CHAPTER 12

1440 Words
“Ano sa tingin mo?” tanong ko kay Theo. Hapon na noon at huling araw na ng bakasyon namin. Naroon kami sa tabing dagat at nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ikinwento ko sa kanya ang tinanong sa akin ni Jace. Nakakunot ang noo na sinulyapan lang ako ni Theo. “Sa tingin ko, baliw ka na,” walang buhay na sagot niya. “Grabe ka naman! Ano nga?” pangungulit ko parin. Nakatingin lang siya sa papalubog na araw sa kalawakan ng dagat. “Hindi ko alam. Why don’t you ask him?” iritadong sagot niya. “Malay mo, nagseselos din pala siya,” sagot ko parin. “Okay sige, paasahin mo pa ang sarili mo.” Mukhang wala yata sa mood ang lalaking ito ah! “Eh ikaw? Bakit wala ka bang girlfriend? Sino nga ba iyong kasama mo sa PRC dati? Bakit hindi ko na siya nakikita?” pag-iiba ko nalang ng usapan. “Who?” nagtatakang tanong niya. Nagka-amnesia na yata ang lalaking ito ah! bulong ko sa sarili. “Limot mo na agad? Si Vanessa nga ba ‘yon?” “Of course not!” mabilis na sagot niya. “Hindi ko girlfriend iyon!” ulit pa niya. “Eh bakit kasama mo?” “Gusto niya sumama eh. At saka kasama ko lang girlfriend na agad?” katwiran niya. “Hmm. Babaero ka din siguro,” wala sa loob na sagot ko habang nakatingin din sa dagat. Tahimik lang si Theo at hindi na nagsalita. Mukhang may malalim siyang iniisip ngayon at hindi ako sanay ng ganoon siya. Ano naman kaya ang dahilan at biglang parang malungkot siya? “Hoy Theo!” tawag ko ulit sa kaniya sabay tapik sa balikat niya. “What?” tanong parin niya na parang nagulat pa. “Nasisiyahan ka yatang tumulala diyan sa dagat ano? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo ah? May problema ka ba?” hindi ko na napigilang itanong. “What do you like about him?” biglang tanong niya sa akin. Nakatitig siya sa aking mga mata. Bigla ay parang naiilang ako sa tingin niya. “B-Bakit mo itinatanong?” “Eight years. Minahal mo parin siya for eight years kahit pa hindi naman niya sinusuklian iyong pagmamahal mo.” Aray naman! Parang hindi ko gusto ang tabas ng dila ng lalaking ito ngayon. “Ang sakit mo naman magsalita, wala kang preno ah!” reklamo ko nalang kunwari. “I'm just telling the truth.” Hindi ko na magawang sumagot sa sinabi niya. Seryoso kasi siya ngayon. Ano pa ba ang sasabihin ko? Totoo naman na hindi ni Jace sinuklian ang pagmamahal ko sa kaniya. Ako lang itong pilit humahanap ng kakarampot na pag-asa na baka sakaling mapansin niya ako. “Trish…why do you still love him?” Bigla ay tanong niya ulit. Bakit nga ba mahal ko parin si Jace? Napatitig lang ako kay Theo. Bakit parang ang lungkot ng mga mata niya ngayon? “H-Hindi ko rin alam eh,” sagot ko. “Pero pipilitin ko ng kalimutan siya,” mabilis na dugtong ko. “A-Alangan namang patuloy ko siyang mahalin, diba? Paano kung magpakasal na siya kay Anne. T-Tama ka nga, baliw na talaga ako.” Biglang nagbago ang reaction ni Theo. “I-Im sorry, Trish. Wala akong intensyon na saktan ka.” “Okay lang naman. Totoo naman ang sinabi mo.” Pilit kong hindi ipinahalata na nasasaktan ako. Minsan pinipilit ko lang talagang maging masaya kahit ang totoo ay parang dinudurog ang puso ko sa sitwasyon ko ngayon. “You know why I asked you, Trish? Cause I used to be like you,” bigla ay nagsalita ulit si Theo matapos ang mahabang katahimikan. Agad akong napatingin sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin? Nagmahal din ba siya dati tapos sa huli ay basted siya? “W-What do you mean?” tanong ko sa kaniya. “Her name is Jen. Niligawan ko siya noong college, then we’ve been in a relationship for five years. Ang dami na naming plano at buong akala ko siya na talaga ang papakasalan ko.” “Then? W-what happened?” Sinulyapan ko siya at bakas sa mga mata niya ang lungkot. Mukhang hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya. Sino ba kasi ang Jen na iyon? Paanong nagawa niyang saktan ang tulad ni Theo? Almost perfect na siya sa paningin ko. “Nagkaroon siya ng job offer abroad. Malaking opportunity ‘yon. Kahit na alam kong baka mahirapan kami, pinayagan ko siya. Ayokong maging sagabal sa career niya. Nasa top siya ng class namin and she’s very competitive. Alam ko na kapag pinigil ko siya, magagalit lang siya sa akin sa huli.” “Then? Dahil magkalayo kayo kaya kayo naghiwalay?! H-Hindi naman sa mababaw para sa akin, pero iba na rin ang panahon ngayon---” “She broke up with me. She fell out of love.” Mahinang mahina ang pagkakasabi ni Theo at tagos iyong sakit. Hindi ko akalain na broken-hearted din pala siya. Hindi halata sa mga kilos niya. Lumapit ako sa kaniya ng pagkakaupo at hinawakan siya sa braso. Pero ng tunghayan niya ako ay napatigil ako at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Teka. B-Bakit ko nga ba siya hinawakan sa braso? Nakakailang tuloy! bulong ko sa sarili. “D-Don’t worry Theo. Makakahanap ka pa ng iba. S-Sa gwapo mong iyan---“ Biglang ngumisi sa akin si Theo. Nawala na ang lungkot sa mga mata at napalitan ng pang-aasar. “Don’t get me wrong, Trish. Naka-move on na ako,” nakangising sagot niya. “Eh bakit ang lungkot lungkot mo kanina?” “Siyempre, naalala ko lang kasi siya. Pero masaya na ako para sa kaniya ngayon at magkaibigan parin naman kami. Three years narin kaming hiwalay kaya okay na kami.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Hmm, talaga? Magkaibigan kayo ng ex mo?” “Of course! Palibhasa wala kang ex eh,” bulong niya. Hinampas ko siya ng mahina sa braso pero tumawa lang siya. “Ano nga ulit iyong sinasabi mo kanina? Sa gwapo kong ito, tama ba ang dinig ko?” “Wala akong sinabing ganoon ha!” “Narinig ko ehh! Gwapo pala ako sa tingin mo ha? Ehdi umamin ka din? Siguro pinagnanasaan mo ako minsan.” Bakit parang guilty ako? Pero hindi ako aamin! Alam kong namumula ako dahil sa sinabi niya at guilty ako. “Hoy ang kapal mo ha! Para sa akin si Jace---“ Sa pagkabigla ko ay mabilis na tinakpan ni Theo ang bibig ko habang nakatingin sa gawing likod ko. “Hey, love birds!” masiglang bati ni Anne sa amin. Nanginig ako pagkarinig sa boses ng babae! Mabuti nalang at nakita siya agad ni Theo kung hindi ay baka narinig niya ang sasabihin ko tungkol kay Jace! Paglingon ko ay sinalubong ako agad ng mga mata ni Jace na tila nagtataka sa ayos namin ni Theo. Sa pagkabigla ko ay inakbayan ako ni Theo. “We saw that you’re enjoying the sunset, kaya sumunod na kami ni Jace dito,” sagot ni Anne. Naupo ang dalawa sa tabi namin at wala na akong nagawa. “Trish, kailan pa kayo nagkakilala nitong si Jace? Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa kaniya,” tumatawang baling sa akin ni Anne. Narinig ko ang pagtutol ni Jace sa tabi nito. “Ahh, ano bang gusto mong marinig? Iyong maganda o iyong masama?” kunwa ay nang-aasar na tanong ko. “Nah! Ano namang sasabihin mo?” baling ni Jace sa akin. “Depende,” nakangising sagot ko. Tinaasan lang ako ni Jace ng kilay at tumawa si Anne sa reaction nito. “Ilan na ba ang naging girlfriends niya Trish?” nang-aasar na tanong ni Anne habang nakatingin kay Jace. “Hmm,” umakto ako na parang nagbibilang sa isip. “Oh come on!” angal ni Jace. “Huwag nyo ako gawing topic dito, please.” Humagalpak lalo ng tawa si Anne. “Masama bang malaman?” tanong nito sa nobyo. “Why do you need to know? They are my past for a reason. I don't care about them anymore. Ang mahalaga naman para sa akin ngayon ay ikaw,” seryoso at tila iritadong sagot ni Jace. Biglang nawala ang ngiti ko sa labi. Ayaw ko man aminin pero nasaktan ako. At alam kong wala ako sa lugar. Wala akong karapatang masaktan sa sinabi niya kay Anne, pero anong magagawa ko kung kusang kumikirot ang puso ko? Naramdaman ko ang mga mata ni Theo sa akin at mapait lang akong ngumiti sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD