Sa mga nagdaang araw ay lalong naging busy si Theo, bukod kasi sa bidding na sinasalihan niya ay may mga on-going projects din siya. Gusto ko sana siyang tulongan na lang muna sa mga projects niya pero wala kong lakas ng loob na magprisinta. Ako mismo sa sarili ay nakukulangan sa aking kakayanan, siya pa kaya? Nakakatakot din na magkamali dahil alam kong libo o milyon ang pinag-uusapan sa bawat projects niya. Kung anong liit ng kumpyansa ko sa sarili, siya namang laki ng insecurity ko kay Jen. Tiwalang tiwala kasi talaga sa kaniya si Theo at halos lahat na yata sa project ay hiningi niya ang opinion ng babae. Alam kong madaming beses na kaming nag-usap ni Theo, pero hindi na lang selos dahil kay Theo ang nararamdaman ko. Nasasali na rin ang inggit ko dahil sa aking career. Ngunit manhid y

