“Saan ba tayo pupunta?” pangungulit ko kay Theo habang naglalakad kami patungo sa parking ng mall.
“Sa opisina,” tipid na sagot niya.
“Siguraduhin mo lang na mawawala ang pagseselos ko sa ipapakita mo sa akin ha!” banta ko sa kaniya.
“Nakaka-pressure ka naman!” tumatawang sagot niya.
Akmang magsasalita ako nang mahagip ng mata ko si Michelle na naglalakad di kalayuan sa pwesto namin. May kasama siyang lalaki na hindi ko kilala pero parang pamilyar sa akin ang pangangatawan. Para Nakita ko na ito dati pero hindi ko matukoy kung saan. Napansin siguro ni Theo ang tinitingnan ko kaya sinundan din niya iyon ng tingin.
“Migs?” bulong niya sa sarili at noon ko naalala kung sino ang lalaki. Magtatanong pa lang ako kay Theo pero nauna na niyang tawagin ang kaibigan.
“Migs!”
Lumingon si Migs pati na rin si Michelle at kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nilang dalawa. Maging si Theo ay bahagyang nagulat nang makilala kung sino ang kasama ni Migs. Ang bruhang si Michelle ay hindi magawang salubongin ang aking tingin! Para siyang batang nahuli sa aktong may ginagawang kalokohan.
“Oh, Migs, what a surprise! Saan ang punta nyo?” kunwa ay tanong ni Theo. Halata ang pagkaaliw niya sa nakikitang pagkaasiwa ng kaibigang si Migs.
“Ah…ah, she bought something,” ani Miguel na sinulyapan si Michelle. Ako naman ay makahulogang tumingin kay Michelle. Hindi man lang niya nabanggit sa akin na lumalabas sila ni Migs samantalang bukas na libro sa kanila ni Ron ang lovelife ko.
Napatango naman si Theo sa narinig. “Close na pala kayo?” nakakalokong tanong pa niya.
Halos mamula mamutla naman si Migs sa sinabi ni Theo. “No! I..I mean, i-it’s not what you’re thinking.”
Napakunot ang noo ko sa narinig. Nagtatanong ang mga mata ko kay Michelle pero bahagya lang siyang umiling sa akin. Nakikiusap ang kaniyang mga mata, dahil doon ay inaya ko na lang ang makulit na si Theo.
“Its’s nice to see you here, Migs. Mauna na kami sa inyo, may pupuntahan pa kasi kami ni Theo.”
“B-Bye, Trish. I’ll call you tonight,” pahabol pa sa akin ni Michelle. Sa tinginan pa lang namin ay nagkaunawaan na kami. Madaming kailangang ipaliwanag sa akin ang babaeng ito! Kailan pa sila nagsimulang lumabas ni Migs?
Tumatawa si Theo nang makasakay kami sa sasakyan. “Akalain mo ang dalawang ‘yon at lumalabas na pala ng magkasama. Mukhang may iba pang nangyari that night na hindi natin alam,” aniya na ang tinutukoy ay ang gabing nagkakilala si Migs at Michelle.
“Mukha nga. Pero walang nakwento sa akin si Michelle.”
“Kahit si Migs, wala ding sinasabi sa akin.”
“Talaga ba?” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakadama ng pag-aalala para sa kaibigan.
“Yeah. Migs is a very private person. Madalang siyang magkwento ng personal life niya.” Paliwanag ni Theo na tila nabasa ang iniisip ko.
“S-Sana lang hindi dehado ang kaibigan ko sa kaibigan mo ha!”
“Huh? Bakit ganiyan ang iniisip mo?” nagtatakang tanong niya.
“Eh kasi, halos itanggi ni Migs si Michelle kanina eh!”
Bahagyang ngumiti si Theo. “You don't have to worry. It's the first time I've seen Migs with a woman. He enjoys having ladies in his bed, but he didn't want to associate his name with any of them. Malabo ‘yong sumama sa babae sa mall, ngayon lang. Kaya sa tingin ko ay may tama sya sa kaibigan mo.”
“Hmm. How about you? Do you enjoy women in your bed?” tanong ko.
Biglang nawala ang ngiti niya at pinagsisihan ko naman ang tanong ko.
“Why are you even asking me that?” kunot-noong tanong niya.
“W-Wala lang. Alam ko naman ang sagot noon pa.”
Hindi na siya umimik at tila nag-iisip siya. Maging ako ay natahimik na lang din. Nakakapagsisi talaga ang kadaldalan ko. Nagsimula na siyang tahakin ang daan patungo sa opisina niya at tahimik kami pareho sa byahe.
“Trish,” mahinang tawag niya kaya napatingin ako sa kaniya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan nang magsalita. “The answer is yes. I've been with a lot of girls in the past. But I swear to God, I haven't been with anyone since I met you. And right now, all I want is you.”
Napalunok ako ng laway sa narinig. Parang nanuyo ang labi ko sa sinabi niya at hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko. Hindi naman lihim sa akin na madaming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Ilang beses na kaming nagkakwentuhan noon. At isa pa, ako mismo ang saksi sa kung paano siyang nakakakuha ng atensyon ng mga kababaihan sa tuwing lumalabas kami. Ilan na kaya ang naging kasintahan niya matapos si Jen? Gaano kaya sila kaganda? Heto na naman ang pag-ahon ng mga insecurities ko. Mabuti pa noong magkaibigan pa lang kami, hindi ko naiisip ito.
Hanggang sa mag-park si Theo sa tapat ng building na inuupahan ay hindi pa rin ako makapagsalita ni makatingin sa kaniya. Napapitlag pa ako nang bigla niya akong hawakan sa mga kamay.
“I’m sorry. Did I make you uncomfortable?” bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.
“Ha? H-Hindi ah!” tanggi ko. “L-Lets go?” aya ko sa kaniya.
Kahit mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko ay tumalima naman siya. Magkasabay kaming pumasok sa building. Agad naman siyang binati ng mga empleyado doon.
“Good afternoon, Maam Trish, sir Theo,” bati ng sekretarya niya. Napansin kong dumadami na ang empleyado ni Theo. Ang ilan sa kanila ay busy sa paggawa ng plano habang ang karamihan naman ay sa office works. Sigurado akong karamihan sa mga engineer niya ay nasa field pa.
Pagpasok namin sa loob ng opisina niya ay napangiti ako. Nagtataka namang napatingin siya sa akin. “Anong nginingiti mo diyan?”
“Wala lang. Proud lang ako sayo. Dumadami na ang empleyado mo ah?” sabi ko habang naupo sa sofa sa isang sulok ng opisina niya.
“That’s why I must work hard. Para siguradong may pampa-sweldo ako sa kanila. Lalo pa at may pinag-iipunan ako ngayon.” Paliwanag niya habang may kinukuha sa office table niya.
“Anong pinagiipunan mo?” tanong ko na ang mga mata ay nakatuon na sa cellphone.
“This. Ito ‘yong sinasabi kong ipapakita ko sayo at ang pinag-iipunan ko.” Naupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang isang folder. Nagtatakang tinanggap ko iyon. Pagbuklat ko ay tumambad sa akin ang plano ng isang bahay. Naroon ang perspective at floor plan. Four-bedroom, modern ang design at may malawak na garden. Para sa amin ba ito? Ang lawak at ang ganda ng design. Gusto kong magtanong pero naunahan ako ng hiya.
“What do you think? Four bedrooms, three for our kids.”
Noon ako napatingin sa kaniya. Kung gayon ay tama ang nasa isip ko? Para sa bahay namin ang plano na ito? Seryoso ba siya? Oh, I love this man! Napakaswerte ko sa kaniya talaga! Nakanganga lang ako habang nakamasid sa kaniya kaya bahagya siyang tumawa.
“Trish, baka gusto mong magsalita? Plano pa lang ‘yan hindi ka na nakaimik diyan, paano na kung constructed na ‘yan?” nang-aasar na untag niya sa akin. Ngunit sa halip na mapikon ay bigla ko siyang sinugod ng yakap na siya niyang ikinagulat.
“I love you, Theo,” bulong ko. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya sa pinaghalong hiya at saya. Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.
“Do you like it?” Bahagya akong nakiliti sa ginawa niyang pagbulong sa puno ng tainga ko.
“Ah-huh,” sagot ko kahit pa ang isip ko ay nakatuon na sa kaniyang mga labi na malapit na malapit na sa balat ko.
Napasinghap pa ako ng maramdaman ko ang paglapat niyon sa puno ng aking tainga at gumapang sa aking leeg. Mariin akong napapikit dahil sa kiliting dulot noon. Ngayon lang ako nakakaranas ng ganito sa buong buhay ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nang dumako ang mga labi niya sa panga ko ay napatingala ako para bigyan pa siya ng access sa aking leeg, ngunit sa halip ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Parang may sariling isip ang aking mga kamay na kusang pumulupot sa batok niya. Lumalalim na ang kaniyang mga halik at maging ang mga kamay niya ay nagiging malikot na rin. Napapitlag ako ng maramdamang ipinasok niya ang kaniyang kamay sa suot kong damit. Kay init ng palad niyang nakadikit sa aking balat. Napigil ko ang paghinga nang gumapang iyon patungo sa aking dibdib at bahagya niyang pinisil iyon. Ang ginawa niya ay naghatid ng kakaibang sensasyon sa akin. Lahat ng ito ay bago sa aking pakiramdam. Hindi pa siya nasiyahan dahil namalayan ko na lang na nakakandong na ako paharap sa kaniya habang magkalapat ang aming mga labi.
“Ahh, T-Theo,” bulong ko. Maging ako ay hindi alam ang ibig sabihin noon; kung gusto ko ba siyang pigilin o may iba akong gustong gawin. Hindi ko na alam. Nalulunod na ako sa sensasyon at nawawala na sa katinuan nang biglang may narinig kaming mga katok sa pinto. Napaungol si Theo nang hindi tumigil sa pagkatok ang kung sino man ang nasa pintuan. Napilitan akong kumalas sa kaniya.
Marahas siyang nagbuntong-hininga at tinitigan ako. Nag-iinit ang aking pisngi pero ang plano kong pag-iwas ng tingin ay napigil nang ikulong niya ang mukha ko sa kaniyang mga palad.
“I love you, Trish. Huwag mo nang pagselosan si Jen o kung sino mang ibang babae. Huwag na natin silang pag-usapan dahil nakaraan na sila. Lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa ating dalawa.”
Lalong nag-init ang mukha ko sa sinabi niya lalo pa nang mapansin ko na amused na siyang nakatitig sa akin. Bahagya lang akong tumango at siya naman ay tumayo na pero bago siya magtungo sa pinto ay nilingon niya ako mulo.
“Fix yourself,” aniya.
Noon ko lang napansin na nakalilis pa pala ang damit ko at maging ang buhok ko ay nagulo. Nakatungong inayos ko ang sarili at narinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya habang patungo sa pinto.
Simula nang makilala ko ang lalaking ito, samu’t saring emosyon na ang dinadala niya. Nariyang naiinis, kinikilig at napapahiya ako sa kaniya. Sinulyapan ko siya na kausap na ang secretary niya at muli akong natigilan pagkakitang sa akin pa rin siya nakatingin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Sana ay hindi na matapos ang kasiyahan kong ito.