Matapos ang island hopping ay sabay na rin kami ni Theo na nagtungo sa resto bar na sinabi ni Anne para mag-dinner. Malaki talaga ang pasalamat ko sa presensya ni Theo, dahil sa kaniya ay nae-enjoy ko ang bakasyon na ito. Nagku-kwentuhan kami habang naglalakad patungo sa dining area.
“Madami pa daw island na magandang puntahan dito. We can try scuba diving tomorrow if you want.”
“Kinakabahan ako, hindi ako maalam noon eh,” sagot ko.
“Andoon naman ako. Aalalayan kita, at saka may briefing muna from professional divers. Pero kung ayaw mo naman--”
“Sige, try natin bukas,” mabilis na sagot ko. “Ikaw naman hindi ka mabiro.”
“Hi Trish! Did you have fun today? Hindi namin namalayan na humiwalay na pala kayo sa amin!” salubong sa akin ni Anne pagkakita sa amin sabay halik sa pisngi ko.
“Of course! Ang saya nga eh. K-Kayo ba?” tanong ko.
“Well, yeah! Jace and I had so much fun, diba love? I plan to extend my vacation here in the Philippines, napag-usapan namin ni Jace na madami muna kaming pupuntahan together bago ako bumalik sa Singapore.”
“Ha? Bakit naman?! I mean…I mean! Great!” nauutal na sagot ko. Nakakaloko ang tingin sa akin ni Theo.
“Sasama parin ba kayo sa mga next getaway namin ni Jace?” tanong ni Anne.
“Naku, Anne. Magiging busy na kami ni Trish after this eh,” salo na sa akin ni Theo.
“Magiging busy kayo ni Trish? Why?” sabat ni Jace sa kauna-unahang pagkakataon.
“Kasi may projects ako na siya ang magde-design. And she is currently helping me renovate my office. I plan to move there next week, so kailangang matapos ni Trish iyon agad.”
“Really? Si Trish ang gumagawa ng interior ng office mo? How sweet!” parang kinikilig pa si Anne.
“Y-Yeah,” sagot ko nalang. Tila kinakabahan ako sa tingin sa akin ni Jace. Grabe naman! Hindi parin ba siya nakaka-move on sa swimsuit ko kanina?
Panay ang kwento ni Anne sa amin habang kumakain kami ng dinner. Masayahin pala si Anne, kabaliktaran ng itsura niya na mukhang suplada. Kaya pala nakuha niya ang loob ni Jace. Okay na sakin, tanggap ko na. Wala akong panama sa ganda niya. Halos lahat yata sa kaniya ay maganda, mukha, katawan at maging ugali.
Matapos kaming mag-dinner ay nagpasya kaming magtungo sa isang sikat na beach club. Syempre gusto naming mag-relax lamang sa isla na ito. Kakaiba pala talaga ang night life dito. Sino ang hindi masisiyahan sa naghanay na mga bar, live music at madaming choices ng inumin at pagkain? Ang daming mga turista at magagandang tanawin. When I say magagandang tanawin, ibig ko sabihin ay mga naga-gwapuhang kalalakihan. Ilang minuto na kami sa loob. Nag-order narin ako ng inumin. Halos imposible ang makapag-usap sa loob ng bar ng maayos dahil sa lakas ng music. Masayang nagsisigawan at nagtatalunan ang mga tao sa dance floor. Siguradong maging si Theo ay nage-enjoy sa paligid---
“Whooo!!!”
Natigil ang pag-iisip ko ng biglang sumigaw si Anne, tumayo at itinaas ang mga kamay. Napatingin ako sa gawi niya at nakita ko ang namumula na niyang pisngi. Lasing na yata ang loka. Nakuha niya ang atensyon ng mga nasa paligid, pero ang karamihan sa mga lalaki ay ngumiti at nag-thumbs up pa sa kaniya. Agad napatayo si Jace para alalayan si Anne dahil medyo mawalan ito ng balanse. Kumirot ang puso ko sa nakikitang pag-aalaga ni Jace sa dalaga. Parang gusto ko din maglasing-lasingan.
“Love, come on! Let’s dance!” tumatawang akit nito kay Jace.
“But you’re drunk— “
“No! I’m not!” protesta ni Anne. Sa pagkabigla ko ay biglang ipinulupot niya ang braso sa leeg ni Jace at hinagkan ang binata. Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko na parang sinaksak ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil baka sumirit ang dugo. Wala sa loob na natungga ko ang inumin ko at nag-iwas ng tingin.
“You don’t know how much I missed you, Jace!” Sigaw ang ginawa ni Anne at hindi bulong.
“I know. I missed you, too,” sagot naman ni Jace na pilit kinakalma si Anne.
Ang bwisit na mga ito at dito pa sa harapan namin naglampungan. Ginawa pa kaming audience! Hindi ko naiwasang magtubig ang mga mata. Mabuti na lang at medyo madilim kaya hindi nila agad mapapansin ang mga luha ko. Nakita kong hinila na ni Anne si Jace sa dance floor. Lumingon muna sa amin si Jace saka sumunod sa dalaga. Iniwasan ko namang magtama ang aming mga mata.
“Tsk! Ikaw kasi, pumayag ka pang sumama dito eh,” nailing si Theo.
Hindi ako nagsalita at pinunas ko ang mga luha sa mata. Hinaplos-haplos ni Theo ang likod ko bilang pag-aalo sa akin.
“Huwag nga! Lalo akong naiiyak eh!” saway ko sa kaniya sabay iwas.
“Huh?! Bakit? Ang arte mo talaga, ikaw nanga itong dinadamayan eh! Sige lalapitan ko nalang iyong babae na ‘yon na kanina pa nakatingin sa akin.”
“Huwag!” Pinigil ko siya sa pagtayo. Tiningnan ko ang itinuro ni Theo na babae. Nakamasid nga siya sa amin. Halatang inaakit nito si Theo at hindi ako natutuwang isipin na iiwanan ako ng lalaki para lapitan ito.
“Hay! Ang lugi ko naman,” reklamo ni Theo. Nakaka-guilty dahil hindi nga niya ako maiwan dito sa bar.
“S-Sige na nga. Lapitan mo nalang ‘yong babae. Okay na ako dito,” sa huli ay sagot ko. Mahinang tumawa si Theo pero hindi naman siya umalis sa tabi ko. “Oh? Sige na! Okay naman na ako dito, promise!”
“Sapalagay mo iiwanan kita dito sa table mag-isa?” tanong niya. Napangiti ako sa kaniya. Napaka-swerte ko naman. Kliyente ko na siya at ang bait pa. Mabuti nalang at nakilala ko siya.
Madaling-araw na at tuloyan ng nalango si Anne sa alak. Paglabas pa lang namin sa bar ay nagsuka na ito ng nagsuka. Wala pala itong control pagdating sa pag-inom. Napailing nalang ako at pinagtulongan naming dalahin ang dalaga sa room nila. Nababasa ko ang concern ni Jace sa kaniya habang akay ito pabalik sa aming hotel. Magkakatulong kami na inalalayan si Anne hanggang sa room nila. Paalis na sana kami ni Theo ng tawagin ako ni Jace.
“Trish, could you please stay? I’m sorry. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Anne eh,” tawag niya sa akin.
Tiningnan ko si Theo para humingi ng saklolo pero alam ko na wala din naman siyang magagawa sa sitwasyon.
“S-Sure,” napipilitang sagot ko.
“Jace, Trish, mauna na ako sa room ko. Iniintay ko ang tawag noong isang engineer ko para bigyan ako ng update about sa project eh,” paalam sa akin ni Theo.
Hindi pa lubos pa nakakalabas si Theo pero nagsuka na ulit si Anne. Tinulongan namin siya na makapunta sa CR. Gusto kong ma-turn off sa babaeng ito pero mukhang okay lang kay Jace na ganoon si Anne. Buong buhay ko hindi manlang ako nag-attempt na magpakalasing ng ganito sa takot na ma-turn off sa akin si Jace. Magkatulong namin siyang nilinisan saka binihisan. Ilang saglit pa ay nakatulog na ito.
“T-Thank you Trish ha…at sorry sa abala,” baling sa akin ni Jace.
“Okay lang, ano ka ba,” kunway natatawang sagot ko. Ilang saglit na tahimik lang kami kaya nagpaalam na ako. “S-Sige, balik na ako sa room ko.”
Humakbang na ako paalis pero hindi ko napansin na may basa pala sa sahig at muntik na akong madulas. Napasigaw ako sa takot at pagkagulat. Siguradong magagalit ang mga kasama namin sa hotel. Bigla ay naramdaman ko na may braso na sumalo sa baywang ko kaya hindi ako tuloyang bumagsak sa sahig. Pagmulat ko ay sinalubong ako ng mga mata ni Jace. Nakatitig siya sa akin; bagay na ngayon lang nangyari sa tagal na naming magkaibigan. Napansin ko pa ng bahagyang gumalaw ang kaniyang adams apple. Bigla ay parang nanuyo ang labi ko sa ginawa niya. Bago pa ako tuloyang malunod sa mga titig niya ay agad siyang lumayo sa akin.
“S-Sorry,” hingi ko ng paumanhin. Kaybilis ng t***k ng puso ko noon.
“No, I’m sorry. Hindi ko napansin na basa pala ang sahig. Are you okay?”
“Yes, okay lang ako.”
Natahimik na naman kami pareho. Bakit ba nagkakaganito kaming dalawa? Samantalang dati ay hindi naman kami nagkakailangan ng ganito.
“S-Sige na. Alis na ako,” paalam ko ulit.
“Ah Trish,” tawag ulit sa akin ni Jace. Natigil ako sa paghakbang. Ano na naman kaya? Nakatalikod na ako kay Jace at hindi ko na siya nilingon sa takot na mabasa niya sa mata ko ang tunay kong nararamdaman.
“Yes?” sagot ko habang nakatalikod parin.
“S-Sorry kanina.”
“Okay lang naman,” sagot ko na hindi na siya nilingon.
“Si Theo…Do you like him?”
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman niya naisipang magtanong tungkol kay Theo? At ano ba ang sagot ko dapat?
“Ahh, m-magkaibigan lang kami. Sige ha! Inaantok na ako eh!” Hindi ko na siya inintay makasagot. Dire-diretsong lumabas na ako ng room nila ni Anne.
Ayan ka na naman Jace! Hindi na talaga kita maintindihan! Pero aaminin kong kahit papaano ay napangiti ako sa tanong niya.