CHAPTER 10

1639 Words
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Suot ko ang two-piece black bikini na nabili ko sa mall. Bagamat hindi ito iyong nagustuhan ko, di maikakailang sexy parin ako sa suot ko. “Humanda ka Jace, kapag naman hindi mo pa rin ako napansin, bulag ka na talaga!” bulong ko. Narinig ko ang mga katok sa pintuan kasunod ang mahinang pagtawag ni Theo. “Trish! Tara na. Baka nagpapaganda ka pa diyang mabuti, nagugutom na ako.” “Andiyan nanga,” sigaw ko. Isinuot ko muna ang white crochet beach dress ko saka nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay pinasadahan ako ni Theo ng tingin mula ulo hanggang paa. “Wew! Mukhang bumili pa ng bagong swimsuit ah!” pang-aasar agad niya. “Sira! Hindi ah!” tanggi ko kahit totoo na bago ang suot ko. “Maganda ba ako ngayon?” tanong ko pa sabay ikot. “Hmm…,”parang nag-iisip pa siya ng isasagot. “Medyo.” “Ah ganun?” sagot ko at nauna ng lumakad. Tumatawang sumunod siya sa akin. Pagdating namin sa restaurant ng hotel na tinutuloyan ay naroon na si Jace at Anne. Napatigil ako sa paghakbang pagkakita kay Jace. He was wearing a printed short and shirt na madalas kong makita dahil palagi siyang nakasuot ng formal sa trabaho niya. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan ng matagal pero lumingon si Anne sa amin at agad na kumaway. “Trish! Theo!” masayang tawag niya. Noon lumingon din sa gawi namin si Jace at napakunot ang noo niya pagkakita sa akin. Parang wala yata siya sa mood. “Wow! Trish! Ang sexy mo naman!” puri sa akin ni Anne. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. “Thank you. Ikaw din.” “What are you wearing Trish? Halos wala ka ng itago diyan sa suot mo,” kunot ang noo at mataray na sita ni Jace. Napatigil ako, bigla ay parang nahiya ako sa mga kasamahan namin. “Ano ka ba Jace! Of course, nasa beach tayo, natural nakasuot siya ng swimsuit. Ako din naman ganoon ang suot,” pagtatanggol ni Anne sa akin. Lumingon ako kay Theo na nakatingin lang din kay Jace pagkatapos ay nagkibit-balikat sa akin. Hindi nalang ako nagsalita, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng ganoong klase ng salita kay Jace. At naiinis ako. Bakit hindi si Anne ang pagsabihan niya? Higit na agaw-pansin ang suot ni Anne. Hindi na nagsalita si Jace. Tinitigan ko siya pero pero sinalubong niya ang tingin ko at hindi niya itinago ang inis. Sa huli ay ako narin ang nagbaba ng tingin. “Thank you at sumama kayo ha. Na-miss ko talaga ang beach dito sa Pilipinas. Grabe, iba ang ganda dito. Let’s go. Breakfast muna tayo,” patuloy ni Anne para mawala ang tension sa pagitan namin ni Jace. Naiilang na ngumiti lang ako. Ang totoo ay parang gusto kong bumalik sa room ko at magpalit ng damit. Mukhang hindi naman ni Jace nagustuhan ang suot ko. Pinigil ko ang maluha. Dumating ang mga pagkain at pawang masasarap lahat ang nakahain pero wala na akong gana. Nasira na agad ang mood ko. “Hey Trish, don’t you like the food?” tanong sa akin ni Theo na napansin ang pagkatulala ko. “Ha? Ah hindi naman, may naisip lang ako,” sagot ko. “Naku, kalimutan mo muna ang trabaho. Mag-enjoy muna tayo. Ikaw din, minsan lang ‘toh.” nilagyan ni Theo ng mga pagkain ang pinggan ko. “Ubusin mo lahat yan.” “Ha?! Eh ang dami naman nitong nilagay mo,” reklamo ko. “Baka mapagod ka sa mga water activities mamaya eh,” nakatawang sagot niya. Wala na akong nagawa kundi ang kainin ang mga pagkain sa pinggan ko. Tapos nalang sina Jace at Anne kumain samantalang ako ay hindi pa. “Hindi ko na kaya ubusin…,” reklamo ko kay Theo. Busog na busog na ako pero hindi pa ubos ang mga pagkain sa plato ko. “Kaya mo ‘yan. Ubusin mo,”utos niya. “Anong gusto mong mangyari sakin? Tingnan mo ang tiyan ko oh! Ang laki na,” sagot ko sabay turo sa tiyan ko. Napataas ang kilay niya sa ginawa ko. “Sadya namang malaki---,” “Ano ‘yon? May sinasabi ka?” sagot ko at tiningnan siya ng masama. “Wala. Biro lang ang seryoso mo eh,” tumatawang sagot niya. Matapos naming kumain ay naglakad na kami patungo sa dalampasigan. Magkahawak-kamay sina Jace at Anne, sa likod ay nakasunod kami ni Theo. Hindi maiwasan na kumirot ng puso ko pagkakita sa mga kamay ni Jace na nakahawak kay Anne. Idagdag pa na parang inis siya sa akin. Ilang gabi ko bang ini-imagine na ako ang kahawak-kamay niya? Nahalata siguro ni Theo ang lungkot ko kaya inaya na niya ako. “Tara, sumama ka nalang sakin. Humiwalay na tayo sa kanila.” “Ha? Saan naman tayo pupunta?” “Crocodile island,” maiksing sagot niya at hinila niya ako sa