay ikinabit muli niya ang battery at sinubukang buhayin ang sasakyan. Sa pagkagulat naming tatlo ay nag-start ang makina noon.
“Told you, he’s an expert in cars,” bulong ni Theo sa amin.
“I believe you,” natatawang sagot ko.
“Well?” baling ni Miguel kay Michelle.
Kumuha si Michelle ng cash sa bag at iniabot kay Miguel. “Oh! Bumili ka ng inumin mo!”
“I don’t need your money. I have plenty of that,” sagot naman ni Miguel.
Tinaasan lang ni Michelle ito ng kilay. Hindi natinag si Michelle sa pwesto kaya muling nagsalita si Miguel. “Do you want your keys or not?” sabay pakita ng car keys ni Michelle na nasa mga kamay nito.
Inis na napabuntong-hininga si Michelle. “Fine!” nagmartsa ito pabalik sa loob ng bar kasunod si Miguel na tatawa-tawa. Wala kaming nagawa ni Theo kundi sumunod sa dalawa.
Ilang saglit pa ay magkatabi na ulit kami ni Theo sa isang table at pinagmamasdan si Miguel at Michelle na nakapwesto sa di kalayuan sa amin. Hindi na bumalik si Theo sa mga kasama na panay ang kantiyaw sa amin.
“Sapalagay mo, okay lang ang kaibigan ko kasama ng Miguel na ‘yon?” tanong ko kay Theo.
Natawa si Theo. “Actually nakakahanga ang kaibigan mo. Mabuti nga sa Miguel na iyon. Ngayon lang siya nakatikim ng salita sa isang babae. Nasabihan pa siya ng bakla. Sa tingin ko, na-curious si Migs sa kaniya.”
“Hindi ko din akalain na sasabihin iyon ni Michelle. Ang sama kasi ng ugali ng kaibigan mo, eh!”
“Masama talaga ang ugali ni Migs. Pero mabait ‘yon.”
“Huh? Ano ‘yon? Masama ang ugali pero mabait?”
“Kapag nakilala mo siyang mabuti, saka mo makikita na mabait siya. Anyway, kumusta nga pala ang party ng parents ni Jace?”
Natigilan ako sa tanong ni Theo. Noon ko lang naalala ang iniinda kong sama ng loob sa nangyari. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ulit.
“Hey? May nangyari ba?” nagtatakang tanong niya.
Malungkot na ikinwento ko ang nangyari sa amin ni Anne at Jace. Ilang minutong hindi nagsalita si Theo ng matapos akong magkwento. Nakatungo ito habang nilalaro ang baso ng alak sa mga kamay. Parang may malalim siyang iniisip ulit.
Medyo madami na akong nainom kaya hindi ko na mabasa kung ano ang iniisip niya. Isa pa ay nagsisimula ng manlabo ang paningin ko at nahihilo na ako sa mga malilikot na tama ng ilaw sa paligid.
“Alam ko kasalanan ko naman,” sabi ko nalang para basagin ang katahimikan sa pagitan namin. “Theo, g-galit ka ba? Kasi nag-away kami ng pinsan mo—”
“Nope,” biglang sagot niya. Marahas siyang nagbuntong hininga. “Trish…honestly, you deserve better. I mean…you’re pretty…and smart. You have the qualities every man wanted in a woman—”
“Wow ha! Binobola mo naman ako! Sinasabi mo ba ‘yan para mawala ang lungkot ko?” tumatawang sagot ko.
“Trish, I’m serious,” biglang sagot ni Theo. Nakatitig siya sa akin at nailang ako sa pagkakatingin niya kaya bahagya nalang akong ngumiti at pinagmasdan ang alak sa kamay ko.
“Bakit kung tingnan niya ako, feeling ko ang ganda-ganda ko?” bulong ko sa isip.
“Feelingera ka Trish!” saway ng isang bahagi ng utak ko.
Madaling araw na at madami na siguro talaga akong nainom kaya kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Imposible naman. Sa ganda ng mga babaeng nakapaligid sa lalaking ito kanina lang.
“Sino nga pala iyong babae na katabi mo kanina, ha?”
Napataas ang kilay niya sa tanong ko. “I don’t know her name.”
“Eh? Sorry Theo ha. Hindi ka ba naiinis, dahil ako ang kasama mo ngayon imbes na ‘yong chix kanina.”
“Nope. I prefer you over her,” seryosong sagot niya ulit.
Nailang na naman ako pero hindi nalang ako nagpahalata. “Eh diba nagpunta ka dito para man-chix!” kantiyaw ko nalang.
“Inaya lang ako ng mga kaibigan ko na lumabas,” depensa niya sa sarili.
“Ahh, kaya pala katabi mo na ‘yong babae kanina! At halos kumalong na sayo!”
Ngumisi siya sa sinabi ko. “Oh! Nagseselos ka? Pwede ka din kumalong sakin ngayon!”
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Tumayo ako habang nagtataka namang nakamasid sakin si Theo. Dahan-dahan akong lumapit sa upuan niya at bigla ay naupo ako sa kandungan niya sabay pinagsalikop ko ang mga kamay sa batok niya. Napansin ko naman ang pagkagulat niya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Natatawa ako sa reaction niya. Baliw na yata ako. Pero hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili na tumigil dahil mali ang ginagawa ko.
“T-Trish. I was just joking—”
“Theo…You think I’m pretty, huh?” tanong ko at itinapat ko ang mukha sa kaniya. Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Gusto kong malaman ang sagot niya. Gusto kong sabihin niya na hindi naman ako pangit.
“Yes! I already told you. Why are you asking me that? Trish, lasing ka na. Let’s go, ihahatid na kita—"
Natuwa ako sa sagot niya. Hindi ko na napigilan ang sarili at tinawid ko ang pagitan sa aming mga labi. I initiated the kiss. At hindi ko nararamdaman ang pagtugon niya kahit na anong pilit ko. Maya-maya ay marahan niya akong inilayo. Noon ako nakaramdam ng pagkapahiya.
“What’s wrong?” tanong ko sa kaniya. “Akala ko ba, sabi mo—”
“Yes, Trish. But don’t do this, please. Lasing ka lang.”
“Am I that undesirable?!” Nangilid ang luha sa mga mata ko. Another rejection.
“That’s not the reason, Trish,” tila hirap na sagot niya sa akin.
Hindi ako sumagot dahil sa hiya. Pinunas ko ang mga luha sa mata ko. Akmang tatayo na ako ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko. Bigla niya akong hinila pabalik. Muli akong napaupo sa kandungan niya at napahawak ako sa dibdib niya sa pagkabigla at pagkahilo. Hindi pa man ako nakakahuma ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Nabitin sa ere ang paghinga ko. Baliw nanga yata ako dahil sa pinaggagawa ko dahil agad kong tinugon ang bawat halik niya. Wala sa sarili na napaungol ako at naramdaman ko ang pagngiti niya. I bit his lips in return.
“Ouch! Let’s get out of here,” bulong ni Theo sa akin.
Tinitigan ko siya sa mga mata. Pagkatapos ay dahan-dahan akong tumango. Dahil doon ay walang imik na tumayo si Theo at magkahawak kaming lumabas ng bar. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa pagpayag kong sumama sa kaniya. Magkagayunpaman, hindi ko kayang umatras. O mas tamang sabihin na ayaw ko ng umatras.
Narinig ko ang pagbukas ng lock ng sasakyan ni Theo. Napatingin ako sa kaniya at noon ko napansin na pinagmamasdan din pala niya ang magiging reaction ko. Ngumiti ako para itago ang kaba at binuksan ko ang pinto at naupo sa passenger seat.
Bahala na!