kamay. “M-Madami ba don na bu-buwaya?” Hinila ko ang kamay sa pagkakahawak niya. Hindi ako fan ng crocodile at parang hindi ko yata gusto ang trip ng lalaking ito. Napatigil si Theo sa paglakad at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. “Seriously, Trish?” “Ha? Bakit?” nagugulohan ako sa sinasabi niya. “Totoo. A-Ayoko nga sa buwaya. Natatakot ako—“ Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Theo kaya napatigil ako sa pagsasalita. Maya-maya ay pinisil niya ako sa ilong. “Don’t worry, I’m not a fan of crocodiles too. Let’s go!” Napipilitan na sumama ako sa kaniya. Tuloyan na kaming napahiwalay kina Jace at Anne kahit labag sa loob ko. Ngayon ko naisip, paano kaya ako kung hindi kasama si Theo? Alangan namang pasunod-sunod ako sa kanila. Napahiya ako ng makita ang crocodile island na sinasabi ni Theo. Hugis crocodile pala iyon kaya tinawag na crocodile island. Pagtingin ko kay Theo ay tatawa-tawa siya sa akin. Inirapan ko lang siya at lalo lang siyang nagtawa. Pagdating namin sa area ay may mga nakikita na akong mga turista na nagsisipag-swimming. “H-Hindi ako maalam maglangoy masyado,” amin ko kay Theo. Nahalata ko ang pagkagulat sa mukha niya, pagkatapos ay ngumiti. Hinawakan niya ang vest na suot ko at inayos iyon. Ayaw ko man aminin pero kinilig ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang tinginan ng mga kasabay namin sa bangka. Lalo na iyong mga babae. Siguradong iniisip ng mga ito na nobyo ko si Theo. “Hindi ka na siguro malulunod niyan,” tumatawang komento niya. Ilang saglit pa at naroon na kami sa dagat. Noon ako lubos na humanga sa ganda ng isla. Masaya kong pinagmamasdan ang mga isda at choral reef habang naglalangoy. Mukhang sulit naman ang perang winaldas ko dito. Nakikita ko si Theo na mukhang nage-enjoy din sa pagtitingin sa mga marine life. Gumawi ang tingin ko sa katawan niya. Kitang-kita ang malapad niyang balikat at well-toned abs sa suot. Napailing ako. Bakit ba kung ano-ano na ang naiisip ko? Ganito na ba ako ka-desperada? Pati si Theo ay napapag-diskitahan ko na. Bigla kong naalala si Jace at ang kasungitan niya kanina sa akin. Ano kaya ang problema ng lalaking iyon! “Hey! Hindi ka ba nag-eenjoy?” tanong sa akin ni Theo. Lumangoy siya papalapit sa akin. “Naisip ko lang si Jace. Narinig mo ba kanina kung gaano siya kasungit sa akin?” tanong ko. “Yeah.” Iyon lang ang sagot ni Theo at hindi ako satisfied sa sagot na iyon. “Hmn. Sa tingin mo, hindi kaya affected din siya sa akin kahit papaano?” hindi ko na napigilang itanong. Mukhang nadismaya naman si Theo sa sinabi ko. “Trish, nakikita mo ba iyang bato na yan?” turo niya sa isang malaking bato sa isla. “Ha? Oo naman, hindi naman ako bulag. Bakit?” “Nabasa ko, may kwento daw kasi iyang bato na yan.” “Talaga? Ano?” curious na tanong ko. “May kasabihan na kapag daw ang isang babae ay labis ang pagmamahal sa isang lalaki, dapat ay magtungo siya diyan. Subukan mo kaya?” Bigla akong naging interesado sa sinasabi niya. Wala namang masama kung susubukan ko ang mga kasabihan dito. Baka sakaling sa ganoong paraan ay mapansin ako ni Jace. Naalala ko noon ang episode sa isang TV show na pinapanuod ko kung saan kapag humalik ka daw sa isang bato na nasa tuktok ng isang bundok ay magkakaroon ka ng love life. May mga nagpapatotoo naman noon. Hindi ko akalain na may ganoon din pala dito. “T-Then? Anong mangyayari kapag pumunta diyan?” tanong ko. “Magkakaroon na daw ng linaw ang pag-ibig niya.” “Oh? S-Samahan mo naman ako para magkaron narin ng linaw ang pag-ibig ko kay Jace. A-Ano daw ba ang dapat gawin?” Hinawakan ako ni Theo sa balikat at seryosong inilapit ang mukha sa akin. Titig na titig ako sa kaniya. Iniintay ang susunod niyang sasabihin. “Iuuntog mo lang daw ang ulo mo sa bato para magising ka sa katotohanan.” Iyon lang tapos humalakhak ito at mabilis na lumangoy palayo sa akin. Inis na sumigaw ako. “Bwisit kang lalaki ka!” Hinabol ko siya pero mabilis siyang nakalayo sa akin. Natawa narin ako sa kalokohan niya. Ang lakas talaga mang-asar ng Theo na ito! Nakakainis! Akala ko pa naman ay seryoso na. Umasa pa naman ako. Natatawang napailing nalang ako habang nakatitig sa kaniya. Bigla ay naramdaman ko na parang may nagmamasid sa akin. Paglingon ko ay nagulat nalang ako pagkakita sa mga mata ni Jace na matamang nakamasid sa akin. Kadarating pa lang ng bangka na sinakyan nila, nakasimangot parin siya sa akin at parang wala sa mood. Ano kayang nangyari sa isang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD